Chapter 53
Jeisen Jee POV
Ang unang pumasok agad sa isipan ko ay ang masayang ngiti ni Aicel pagkarinig ko sa pangalang Maricel Cho. Si Aicel na unang naging kaibigan ko sa university. Si Aicel na naglakas loob na kaibiganin ako kahit ang dala ko ay panganib.
Si Aicel, ang kaibigan kong conyo.
Napahigit ako ng hininga.
Kay sayang maglaro ng tadhana naman oh. Bakit ka pamilya niya pa?
Si Maricel Cho ang malapit na Auntie ni Aicel. Ang may ari ng Coffe at Heart na parehong pinag tatrabahuan namin ni Fred.
Ang ikinababala ko ngayon ay kung may kinalaman din ba ang buong pamilya ng mga Cho sa Stygian mafia? Si Aicel, alam niya kaya? Kasali din ba siya sa mga ito? Marunong humawak ng baril ito bago ko pa man sila turuan.
Posible kayang may kinalaman din sila kay Maki Vergara? Pakshit na malutong! Tuso talaga ang matandang elepanting 'yon.
"Thena... "
Napahigit uli ako ng hininga ng marinig ang boses ni Ares.
"Mauna na muna kayong lumabas Ares. Kakausapin ko lang si Fred ng kami lang."
"Ayan ka na naman Thena." Naka taas kilay na sabi sa 'kin ni Aphro. "Mamaya mo na kausapin si buddy. Wala ka pang tulog. Total naman ay malaman na natin kung sino ang boss niya."
Kaya ko pa ang sarili ko. Medyo nanghihina nga lang ng konti.
"Kaya kong matulog kahit saan." Sagot ko sa kanya. "Ihatid niyo nalang si Dina sa kwarto niya."
Nilingon ko si Seidon na kanina pa bumubulong kay Fred. May kalokohan na naman segurong sinasabi ang lalaking 'to.
"Seidon..." Tawag ko sa kanya. "Sumabay kana kina Aphro lumabas. Kaausapin ko lang saglit si Fred."
Ngumiti ito sa 'kin pagkatapos ay nakipag apir kay Fred.
"Basta 'yong sinabi ko sa 'yo man. Bagay talaga sa 'yo maging si Hades. Galing kang Stygian kaya pag-isipan mo man."
Aba! May gana pang mang recruit itong si Seidon ah. Sabagay may potensyal itong si Fred. Being the numero Uno in Stygian means he is a well trained fighter.
"Sige man. Titingnan ko kung kaya ko ang training ninyo."
"Sige sige man."
Binatukan ito ni Aestus.
"Nang recruit ka pa d'yan asul na buhok! Tara na't mukhang may importanteng sasabihin itong si Thena kay Fred."
"Panira moment ka talaga kahit kailan Aetus." Sagot naman nito. "Kararating ko nga lang tapos paalisin mo agad ako? Isa pa..." Tiningnan niya ako saglit. "Isa pa gusto ko pang makita ang crush ko na si Agent J."
Kinuha ko ang isang maliit na patalim sa kanina lang pinaglalaruan ni Aestus sa may mesa. Meron naman ako na mas maliit pa nito na nakalagay lang sa highcut shoes ko pero mas gusto ko ang isang ito. Mas doble ang laki. Pinaikot ikot ko ito padaan sa mga daliri ko.
Hindi na ako nagtaka ng biglang napatayo si Seidon at nauna ng pumunta sa pintuan. Gusto ko tuloy matawa sa itsura niya. Para kasi itong nasilihan sa pwet. Hindi mapakali.
"Aalis ka na Seidon?" Inosente kong tanong sa kanya.
"O-oo! Sabi mo diba na umalis na kami. Kaya ito, aalis na kami agad."
Nagpipigil naman ng tawa ang tatlo.
"Pucha Seidon! Laugh trip talaga 'yang itsura mo 'pag natatakot! Hahaha!" Kantyaw sa kanya ni Aetus. "Parang 'di ka kasama sa Alpha guardians kung umasta!"
"Hindi ah!" Agad nitong sagot. "Kayo nga d'yan. Ang bagal bagal niyo. Kanina pa tayo pinapalabas tapos nag ala tonight with boy abunda pa kayo kay Fred. Wag ganun men."
Napa poker face naman ang tatlo.
Binaliktad pa niya. Eh, siya lang naman itong kanina pa kinakausap si Fred.
Aalis na sana sila kasama si Dina para iwan si Seidon pero pinigilan ko na naman sila. May napansin kasi ako.
"Sandali lang."
"What again Thena?" Mataray na tanong sa 'kin ni Aphro. Nainis na ata kasi kanina lang pinapaalis ko sila. Tapos ngayon naman ay pinipigilan ko sila. "Paalisin mo ba kami o hindi?"
Magkatabi na 'yong lima malapit sa pintuan. May kakaiba talaga akong napapansin. Parang may kulang.
Pinilig ko ang ulo ko.
Tama! Yung kulay ng buhok nila. Kay Seidon kulay blue. Kay Aphro kulay violet. Kay Ares kulay green. Kay Dina naman kulay golden yellow.
Si Aestus lang ang naiiba.
Well, maliban sa 'kin. Wala akong time na mag temporary hair color. May emergency ako kanina na ginawa kaya itim parin ang buhok ko.
"Dapat nag red hair ka Aestus."
Bagay sa kanya ang kulay pulang buhok. Madali kasing uminit ang ulo nito. Red hair I guess fits her personality.
Napahawak naman ito sa buhok niya.
"Red talaga?" Nagtataka niyang tanong. "Bakit mo naman naisip 'yan Thena?"
Bakit nga ba 'yon naisip ko?
Minsan talaga weird ang pumapasok sa utak ko. Naisip ko lang naman kasi ang pula na kulay. Bagay ito kay Aestus.
"Uhmm..." Napatingin ako kay Fred na naghihintay rin ng importante kong sasabihin.
"Sabihin mo na ang dapat mong sabihin Thena." Naiinip na sabi ni Aphro.
"Para---"
"Para ano?!" Sabay nilang tanong.
"Para kompleto na ang kulay ng crayola. Isama niyo na si Fred. Kulay brown ang sa kanya."
Sabay naman silang napatampal ng nuo. Ayos ah. Nagkakasundo ng galaw?
"Dapat talaga hindi na pinapasama si Thena sa mga kaibigan niya." Rinig kong bulong ni Aestus. "Mas nagiging werdo at korne ang naiisip niya habang tumatagal."
"Ha ha ha!" Natatawang reaction naman ni Fred. "Oo nga 'no. Bakit nga ba may kulay ang mga buhok ninyo? May kinalaman ba 'to sa pag pangalan sa inyo bilang Gods and Goddess? Diba Mafia hunters ang Kampo Ginoo. Ano pa 'yong agent at guardians? Ang dami niyo atang tawag?"
"We can be what we want Fred." Sagot naman ni Ares sa kanya. "May kategorya kaming sinusunod. Depende na rin ito sa kaya naming gawin. You will know it eventually once you'll join our force."
Nice. Ares is considering Fred to be one of us. Wala namang masama dun basta ang loyalty niya ay sa Kampo Ginoo lang.
"Actually may iba pang tawag sa amin." Seryoso kong sabi.
Napatingin naman sila sa 'kin. Sabay sabay. Nagkakasundo talaga sila sa galaw ha.
"Ano naman 'yon?" Tanong ni Fred.
"Kami ay mga Power Rangers."
"Let's go now guys!" Padabog na sigaw ni Aphro at nauna ng lumabas. Ano nangyari dun?
"Intindihin nalang natin si Thena." Sabat naman ni Ares. "Wala pa kasi 'yang tulog.
"Tama tama." Napapatangong sang ayon ni Seidon sa kanya. "Don't worry Thena. I'm still here to support you. Crush pa rin kita no matter what."
"Okey lang po 'yan Miss Thena." Sabi naman ni Dina sa 'kin.
At kagaya kanina. Sabay na rin silang lumabas. Maliban kay Fred na hinila ko pabalik dahil may pag uusapan pa kami.
Mga walang sense humor 'tong mga ito.
Maliban kasi sa crayons ay naalala ko rin ang isa sa mga pinapanood kong palabas sa TV dati. Bata pa ako nun at uso ang power rangers.
"He he. Maniniwala na sana ako sa power rangers kung 'di lang umalis sina Seidon."
"I'm serious Fred." Sagot ko naman sa kanya pagka upo namin. Nakaalis na 'yong lima.
"Ha? Seryoso talaga 'yong kasama kayo sa power rangers?"
"Oo. Seryoso."
"Eh, ba't ganun ang reaction nila nung sinabi mong power rangers kayo?"
"Hindi kasi nila matanggap."
"Ayaw nila? Bakit naman 'di nila matanggap?"
Nilagay ko muna sa tray ang mga wine glass. Pati na rin ang bote ng wine bago ito sinagot. I'm feeling tired. Pero kaya ko pa.
"Hindi kasi nila matanggap na I am a serious joker. Na seryoso ako sa mga jokes ko."
Napangiwi naman ito.
"Seryoso ka nga talaga."
"Yes I am. Gusto mo ng sample?"
Umiling naman agad ito.
"Hindi! Wag! Ah... I-i mean hindi na."
"K." Sabi mo 'e.
Madali pa naman sana akong kausap.
Tumayo ako at nilagay ang tray sa isang mas mataas na mesa. Malapit ito sa TV. May drawer sa ilalim nito kung saan nakalay ang titulo ng C mansion.
"Ano pala 'yong importante mong sasabihin sa 'kin Thena?"
Isinilid ko ang kontrata na pinakita namin kay Fred kanina at kinuha ang isang mas importeng papel.
It will probably help Fred to start a new life. Kahit pa he is an asshole kanina kakatingin sa legs ko.
Kaya pala ito pinagpapawisan dahil may pantasya na pala itong nabubuo sa utak niya. He is very obvious with his actions. Madali lang kasi itong mabasa. Kaya naman sinubukan ko kung hanggang saan ang kaya niya pagdating sa letter C.
Minsan kasi kailangan ng tao na maranasan at ipakita ang masamang naidudulot ng isang bagay kapag ito'y sumobra. Na maari kang mapahawak kapag wala kang limitasyon dito.
I can't blame Fred though. I am wearing shorts and that made him uneasy. Aminin ko man o hindi I have a very good pair of white legs na namana ko kay mama. Kami ng kapatid ko na si Ate Jaud.
Mapapatingin ka talaga ng hindi mo sinasadya. Kulang nalang sabihin ng mga mata ng nakakakita na 'ang ganda ng legs mo, sana legs ka nalang'.
Bumalik ako sa pagkakaupo at binigay kay Fred ang papel na kinuha ko sa drawer.
"I'm not going to ask about the Cho family or the Stygian Mafia." Sabi ko sa kanya. "I just want to give you this scholarship for you to continue your study in college."
Tinitigan niya muna ako saglit saka kinuha ang form para sa scholarship. Halata rin sa itsura niya ang pagkagulat. Sino ba namang mag aakala na mag o-offer kami ng pampaaral niya.
Kagaya ng paniniwala ko. Education is not a privilege. It is a right. Sayang ang talino ni Fred kong hindi ito magtatapos sa kolehiyo.
"Kampo ginoo is really something." Namamangha niyang sabi. "Ganito ba talaga dito? Ganito ba talaga kayo? Masyado akong na overwhelm. Pero bakit? Bakit pati pag-aaral ko kayo ang sasagot?"
Nag kibit balikat ako.
"This is already us. We do what we think is right and fair."
"Damn! Ang cool talaga dito." Nakangisi niyang sagot. "Saan naman ako mag aaral kung sakali man?"
"You choose where."
"Wow! Pwede ba sa Unibesidad De Royal nalang ako?"
Habang sinasabi niya ang pangalan ng university na kung saan dun din ako nag aaral ay parang nag ningning ang mga mata niya. The UDR is a very promising school. Maraming gustong mag aral dito kaso lang mahal ang tuition fee.
Kaya nga maraming nagtaka kung pa'no ako nakapag enroll sa school na 'yon. Wala naman kasi sa itsura ko ang maka afford ng pambayad dun.
Mga tao nga naman. Hindi porke't hindi ako mahilig mag suot ng mga mamahaling damit ay huhusgahan na nila ang pagkatao ko.
But... nice choice of school Fred.
"Matagal ko ng gustong mag aral sa school na 'yon." Pagpatuloy niya pa. "Marami kasi kaming customer sa coffee at heart na nag aaral dun. Kasabayan nito ang Artsci University na nangunguna sa academics at sports. At saka napansin kong maraming magaganda dun."
Mahilig talaga sa babae ang isang 'to.
"Sure. No problem." Nakangiti kong sagot sa kanya. "Just fill up that form and we will take care everything you need. At sa oras na lumabas ka sa kampong ito asahan mong may pagbabago na sa buhay mo Fred."
Napayuko ito at hinawakan ng mahigpit ang scholarship form na binigay ko.
"Bakit niyo binibigay sa 'kin lahat ng 'to? May kapalit ba ang pagtulong niyo sa 'kin?"
Napabuntong hininga ako. I understand why he's in doubt. Hindi niya kasi inaasahang ganito ang pagsalubong namin sa kanya.
Tumayo na ako at naglakad papuntang pintuan. Mag aala sinco na ng umaga. Bumababa na ang enerhiya ko. But atleast may napala ako sa araw na ito. Hindi sayang ang walang tulog ko.
"Walang hinihinging kapalit kung kusa at bukal sa loob mo ang mga ginagawa mo." Sagot ko sa kanya. "Magbigay ka kung meron ka. Tumulong ka kung kaya mo."
Lumingon ako sa kanya.
Nakatitig na ito sa 'kin.
"Fred, you can't change what's the reality but atleast start it on how you should think differently 'bout how you run your life. I know it's hard to do good things sometimes lalo na kung napapalibutan ka ng masasama sa paligid mo. Napaka hirap ring maniwala kung ikaw mismo nagdududa sa sarili mo. Alam mo bang sa mga oras na ito ay napaswerte mo?"
"P-pa'no mo nasabi 'yan?"
Hinagis ko sa kanya ang isang maliit na bote ng antidote. Ito 'yong inabot sa 'kin ni Dike. Nasalo naman niya agad ito.
"Letter E--- Bunos life."
"Bunos life?" Tanong niya habang tinitingnan ang maliit na bote. "Anong gagawin ko sa cute na boteng ito?"
"That's your bunos life Fred." Sagot ko sa kanya. "You made the right choice of telling us the truth. Napatunayan mong hindi ka naman ganun kasama. Kaya ang boteng 'yan ay bunos mo sa multiple choice natin kanina."
Lalabas na sana ako pero pinigilan niya ako. Napatumba pa ito habang patayo. Ibig sabihin ay unti unti ng kumakalat ang poison sa katawan niya.
"Teka lang Thena. Ba't parang nahihilo ako?" Umupo uli ito at napahawak sa ulo niya.
"May lason ang pagkain mo kanina. Lason na nagpapatigil sa daloy ng dugo mo pati na rin sa t***k ng puso mo. We want to torture you through feeding good food. Pero nag bago ang isip ko dahil sa pag bago din ng desisyon mo. Fred, hindi lahat ng taong nagpapakita sa 'yo ng mabuti ay mabuti na. Wag mo sanang kakalimutan 'yan."
Napasandig ito sa kinauupuan niya at pumikit. Naghahabol na rin ito ng hininga.
"T-tatandaan k-ko at s-salamat sa bu---bunos life."
Napa smirk ako. Ngayon lang ako nakakita ng taong nagpapasalamat dahil nilason siya. But I just hope this will be a good start for him.
"You save yourself so don't thank me. Inomin mo na ang gamot bago kapa malagutan ng hininga."
"M-makikita p-parin ba k-kita kung s-sakaling m-maayos na ang kalagayan k-ko?"
"Dalawang lugar lang naman ang pagpipilian mong puntahan."
"S-sabihin mo s-saan?"
"Heaven or hell."
Napaungol naman ito.
"T-thena. Seryoso 'to."
Ha.ha! Kung 'di ba naman tukmol 'tong si Fred. Dalawang lugar lang naman ang pupuntahan niya 'pag 'di niya agad ininom ang antidote na bigay ko.
Ang dami pa kasing sinasabi.
"Seryoso ako unless type mo sa rainbow maglambitin."
"D-damn! I-im not g-gay!"
Napangisi ako. Oo nga naman. Lakas nga makapantasya ito sa aming mga babeng guardians 'e.
"Kasama mo lang ako sa trabaho Fred." Sabi ko sa kanya. "Matagal mo na akong kasa kasama ng hindi mo namamalayan."
"H-ha? S-sino ka d-dun?"
"I'll see you when I see you, Fred."
---
Alfred POV
Hindi talaga ako makapaniwala na nangyayari ito ngayon. Akala ko si kamatayan na ang sasalubong sa 'kin. Yun pala ay mga anghel. Ah no, hindi lang pala anghel kundi mga diyos.
Ininom ko agad ang antidote na binigay sa 'kin ni Thena. Kung ga'no katagal kumalat ang lason ganun naman kabilis ang bisa ng gamot na binigay nila sa 'kin.
Alam kong hindi nila ako papatayin. Ramdam ko 'yon. Kasi kung oo, dapat pinadali nila ang pagkitil sa buhay ko.
Mas pinili nila na may matutunan ako.
Na may pag asa pa akong mag bago.
...hindi lahat ng taong nagpapakita sa 'yo ng mabuti ay mabuti na.
Ang lalim. Napa isip tuloy ako.
Sinabi ni Thena ang mga katagang 'yon para magkaroon ako ng sariling direksyon. Hindi 'yong susunod ako dahil sa may kapalit ang lahat ng tulong na binibigay sa 'kin. Kaya seguro ako nasadlak sa ganitong trabaho dahil nagpapadala ako sa agos. Na wala akong karapatang tumanggi na. Mabait si boss pero may kapalit naman lahat ng tulong niya.
Ngayon ko lang maramdaman na nakakapagod rin palang maging anino at sunod sunoran sa utos ng mga taong akala mo solusyon sa problema mo.
Tama nga. Hindi ako dapat basta basta nagtitiwala. Nilagyan nila ng lason ang pagkain ko para iparating na kahit ga'no ka buti ang isang tao ay may naitatago rin itong kasamaan.
Ang kampong ito. Gusto nilang iparating na kahit na gaano kabuti ang pinapakita nila sa 'kin ay dapat hindi ako magtiwala agad sa kanila. Na may sarili akong desisyon para sa sarili ko.
Ginalaw galaw ko muna ang mga kamay ko. Medyo maayos na nga ang pakiramdam ko kaya inumpisahan ko ng mag sulat sa form na binigay sa 'kin ni Thena. Pagkakataon ko ng mag aral kaya hindi ko ito palalampasin.
Pangarap ko kasing maging isang doctor. At gusto ko talagang ipagpatuloy ang naudlot kong pag-aaral nito.
Pagka tapos kong mag sulat ay humiga agad ako sa kama. Bahala na kapag nalaman ito ng Stygian.
Sana tama itong pinili ko.
Pero teka nga. Ano ang ibig sabihin ni Thena na magkasama lang kami sa trabaho? Sino siya dun sa mga kasama ko?
Imposibleng cashier siya. Ang layo kaya ng itsura ng dalawa.
I'll see you when I see you, Fred.
Di ko tuloy mapigilang mapangiti.
"I'll see you when I see you too, Thena."
---
Jeisen Jee POV
Pagka labas ko sa jail room ay dumeretso agad ako sa gun room. My energy is getting low kaya sasagarin ko na. Kahit naman kasi dilat ako ay maaalala ko pa rin ang inamin ni Fred sa 'min.
Kinuha ko ang isang 45 caliber gun at nilagyan ito ng bala. Kinasa ko agad ito at sunod sunod na nagpaputok sa dummy target.
Hindi pa ako nakuntento at kumuha uli ng isang magazine na may lamang mga bala. Nagpa putok uli ako. Gusto ko kasing ilabas ang namumuong galit at pangamba sa puso ko.
Bakit ang pamilyang Cho pa? Bakit ang pamilya pa ni Aicel?
Binaba ko ang baril at hinihingal na napaupo sa sahig. Sinagad ko na talaga ang lakas ko.
"So, it's the Cho family."
Napaangat ako ng tingin ng may nagsalita sa harapan ko. Inilahad niya ang kamay niya para hilahin ako patayo. Tinanggap ko naman ito.
"Zeus..."
"Do you still want to continue your mission?"
"This is my war." Sagot ko. "Hindi ako sumusuko. It's not in my vocabulary."
Napatango naman ito.
Zues is our head in kampo ginoo. Bihira lang ito pumupunta sa kampo kaya himala ng napadpad ito ngayon. Marami kasi itong inaasikaso.
Kung pakatitigan mo ang itsura niya ay nakaka intimidate talaga ito. He looks like a powerfull aristocrat in his age. Bakas din ang prominenting dugong spanyol sa kanya kahit na may katandaan ito.
"You are ready to kill her."
It's not a question but a statement.
"I am born ready Zeus."
"Good. Hindi nga ako nagkamali na tinanggap ka sa kampo ginoo Thena. Kahit na bago ka palang pero hinigitan mo na ang kakayahan ng iba. You are more than intelligent and I'm proud to have you here with us."Ngumiti ito sa 'kin. "My genius Thena."
"Wag mo na akong bolahin--- Zeus ginoo."
Napatawa naman ito sa sinabi ko.
"I'm just telling the truth."
"Oo na po."
Sumeryoso na naman ito.
Ito na naman 'yong titig niya na parang laging nag aalala. Bakit kaya?
"Thena, ingatan mo sana ang puso mo na hindi tuluyang mabalot ng paghihiganti. Pero ang mas ikinababahala ko ay kung ano tumatakbo sa utak mo ngayon. Ang utak mo na hindi basta basta nakakalimot."
Tumalikod ako sa kanya para ibalik ang baril na kinuha ko sa lalagyan nito.
Sana nga may gamot ng pagkalimot.
"Why are you still here?" Tanong ko sa kanya. "It's already 6 in the morning and I thought you have an early flight going to Germany?"
"I cancelled it. Nabalitaan ko kasi ang nangyari."
"K."
"How's your deity? Hindi kaba nahihirapan sa kasungitan nun?"
Humarap ako sa kanya. Medyo nahihilo na ako. Nararamdaman ko na din na namumutla ako.
"I am guarding him 24/7 kagaya ng sinumpaan ko. You have nothing to worry if your nephew is safe or not."
Napatawa naman ito sa sinabi ko. Bipolar lang si Zeus?
But seriously, kung gaano ito ka strikto sa iba ganun naman ito ka luwang kapag nandito siya sa kampo. Ibang iba ang pinapakita niya.
"Yeah. I can see that." Humugot ito ng malalim na buntong hininga. "Hindi mo nga pinapabayaan ang pamangkin ko pero ang pinapabayaan mo naman ang sarili mo. Thena, para na kitang anak. Kaya please, take care of yourself too."
Mabuti pa itong si Zeus mas naramdaman ko ang pagiging ama. Pero ang papa ko bigla nalang nawala ng hindi nagpaalam.
Ngumisi ako sa kanya.
"Okey po... papa."
"Haha! Serious joker ka talaga Thena." Sumenyas siya para kumapit ako sa braso niya. Gentleman as always. "Let's go? Ipapahatid na kita kay Dike para makapag pahinga kana sa apartment mo."
"Salamat po papa." Natatawa kong sabi sa kanya.
Hinawakan niya naman ang ulo ko at ngumiti. I don't feel that he is strict kagaya ng laging sinasabi nila. Isa si Zeus sa pinaka mabuting tao na nakilala ko.
"Kung magkakaroon man ako ng anak na kagaya mong maganda, mabait at napaka talino, tiyak segurong ako ang pinaka proud na ama sa buong mundo."
Si papa kaya? Proud din kaya sa 'kin? Sa aming magkakapatid?
Naglakad na kami palabas. Siya na rin ang naghahatid sa 'kin sa apartment ng hindi kami makaabala sa iba.
Pagkarating ko sa apartment ay agad kong inihiga ang katawan ko. Hindi pa ako nakakapag bihis ng mag beep ang phone ko.
From: +639106375908
Hello Jeisen. Si Mae 'to, working student ni dean, remember? Daan ka daw muna sa office niya dahil may importante daw siyang e di-discuss together with the CAS officers and admin.
PS: Pasaload naman d'yan. Hahaha! Joke lang. See you later nalang Ms Representative.
Pumikit muna ako bago nireplayan si Mae. Mag se-seven o'clock na pala.
To: +639106375908
K.
May mga text ng mga kaibigan ko pero hindi na ako nag abalang tingnan ito.
Nilapag ko ang phone sa kama at kumuha ng damit. Hindi pa pala ako nakakapaglaba. T-shirt na itim na may printang batman logo sa gitna nalang seguro susuotin ko at faded maong pants.
Nag half bath lang ako at nilugay ang tuwid at mahaba kong buhok. Wala si Ate Jaud ngayon kaya ako lang mag isa.
Pagkarating ko sa office ng dean ay pinagbuksan agad ako ni Mae ng pintuan.
Wala ako sa wesyo habang nag uusap sila. Sila ng mga kasama ko sa CAS. Lutang ako ngayon. Ramdam ko.
"Okey lang ba sa 'yo na, oh, mag tutor sa department natin Ms. Escintosh?"
Napadilat ako at wala sa loob na tumango. Kahit hindi ko alam kong anong subject ang ituturo ko at para saan 'to.
"Excuse me, Dean Oh." Boses 'to ng professor namin sa polsci ah. Pumikit na kasi ako uli. "Hindi pa ba enough ang mga professors ng CAS para makahabol tayo sa overall evaluation ng mga studyante? It's a very big insult in our part na isang studyante pa ang hingan natin ng tulong dito. I am lawyer here at sa kanya ninyo ipapasa ang pag tutor sa subject na tinuturuan ko? This is unbelievable!"
"Believe me, oh, Attorney Unison, we need her help. Hindi ko, oh, palalampasin ang pagkakataong ito na isang Escintosh ang nasa, oh, panig natin. It's one rare moment."
Manghang mangha pa si dean pagkasabi ng apelyido ko ah. They are arguing of something? Palagay ko lang.
"No! I can't take this. I'm sorry dean but I'm against with this meeting. I'm done here."
Tunog ng malakas na bagsak ng pintuan ang narinig ko. Dumilat na ako uli at isang nakangiting dean ang nakatingin sa 'kin.
"I'm sorry 'bout that, oh, Ms. Escintosh." Sabi niya. "We'll just inform you the, oh, schedule for the class tutorial."
Lumapit na din sa 'kin ang mga ka department ko at kinamayan ako. Alright, I'll just go with the flow kahit na lutang ako.
Lumabas na rin ako pagkalabas nila. Pero bago 'yon may binigay akong card kay Mae. Tinawag pa niya ako pero hindi ko na siya nilingon.
"Wahh! Salamat sa load Jeisen! You are the best among the rest!"
Dumeretso ako sa big tree para dun nalang matulog. Ayaw ko pang bumalik sa apartment. Wala rin ako sa mood makipag usap sa iba.
Isinandig ko ang likod ko sa katawan ng puno at pumikit. Hindi pa mag isang minuto ng may naramdaman akong tao sa ilalim ng puno.
Dumilat ako at tiningnan kung sino ito.
Si Gareth Liu?
Pa linga linga ito. Parang may hinahanap. Napangisi ako sa naiisip ko.
---
To be continued...