LAURA Kumatok si Hans sa pinto ng aking kuwarto pero hindi ko siya pinansin at tinuloy ko nalang ang pagbabasa ng libro. “Laura, open this door. Kababati lang natin kagabi.” “Bahala ka diyan.” “Sisirain ko ito.” “Pinto mo naman iyan, e.” Hindi ako nagsalita at ang huli kong narinig ay ang papalayong yapak nito. Dumapa ako sa kama habang binabalik ang focus sa pocketbook na binabasa. Mabuti nalang at nakapagbaon ako ng iilang pocketbooks para hindi ako mainip. Wala naman akong magagawa na iba dahil naka-keypad phone lang ako. Magtitiis nalang ako sa mga baon ko na pocketbooks kahit ilang ulit ko na ito na nababasa. Lumipat ang aking tingin sa buhok ko nang sumayaw iyon dahil sa hangin. Nabalot ako ng pagtataka dahil hindi naman ako gumagamit ng electric fan at sinara ko ang mga