LAURA’s POV
Nang mag-alas singko na ng umaga ay bumangon na ako upang mag-ayos at maghanda ng almusal. Hindi ko natanong si Hans kung kailan siya makakauwi ngunit maghahanda nalang ako ng makakain niya kung sakali.
Habang nagluluto ay nabitiwan ko ang plastic na lalagyan ng ketchup at pumusik ang laman niyon papunta sa aking damit.
“Hala, ang clumsy ko naman!”
Kinuha ko ang basahan at pinusan ang nadumihang mga gamit. Pinunasan ko ang aking pawis nang matapos maglinis, pagkatapos ay tiningnan ko ang aking anyo. Napasimangot ako.
“Hay, paborito ko pa naman ang damit na ito.”
Umaykat ako sa taas at naghanap ng pamalit na damit. Ngunit nanlumo ako nang mapansin na hindi pala ako nakapagdala ng sapat na damit at lahat ng dala ay nasa labahan pa.
“Pagdating ni Hans ay saka ko nalang ipapaalam na nanghiram ako ng damit sa kanya.” Bulong ko sa sarili.
Binuksan ko ang closet nito at kinuha nag puting t-shirt. Hinubad ko ang aking damit at sinuot iyon. Umabot ang haba nito sa kalahati ng aking hita.
“Sana ay hindi ito magalit sa akin.”
Lumabas ako ng silid at bumalik sa pagluluto. Kumuha ako ng sibuyas, bawang, mga patatas, at isang lata ng corned beef. Kinuha ko ang aking cellphone at pinatugtog iyon.
Dahil nag-iisa ay hindi ko maiwasan na mapaindak sa nakakaaliw na musika na minsan ay sinasabayan ko pa ng pagkanta.
Lumakad ako patungo sa fridge at tumingin ng maaaring isama sa egg sandwich na binabalak kong gawin. Yumuko ako at nakita ang isang buo na pipino. Inabot ko iyon at tinitigan.
Magiging maayos kaya ang lasa ng egg sandwich kung lalagyan ng pipino? Hindi kaya iyon magiging malabsa? Pero saan pa ba pwedeng ilagay ang pipino? Sayang naman kung lalambot na ito bukas.
Tinitigan ko iyon at pinag-isipang mabuti ang gagawing desisyon. Sabi nila ay maganda sa katawan ang pipino at pati na rin sa balat.
“Are thinking of something naughty?”
Halos napatalon ako sa gulat nang marinig mula kung saan ang boses na iyon. Luminga ako sa paligid ngunit wala naman akong nakita na tao.
“S-Sino?! Saan galing ang boses na iyon?!”
“It’s me, baby. Hans.” Baby? Ano raw? Bakit niya ako tinatawag ng ganoon?
“Hans?! Saan ka naroroon?!”
“Still at the hell hole. I was just watching you through the CCTV on your upper left.”
Tumingin ako sa tinutukoy nito at nanlaki ang mga mata nang makita ang sinasabi nitong CCTV.
“Oh my gosh!” Naitakip ko ang mga kamay sa aking mukha. Hindi ko alam kung paano ito papakiharapan.
Ibinaba ko ang pipino sa kitchen island at nagmamadaling lumabas sa kusina. Dali-dali akong umakyat sa silid at pinagkukuha ang mga gamit ko. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng privacy sa bahay na ito dahil sa ginawa ni Hans.
“Aalis na ako rito!”
“H-Huh? Bakit? Did I do something wrong?” Oo, marami! Hindi komo’t pinatira mo ako rito ay may karapatan ka ng pasukin ang buhay ko ng hindi ko nalalaman.
Muli akong nagulat nang manggaling muli ang boses nito sa kung saan basta’t tinuloy ko nalang ang pag-aayos ng mga gamit.
“Wala na akong privacy dito! Nakakahiya!”
Pagbaba ko ay narinig ko kaagad ang pagtunog ng aking cellphone. Nakita ko na nagre-request ng videocall si Hans. Pinag-isipan kong mabuti kung dapat ko ban sagutin ang tawag nito. Mariin kong pinagdikit ang mga labi at pinindot ang ‘accept’.
Hindi ko ito tiningnan at nakasimangot lang ako. “I’m sorry. I really am. Please don’t leave.”
“N-Nakakahiya!”
“Laura, don’t leave.” Batid ko ang pagmamakaawa sa kanyang boses. “It just excites me to see you wear my clothes while bending like that. So, I can’t help but tease you more.”
“Hindi mo na ito uulitin?”
“Hindi na. I promise.”
Pinikit ko ang mga mata at huminga ng malalim. Pagdilat ko ay sinalubong ko ang nagniningning na mga mat anito. “Iniisip ko lang naman kung saang recipe ko ilalagay yung pipino kaya matagal ko itong tinitigan, kasi baka umuwi ka na mamayang gabi.”
Napalunok siya. “You can… You can… uhm, put it in you and serve it to me.”
“Hans!” Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses.
“I’m sorry! I’m sorry! I can’t help it! I’m a dirty motherf*ck*r!”
Hindi na nagtagal ang videocall namin dahil pinatawag na ito ni Greyson. Sinabi sa akin ni Hans na sa gabi ay nandito na siya sa kanyang villa at personal na hihingi ng tawad sa akin.
Habang hinihintay ito ay pinili ko na magbasa ng mga magazine na nakita sa ilalim ng centertable. Na-a-amaze ako sa mga disenyo ng condominium na nakikita sa mga pahina. Bata palang ay gusto ko ng matuto ng interior designing ngunit dahil kapos sa buhay ay Grade 10 lang ang aking natapos.
At para makapag-aral ang aking mga nakababatang-kapatid ay kinailangan kong magtrabaho upang pantutos sa kanila dahil hindi sapat ang kinikita ni itay sa pagsasaka. Sana ay magkaroon ako ng pagkakataon na makapag-aral dahil gustong-gusto ko talagang makapagtapos.
Nawala ang atensyon ko sa magazine na hawak nang magbukas ang pinto at pumasok si Hans. Tumingin ako sa orasan at hindi napansin na alas-nuwebe na pala ng gabi. Tinanggal nito ang itim na salamin sa mga mata at ibinagsak sa sahig ang malaking bag na dala.
Tumayo ako at inayos ang aking damit. “Magandang gabi.”
Ngumiti ito at naglakad patungo sa akin. Humigpit ang aking hawak sa magazine. Dahil sa tangkad niya ay napailalim ako sa kanyang anino.
“Hi. Late na, bakit hindi ka pa natutulog?”
“Sabi mo kasi ay uuwi ka.”
“Hinintay mo ako?”
Tumango lang ako. “Mas masarap kasi ang pagkain kapag may kasabay kang kumain.”
“That’s a good wife would say.”
Hindi ako nakaimik nang sabihin nito iyon. Hanggang kailan ba balak ni Hans na tuksuhin ako? Kailangan kong pigilan ang aking sarili na tuluyang mahulog ang loob sa kanya dahil hindi ko pa alam kung ano ang totoong motibo nito kung bakit niya ako pinatira rito.
“Sinabi ko lang dahil iyon naman talaga ang totoo. Hindi ko kino-consider ang aking sarili na asawa mo.” Malamig kong saad.
“You’re so serious. Nagbibiro lang ako.”
Akala ba niya ay nakalimutan ko ang ang nagawa niya sa akin kaninang umaga? Akala ko ang magso-sorry ito ng personal pero talagang matataas ang pride ng mga Alpha.
Napabuntong-hininga ako at lalagpasan ko na sana siya ngunit hinawakan niya ang aking braso. Nilingon ko siya at bumungad sa aking ang isang malaking pula na rosas.
“I’m sorry for what I’ve done this morning. I promise that I won’t do it anymore.” Naramdaman ko ang sincerity sa kanyang boses.
Dahan-dahan kong inabot iyon at yumuko upang hindi nito makita ang pamumula ng aking pisngi. Ito ang unang beses na nakatanggap ako ng bulaklak mula sa isang lalaki.
Hindi ko alam kung bakit to ginagawa sa akin ni Hans ngunit hinayaan ko nalang ang akin sarili na isipin na may pagtingin ito sa akin ngayong gabi.
Ang gabi na iyon ang unang beses na nagsabay kami na kumain ni Hans at nagkuwento ito tungkol sa mga pangyayari sa kanya buong araw.
Upang hindi tuluyan na mahulog ang loob sa binata ay paulit-ulit kong sinisigaw sa aking isipan na pansamantala lamang ako rito at ang isang tulad ni Hans ay hindi gusto ang isang permanente na relasyon…
Kaya ang dapat na maramdaman ko sa kanya ay pansamantala lang din.