Chapter 54
Gareth Liu POV
Kanina ko pa tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Kanina pa din ako palit ng palit ng damit. Tsk! Kabanas naman!
Hinubad ko uli ang suot kong polo shirt at pants. I am now wearing boxer shorts. It's still early in the morning kaya wala akong dapat alalahanin sa oras. May meeting lang naman ngayon ang buong council kasama na ang mga department representatives.
I looked at myself at the mirror...again.
Ngayon ko lang natitigan ang itsura ko ng medyo matagal. Dati kasi hindi ko na ito inaaalala.
Yeah. I'm sure that I'm handsome.
Maganda si mommy ko because she has Spanish blood. Sa kanya ko nakuha ang kulay light brown kong mata pero ang hugis nito ay kagaya ng kay daddy na singkit. My grandma is Korean and that makes him half Korean. Kay grandpa ko naman namin namana ni daddy ang pagiging seryoso sa negosyo at sa iba pang bagay. Ang kapatid ko naman ay kay mommy na halos.
I also have fair skin. I'm just not sure if kay mi at di ko nakuha 'to, pareho kasi silang maputi. I can't identify kahit na magkaiba ang kutis ng Asian at European. Maybe mixed?
Tinagilid ko ang pisnge ko at ngumuso.
My dimple is still my best asset.
Halata kapag nagsasalita ako. Lalo na kapag nagagalit. I don't smile. I just don't like smiling. Gareth Liu Fortel is strict and always serious. Yan ang image ko at ang pagka kilala nila sa 'kin.
My towering height is also advantage when I'm playing football. I am fit and healthy too. Regular ang exercise ko at kasama na dun ang pag iinsayo namin ng laro. Mas nadidipina pa nga ang magandang hubog ng katawan ko at kahit na maghubad ako sa daanan ay 'di nakakahiya.
But I'm not going to do that. I don't want to caught attention or stampede.
Ginulo ko ang semi messy hair ko. May highlights itong dark brown. Kaya mas lalo akong nagiging gwapo sa itsura kong ito. Hindi na rin ako nagtatakang maraming nagkaka gusto sa 'kin. Lalo na 'yong bigla bigla nalang tumatawag ng wala namang dahilan.
Iba talaga ang genes ng isang Fortel.
Tsk! Ano ba itong nagyayari sa 'kin? Nababaliw na ata ako. Hindi naman ako ganitong gwapong gwapo sa sarili.
Kagabi lang excited akong pumasok sa school tapos ngayon naman hindi ko alam ang susuotin ko.
Ngayon lang ako na conscious sa itsura ko ah. Iba na ata 'to.
"Kuya Liu! Breakfast is ready!"
Kumuha nalang ako ng T-shirt pagkarinig ko ng sigaw ng kapatid ko sa labas. Maagang umalis sina mommy at daddy ngayon at ako nalang daw maghahatid sa kapatid kong makulet sa school niya.
Actually it's her request. Baka daw kasi makita niya si Ate Barbie niya.
Ano kayang ginawa ni Jeisen dito sa kapatid ko at parang obsess itong makita siya? Sa pagkakaalam ko ay isang beses palang silang nagkita.
"Happy Batman day everyone!"
Napakunot nuo ako. Batman day? May araw ng celebration si Batman?
Napabukas ako ng pintuan. Kita ko ang kapatid ko na kinakausap ang isa naming katulong. Si nanang Taylor. Tumatalon talon pa ito.
"Yihhh! I have batman item here nanang!" Masigla niyang sabi dito. "Sabi nila magiging maganda ang araw mo nanang kapag nag suot ka ng anong item na may logo ni Batman ngayon. Kaya tadannnn..." Itinaas niya 'yong itim na relo niya na itsurang Batman. "I have Batman watch! Bigay 'to ni Ate Barbie sa 'kin nanang. Hihihi."
Nagkikita sila ni Jeisen? Kailan? Saan? Paano? Ba't 'di ko alam!?
I didn't know that Jeisen is generous.
Namimigay na pala ito ng gamit ngayon. At tsaka Batman? Mahilig si Jeisen sa Batman?
Tss. Mag gwapo pa 'ko dun.
Tinapon ko ang T-shirt na kinuha ko sa drawer. May malaking cabinet ako ng mga damit at sa mga drawer nakatupi ang mga T-shirt ko. Naka separate ang mga bawat kulay nila. Hinanap ko agad 'yong drawer na puro may lamang itim na damit.
Ang alam ko may Batman T-shirt ako dito. Souvenir ito sa isa kong pinag momodelang clothing line. Hindi ko naman nasusuot. Sayang din.
"Batman pala ang favorite mo ha."
Sinuot ko agad ito at nag maong pants. Nag suot na rin ako ng puting sapatos.
Tiningnan ko uli ang itsura ko sa salamin. Bagay naman pala. May logo pang batman sa gitna nito.
"Nice choice." Sabi ko sa sarili ko. "Ito nalang ang susuotin ko."
Pagkatapos kong magbihis ay bumababa agad ako. Nanlaki naman agad ang mata ng kapatid ko pagka kita sa 'kin.
"Omo! You are wearing batman T-shirt kuya! Kyahhh! Happy Batman day!"
"Stop shouting Reimi Keith!" Sita ko sa kanya. "Wala lang akong mapiling suotin kaya ito ang nadampot ko."
Napahagikhik naman ito.
"Kunyari kapa. Idol mo rin si Batman no? Ayiii!" Tinaas na naman niya ang kamay niya. "Look kuya, I have Batman watch! Hindi ko sasabihin sa 'yo kung sino nagbigay baka kasi mainggit ka 'e. Hihihi!"
Hindi ko na kailangang tanungin kung sino nagbigay. Rinig na rinig ko kaya ang sigaw niya kanina. Si nanang Taylor naman ngingiti ngiti lang sa tabi.
Hinayaan ko nalang ang ka kuletan ng kapatid ko at kumain nalang. Excited na excited pa 'tong umalis kami.
Nagkikita ba talaga sila ni Jeisen? Gusto kong tanungin ang kapatid ko kaso baka tuksuhin naman ako. Sabihin pang may gusto ako sa Ate Barbie niya.
Pagkarating namin sa school ay hindi na naman ito nagpa awat at sumunod sa 'kin. Half day lang daw sila ngayon kaya dito daw muna siya UDR.
Maraming napapatingin sa amin ng kapatid ko. Mapababae at lalaki binabati kami. As usual, seryoso pa rin ang itsura ko.
Pero itong kapatid ko. Ang laki ng ngiti. Sinisita ko pa na 'wag masyadong friendly lalo na sa mga lalaki. Kaya nga mas mahigpit ako kanya. Isip bata pa naman ito. Sila ni mommy na parehong makulet.
"Kuya, asan na ba si Ate Barbie?" Pangungulet niya sa 'kin habang naglalakad kami. "Hindi mo ba alam ang schedule ng class niya? Dali na kuya Liu."
Ang kulet. Kinuha ko ang phone ko para tawagan ang registrar office.
"Good morning. This is Gareth Liu Fortel. Can I have Jeisen Jee Escintosh class schedule? I need it asap."
"H-hello po Mr President. Ano po 'yong department at course of study niya para ma check ko agad."
Working student ata itong naka sagot ng tawag ko. Halatang kinikilig pa habang kausap ako.
"CAS. AB Political Science."
"Okey po. Saglit lang Mr President at e check ko."
"Esend mo agad sa email ng student council ang schedule niya."
I can't believe I am doing this.
Sinama ko muna sa office ng student council ang kapatid ko bago namin puntahan si Jeisen. Para na rin matigil itong kapatid ko.
"Good morning Mr President!"
"Hello sa inyo! I'm your Mr President's sister. Good morning din po mga ate at kuya."
"Reimi Keith. Can you please seat down." Sita ko sa kanya. Kumakaway pa kasi ito sa mga kasamahan ko sa council. "At 'wag mong abalahin ang mga kasama ko dito sa office. Okey?"
Napanguso naman ito at nag krus arm.
"Kuya naman 'e. Ang sungit sungit. Isusumbong talaga kita kay Ate Barbie. Sige ka."
Si Jeisen na naman. Sino ba ang kapatid niya? Ako o si Jeisen?
Pumunta ako sa table at ini-on ang computer para ma check ang email na galing sa registrar. Nasend na agad nila ang schedule niya. May pasok ito sa building na dinaanan namin kanina pero parang wala naman silang klase.
"Ate Pau..." Rinig kong tawag ng kapatid ko kay Paula. "Kilala mo ba si Ate Barbie?"
"Ate Barbie? Si Barbie 'yong doll? Oo naman. Favorite 'yon ng bunso kong kapatid 'e."
"Ehhhh! Ate Pau hindi 'yong doll." Napatingin pa ito sa kisame na parang nag iisip. "Pero pwede ng doll. Mukha kasing doll si Ate Jeisen 'e."
Napatawa naman si Paula sa kanya.
"Hahaha... ang cute cute mo talaga Reimi." Sabi niya. "Oo naman. Kilala ko si Jeisen. Ba't mo pala natanong?"
"Gusto ko kasi siyang makita."
"Oh! Ganun ba? Wrong timing ata punta mo Reimi. Walang pasok ang CAS now. May meeting sila sa department. Busy si Ate Barbie mo."
Umupo naman sa tabi niya si Kristen. Nag sad face din ito ng mag sad face ang kapatid ko.
"Wag ka ng sad face d'yan Reimi." Sabi niya. "May meeting din kami mamaya at nandito 'yon. Representative kaya 'yon ng department nila."
Nanliwanag agad ang itsura ng kapatid ko. Yeah. May meeting nga kami ngayon.
Napatingin ako sa suot kong Batman T-shirt. Ano bang pumasok sa isip ko at ito ang dinampot ko ngayon na suotin?
Dahil ba it's Batman day o dahil favorite ni Jeisen si Batman?
"Ayiiii!!! Ang talino talaga ni Ate Barbie. Sabi na nga ba swerte itong Batman watch 'ko. Look mga Ate oh...." Pinagmamayabang na naman niya ang relo niya. "Bigay ito ni Ate Jeisen. Wag kayong maingay kay kuya baka marinig niya. Mainggit pa sa 'kin 'yon. Kita niyo naman nag Batman T-shirt pa siya."
Hininaan pa niya ang boses niya. Rinig na rinig ko rin naman. Nagkunyari nalang akong may ginagawa sa table at hinayaan silang mag usap at maghagikhikan.
"Wow! Ang sweet pala ni Jeisen."
"Pero teka lang Tin. Parang kanina pa tapos na ang meeting ng CAS ah." Sabi naman ni Pau. "Dapat nandito na 'yon."
Pumasok naman si Ken sa office at bumati sa kanila. Si Ken ang representative ng College of Engineering and Technology o CET.
"Ken!" Tawag sa kanya ni Pau pagkaupo nito sa table niya. "Total nasa labas ka bago lang. Nakita mo ba si Jeisen?"
"That's your job not mine. Tss!"
"Sungit nito. Akala mo naman ikinagwapo niya. Hmp!"
"Kuya Ken. Did you see Ate Jeisen? Siya kasi ang ipinunta ko dito 'e."
Napa angat na naman ako ng tingin. Ito talagang kapatid ko. Basta pagka dating kay Jeisen kahit sino kinukulet.
Pati si Ken na tahimik at masungit dinamay. Napakunot ang nuo ko ng bahagyang ngumiti ito sa kanya.
Hmm. What's with that half smile huh?
"I saw her at the soccer field. She's alone."
Tumalon talon na naman ang kapatid ko. Na ikinangiti ng tuluyan ni Ken.
"Thank po kuya Ken!"
Lalapit na sana ito para yakapin si Ken pero pinigilan ko. Ganyang ganyan ang kapatid ko kapag natutuwa. Nangyayakap agad.
"I'm not going to let you see Jeisen if you'll not behave properly Reimi Keith."
Napanguso na naman ito.
"Sige na nga kuya. Basta hanapin mo siya para sa 'kin ha? Dali na. Puntahan mo na siya sa soccer field at para makapag bonding uli kami."
Napahawak ako sa sentido ko.
"Alright. Basta 'wag ka lang magulo."
"Yeheyyy!"
"Pau, sabihan mo ang ibang council na mag uumpisa tayo ng meeting 'pag nakabalik na ako."
"Aye aye Mr President." Sagot naman nito at nag salute pa. "Kami na bahala kay little sister mo."
"Ken..." Tawag ko sa kanya ng nakatingin lang ito sa kapatid ko na tuwang tuwa. Napalingon naman agad ito sa 'kin.
"Why Mr President?"
"I have eyes and ears. Keep that in mind."
Napatango lang ito. Mabuti at na gets niya ang sinabi ko. My sister is off limits.
Bata pa ito at isip bata pa.
Hayy. Sakit sa ulo.
Alam pa talaga niya kung nasan si Jeisen. Sinusundan niya ba 'to?
Lumabas na ako at pumunta agad sa soccer field. Ang laki ng field namin. Saan naman kaya pwede pumunta 'yon dito?
Napatingin ako sa big tree. Ito lang posible niyang tambayan. Dito ko siya nakita nung sinita ko sila ni Zoniega at nung natulog ito sa puno ng hinanap ko si Aston na may kahalikan pang babae.
Pinuri pa nito ang pag ungol nila.
Ang werdong manang na 'yon talaga.
Pa linga linga akong tumitingin sa paligid baka sakaling makita siya. Wala ring tao sa upuan dito sa lilim ng big tree. Baka nasa taas na naman ito ng puno.
Bago pa ako tumingala ay may biglang lumaylay na mahaba at itim na buhok malapit sa harapan ko.
"Oh s**t!"
Nagulat ako don ah.
Napakunot nuo ako ng mapansing si Jeisen pala ito. Nakasabit ng baliktad sa sanga ng puno. Nakapikit at krus arm pa siya.
"J-jeisen?" Tawag ko sa kanya at naglakad palapit pa dito. "Anong kalokohan 'to at naglambitin ka ng pabaliktad d'yan?"
Ano kayang pumasok sa utak ng babaeng ito at natulog ng patiwarik sa sanga nitong big tree? Anong tingin niya sa sarili niya... paniki?
Alright. Paniki. Bat. Paniki.
Napabuga ako ng hangin ng mapagtanto kong it's 'Batman Day' daw ngayon sabi ng kapatid ko. And maybe this is the reason why she's hanging like a bat there.
Dumilat ito ng dahan dahan.
"Natutulog na parang paniki."
"Bumaba ka nga d'yan." Utos ko sa kanya. Umiling naman ito.
"Let me sleep like this."
Aish! Nagpapacute ba siya sa 'kin?
Ba't parang ang lambing ng boses niya ng sinabi 'yon. Bedroom voice to be exact.
"Bibilang ako ng 1 to 10 at kapag hindi kapa bababa d'yan. I swear, I'm gonna pull you right down here!"
"K..." Lang ang sinagot niya.
"Fine!" Naiinis kong sabi. "I'll start with one..." Wala parin itong kibo kahit diniinan ko na ang number 1. "Alright, one... two---"
"One to Ten." Nakangisi niyang dugtong. Nakapikit parin ito. "Ang bagal mong magbilang. Hmm."
Pinasingkit ko pa lalo ang singkit ko ng mata. Gustong gusto talaga niyang inaasar ako.
Hihilahin ko na sana siya kaso lang napatigil ako. Hindi ko alam kong bakit ako kinakabahan.
Si Jeisen lang 'yan Gareth Liu!
"Tsk! Ano bang gusto mong gawin ko para bumaba kana d'yan? Look at yourself, you look so pale. Delikado 'yang ginagawa mo. Baka mapano ka pa."
WTF! Lumabas talaga 'yon sa sarili kong bibig? Halata at concern ako sa kalagayan niya.
Napaiwas ako ng tingin.
This can't be. Parang natatakot na 'ko sa sarili kong nararamdaman.
"Tama ka nga Gareth." Napatingin uli ako sa kanya. Nakaupo na ito sa sanga. Hawak ang ulo niya. "Medyo sumama nga lalo ang pakiramdam ko."
"Because you're hardheaded!"
Napatawa naman ito ng mahina.
"Gusto mo bang umakyat dito sa puno?" Tanong niya. "Total naman at pareho pa tayo ng T-shirt. Batman"
Pareho nga kami ng suot na T-shirt. May Batman logo pa sa gitna. Naka pants din ito ngayon at hindi 'yong mahabang palda na trademark niya.
"No thanks. Hindi ako mahilig umakyat ng puno." Tanggi ko sa panyaya niya. Hindi ako unggoy o paniki para mag lambitin sa mga sanga. "At tsaka, wala lang akong mapili na masuot ngayon. Kaya naman don't assume things na para tayong---"
Para tayong couple.
Hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko. Pero para talaga kaming couple sa suot namin. Couple shirt na may naka printa na Batman.
"Parang ano Gareth?"
"W-wala. Nevermind! "
"K..."
K! K K K... Ang iksi niya talagang sumagot. Favorite letter niya ata ay K.
At ito na naman ang biglang walang imik niya. Kaya tumingala ako at nameywang. Walang mangyayari kung hihintayin ko lang siyang bumaba sa puno.
"Hey. . ." Pukaw ko sa kanya. "Didn't you know that we have our meeting today? You are part of the student council now kaya obligasyon mong gampanan ang katungkulan mo bilang representative ng department niyo. Don't be irresponsible Ms Escintosh."
"Importante ba na andun ako sa meeting Mr President?" Mahinang tanong niya. Dumilat ito at tinitigan ako. "Ganito ba ako ka importante sa 'yo para personal mong sunduin?"
Nahuli ako dun ah.
Kung 'di lang ako kinulet ng kapatid ko ay hindi ko naman hahanapin si Jeisen. At oo nga naman. Importante ba siya para paglaanan ko ng oras?
"You know what, you are right." Pagsuko ko sa diskusyon namin. "You are not important para pagtuonan ng pansin. If you don't want to attend the meeting, it's fine with me. Your presence is not actually needed there."
Time is very important to me. Yeah. Kaya isa lang kalokohan na nandito ako para sunduin siya. Naglakad na ako paalis ng mag beep ang phone ko.
It's from my sister.
From: Reimi Keith
Kuya! Si Ate Barbie ha? Wag kang bumalik rito ng 'di siya kasama. Wag mo ring sabihin na nandito ako para ma surprise siya. Ayiii! He he!
Tsk! Kung nagpabili lang ito ng Barbie doll sa 'kin ay pwede pa. Pero itong werdong manang pa talaga ang gusto niya. Si Jeisen na ang hirap spelingin.
Bumalik ako at lumapit uli sa kanya.
"Bumalik ka ba para sumama na sa 'kin?"
Napakunot nuo ako. Pa'no niya nalaman na bumalik ako? Nakapikit lang naman ito. Hindi rin ako lumikha ng ingay.
"Sumama sa 'yo? Saan?"
Dumilat ito at umaktong iaabot ang kamay niya sa 'kin. Weird talaga ang babaeng ito.
"Sa mundo ko Gareth Liu."
Arg! Bigla akong nilamig. Ang lamig ng boses niya. Tapos ang putla pa niya tingnan ngayon. Kahit naka half smile ito sa 'kin pero ang tamlay naman ng mata niya.
May sakit ba si Jeisen?
Iba kasi itsura niya. I mean, parang pagod na pagod ito. Pero mas gusto ko ayos niya lalo na ngayong nakalugay ang mahaba niyang buhok.
"Gareth halika ka dito."
Napapitlag ako mula sa pagkatulala ng magsalita uli ito. Nakaabot parin ang kamay niya.
"A-anong mundo ang sinasabi mo Jeisen?" Tanong ko. "You're scaring me with your voice. Para akong iniingkanto sa lamig."
"Mukha ba akong ingkanto para sa 'yo? At natatakot kana ngayon sa 'kin niyan?"
Hindi pa naman ako nakakita ng ganun. Nasabi ko lang 'yon kasi para talaga itong nangyayaya. Diba ganyan ang mga engkanto? Mapaglaro at mapaglinlang.
"I'm not scared of you. Ang tuno ng boses mo ang tinutukoy ko."
Binaba na niya ang kamay niya at tumayo sa sanga. Kita ko na ngayon ng klaro ang suot niyang fit na faded jeans at pareho naming T-shirt.
"Kung ayaw mong umakyat dito sa puno. Okey lang. Pwede ka ng umalis d'yan. Storbo ka sa pagtulog ko."
What the?! Pinapaalis niya ako at istorbo daw sa pagtulog niya? Ngayon lang ako nasabihan ng ganun ah.
Umakyat pa ito sa isa pang sanga. Sa mas ibabaw pa nito.
Gusto ko ng umalis kaso baka 'di na naman ako tigilan ng kapatid ko kapag 'di ko kasama si Jeisen. Kaya wala akong choice nito at pakiusapan siya na sumama sa 'kin.
Huminga ako ng malalim para nawala 'yong inis ko kanina. Maiksi talaga ang pasensya ko.
"Jeisen... baka kasi mahulog ako sa puno. Hindi ako sanay umakyat. Kaya ikaw nalang bumaba dito."
"Wag kang mag-alala kung mahuhulog ka. Sasaluhin naman kita."
"I don't know how to climb." Totoong hindi talaga ako umaakyat ng puno. "Ikaw nalang ang bumaba dito. Kahit 'di kapa mahulog. Sasaluhin kita."
Bumaba na naman ito sa isang sanga. Yung totoo? Unggoy ba ito sa past life niya? Ang likot niya ngayon.
Hindi siya 'yong Jeisen na kilala kong stiff. Parang ibang tao siya ngayon.
"Kapag ba nahulog ako kakanta ka ba ng..." Itinaas niya ang kamay niya at pina alon alon na galaw pababa. "Hala! Nahulog log log log log! Haha! A-aw!"
Kinabahan ako dun ah. Muntik na ngang mahulog si Jeisen. Napahawak na naman ito sa ulo niya.
"This is not the right time for your silly jokes Jeisen."
"Sili jokes? Maanghang na jokes! Oo nga 'no. Gusto mo ba ng jokes, Gareth? Mas maanghang pa ito sa sili! Hahaha!"
Anong nangyayari sa kanya? Ba't ang daldal nito ngayon? Tumatawa pa siya.
But she don't look fine to me. Parang lutang ito habang sinasabi 'yon.
"I think you are not feeling well." Sabi ko. I extend my two arms para tulungan sana siyang bumababa. "Alright, ganito nalang. Tutulungan nalang kitang bumaba. "
Ngumuso naman ito.
Mas napakunot nuo ako.
"Ayoko ng tulong mo. Gusto ko ligtas ka."
---
To be continued...