CHAPTER 6 - PIGILIN

1766 Words
LAURA   Pinapanuod ako ni Hans habang kinakain ang luto niya. Nginitian ko ito at binaba ang kutsara. “How was it?” “Makakain naman.” Tumaas ang isang kilay niya. “Sinunod ko lahat ng sinabi mo. Bakit hindi masarap?” “Okay lang, hindi ka naman sanay na magluto ng mga ganito.” “Are you insulting me? Kaya kong gawin ang kahit ano.” “Huwag ka ng magalit. Sabi ko naman, makakain natin ito, eh. Saka na-perfect mo naman iyong pritong galunggong.” Inabot ko ang bintana at ini-slide iyon para mabuksan at mapasingaw ang amoy ng isda. “Parang masarap iyang niluluto mo, main!” Napaigtad ako nang may sumungaw na ulo roon. Ilang beses ako napaatras ang kung hindi lang sinuportahan ni Hans ang aking likod ay baka natumba pa ako sa sobrang gulat. “Jack! You f*cking sh*t, dapat ay binaril na kita!” “Sorry, main! Ang amoy ng galunggong ang nagdala sa mga paa ko rito.” “Walang para sa iyo dito! Alis na, bago kita sunugin!” Pinigilan ko si Hans na itaboy ito. “Marami naman tayong nailuto. Hindi naman masama kung sasalo siya sa atin.” “Oo,” Inilapit niya ang mukha sa akin at hininaan ang boses. “Pero hati ang atensyon mo sa aming dalawa.” Hindi ako makapaniwala sa narinig. “Papasok na ako, main, ha! Woo! Libreng lunch!” “Laura.” Parang nakikiusap ang boses ni Hans. Nginitian ko lang ito at tinapik sa braso. “Mas okay na ito kaysa masayang lang iyong niluto natin.” Nakapasok na sa loob si Jack at agad itong dumiretso sa mesa. Naghain ako ng pang-tatlong tao at natatawa ako dahil hindi pinapansin ni Jack ang matatalim na tingin ni Hans. Ang malawak na kusina ay tila nagging maliit dahil sa presensya ng dalawang lalaki. Sa tingin ko ay umaabot ang dalawa sa six feet na taas. “Ano ito?” Tanong ni Jack habang ini-scoop ang munggo. “Parang ang lungkot. Parang hindi masaya iyong munggo noong niluto siya. Ikaw ang nagluto nito, main?” “Oo. Nakalimutan ko nga iyong isang mahalagang ingredient, e.” “Ano? Chicharon?” “Pulbura.” Masungit niyang saad. “Kung alam ko lang na sasalo ka, dapat ay inihalo ko na.” Binaba ni Jack ang mangkok at pagkatapos ay sumandok ng kanin. “Grabe ka sa akin, boss. May utang na loob ka pa nga sa akin.” “Ano iyon?” Tanong ko. “Sinuntok ko siya para magkapasa siya sa mukha. Kasi magpapaalaga raw siya sa iyo—” Diniretso ni Hans ang kutsara sa bibig ni Jack kaya natigil itong magsalita. “Kumain ka nalang ng kumain. Para kapag binaon kita sa lupa ay matuwa sa iyo ang mga insekto.” “Ang sarap ng luto mo, main. Pwede ka na mag-asawa.” Napailing nalang ako sa kalokohan ng dalawa. Naaliw ako sa pagkain dahil sa mga nakakatawang banat ni Jack pero hindi ko makakalimutan ang binanggit nito na gusting magpaalaga sa akin ni Hans kaya sinapak niya ito. Pagkatapos namin na kumain ay pinaalis ako kaagad ni Hans dahil si Jack daw ang maghuhugas ng pinggan. Binantayan niya ang kawawang binata para mahugasan niya ng maayos ang mga pinggan. Dahil hindi ako marunong sa mga adanvance na teknolohiya ay si Hans na ang nagbukas at namili ng papanuorin ko na movie. “Laura.” Napatingin ako kay Jack nang tawagin niya ang pangalan ko. Pinilit ko hindi matawa nang makita na basing-basa ang harapan ng damit niya. Hindi siguro ito marunong maghugas ng pinggan. “Salamat sa pagpapakain mo sa akin, ha.” “Uhm, si Hans ang nagluto ng mga iyon.” “Oo, halata naman sa lasa at presentasyon. Sana next time—” “Hoy, wala ng susunod. Umalis ka na bago kita sipain palabas.” Hindi nito pinansin ang pagpapaalis sa kanya ni Hans at ngumiti ng puno ng sinseridad. “Laura, kung ako lang ang una mong nakilala ay malamang na— aray!” Hindi na niya naituloy dahil sinapa na siya ni Hans. Hangga’t hindi ito nakakalabas ng pinto ay patuloy pa rin si Hans sa pagmaltrato sa kanya. Mabilis na sinara ni Hans ang pinto at pagkatapos ay tumabi sa akin. “Galit ka ba dahil nalaman ko iyong secret niyong dalawa?” “Tangina si Jack, walang tigil ang bunganga ng puta.” Tinakpan ko ng dalawang kamay ang bibig ni Hans. Nabigla siya ngunit hindi niya iyon tinanggal. “Sshh, tama na ang pagmumura. Aalagaan naman talaga kita kaso ininis mo kasi ako.” Nagsalita siya ngunit hindi ko agad naintindihan kaya tinanggal ko ang aking kamay. “Ano ang sabi mo?” “Ano ang oras ng pasok mo ngayon?” “Bukas pa. Kagabi kasi ay heat ni Ate Summer, kaya malamang ay tulog pa rin siya hanggang ngayon.” Tumango ito at ipinalupot sa aking bewang ang mga braso niya. Dahil sa bigat nito ay napahiga ako sa sofa habang nakapatong ang mukha nito sa ibabaw ng dibdib ko. Ang tiyan nito ay nakapagitan sa aking mga hita. Nag-init ang aking mga pisngi. Hindi ko alam ang gagawin dahil ito ang unang beses na may gumawa sa akin ng ganito. “Let’s stay like this for a while, Laura.” “O-Okay.” “Sabihan mo ako kapag hindi ka na comfortable, titigil ako.” “Uhm, sige.” Ramdam na ramdam ko ang paghinga niya at ang init ng katawan nito. Tahimik kaming nanunuod sa telebisyon at ang isang kamay ko ay lumalaro sa kanyang buhok. “This is the kind of rest I’m looking for,” bulong niya. Napapikit ako at pinilit na kumalma upang hindi bumilis ang t***k ng aking puso. Ngunit tila huli na ang lahat, umangat ang ulo ni Hans at ngumiti ng mapaglaro. “Your heart is beating like crazy. Napakilig ba kita?” “Ewan ko sa iyo.” Hinawakan niya ang aking hita at pinigilan ako na makalayo. “Hindi pa tayo tapos mag-usap.” “Hans, ano ba?” “Oh? Nagagalit ka na?” “Hans naman, eh.” “Bakit? Tinatanong lang naman kita.” “Ayaw kong sagutin iyan. Papasok na ako sa silid ko.” Gusto ko ng tumayo pero mas lalong dumagan sa akin si Hans. Napasinghap ako at napahawak sa kanyang balikat. “Sorry na.” “Okay.” “Huwag na akong iwasan ulit.” “Sige, basta umalis ka lang sa ibabaw ko.” “Hindi ka na comfortable?” “Ang dami mo naman na tanong.” Umalis ito sa ibabaw ko at agad akong umayos ng upo at yumakap ng unan. Pinilit ko na hindi ito pansinin at mag-focus nalang sa pinapanuod na movie. Nilagay nito ang isang braso sa sinasandalan ko at unti-unting dumikit sa akin. “Bakit ka lumalapit?” “Nakakatako iyong pinapanuod natin, eh.” Kumunot ang aking noo. “Ano ang nakakatakot sa isang spy movie?!” “Basta.” Gumagawa lang dahilan ang lalaki na ito para madikitan ako, eh. Bakit masyado itong mabait at malambing sa akin? Tingin ko tuloy ay talagang ginagawa niya ang lahat para lang ma-fall ako. At pagkatapos ay ano— sasaktan niya ako kapag tapos na niyang makuha ang kasiyahan na hinahanap niya? Ang isang tulad niya ay hindi magkakagusto sa isang tulad ko. Ako na walang ibang maipagmamalaki kung hindi ang galing ko sa pagluluto. “Laura, bakit hindi ka nakatuntong sa kolehiyo?” Napatingin ako sa kanya. “Bakit gusto mong malaman?” Nagkibit-balikat siya. “Gusto ko lang na mas makilala ka.” “Kailangan kasi nila inay ng katulong sa maisan para mas malaki ang makuhang sahod. May mga kapatid ako na nag-aaral at dahil ako ang panganay ay kailangan ko na tumigil sa pag-aaral para matuloy sila.” Tumango siya at hinayaan ako na magkuwento. Tuloy-tuloy lang ang aking pagsasalita habang nakikinig si Hans. Pansin ko ang sinseridad sa kanyang mga mata kaya siguro kumportable ako na i-share sa kanya ang mga bagay-bagay na nangyari sa akin. “Mas lumaki ang gastos namin noong mag-grade seven at nine ang aking mga kapatid. Magaganda sila at matalino kaya tuwang-tuwa sa kanila ang ekswelahan at pati na rin sila inay. Madalas ay nailalaban pa sila sa iba’t-ibang patimpalak.” “Anak ako sa labas ni itay at dahil namatay ang totoong nanay ko ay kinuha niya ako. Mabigat man sa loob ng inay na tumira ako sa kanila, unti-unti ay natanggap na rin niya.” Huminga ako ng malalim. “Mabait ang inay at ang itay. Kahit anak ako sa labas ay kasalo pa rin nila ako sa hapag-kainan.” Hindi ko gusto na magkaroon ng pangit na impresyon si Hans sa aking mga magulang kaya hangga’t maaari ay sasabihin ko kung gaano sila kabuti. “Pero gusto ko na mag-aral. Gusto ko na makapagtapos kahit na mas matanda ako kaysa sa mga kaklase ko. Gusto ko na magkolehiyo.” Hinawakan ni Hans ang aking kamay at pinisil iyon. “If you want, I can sponsor your—” “Hindi.” Putol ko sa kanyang sasabihin. “May ipon ako at pinaghirapan ko iyon. Kaya ko na itaguyod ang sarili ko, hindi ko kailangan ng awa.” “Hindi ako naaawa sa iyo, Laura. Gusto ko lang kitang tulungan.” Umiling ako. “Hindi. Ayos lang ako. Ayaw ko ng lumaki ang babayaran kong utang na loob sa iyo, Hans.” “Hindi naman ako nagpapabayad. I’m the one who insist na tumuloy ka dito.” “Alam kong awa lang ito, Hans.” Marahan kong saad. “Laura…” Binasa nito ang ibabang labi at mas lumapit sa akin. “I admire your strength kaya gusto kitang tulungan.” Umiling ako ulit. “Hindi mo naman ako ka-ano-ano para gawin ito. Sapat na pinatuloy mo ako rito. Sobra na kung pati ang pag-aaral ko ay susuportahan mo. Alam kong mayaman ka, at hindi na dapat umabot sa ganito ang laro na ito.” “Laro? What do you mean? You think this is a game?” “Bakit? Ito ba ang normal mong ginagawa kapag gusto mo na makipagkaibigan?” Hindi ito umimik. Sinamantala ko ang malalim na pag-iisip nito at tumayo na para pumasok sa aking silid. Gaano ko pa katagal pipigilin ang aking sarili na mahalin si Hans? Hindi na dapat umusbong ang kahit kaunting pag-asa sa puso ko. Masasaktan lang niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD