BM55 - Mababaw

4297 Words
Chapter 55 Jeisen Jee POV This is not getting good. Nag umpisa ng sumakit ang ulo ko. Sana lang hindi ako magkalat. Ibang iba pa naman ako kapag nagkakasakit. Kadalasan hindi ko na nakokontrol ang sarili ko. Pati ang mga sinasabi ko. Lutang kong lutang. Kaya naman bago pa makahalata si Gareth ay umakyat pa ako sa mas mataas na bahagi ng puno. Ayokong malaman niya na nagkakaganito ako kapag magkakasakit. Hindi niya pwedeng malaman. Ayoko siyang madamay. Baka mapahamak siya sa 'kin. "Hey Jeisen. I told you I don't know how to climb. Ba't mas umakyat ka pa?" "Umalis ka na Gareth." Ganting sigaw ko sa kanya. "Ayokong madamay ka. Gusto ko ligtas ka." Hindi ko na siya tinitingnan at nagtago nalang sa gilid ng sanga. Nag uumpisa na akong makaramdan ng kakaiba. This is not really getting good. "I don't get you." Kahit ako rin Gareth. Hindi ko rin ma gets kung bakit. Kusa nalang kasing lumalabas. Nilingon ko siya saglit mula sa baba. Hala! Ba't siya paakyat ng puno? Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko. Dapat hindi ko nalang siya niyayang umakyat. Huhu! Isip Jeisen! Ano ba ang gagawin ko? Natataranta na ako dito. Lumipat ako sa kabilang sanga. Mas maganda kasi ang hugis ng sanga nito. Parang ang sarap upuan. Harhar! "Oh s**t! Saan ba ako hahawak dito? Ang hirap palang umakyat ng puno. Pa'no ba 'to?" Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi 'yong boobs ko kundi 'tong sa ibabaw na kung saan nakalagay ang ginintoang puso ko. Kawawa naman si Gareth. Hindi pala talaga ito marunong umakyat ng puno. Ang lungkot seguro ng childhood life niya. Napanguso ako. Sige na nga. Tutulungan ko nalang siya. Total ako naman nagyaya sa kanyang umakyat dito. Bumaba ako sa isang sanga at inabot ang kamay ko para maka akyat siya. Nang maka-akyat na ito ay nginitian ko siya. Ang galing galing! Kaya naman pala nito. Hehe! Ang galing galing talaga. Nginitian ko pa siya. Pero 'yong itsura niya parang nagtataka. Nakakunot na naman kasi ang nuo niya. Ang sungit sungit niya tuloy tingnan. Nawala tuloy ang ngiti ko at tumalikod nalang. Naiilang ako sa mga titig niya. Bakit ganyan siya makatitig? Nagkaka crush na ata 'to sa 'kin. Harhar! Pero kahit masungit ito ay na aawa ako sa kanya. Ang lungkot kasi ng childhood life niya. Hindi ito nakaka akyat ng puno. Seguro puro work at studies nalang ang alam niya. Kawawa talaga si Gareth. Huhuhu! "H-hey... are you crying?" Biglang tanong niya. Pinahid ko ang luha ko. Ayokong humarap sa kanya. "H-hindi ah." "You are crying! For God's sake!" Ayan! Galit na naman siya. "Hindi nga sabi 'e!" Mas umiyak pa ako lalo. Hindi dahil sa galit siya kundi dahil kawawa talaga ito. Kaya seguro ito masungit kasi malungkot ang childhood life niya. "Jeisen... ba't ka ba umiiyak? Okey ka lang ba? Aish! Wag ka na ngang umiyak. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko." Humarap ako sa kanya. Pero 'yong tingin ko nasa ka bilang sanga. "E-eh kasi..." "Eh kasi ano?! Sabihin mo sa 'kin! Bigla bigla ka nalang umiiyak d'yan. Natataranta tuloy ako." Napapikit ako saglit. Ang lakas ng sigaw niya. Ang sungit talaga. Pero kawawa parin Gareth. "Eh kasi kawawa ka." Nakanguso kong sagot sa kanya. "What? You pity of me kaya ka umiiyak?" "Oo." "You're weird... really." "K-kahit masungit ka naawa ako sa 'yo. Kasi ang lungkot ng childhood life mo." "At sino namang may sabi sa 'yong malungkot ang childhood life ko?" "Wala." Sagot ko. "Pero kasi hindi ka marunong umakyat ng puno kaya ko nasabing malungkot ang childhood life mo. Kaya ka masungit kasi puro ka school at work. Pero naintindihan naman kita. Naaawa lang talaga ako sa 'yo." Napabuga ito ng hangin at umiling iling. Totoo naman 'yong sinabi ko ah. "You know what, bumaba na tayo. You don't look okey and I don't get why you are acting like that." No! Ayoko pang bumaba. Gusto ko pa dito sa puno. Hmp! Bahala na nga siya d'yan. Umakyat nalang ako sa mas ibabaw ng puno. Ang ganda talaga dito sa taas. Feeling ko nagkakaroon ako ng peace of mind kapag nasa tuktok ako. Ang mga ibon. Ang mga huni nila ang sarap pakinggan. Gusto ko ring maging ibon. Ang sarap segurong lumipad kasama nila. I open my arms just like Rose in Titanic. Gusto kong damhin ang lamig ng simoy ng hangin. Ang sarap talagang maging kaisa ng kalikasan. --- Gareth Liu POV Habang tumatagal mas lalong nagiging werdo ang tingin ko kay Jeisen. Aside from her being mysterious, she's acting different now... like a different person. Feeling ko mas malala pa siya kina mommy at kay Reimi Keith. Kung ang dalawang 'yon ay isip bata si Jeisen naman ay ang babaw. What I'm trying to say is that, sa simpleng bagay lang may sinasabi ito. Kagaya kanina, bigla itong umiyak dahil hindi daw ako marunong umakyat ng puno. That she pity of me. She's really weird. Kahit hindi ako umaakyat ng puno ay pinilit kong sundan ito. Bigla kasi akong kinabahan ng hindi na ito humahawak sa mga sanga. She's smiling while spreading her arms. I'm not liking this. Gustong gusto niya talagang pinakakaba at pinag aalala ako. Tsk! I hold her waist to support her. Sa takaw nitong kumain, nakakapagtakang she's so thin. I can even measure her waist using my two hands. Napalingon agad ito sa 'kin. Ang lapit lapit na ng mukha namin sa isa't isa. "G-gareth... anong ginagawa mo?" I don't know if I did the right thing. Pero hindi ko pinagsisihan na hawakan siya. Ang tamlay ng mga mata ni Jeisen. Itim na itim ito kagaya ng kulay ng buhok niya. Kahit na namumutla ito hindi parin nawawala 'yong unang impression ko sa kanya. Cold--- but still beautiful. "I'm holding you." I answered without breaking our eye contact. "Baka kasi mahulog ka." Tumawa ito at pinitik ang nuo ko. "Diba sabi ko naman, ako ang bahala sa 'yo. Gusto ko diba ligtas ka." Kinuha niya ang kamay ko at umakyat pa kami sa pinakamataas. We are holding hands while climbing. Ang mga tingin ko nasa nakangiti niyang mukha at sa magkahawak kamay namin. Ang lambot ng kamay niya. Pero namumula ito at may sugat na maliit sa daliri niya. Hindi ba siya nakaka ramdam ng sakit? "Masyado na tayong mataas Jeisen." Medyo nalulula na ako pero kaya pa. "Ito ba 'yong sinasabi mong mundo mo?" Tumigil na kami sa isang malaking sanga. Nasa pinakamataas na nga kami ng puno. Kita ko na ngayon ang buong soccer field, mga tanim sa university at buildings ng campus. "Ang ganda dito diba?" Tanong niya habang nakatingin din sa paligid. Napatitig na rin ako sa kanya. "Kaya gusto ko sa mga puno. Parang kaisa ko kasi ang kalikasan. Gustong mo rin ba ang nakikita mo Gareth?" Yeah. Gusto ko nga ang nakikita ko. Gustong gusto ko. Hindi ako sumagot kaya napalingon ito sa 'kin. I remember this kind of scene in Twilight. Nung nanonood si Jin sa office nito. I am not a fan of fantasy or vampires pero ngayon ko lang na appreciate ang eksenang 'yon. Ibang puno lang 'tong inakyat namin. Napakunot nuo ako ng biglang ngumisi ito at pinakita ang ipin niya. Well, maputi at tuwid ito. Pero parang may nakausling ipin na patulis sa magkabilang gilid. Oh s**t! Don't tell me... "May napapansin ka ba Gareth?" Tanong niya ng hindi parin maalis ang ngisi. No. No es posible! "Y-you're a vampire?!" "Hahahahaha... ang cute cute!" Kinurot niya ang pisnge ko. "Para kang si Jin. Ganyan din ang sinabi niya nung nandito kami sa puno! Haha!" What? Si Jin? Nag kasama sila ni Jin dito sa puno?! Hindi ako makapaniwala. Si Jin na ilag sa mga babae at wala ng inatupag kundi ang libro niya at lollipop ay napaakyat ng puno ni Jeisen? Is this also the reason why he is not with us sometimes? That they are dating secretly? Damn it! Jin likes Jeisen. He confessed it for crying out loud! "Oy! Ba't 'di maipinta 'yang itsura mo Gareth?" Hinawakan niya ang nuo ko. Naninibago parin ako sa mga ikinikilos niya pero...ewan! Tsk! "Naka kunot na naman 'to. Dapat ngumingiti ka para 'yong dimple mo---" Tinanggal ko agad ang kamay niya. Bigla akong na bad mood sa narinig ko. This strange feeling is scaring me. I should not be... jealous. "Wag mo nga akong hawakan! Tsk!" Napanguso naman ito at lumipat sa  kabilang sanga. And... she's crying again?! Napahawak ako sa sentido ko. Ano ba ang gagawin ko sa babaeng ito? Natataranta ako kapag umiiyak siya. Feeling ko ako may kasalanan. But yeah, technically it is really I think my fault. Dahil ba tinabig ko ang kamay niya at pinagsabihan itong 'wag akong hawakan? Ang babaw naman na rason 'yon para iyakan. Pa'no ba magpatahan ng babae? I don't know. I don't have idea. Maybe I should hug her? "J-Jeisen. Can you please stop crying? Ano ang gusto mong gawin ko para tumahan ka?" "W-wala 'to Gareth." Suminok pa ito at tinuro ang sa may likod ko. Kaya tiningnan ko rin. Pugad ng ibon? "Ngayon ko lang napagtanto na kawawa pala ang mga maliliit na ibon kapag nahulog sila sa puno. Natakot ako kanina ng kinabig mo ang kamay ko at umuga 'yong sanga. Pa'no nalang kung hindi ako lumipat agad? Edi, nahulog na sila. Huhuhu!" Napa buga ako ng hangin. Pugad lang pala ng ibon ang iniiyakan niya! "P-pero mas naawa ako sa 'yo. Palagi kasing naka kunot ang nuo mo. Marami ka segurong problema kaya lagi kang ganyan. Tapos... tapos ang sad pa ng childhood life mo." It's my childhood life again. Gaano ba siya ka segurado na ang childhood life ko ay malungkot at boring? I have my own idea of fun. Hindi lang 'tong pag akyat ng puno. "Pa'no ka naman nakaka seguro sa mga sinasabi mo?" Pinaningkitan ko siya ng mata. "Do I look like unhappy with my life?" "Eh... feel ko lang." Sagot naman niya habang nilalaro ang dulo ng T-shirt niya. Para tuloy siyang bata na nagpapaliwag sa kasalanang ginawa. "And you don't look unhappy? Seguro po? Hehe! Lagi ka kasing naka busangot at galit" Pagiging seryoso at strikto 'yon. Hindi pagiging busangot. It's my trademark. "Alam mo, bumaba nalang tayo." Suggestion ko. "Kung ano anu nalang pumapasok d'yan sa werdo mong utak." Tumango naman ito. "Sure Ga! Kaya taralets na bagets! Harhar" 'Harhar'? Tawa ba ang harhar? Natatawa kasi ito habang sinasabi 'yon. She's really weird. I think Jeisen has a split personality. Nauna na rin itong bumaba. Napapailing nalang. How can I get down here? That's my problem now. I thought she'll make sure I'm safe. Pero nauna pa siyang bumaba kaysa sa 'kin. Kumapit akong mabuti sa mga sanga habang pababa. Hindi na ako tumitingin sa ilalim at nag concentrate nalang sa pagkapit. Ang taas pa naman ng punong ito. But just fvcking s**t! Kung gaano kadaling umakyat, ganito naman kahirap bumaba. Puro mura na ang lumalabas sa bibig. This is harder than managing a company or being the student council president. Climbing is not really my thing. I don't even think if I can survive if ever I'll be in the jungle. I'm not used in this kind of stuff. This can't be my world for sure. Sinubukan kong tumapak sa isang sanga para bumalanse pababa. Ngunit sa kasamaang palad ay nadulas ako. Is this will be my end? Hindi nga ako napatay sa mga nagtatangka sa 'kin pero itong pagkahulog sa puno? Oh come on Gareth Liu! Nagpakawala ako ng malalim ng buntong hininga. Someone grab me and I know it's Jeisen because of her familiar scent. Yakap niya ako sa tagiliran just like what I did to her awhile ago. Pero ang lakas niya para mahawakan ako ng walang ka hirap hirap. She's tall and slim but I'm obviously bigger that her. Nakaya niya ang bigat ko? How come? "I'm sorry Ga." She's really a crying lady now but I can feel her sincerity. Lalo na ang pag tawag niya sa 'kin ng 'Ga'. Maybe shortcut ito ng name ko. Umayos ako ng tayo sa sanga. Nakahawak parin ito sa 'kin. "I'm okey. You have nothing to worry." Sabi ko. "Thanks for saving me." "You don't need to thank me. I oath to save you." Now she's back in her serious mood and cold aura. "I'm sorry kong nauna akong bumaba. Dapat hindi nalang kita hinayaang umakyat dito. It's my fault. Hindi ka pa naman sanay sa mga ganito. Bumaba na tayo while I'm still with my senses." While she's still with her senses? Anong ibig niyang sabihin? "Yeah. Kanina ko pa nga sinasabi na bumababa tayo. Matigas lang talaga ang ulo mo." Napangisi naman ito. A creepy one. "May malambot ba na ulo Gareth?" She's back with her old self! Literal and sarcastic. "Tsk! You're weird." Sinundan ko lang siya pababa. Inaalalayan niya pa rin ako which I find it awkward. Kanina lang panay hawak nito sa 'kin at salita but now she's too quite and not so touchy. But I'm amazed. Parang wala lang sa kanya ang pag akyat at pag baba dito sa puno. Ang bilis at segurado. Pag ka apak namin sa lupa ay sabay ring nahulog ang pugad ng ibon sa itaas. Tiningnan ko agad si Jeisen. Ang kaninang walang emosyon ay napalitan ng naiiyak na mukha. Don't tell me naawa na naman siya dito? "Hayaan na natin 'yan Jeisen." Sabi ko habang pinapagpagaan ang damit ko. Nadumihan kasi. "Gagawa rin naman 'yan sila ng bagong pugad. We better go now." "P-pero kawawa naman sila. Naisip ko tuloy---" "Mas maawa ka sarili mo." I'm worried here. Okey? "You don't look fine. Ano ba nangyayari sa 'yo? Do you need a doctor?" Maputla pa rin ito. Kahit na tinulungan niya akong bumaba sa puno still she don't look fine. Hindi ko masyadong matantya kung anong nangyayari sa kanya. I'm not stupid para hindi ito mapansin. Kung naniniwala lang ako sa mga bampira talaga, iisipin ko talagang bampira ito. Pero hindi 'e. She's so pale at pagod ang mga mata niya. Napakatamlay din nito tingnan. Pero napakalikot naman at daldal. "I don't need a doctor. I need sleep!" Umiyak na naman ito. --- Jeisen Jee POV Nakakainis si Gareth! Hindi ba siya naawa sa mga ibon? Naisip ko palang pa'no kong hindi ko siya nahawakan  agad kanina? Edi naging pareho sila ng kapalaran! Tapos kapag nahulog siya magiging bida na siya sa SOCO o imbestigador. Guguhitan agad nila ang katawan nito gamit ang chalk para sa crime scene. Lalagyan ng yellow ribbon sa paligid ng puno na may naka sulat na 'DO NOT ENTER'. Ilalabas agad ito sa news. 'Tagapagmana ng Fortel group of companies, nahulog sa puno! Patay!' 'Student council President ng Unibersidad De Royal, hindi nag ingat sa pagbaba ng puno! Walang buhay ng natagpuan! 'Isang gwapong modelo, umakyat sa puno, bumaba sa puno, namatay dahil nahulog sa puno!' 'Lalaking singkit na may dimple, aksidenting nadulas sa ibabaw ng puno. Dead on arrival!' Mag te trend 'to sa f*******: at Twitter. Tatanungin nila ako. Tapos sasagutin ko sila ng... 'Hayaan na natin 'yan mga Sir. Gagawa rin naman ng bagong Gareth Liu Fortel sina Tito and Tita. Kaya we better go now.' Pero hindi naman ako ganun kagaya nitong ni Gareth 'no. Hindi ko 'yon sasabihin kagaya ng sinabi niya sa mga ibon. "Aish! Ano ba Jeisen. Wag ka na sabi umiyak. Kung gusto mong matulog edi matulog ka. B-basta 'wag ka lang umiyak." "Eh sa naiiyak ako 'e." Akala ba niya madali lang 'to? Ang hirap kaya. Hindi naman ako masakiting tao. Pero pag tinamaan ako, iba ang nangyayari sa 'kin. Minsan hindi ko napipigilan ang sarili ko. Madali akong maawa sa simpleng bagay lang. Nagiging emotional ako at touchy. Kung ano anu ring scenario ang naiisip. May nagagawa rin ako na hindi ko matandaan pagka galing ko. And here's comes Gareth... 'The unwilling victim!' "Fine. Tsk! Let's go now. Kung gusto mong matulog. Sa office nalang, pwede ka sa sofa bed mahiga." Hinawakan  niya ang braso ko at hinila na paalis sa big tree. "Ang mga ibon Gareth. Paano sila? Baka may magtangka sa buhay nila. Paano nalang kung umulan, edi naanod sila. Paano nalang kung sobrang init, edi nasunog sila." Tumigil kami sa paglalakad at inis niya akong hinarap. Gareth sungit talaga. "Jeisen naman. Pugad lang ng ibon 'yon." Sabi niya." Hindi sila maanod dahil walang ulan ngayon at malabong masunog ang pugad nila dahil hindi naman mainit ang panahon." Naiiyak na naman ako. Ang babaw talaga ng luha ko kapag magkakasakit ako. Kusa nalang lumalabas 'yong mga emosyon ko. Sa eksaheradang bersyon. At sa irasyonal na rason. "Gareth... hindi mo kasi naiintindihan 'e." Sagot ko sa kanya. "Iniisip ko kasi na ikaw 'yong ibon. Paano kung nahulog ka ng tuluyan kanina. Kawawa 'yong maiiwan mo. Kapag n-namatay ka, iiyak sina Tita at Tito. Malulungkot sila. Madedepress sila at maoospital. Mauubos 'yong ari arian ninyo. Maraming mawawalan ng trabaho pagka tapos ninyong mag file ng bankruptcy. Tapos---" "W-wait!" Pigil niya sa 'kin. "You are thinking out of this world. Hindi ko maarok ang naiisip mo." "Tapos... hindi pa ako tapos mag salita. Pakinggan mo kasi. Gareth sungit!" "What did you just say?" Tinuro niya sarili niya. "Me? Gareth sungit?" "Bakit? Hindi ba?" "Tsk! Ang werdo mo." Nauna na itong naglakad sa 'kin. Ayaw niya ba ng 'Gareth sungit'? Baka mas type niyang tawaging 'Gareth singit'. Pwede ring 'Gareth singkit'. Napahagikhik ako. Harharhar! Kung anu nalang talaga ang naiisip ko. Sige, ipagpatuloy mo 'yan Jeisen ha? Sinundan ko naman siya. "Ito na kasi Gareth." Pagpapatuloy ko sa pag explain sa kanya. "Tapos, paano nalang ang magiging asawa mo at anak. Edi, wala na silang poging ama. Ay, paano pala sila magagawa kong dedbol kana. Harhar!" Aw! Sakit ng nuo ko ah. Bigla bigla nalang kasing tumigil sa paglalakad si Gareth. Nabunggo tuloy ako sa likod niya. "My future w-wife and children?" "Yeap!" I wiggle my kilay ng humarap ito. "Naiisip mo rin ba 'yon? Seguro may nakalaan ng babae d'yan sa buhay mo 'no? Ayii. Gusto mo bang hulaan ko sino?" Harhar! Ang cute ng deity ko. Hindi ko maintindihan kong ngingiti ito o hindi. Labas kasi dimple niya. Klaro! "That's... my personal and private life. I don't like talking it to others." "Hindi mo naman sasabihin. Huhulaan ko lang naman." "Hindi mo kilala." "Harhar. Kilala ko kaya." Natatawa kong sabi. "Sweet pa nga kayo 'e. Lagi rin kayong magkasama. Maganda ito at sexy. In fact, perfect match kayo! Bagay na bagay." Lumapit pa ito sa 'kin pagkasabi ko ng 'bagay na bagay'. Hindi ako umatras kasi masyadong cliché na 'yon. I just wiggle my kilay again. This is fun! Na eexcite akong sabihin sa kanya. Akala niya 'di ko alam kung sino ha. "Kanino ako bagay na bagay Jeisen?" Ohh! A breath of fresh air. Ang bango ng hininga ni Gareth. Sana hininga nalang siya. Chos lang! Harhar! Ano kaya ang toothpaste niya? "Jeisen, kanino ako bagay?" Tanong niya uli. "Sino ang tinutukoy mo na magiging ina ng mga anak ko?" "Kay Maggie! Sa pinsan ko!" Harhar. Ang saya nito. Diba love team sila dito sa university? Marami rin akong naririnig tungkol sa kanila. "Tsk! D'yan ka na nga!" Luh? Ba't biglang na bad mood 'yon? Ayaw niya ba sa pinsan ko? Kahit may pagka maldita 'yon pero mabait at caring si Maggie. Love ko 'yon! Bahala na nga si Gareth. Kaurot ng pagiging masungit niya. Pinaglihi seguro ni Tita 'yon sa abstract painting. Buti nalang naawa ako sa kanya. Napalingon ako sa may gilid ko ng may nakita akong isang babae at bata sa labas ng campus. Nakatingala sila sa mga building. Dito kasi sa soccer field na ito ay kita ang kung anong meron sa loob ng school. Kaya makikita mo agad ang mala palasyong itsura nito kung dadaan ka. Hindi na ako nag dalawang isip na puntahan sila. Kawawa kasi. May pandong silang T-shirt. May kariton din silang dala na ang mga karga ay dyaryo at botelya. "Hindi ako magsasawang pagmasdan ang UDR ate." Rinig kong sabi nung bata. "Balang araw makakapag aral ako sa school na ito at magiging tanyag na arkitekto." Napasingot ako. Ang tayog ng pangarap ng batang ito. Na touch tuloy ako. Huhuhu! "Hayaan mo bunso. Pagsisikapan ni ate na matupad natin ang pangarap mo." Huhuhu. I'm so so touched. Kakabilib namang magkapatid ang dalawa. Nagtutulungan. Kapit bisig. Hawak kamay para sa tagumpay! "Salamat ate. Pero mukhang malabong mangyari 'yon. Ni sapin sa paa wala tayong pambili. Pampaaral pa kaya." Napaiyak tuloy ako. Ito na naman ang pagiging mababaw ko. Hindi ko mapigilang lumabas ang luha ko 'e. Tinanggal ko ang white shoes ko. "Hala! Sino 'yong umiiyak, bunso?" "Ako ang umiiyak!" Sigaw ko sa kanila Napatingin agad sila sa 'kin. "Sa iyo na 'tong sapatos ko. Kabibili lang niyan kaya bago pa. Hindi 'yan mabaho ha." "N-naku sorry po Miss kung napatingin kami sa UDR. S-sige po. Aalis na kami ng kapatid ko." "Sandali lang." Pigil ko sa kanila. "Gusto niyo bang makapag aral dito ng libre?" "O-opo ate." Sagot ni bunso. "Ilang taon na rin kaming napapadaan dito at pinagmamasdan ang loob ng UDR." Mas lalo akong napaiyak. Ka habag habag! Mga taong nangangarap na mag aral pero walang pagkakataon dahil sa kapos ito. Hindi ko kayang marinig ang ka awang awang sitwasyong ito. "M-miss? Ba't ka biglang umiyak? Tahan ka na. B-baka kasi isipin ng nakakita sa 'tin na inaaway ka namin." Ang bait ng ate ni bunso! Mas lalo akong naiyak. "Pasensya na ha?" Pagpaumahin ko at pinahid ang luha. "Hindi ko kasi mapigilan ang emosyon ko. Naawa kasi ako sa inyo. At dahil naawa ako sa inyo ay tutulungan ko kayong makapag aral sa UDR." "Talaga po ate na maganda?" Aba! Marunong mambola si bunso. "Oo bunso." Sagot ko sa kanya. "Pero sa isang kondisyon." "Ano pong kondisyon?" Itinaas ko ang sapatos ko. "Ibigay mo sa ate mo 'to. Hindi ko na kailangang mag sapatos." Nagkatinginan naman ang dalawa. "Pa'no 'yan, ikaw na ang walang sapatos niyan Miss---" "Jeisen. I am Jeisen Jee Escintosh." "Eh, miss Jeisen Jee Escintosh... kung ibibigay mo sa 'kin ang sapatos mo. Wala ka ng susuotin niyan." Kinaway ko ang kamay ko bilang pagtanggi sa sinabi niya. Mas kailangan nito ang sapatos kaysa sa 'kin. "Wag kayong mag alala. Trip ko ring mag paa ngayon." Inabot ko sa ate ni bunso ang sapatos ko. "Sige na. Para sa inyo ng kapatid mo." Tinanggap din naman nito. Kahit mukhang nahihiya siya. Pwede ring iniisip niya na mabaho ang paa ko. Na may dala akong bacteria tapos mahahawa siya. Pag nahawaan na siya, masisira ang paa niya tapos puputulin. Tapos hindi na ito makakapaglalakad at mang gagapang nalang ng may asawa ang kaya niya. Chos lang! Harhar! "S-salamat miss Jeisen." "May cellphone ba kayo?" "Wala po kaming cellphone ate Jeisen na maganda 'e." Ka habag habag talaga 'to! Pati cellphone wala sila? Huhu Napakapa ako sa cellphone ko na nakalagay sa likod ng pants ko. Sumingot muna ako bago humarap sa kanila. Takteng luha 'to. Ayaw tumigil. Kanina pa din masakit ang ulo ko.  "May simcard ba kayo?" Dali dali namang may kinuha sa maliit na bag ang ate ni bunso. May simcard nga ito. Pero 'di pa nabubuksan. Inabot niya ito sa 'kin. Pinalusot niya ito sa butas ng makapal na screen na nakapalibot sa field na ito. "Ito po miss Jeisen. Matagal na naming nabili 'yan. Di lang namin nagamit." Ayos ah. Nauna pa ang simcard sa cellphone. Harharhar. Mukhang 'di pa naman 'to expired. Tinanggal ko ang simcard ko sa phone at inalis ang mga importanteng app na nilagay ko. Pinalitan ko agad ito ng simcard nila. "Hintayin niyo lang tawag ko ha." "Pa'no po kayo tatawag ate na maganda?" Tanong ni bunso. "Wala na po kayong cellphone." Napatawa ako. Kahit mababaw ako ngayon at magaslaw ay hindi pa naman pumalya ang memorya ko. "Nakuha ko na bunso." Sagot ko at tinuro ang sintedo ko. "Naligtas ko na sa utak ko. Hehehe!" Napanganga naman ito. "Naligtas? Memorized niyo po agad? Wow! Ang galing niyo po!" Tumawa uli ako. Seguro iniisip nila baliw ako dahil kanina umiiyak ako tapos ngayon tawa ng tawa. Nag o-overflow lang emotion ko. Sinabi ko ang number sa phone nila para ka pani paniwala naman ang sinabi ko. Hindi ko lang nilakasan baka etextmate sila. "Ang talino mo po Miss Jeisen." "Tawagin mo akong Jeisen. Wag mo nang isama ang Miss. Harhar!" "J-jeisen..." Ngumiti ako. "Maraming salamat po. Ang sapatos ay okey na pero 'yong makapag aral kami ng kapatid ko sa isang prestiyosong paaralan na kagaya nito ay isang napakalaking pangarap na natupad." "Ate na maganda at mabait pa. Nakalimutan naming magpakilala ng ate ko. Ako nga po pala si Justin at ang ate ko si Arianna." Napangiwi ako. Diba mga singer 'yon? Kapangalan pa nila. Harhar! --- Gareth Liu POV Nauna na akong maglakad kay Jeisen. Nakaka bad trip din pala ang maingay at makulet na siya. May alam ba talaga 'yon sa amin ni Maggie? Ba't parang sure na sure siya sa sinabi niya? Tinukso pa niya ako! This strange feeling is suffocating me. Siya agad ang naisip ko ng sinabi niyang bagay na bagay sa 'kin. Na perfect match kami. That she'll be my 'wife'. That we will have our own 'kids'. Me and Jeisen. Together. Napahilamos ako ng mukha ko. Jeisen Jee Escintosh! Ano ba 'tong ginagawa mo sa 'kin? Ginugulo mo ang utak at puso ko! Pati na ang mga plano ko. "Bilisan mo nga ang paglalakad d'yan Jeisen." Sabi ko habang naglalakad. "Para kang pagong sa sobrang bagal!" Napahinto ako ng feeling ko walang nakasunod sa 'kin. Ang tahimik kasi. Asan naman kaya 'yon nagsusuot? Bumalik ako sa hinintuan namin kanina pero wala rin ito dun. Napalingon naman ako sa gilid. There! It's Jeisen. May kausap ito isang batang lalaki at babae. Umiiyak na naman ito. May inabot siyang puting sapatos sa babae. Pareho nga talaga kami ng suot. Maya maya tumawa na naman ito. Ang werdo niya talaga. Napakunot nuo ako. Inabot niya kasi ang cellphone niya sa kanila. Namimigay ba siya? Parang 'di naman kasi holdap ang eksina nila 'e. Panay kasi ang iling at tanggi ng dalawa sa inaabot ni Jeisen. Pagkatapos nilang mag usap ay naglakad na ito sa kabilang parte ng field. Tumatalon talon pa ito. Palihim ko lang siyang sinundan. Huminto ito saglit ng matalisod ito at tiningnan ang paa niya. Ang paa niyang namumula at medyo madumi na. Napanganga ako. What the fvck! Yong sapatos niya ba kanina ang binigay niya sa dalawang 'yon talaga? Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number niya. Hindi ito nag ri-ring. Ba't niya pinamimigay ang mga gamit niya? Nababaliw na ba siya? "Ano bang pinaggagawa mo Jeisen?" Napahinto na naman ito sa isang grupo ng magbabarkada. Nakatambay sila malapit sa soccer field. Bigla akong nabahala. Marami kasing lalaki kaysa sa mga babae. "Hello Jeisen! May kasama ka ba?" Tanong ng isang kasamaham nila. At kilala pa nila si Jeisen ha. OA namang kumaway ito sa kanila. "Hello din! May nakikita ba kayong hindi ko nakikita?" Nagtawanan naman sila. "Cool. May sense of humor ka rin pala. Hindi totoo 'yong naririnig namin. Tapos, pinapansin mo na rin kami!" "Kilala niyo ako?!" "Oo naman. Kilala ka namin. Idol ka kaya ng CET Department. Ang galing mo kasi sa math." Pati sa Department na ito sikat si Jeisen. Kaya seguro ang Ken na 'yon alam kung saan siya. At natatandaan ko sila, ito 'yong grupo na kumuha ng picture sa kanya nung naglalakad itong naka shorts. Kung alam lang ng babaeng 'to na pinagpapantasyahan siya ng mga lalaking kausap niya ngayon. Tsk! "College of Engineering and Technology... plus the future architects!" Ngumiti ito. "Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo mga kamahalan?" Nagtawan na naman sila. Aliw na aliw talaga sila sa pagiging hype ni Jeisen. Sakit pala sa ulo ang makulet na siya. --- To be continued...  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD