LAURA
Umuwi ako nang matapos ko na asikasuhin si Ate Summer. Madalas pa rin itong tulala at hindi maganang kumain. Hindi ko siya masisisi dahil hindi ko naman alam kung gaano kasakit mawalan ng anak.
Napansin ko ang isang paper bag na nakalagay na nakasabit sa pintuan at inabot iyon upang buksan. Namula ang aking pisngi nang makita na tatlong pares iyon ng underwear na pangbabae.
Hindi ko tuloy alam kung saan iyon ilalagay upang hindi malaman ni Hans na ginalaw ko iyon. Sa huli ay nilapag ko nalang siya sa outdoor bench ng entrance door para madaling makuta ni Hans kapag nakauwi na siya.
Nagluto ako ng hapunan para kapag nakauwi na si Hans ay may kakainin siya. Habang hinihintay ko na mainin ang sinaing ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Hawak ni Hans ang gloves na ginamit sa kick boxing.
Hinangin ang maluwag na itim na sando nito at bahagyang sumusungaw ang ripped na katawan niya. Napalunok at nag-iwas ng tingin.
"What's for dinner, babe?"
Babe? Please lang, ha. Ayaw kong ma-fall.
"Nagluto ako ng ginisang sayote na may atay ng manok."
Nagkunwari ako na may ginagawa upang hindi magtagpo ang mga mata namin. Dahil alam kong maglalaway na naman ako dahil ngayon ko lang siya nakita na ganoon ang kasuotan.
Napasinghap ako nang makita ang papalapit nitong anino sa akin. Mabilis akong tumalikod at nagpunas ng lababo.
"Bakit hindi ka makatingin sa akin?"
"Huh? Ano ang sinasabi mo dyan? May ginagawa kaya ako."
"Laura..." Dumaiti ang kamay nito sa aking mga bewang at parang napapaso akong lumayo.
"Luto na ata ang sinaing."
Narinig ko ang mahinang pagtawa nito na tila naaliw sa aking reaksyon.
"Lau--"
"Pakikuha naman iyong mga plato para makakain na tayo."
Bago pa man ako makalayo ay hiniwakan niya ang aking balikat at mabilis na hinarap sa kanya. Ngunit imbis na maglaway ay mas umangat ang pag-aalala nang mapansin ang pasa sa gilid ng kanyang labi.
Hinawakan ko ang kanyang mukha. "Ano ang nangyari sa iyo? Sino ang bumugbog sa iyo? Ano ba iyan?!"
"Easy, woman. Take it easy."
Sumimangot ako at binitiwan siya. "Nabugbog ka na nga, tumatawa ka pa diyan!"
"God, Laura, you're so adorable."
Inirapan ko ito at tinalikuran.
"Bodyguard pero bugbog sarado sa kick boxing. Delikado pala buhay ni Sir Greyson dahil ikaw ang head of security niya." Inis kong bulong ngunit alam ko na naririnig naman niya iyon.
"Baby..." Napasinghap ako nang dumaiti ang mainit na hininga nito sa aking tenga.
Umiwas ako at lumayo. Nag-init ang aking mga pisngi habang hawak ang tenga na binulungan niya.
"Huwag mo ng uulitin iyon. Sisikuhin talaga kita, Hans."
Ngumiti ito at humakbang palapit sa akin. "Dadagdagan mo iyong pasa ko sa mukha?"
Sa bawat hakbang niya at umaatras ako.
"Hindi mo ba ako gagamutin man lang? Isang halik lang, Laura."
"Hans, sabi mo ay ititigil mo na ang panunukso sa akin."
"I'm not teasing you."
"Eh, ano ito?"
"Ang gusto ko lang naman ay gamutin mo ako."
Huminga ako ng malalim at pumikit. Pinaupo ko siya sa silya at kumuha ng ice pack bago bumalik sa kanya. Dinikit ko iyon sa kanyang pisngi.
"Hawakan mo po," mahinahon kong saad.
"Ayaw. Nangangalay ang kamay ko."
Gusto kong ihampas yung yelo sa mukha niya pero hindi ko nalang tinuloy. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan lang niya ako at nasisiyahan siya sa mga nakikitang reaksyon sa akin sa tuwing tinutukso niya ako.
"Bakit ka nagpabugbog?"
"Hindi ako nagpabugbog. Nakaisa lang siya sa akin. Sinuwerte lang siya."
"Okay po, sabi mo po, eh." Hinawakan niya ang aking kamay at napatingin ako sa kanya. "Akala ko ba ay nangangalay ang kamay mo?"
"Oo nga."
Hindi na niya iyon sinundan kaya hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin. Biglang umilaw ang cellphone ko na de-keypad at agad kong inabot iyon upang sagutin ang tawag.
Humigpit ang hawak ni Hans sa aking kamay. Kumunot ang aking noo.
"Kailangan ko itong sagutin, Hans."
"Don't go, Laura."
Halos hindi ako makahinga. At mas lalong bumilis ang t***k ng aking puso nang umikot ang mga braso nito sa aking bewang at ibinaon ang mukha sa aking tiyan.
"H-Hans..."
"Alam kong number iyan ng isang landlord ng nag-o-offer ng bed spacing. Don't answer the call, you can stay here as long as you want."
"Nakakaistorbo na ako sa iyo, Hans. Alam kong hindi mo na magawa iyong mga dati mong ginagawa simula noong patirahin mo ako rito."
Tumingala ito, nakakunot ang kanyang noo. "Katulad ng?"
Nag-iwas ako ng tingin. "K-Katulad ng... uhm, alam mo na ang ibig kong sabihin."
Tumayo ito at sa pagkakataon na iyon ay ako na ang tumingala. Parang hinihigop nito ang enerhiya ko nang lumukob sa akin ang kanyang anino. Nagsimula na rin na manginig ang aking mga tuhod.
"Laura, katulad ng ano?"
Nag-iwas ako ng tingin. "H-Hans—"
Hinawakan niya ang aking pisngi at hinuli ang aking mga mata. "Look straight at me and tell me what's bothering you, lady."
Napakapit ako sa matigas na braso nito at halos hindi ako makahinga dahil sa malapit ang distansya ng mukha niya sa akin.
"Nahihiya lang ako dahil hindi ka na makapagdalawa ng mga babae rito dahil sa akin. Nahihiya ako dahil napipigilan kita sa mga gusto mong gawin."
"Mga babae?"
"O-Oo, narinig ko kasi sa mga kasamahan mo na simula noong dumating ako rito ay parang nagpapakasanto ka na raw."
"Paano mo naman nasabi na nagdadala ako ng babae rito?"
"Iyong paperbag sa labas, aksidente na nakita ko kung ano ang laman niyon."
"Mahina talagang umintindi ng instructions si Jack. Dapat sa tao na iyon ay sinisimento sa drum." Mahina niyang bulong.
Lumuwag ang mga braso nito kaya sinamantala ko iyon upang makalayo. Tinanggal ko sa saksak ang rice cooker ngunit biglang hindi ako makagalaw dahil iniharang ni Hans ang mga braso sa aking gilid.
Inilagay niya ang kanyang noo sa aking balikat. Napakapit ako sa kitchen counter upang masuportahan ang aking sarili.
"Laura, that lingerie is for you."
“Bakit mo ako binilhan ng ganoon? Hindi naman ako nagsusuot ng mga ganoon.”
“Other girls like to wear those. Why don’t you try it and throw your grandma panties away?”
Halo-halo ang aking nararamdaman. Hiya, galit, selos, at marami pang iba. Kumuyom ang aking mga kamay. Siguro ay ilang beses na niyang nakita ang mga nilalabhan kong bra at panty at nakita na rin niya kung gaano iyon kagamit na.
Alam kong hindi ako masyadong makabili ng sarili kong gamit dahil may pamilya pa ako na sinusuportahan at malaking porsyento ng sahod ko ay sa kanila napupunta.
Kaya ba naawa na sa akin si Hans at binili niya ako? Pero dapat ba ay magpasalamat ako sa kanya? Ang totoo ay mas nahihiya pa nga ako sa aking sarili dahil kinailangan ko pa ng suporta ng iba para lang makabili ng sariling gamit.
“Saka, if you’re wearing those old things, baka walang lalaki na sumeryoso sa iyo. Binilhan na rin kita ng bagong damit dahil halos kupas na ang mga sinusuot mo.”
Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan na makapagsalita ng masakit. Alam kong walang masamang intensyon si Hans at gusto lang niyang makatulong, pero parang tinatapakan na niya ang aking pagkatao.
Oo na, mahirap na ako.
Oo na, walang lalaki na magkakagusto sa akin.
Pero kailangan pa ba niyang ipamukha iyon sa akin? Sabi na nga ba at wala siyang interest sa akin at nais lang niya akong paglaruan.
Sa sobrang inis na nadarama ay namuo ang luha sa aking mga mata. Mahina kong tinulak si Hans at naglakad palayo sa kanya habang nakayuko.
Hindi ko pinapansin ang ilang beses na pagtawag niya sa aking pangalan.
Humarang siya sa aking harapan. “Laura, I’m sorry, hindi ko sinasadyang sabihin iyon.”
Nilagpasan ko lamang siya ngunit hinawakan niya ang aking kamay. “Laura, I was over the line. Hindi ko dapat ginawa iyon. Hindi kita dapat pinangunahan.”
Hindi ako umimik at binawi lang ang kamay. Sa pagkakataon na iyon ay hinayaan nalang niya ako na makapunta sa aking silid.
Napasandal ako sa pinto at malalim na huminga. Ilang beses ko iyong ginawa para mapakalma ang sarili. Hindi lang naman si Hans ang nagsabi nito sa akin. Marami na rin akong nakilala na hindi na natiis kung paano ako magdamit at sa palaging pag-prioritize ko sa aking pamilya.
Humiga ako sa kama at hindi ko na naramdaman ang gutom. Tumunog ang aking cellphone at binasa ang mensahe.
‘Salamat sa padala mo. Sana sa susunod ay madagdagan man lang. Tumaas ang enrollment fee ng mga kapatid mo.’ Mensahe ni Nanay sa akin.
Hindi man lang niya ako kinamusta— sa bagay, simula palang ay ganoon naman siya.
‘Sige po, inay. Gagawan ko po ng paraan.’ Iyon na lamang ang aking naisagot.
‘If you’re wearing those old things, baka walang lalaki na sumeryoso sa iyo.’ Ilang beses umiikot sa aking isipan ang mga salitang binigkas ni Hans.
Mabuti na lamang at hindi pa lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya. Pare-pareho lang sila na gamit ang tingin sa akin.
Sa bagay, sa isang katulad ni Hans na namuhay sa marangya at kumakain ng apat na beses sa isang araw— mas Mabuti kung ang babae na makakasama niya ay kayang magbihis ng mamahalin at hindi kupas. At higit sa lahat ay kayang kumain na kubyertos ang gamit.