CHAPTER 2: THE CALL

1366 Words
LAURA’s POV   Higit isang linggo na akong nakatira sa bahay ni Hans at sa loob ng isang linggo na iyon ay dalawang beses lang itong umuwi. Nasa loob ako ng mansion ni Master Greyson nang mabalitaan ko ang pagpanaw ni Miss Heaven. Habang nasa living room ay rinig ko ang malakas na paghagulgol ni Miss Summer habang yakap ang kapatid. Hindi ko maiwasan ang pagluha dahil nadarama ko ang pighati nito. Lumapit sa akin si Master Greyson. “Ihanda mo ang gagamitin niyang damit para sa burol.” Utos nito sa akin bago bumalik muli sa silid ni Miss Heaven. Tumalikod ako at umakyat sa hagdanan. Nang makarating sa kanilang silid ay dumiretso agad ako sa closet at naghanap ng itim at puting mga damit. Nakita ko kung gaano kamahal ni Miss Summer ang kanyang kapatid at kung gaano kalaki ang sakripisyong ginawa niya para lang suportahan ang pangangailangan nito. Ngunit sadyang may hangganan ang lahat. Walang tigil ang paghikbi ni Miss Summer habang nililinis ko ang kanyang katawan at habang binibihisan ko ito. Nakatulala lamang siya sa isang sulok at patuloy ang pag-agos ng kanyang luha. Gusto ko siyang kausapin at sabihin na magiging maayos rin ang lahat ngunit baka iba ang maging impresyon nito. “Laura…” Napapitlag ako nang magsalita ito. “M-Miss Summer?” Nanatili ang mga mata nito sa labas ng bintana. “Sa may attic, may mga box roon. Dahil mo sa akin ang pinakamaliit na kahon.” Tumango ako. “Sige po.” Lumabas ako sa silid at dahan-dahan na sinara ang pinto. Umakyat ako sa attic at nakita ang magkakatabi na tatlong kahon at sa taas ng isa ay may maliit na kahon. Kinuha ko iyon at dahan-dahan na bumababa ng hagdan. “What is that?” Muntik ko ng maibagsak ang kahon dahil sa gulat, buti nalang at nasalo iyon ni Hans. Inagaw ko sa kanya iyon ngunit hindi niya iyon binitiwan. “Huwag mo naman ako ginugulat ng ganoon, Hans.” “Sorry. Saan mo ito dadalhin?” “Pinapakuha sa akin ni Miss Summer.” “Ah.” Humigpit ang hawak niya roon. “Bitiwan mo na. Ako na ang bubuhat.” “Huh? Hindi naman mabigat, kaya ko na.” “Laura, let go.” Matalim ko itong tiningnan. “Ikaw ang mag-let go.” “Kapag hindi mo binitiwan, hahalikan kita.” Parang napaso kong inalis ang mga kamay roon at hinayaan siya na bibitin iyon. Ngumiti ito. “Good girl.” Pinauna niya akong maglakad ngunit ramdam ko na nakatitig ito sa akin. Pinatigas ko ang aking leeg upang hindi ito lingunin hanggang sa makarating kami sa silid ni Miss Summer. Humarap ako sa kanya ngunit sa ibang bagay ako nakatingin. “Ako na ang bahala. Ibigay mo na sa akin.” Nilagay niya iyon sa aking mga kamay at dali-dali akong pumasok sa loob ng silid. Napabuntong-hininga ako at n’on ko lang napagtanto ang pinipigilang paghinga. Binigay ko ang kahon kay Miss Summer at nakita ang mga laman niyon ay mga litrato ng namayapa niyang kapatid. Bumaba ako upang bigyan ng privacy ito at napansin ko si Master Greyson na inaasikaso ang ibang bagay upang madala si Miss Heaven sa cremation center. Dahil hindi ko alam ang aking gagawin ay lumabas ako ng bahay. Naabutan ko si Hans na naninigarilyo malapit sa itim na sasakyan at kausap ang ibang security personnel. Napatingin sa akin ang dalawa sa kausap nito na siyang naging dahilan para lumingon si Hans. Nagtama ang aming mga mata. Nilaglag nito ang sigarlyo sa lapag at tinapakan iyon. Iniwanan nito ang mga kasama at naglakad palapit sa akin. Naging alerto ang aking mga mata at nag-iisip ng pwedeng pagkaabalahan. Humarang ito sa pupuntahan ko. “You think you can avoid me that easily?” “Hindi naman ako umiiwas.” “Eh, ano?” “Uhm…” Napalunok ako. “Out of excuses?” Papalapit ang mukha nito sa akin at sa bawat paghakbang ko paatras ay umaabante siya. “Hans, stop teasing her and let’s go!” Ang mariing boses ni Master Greyson ang nagpatigil sa kanya. Pumikit ito at napabuntong-hininga. Lumayo ito sa akin. Lumagpas ang tingin ko sa kanyang balikat at napansin na naglalakad sila Master Greyson at Miss Summer papunta sa ambulansya kung saan nakasakay ang katawan ni Miss Heaven. Nilagay ni Hans ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking ulo. “I’ll see you later, Laura.” Tanging tango lang ang isinagot ko sa kanya. Nilamon ng dilim ang paligid at naghahanda ako ng hapunan ni Hans. Kahit na late ito makauwi ay may makakain siya kung sakaling gutom ito. Ngunit nang sumapit ang alas-singko ay naka-receive ako ng text message mula sa kanya. From Hans: I’ll stay somewhere tonight. Don’t wait for me. Eat dinner. Nag-reply ako sa kanya. To Hans: Ingat. Hindi ko alam kung masyado bang malamig ang reply ko na iyon. Pero hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin.   Naalimpungatan ako nang marinig ang malakas na tunog ng aking cellphone. Pupungas-pungas kong inabot iyon at tiningnan kung sino ang caller. Agad ko iyong sinagot nang makita ang pangalan ni Hans. “Hi.” “Hi.” Ganting bati nito. “Uhm, I just called to check if you’re alright?” Bumangon ako at humikab. Tumingin ako sa orasan na nakapatong sa bedside table. “O-Oo. Hans, madaling-araw palang.” “Sorry. Hindi ko napansin.” “It’s okay. Ikaw? Kumusta ka?” “I’m fine. Nakahiga lang ako sa sasakyan. Nagpapahinga.” “Tapos na ang shift mo?” Sinuklay ko patalikod ang magulong buhok. “Yes.” “Okay. Sige, baka maistorbo ko pa iyung pahinga mo.” “Don’t hang up yet.” Kumunot ang aking noo. “Bakit?” “I want to hear your voice more.” “Bakit?” Huminga ito ng malalim. “Wala lang. Ang sarap lang sa tenga.” Hindi ako nakaimik sapagkat hindi ko alam ang sasabihin. “Uhm…” Tumikhim ako at nag-isip ng ibang usapan. “Kumusta pala si Summer at master?” “You don’t work for him, Laura. Don’t call him master.” “Sorry, nasanay na kasi ako.” “They are fine, I guess.” “May problema ba?” “I think your friend is scheming something.” Naging seryoso ang boses nito. “Hans…” Nagbuntong hininga ako. “Hindi iyon magagawa ni Summer.” “You trust her so much.” “Masama ba iyon?” “She changed, Laura. Everyone changes when they’ve gone through painful experiences.” “Naiintindihan ko pero alam kong hindi pa rin iyon magagawa ni Summer.” “I don’t want to say this but when the situation reaches the critical point, you know the one I should protect, right?” Parang sinasabi nito sa akin na kung ano man ang mangyari ay uunahin pa rin niya piliin na iligtas si Greyson. “Naiintindihan ko, Hans.” “I’m sorry I woke you.” Halos pabulong niyang saad. “Are you having a good dream?” “Yeah.” “May I know what it is?” “It’s you.” Narinig ko ang mahinang pagmumura nito. Napangiti ako dahil nagantihan ko siya sa mga panunukso niya sa akin. “Damn, girl. You’ll make me want to drive this car in a speed of light.” “Should I take a shower then?” Naku, Laura. Ano ba itong pinagsasabi mo?! “Laura, baby…” “Hey, no mastur****ng while I’m here.” Nanigas ako nang makarinig ng ibang boses sa kabilang linya. May nakarinig sa usapan namin! Oh, my goodness! Sana ay bumuka na ang kutson na ito para lamunin ako sa hiya. Narinig ko ang pagtatalo nil ani Hans at ang pagbukas at sara ng pintuan ng sasakyan.  “Laura, let’s continue what we—“ “G-Good night, Hans.” Mabilis kong saad at pinatay na ang tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD