CHAPTER 1: SCATTERED PIECES
LAURA's POV
"I said, get out of my room!" Sigaw ni Miss Summer.
Napako ako sa aking kinatatayuan nang hawakan nito ang vase na nasa ibabaw ng mesa at binato iyon papunta sa akin.
Iniharang ko ang aking nga braso sa harapan at mariing pumikit, at hinanda ang sarili sa anumang kirot na naramdamang bagkus ay may pumalibot sa akin na mga bisig.
Nakarinig ako ng pagkabasag ngunit wala akong naramdaman na kirot kaya't unti-unti kong dinilat ang mga bata. Napaawang ang aking labi nang makita ang matangkad na lalaki sa aking harapan.
Napasinghap ako. Nilingon nito si Miss Summer at matalim na tiningnan.
"Let's leave, Laura." Saad ni Hans habang ginagabayan ako palabas ng silid.
"I'm... I'm sorry. Hindi ko sinasasadya." Kahit pabulong ay narinig ko ang huling sinabi ni Miss Summer bago kamu tuluyan na makalabas.
Umupo ako sa bench at nakita na nanginginig ang aking kamay. Ngayon ko lang nakita si Miss Summer na ganoon at labis ko iyong ikinagulat. Alam kong nasasaktan siya dahil sa pagkamatay ng kanyang anak at kahit na muntik na niya akong masaktan ay inunawa ko pa rin siya.
"Are you alright?"
Napatingala ako at nakita si Hans na may inaabot sa aking tubig. Kinuha ko iyon mula sa kanyang kamay ngunit bigla niyang iniiwas iyon.
Nagulat ako nang hawakan niya ang nanginginig kong kamay at lumuhod siya sa aking harapan.
"You're trembling. You must be scared."
Binawi ko ang kamay mula sa kanya at umayos ng upo. "S-Salamat po pala sa pagprotekta sa akin kanina. Hindi po ba kayo nasaktan?"
Gumuhit ang isang mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi. "You don't have to use 'po' to me. I am not that old."
"Alam ko po, pero hindi po tayo magkamukha ng lebel sa buhay. Ang hindi nakapag-aral na tulad ko—"
"Laura, huwag ka ng magpaka-sad girl diyan. Kausapin mo nalang ako ng normal, hindi mo naman ako amo."
Napayuko ako. "O-Okay."
Napasinghap ako nang ipatong nito ang kanyang kamay sa aking ulo. "You'll be fine. I'll talk to you later."
Habang naghihintay sa labas ng silid ni Miss Summer ay biglang dumating si Master Greyson. Agad akong tumayo at magalang na binati ito. Kumunot ang noo ni Hans nang mapanuod ako habang ginagawa ang pagbati.
"Is she..." Napalunok si Master Greyson at tila balisa dahil hindi na nasundan ang sasabihin niya.
Umiling ako. "Hindi pa rin po niya ako kinakausap, master."
Napabuntong-hininga si Greyson. "Bukas ay idi-discharge na siya. Kung ayos lang sa iyo, Laura, ay ipapaayos ko ang isang silid na pansamantalang matutuluyan mo."
"Greyson, I'll take her." Singit ni Hans na siyang ikinagulat ko.
"What?"
"She can't stay in the mansion. Summer tried to harm her, what made you think that she won't do it again?" Hans sighed deeply. "Greyson, your mate is unstable. Do you understand what I am trying to say?"
Nagpabalik-bakik ang tingin ni Master sa akin at kay Hans. Hanggang sa parang nagkaintindihan ang dalawa gamit lamang ang mga mata.
"Master, pwede naman po na mag-bedspace nalang ako sa malapit."
"Hindi. Ako ang nagpapunta sa iyo rito, kaya dapat ay ako ang umasikaso ng titirahan mo." Lumipat ang tingin nito kay Hans. "I think Hans has a spare room in his villa. And he's using that house for a while since he's always at the headquarters."
"Pero, master—"
"It's also within the mansion's vicinity, so you can visit Summer anytime you want as long as she's stable."
Wala na akong nagawa kung hindi sumunod nalang sa utos niya. Nang makarating sa villa ni Hans ay nabigla ako sa ganda at laki niyon.
Ibinaba ni Hans ang susi sa centertable at hinubad ang suot na jacket. Ipinatong niya iyon sa sandalan ng couch at lumapit muli sa akin.
"Dahil matagal na akong bodyguard ni Greyson ay ipinangalan niya ang bahagi ng lupain na ito sa akin."
"Salamat sa pagpapatuloy mo sa akin dito."
"Let's go upstairs. Ipapakita ko sa iyo kung nasaan ang kuwarto mo."
Napapitlag ako nang hawakan nito ang aking likuran at mahinang tinulak paakyat sa hagdanan. Napansin nito na hindi ako kumportable sa ginawa niya at agad ring tinanggal iyon. Tumigil kami sa dulong na pintuan at binuksan niya iyon.
Pumasok ako roon at binaba ang hawak na duffle bag bago pinagmasdan ang malaking silid. Lumingon ako kay Hans at kinunutan ito ng noo. "Master's bedroom ba ito?"
"Yes. You'll stay here."
Hinawakan kong muli ang bag at nagmadaling lumabas sa silid. Tumigil ako nang iniharang ni Hans ang katawan sa pintuan.
"Ano ang problema?"
"Sir Hans—"
Sumimangot ito. "Hans. I'm not a knight."
“Uhm, hindi po ako nararapat sa kuwarto na ito. Hindi naman po ako ang may-ari ng bahay.”
“I don’t sleep here often, and most of the times, inaabutan lang ako ng antok sa couch.”
“H-Hans, doon nalang po ako sa may couch.”
Ngumiti ito ng mapaglaro at yumuko upang maglebel ang aming mga mata. “Gusto mo akong tabihan?”
Umatras ako para magkaroon ng sapat na pagitan sa amin. “Hindi naman sa ganoon.”
“Then, sleep here.”
Lumingon ako upang pagmasdan muli ang malaking silid bago ibalik kay Hans ang tingin. “Paano po ako makakabayad sa pagpapatira mo sa akin dito?”
His face lit up. “Cook for me. Summer told me that you’re good at it.”
Kinagat ko ang aking ibabang labi at tumango sa kanya. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit pumasok sa isipan niya na patuluyin ako rito. O hindi kaya ay baka may balak ito sa akin?
Hindi ko alam ang tumatakbo sa kanyang isipan kahit na matagal ko na siyang pinagmamasdan mula sa malayo. Noong unang araw na tumuntong ako sa mansion na ito nahuli na agad ni Hans ang aking atensyon. Ngunit pilit kong tinunaw ang ano mang nararamdaman sa kanya.
Sa kilos at pisikal na anyo nito, ay paniguradong kaya niyang mapaibig ang kahit na sinong babae na lalapitan niya. Noong nagtatrabaho pa ako kay Master Greyson ay hindi naman niya ako pinapansin ngunit heto at nag-iba ang trato niya sa akin nang magkita kaming muli.
“Ang lalim naman ng iniisip mo.”
Napasinghap ako nang mapansin na malapit na ito sa akin. Agad akong umatras papalayo ngunit panay ang paglapit nito sa akin. Hanggang sa masandal ako sa salamin ng bintana. Umiip ang hangin mula sa uwang nito at sumayaw ang lace na kurtina sa aking gilid.
Hindi na ako makahinga sa patuloy na paglapit sa akin ni Hans. Itinago ko ang sarili sa kurtina at tumalikod sa kanya. Sana ay hindi nito napansin ang pag-init ng aking pisngi.
“Hans… naiilang ako.”
“I’m…” Tumama ang likod ko sa matipunong dibdib nito at mariin akong napapikit. “…starving.”
“O-Okay.” Saad ko sa kabila ng kakapusan ng paghinga. “Ipagluluto na kita. Puwede bang lumayo ka na sa akin?”
Tumayo ang balahibo ko sa mga braso nang marinig ang mahinang pagtawa nito. Tila kinaliti niyon ang aking tenga.
“Alright. I’ll stop and wait for you at the kitchen.”