bc

BADass MANang (Book 2)

book_age16+
10.8K
FOLLOW
70.2K
READ
revenge
kickass heroine
powerful
inspirational
comedy
humorous
mystery
genius
intersex
70 Days Themed-writing Challenge
like
intro-logo
Blurb

This is the continuation of BADass MANang book 1. New interesting character will appear in the following chapters and Jeisen's journey of hunting the mafias big boss and the queen behind the organization will reveal little by little. The Bad Man character will be visible in the story. You might love him or hate him in the making. We will see.

chap-preview
Free preview
Chapter 51 - Multiple Choice
Chapter 51 Jeisen Jee POV Dumiretso agad ako sa kampo pagkaalis ko sa underground society. Susunod nalang daw muna si Aestus sa 'kin dahil kukunin pa daw niya ang perang napanalunan niya laban sa Darkgods. Pagkababa ko sa bigbike ay agad akong sinalubong ni Ares. Kanina pa ito naghihintay sa 'kin dahil sa bihag naming si Uno. "Ang seryoso natin ah." Sabi niya. "May nangyari ba Thena?" "I am always serious Ares." Sagot ko sa kanya. "So, where's Uno?" "Iba kasi ang pagka seryoso mo ngayon. Parang isang pitik lang may mawawalan na ng hininga." Tiningnan niya ang suot ko. "And your outfit--- well, very sexy." Inamoy niya ang jacket ko. "Perfume ng lalaki. Kanino galing ang jacket mo?" Huminto ako sa paglalakad at hinarap ito. Feeling ko nanlalaki ako sa pagiging usyosero nitong naka berdeng buhok na ito. Pinitik ko ang nuo niya. "I am asking you if where is Uno." Bumontong hininga ako at naglakad uli. "Sinabi na ba niya kung nasan nagtatago sina Maki?" Ang tinutukoy ko na Maki ay ang mafia boss ng Stygian. We are still hunting him and his allies. Napatiim bagang ako. Sa tuwing nababanggit ko ang pangalan niya bumabalik ang pangyayaring gusto kong kalimutan. Ngunit sadyang traydor ang utak ko. Dahil sa tuwing naiisip ko 'yon isa lang ang gusto kong gawin sa kanila. Murder. Yes. I am thinking of murder! Kagaya ng ginawa nila sa pamilya ko. Naging mabuti kami sa kanila. Binigay ang para sa kanila at naging patas. Pero trinaydor nila kami. Ang rason? Dahil sa ayaw naming ipanalo ang kaso ng mga Vergara. At nang malaman namin na pinuno pala ito ng isang mafia ay mas lalo nilang hinamak ang pamilya namin. Inuunti unti nilang pinatay ang mga mahal ko sa buhay. Lalo na ang mama ko na walang ka laban laban. Kaya ito ako ngayon. Naghahanap ng hustiya sa paraang alam kong maraming makikinabang. Kahit pa, buhay ko ang kapalit. Buhay ang kinuha nila. Buhay din ang kukunin ko. Pero ang papa ko. Hindi ko parin nakikita. Gusto ko na siyang makita. Nasaan na kaya siya? "Kampo ginoo to Thena! Hello?!" Napakurap ako. Kausap ko pa pala si Ares. Nasa harap ko ito ngayon kumakaway na parang temang. "A-ah, ano nga 'yon?" "Ang sabi ko inilipat na namin sa jail room. Pinakain ko na kagaya ng bilin mo." Tumango ako. "K..." Nauna na akong maglakad. Time is very important. Every information and clues are important. Wala dapat akong sayangin. "Hey Thena." Tawag sa 'kin ni Ares. "What happened? Parang kanina pa malalim ang iniisip mo ah. Are you okey?" "I'm not okey." Sagot ko. Nataranta naman ito at napahawak sa balikat ko pati nuo ko sinipat niya. "Hindi pala okey pakiramdam mo. Sana hindi ka nalang pumunta dito sa kampo at nagpahinga nalang. May masakit ba sa 'yo?" Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko. "I'm okey now." "Ha? I thought you're not okey?" "Yeah. Pero para lang maiba ang sagot ko. Nakakasawa kasing sumagot ng okey lang sa bawat tanong na 'okey ka lang ba?', kahit na minsan at totoong hindi ka okey." "Naks! Lakas makahugot ah!" Ngumisi lang ako sa kanya at pumasok na sa jail room. It's not actually look like a 'jail' kagaya ng sa mga kulungan ng presinto. Kwarto paring maituturing ang jail room ng kampo. May higaan, mesa, flat screen TV at upuan ito. Ang special dito ay may aircon pa. Hinila ko ang isang upuan sa tabi at umupo sa harap ni Uno pagkapasok ko. Nakayuko itong nakasandig sa gilid. May kama naman at malambot na upuan pero sa sahig talaga umupo? Gusto pa pahirapan ang sarili. Inangat niya ang tingin niya ng maramdaman ang presinsya ko. May sugat ito sa gilid ng labi niya at ibabaw ng ilong. "How are you Alfred Dela Torre?" Nanlaki ang mata niya pagka sabi ko sa pangalan niya. Kung nagulat ito sa pagtawag ko sa kanya ng Uno, ay mas nagulat pa ito pakarinig sa totoong pangalan niya. "Wag ka ng magtaka kong kilala kita Fred. Because just like BDO. I always find ways." "Nagpapatawa ka ba?" Tanong niya pagkatapos ay ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. "Bakit? Natatawa ka ba sa sinabi ko?" "Hindi. Korne mo." Ba't kaya hindi ito makatingin sa 'kin? Narinig ko mula sa labas ang tunog ng big bike ni Aestus. Tapos na niya segurong mang apurado sa binugbog niya. Si Ares naman ay printing nakaupo at nanuod ng cartoon. Dora the explorer ata 'yon kasi nakita ko si swiper.  Humihikab pa ito. "Ba't di ka umupo sa upuan o mahiga sa kama?" Tanong ko kay Fred. Mas gusto ko siyang tawaging Fred kaysa sa Uno. "Hindi mo ba gusto ang kwarto mo?" Pagak naman itong napatawa. "Akala ko magigising akong nakagapos, naka takip ang bibig at mata. Pero hindi pala." "Nagrereklamo ka ba?" Pagak na naman itong napatawa. "Ang ini-expect ko ay nasa isang madilim at maruming kwarto ako, bugbog sarado ang katawan at walang pagkain." Masyadong cliché naman itong iniisip ni Fred. Gusto pa ata niya kagaya siya nung mga bihag sa mga palabas sa TV. Yung  nasa isang kwarto siya tapos may isang kahoy na upuon. Nakaupo siya sa gitna at may isang patay sinding bombilya na nasa kisame. Nag e-swing. Tapos kami ang mga kidnappers. Nanghihingi ng ransom money. We don't torture like that. We, guardians and in the name of Gods torture our prisoner with pleasure. We are different 'e. "Expect the unexpected Fred." Sabi ko. "Parang hindi ako bihag kung ituring ninyo ah. Bakit?" Nag krus legs ako at ipinatong ang kanang siko ko sa binti. Wala pa namang sandigan itong single chair na kinuha ko. Napatingin naman ito saglit sa 'kin pero agad ding binawi. Pansin kong may mga maliliit na butil ng pawis ang nuo niya. Malamig naman sa kwarto ah. "Naniniwala kasi ang kampo namin sa kasabihang--- 'treat others as you would like yours to be treated'." Sagot ko sa tanong niya. "Baka kasi kapag binihag niyo ang isa sa amin, maganda rin ang trato ninyo." "Hindi mangyayari 'yon. Kagaya ng sinabi mo expect the unexpected. Iba kami. Dapat nga pinatay niyo nalang ako!" "Hindi naman ako nag e-expect Fred 'e. Malamig kong turan. "Baka kasi masaktan lang ako pag nag expect ako sa inyo." "S-sino ka ba?!" "Thena. Just call me Thena." "Anong kailangan niyo sa 'kin, T-thena?!" Tumingin na naman ito sa 'kin pero saglit lang. "Where's Maki?" "Sinong Maki ang tinutukoy mo?" "Maki Vergara. Your boss!" "Hindi ko kilala ang tinutukoy mong boss na 'yan. W-wala akong kilalang Maki Vergara." Tumayo ako at naglakad sa gilid niya.  Hinawakan ko bigla ang pisnge niya at pinisil ito. Hindi niya kasi ako matingnan ng maayos. Ba't ba ito pinagpapawisan? Naka full naman ang aircon. "You don't know that narcissistic  elephant?" I am referring to their psychopath boss. "H-hindi talaga." "Okey. Since you're honest I will give you your free will but..." Tumayo ako at kinuha ang remote ng TV. "let's have a short quiz first. Don't worry multiple choice ito at wala kang ibang gagawin kundi ang pumili lang with pleasure." Ngumisi ako. --- Alfred POV Thena. That's her name. Kanina pa ako hindi makatingin sa kanya. Nakakaakit kasi ang bawat kilos niya. I know it's unintentional but she's so damn sexy! Ang ganda pa ng mata niya. Bihag nila ako pero feeling ko hindi naman bihag ang turing nila sa 'kin. Pinakain nila ako ng kung anu anong masasarap. Maganda ang kwarto ko, may TV at aircon pa. Diba dapat pahirapan nila ako? Napaangat ako ng tingin ng nag krus legs si Thena. Gusto kong magpahid ng pang pawis. Kitang kita ko kasi mula sa kinauupuan ko ang mapuputi at makikinis nitong mga binti. At ng ibinaba niya naman ang tingin niya sa 'kin, kumurti ang dibdib niya. Hindi ko alam kong naka jackpot ako sa pwesto ko. Siya ang sa ibabaw at ako naman sa ibaba. Mas lalong nanlaki ang mga pawis ko ng naglakad ito sa gilid ko at bigla nalang hinawakan ang pisnge ko. Ang lapit lapit ng mukha namin. Actually, she don't sound intimidating talking to me. Diba dapat pinagsasampal na niya ako o kahit anong klaseng pahirap ang gagawin niya para mapaamin ako? I know it's her. Yung tumalo sa grupo ko para kunin ang target namin.  "H-hindi talaga." Sagot ko sa tanong niya kung kilala ko ba 'yong Maki na tinatanong niya. Iba kasi ang boss ko. "Okey. Since you're honest I will give you your free will but..." Sabi niya saka tumayo at kinuha ang remote ng TV. "let's have a short quiz first. Don't worry multiple choice ito at wala kang ibang gagawin kundi ang pumili lang with pleasure." Ngumisi ito. Nakakatakot na ngisi. Quiz? Multiple choice? May gana pa siyang mag quiz sa oras na ito. Malapit na kasing mag umaga. "Anong multiple choice?" Nagtataka kong tanong. Hindi niya ako sinagot ng biglang bumukas ang pintuan. May dalawang babae ang pumasok. Para silang nagtatalo. At kagaya ni Thena, maganda at sexy din ang mga ito. I really don't feel that I am a prisoner here. Nasa langit na ba ako? "Nakuha ko na ang sampung milyon!" Masayang bati nung babaeng short hair na naka catwoman outfit. "Nagnakaw ka seguro Aestus 'no?" Pang-aasar naman nung isang maganda. Mahaba ang kulay purple na buhok nito at parang maldita. "Knowing you na wala ng ginawang tama. Serial k---" "Aphro!" Sita ni Thena dito. "May bisita tayo kayo umayos kayo." Bisita? Bisita ang turing ni Thena sa 'kin? Ang sweet niya ha. Lumapit naman 'yong Aphro ang name sa 'kin. Ang ganda niya lalo sa malapitan. "Hi..." Bati niya. "Welcome to Kampo Ginoo and in the name of God, by the way you can call me Aphro. The Goddess of beauty and---" "love..." Dugtong ko at nag smirk. Kanina ko pa nga napapansin ang name nila. Nakahango sa mga Greek Gods and Goddesses. Bakit kaya? Ngumiti si Aphro sa 'kin at tinapik tapik ang pisnge ko. "I like you buddy. You know about Gods and Goddesses huh." Nilahad niya ang kamay niya sa 'kin. Wala sana akong balak na tanggapin ito pero kinuha niya ang kamay ko at hinila ako patayo. Dinala niya ako malapit sa TV. Katabi nung lalaki na Ares ang name. Kulay green ang buhok niya at mata. Parang nakita ko na nga ito dati 'e. Lumipat ito ng upo at bored lang kaming tiningnan. "Kunin mo lang ang para sa 'yo Aestus. Mag bigay ka sa kung sinong may nangangailangan." Kausap ngayon ni Thena si naka catwoman outfit na si Aestus ang name. Napasimangot naman ito sa kanya. "Fine! E do-donate ko na ang 9 million sa mga foundation natin. Happy?" "I am. But I'll be more happy if you'll sleep after this and drink your medicine." Nakalimutan na ata nila ako dito. "What the? Blood is thicker than water Thena." Pag mamaktol ni Aphro sa kanya. "Wala kang amor sa akin ah!" "Are you sick?" "I'm not sick. Duh!" "Wala naman pala." Tinuro ni Thena ang sa gilid ng TV. " Tumayo nalang kayong dalawang d'yan." And here comes their creepy smile. Sabay sabay talaga silang tatlo. Ano ba ang balak nila sa 'kin? "Gusto mo na bang umuwi Fred?" Umupo si Thena sa kabilang gilid. Nag krus legs na naman ito. Kaya napalingon ako sa ibang direksyon. Libre boso Alfred! "O-oo naman."  Sagot ko. May pamilya pa akong naghihintay sa 'kin 'e. "So--- you are so ready to die?" Napahawak ako ng mahigpit sa gilid ng upuan ko. Pinagloloko ba nila ako? Bumukas na naman ang pintuan. Nandito na naman 'yong mga naghatid sa 'kin ng pagkain kanina. Lahat sila nakaputi. Naka poker face. May dala na naman silang food. And I have to admit it, halos lahat sila may mga itsura. Lalo na ang mga babae. Required ba sa kampo na ito ang magaganda at gwapo? Napapa nganga nalang talaga ako. Di kagaya sa aming mga taga Stygian. Malayong malayo sa kanila. Ang kampong ito ang humaharang sa mga plano namin. This camp is a mafia hunters and I am from the mafia. Ganito ba talaga nila ituring ang mga kalaban nila? Special treatment? Pumapatay kami. Just like them. Akala ko nga wala kaming pinagkaiba sa kanila. Pero sa nakikita ko ay mali pala. Pumapatay ang mafia namin para 'di malamangan. Para makuha ang gusto. Para mas lumawak pa ang kapangyarihan. Sila naman ay para bumalanse. Iyon ang napagtanto ko. Nagbabawas sila ng masasamang tao sa mundo kagaya namin. May narinig kasi ako kanina na usapan ng ibang kasama nila. May kinuha silang top criminal at pinatay. No justice huh. At kung ang tinatanong ni Thena kong handa na ba akong mamatay? Ang sagot ko ay oo. Nakasanla na kasi ang buhay ko. Para ma protektahan ang mga mahal ko sa buhay. I'm with the mafia because her. Malaki kasi ang utang na loob ko sa boss ko ngayon. "I've been waiting for it." Seryoso kong sagot. "Death is my best friend. I'm not afraid of death." Hindi sumasagot si Thena sa 'kin. Kaya nilingon ko ito. Napakamot ako ng ulo. Ang lalim ng iniisip ko tapos ito sila kumakain lang? Para tuloy akong temang na nagsasalita dito. Si Thena talaga ang lakas lumamon. Ang mga kasama niya napapangiwi nalang sa kanya. Uminon ito ng tubig at nagpahid ng tissue sa mapupula niyang labi. Nginisihan niya na naman ako pagka tingin sa 'kin saka kumindat. So damn hot! I can't believe that I'm having a boner with that wink! Tumihaya pa ito ng upo. Kita ko ang maliit niyang beywang kahit na naka jacket ito. I've bedded women. Ang mafia namin ay bumibili ng mga babae para parausan. But Thena. My Thena. She's different. Wala sa itsura nito na ganun siya. Sa simpleng galaw niya naaakit ako. Nagiging instant p*****t ako sa kanya. Siya dapat si Aphrodite. "You are not afraid of death?" Tanong niya. Akala ko hindi ito nakikinig sa 'kin kanina. "I will not be a killer if I'm not afraid of it." Sagot ko. "Cool. Eh kasi, death is my middle name." Nginisihan niya si Aphro. "Maybe your best friend death is my cousin." Tinaasan ito ng kilay ni Aphro. "Umpisahan mo na kaya 'yang pakulo mo, Thena. Mag uumaga na. Wala pa tayong tulog. Lalo ka na. Pabida biba ka 'e." Magpinsan ba sila? Sabagay. Pareho silang maganda't sexy. "Ba't 'di niyo ko deritsahin. Ano pa ba ang kailangan niyo sa 'kin? Sinabi ng hindi ko kilala ang taong tinatanong niyo!" Sinipa ako bigla ni Aestus sa balikat ng napalakas ang boses ko. Ang sakit! "Sa anong paraan gusto mong mamatay?" Bigla akong kinilabutan. Ang lalim at lamig ng boses ni Thena. Parang nung banta niya sa 'min ng kasama ko sa mafia. Na hindi daw ito makapaghintay na patayin kami. "E-excuse me?" "Yes excuse." Nag jo-joke ba ito? Hindi ako natatawa. Walang siyang future maging comedian. Ang seryoso niya kasi. "Hindi ako nakikipaglokohan sa inyo. Kung gusto ninyong patayin ako. Ginawa niyo na sana!" "Ang unang tanong ni Thena ay kung sa anong paraan mo gustong mamatay." Sabi ni Ares na naghihikab pa. Ito na 'yong quiz? Ito na 'yon? "Ang sabi mo deritsahin ka. Kaya 'yon ang tanong sa 'yo." Naka creepy smile na sabi ni Aphro. "Pero bago 'yan may ipapakita muna kami." Biglang nag flash sa screen ng TV ang isang live video ng hospital. Napakuyom ako. Nakikita ko ngayon ang pamilya ko. Lalo na ang kapatid ko na may sakit. May pumasok na nurse sa kwarto niya. May ini-inject sa dextrose. Tumingala ito at ngumisi pa sa camera. Damn! Ang kapatid ko. Nanganganib sa kanila. "Kung hindi mo sasabihin sa 'min kung nasaan ang boss mo nagtatago. Sinisigurado naming may mangyayaring masama sa pamilya at kapatid mo." "Sinabing hindi ko kilala ang taong sinasabi ninyo!" Sagot ko. "Hindi si Maki Vergara ang boss ko! Babae ang boss ko at pakiusap 'wag na 'wag ninyong galawin ang pamilya ko." Mas lalong sumeryoso ang itsura nila. "Sabihin mo kong sino ang boss mo?" Ba't ko naman sasabihin? Kahit naakit ako kay Thena hindi ko aaminin. Malaki ang utang na loob ko sa amo ko. "Patayin niyo nalang ako." "Sa anong paraan mo gustong mamatay?" Damn! Ba't ba nito tinatanong kong sa anong paraan ko gustong mamatay? Ako mamamili kung paano? Ito ba 'yong free will? Wala nga akong last will, free will pa kaya. "That's my first and last question Fred." Dagdag pa niya. "Are you ready with the choices?" Multiple choice pala itong quiz namin. "Anong pagpipiliin ko?" I'm ready to die. Wag lang ang pamilya ko ang galawin nila. Kasama na dun ang loyalty ko sa boss ko. "Letter A--- vacation package at S island." Napa nganga ako. Ano daw? Vacation package sa isang island? Hindi naman nila ako niloloko diba? Pinakita nila ang isang korteng S na island. White sand at may cottage pa ito sa gitna. May jetski pa akong nakita sa gilid. Magandang vacation package nga ito. "You will enjoy your vacation package at S island as long as you want Fred. Solo mo lahat ng facilities sa island na iyan. Kompleto na ang lahat ng gamit sa cottage and of course ang pagkain mo. You can get fruits sa paligid kong gusto mong kumain ng fresh from nature food. Kaya lang we have a problem." Problem? Para sa 'kin perfect na ang vacation package na ibibigay nila. "Why?" Tanong ko. "Ang ganda ng S island. Almost perfect na siya. Anong problema dito? Malayo ba ang island?" Bigla namang napatawa si Aphro sa tanong ko. Si Aestus naman pa iling iling lang. "No Fred. Hindi siya malayo. It's just within the country." "Yon naman pala. Bakit naman may problema?" "S island stands for Sssss--- snake island. But don't worry, harmless naman ang mga ahas sa paligid. Lalo na ang mga king cobra at anaconda dun." Damn! Napahilamos ako ng mukha.  Ang ganda ng island. Busog ang mata ko sa magandang tanawin. Pero busog naman ang mga ahas pag nilapa ako! May jetski akong nakita kanina. Baka pwede akong tumakas gamit ito kapag ito pinili ko. "Umaandar pa ba ang jetski d'yan?" Hindi ako nagpahalata na nagulat sa vacation package nila. "Yep! Umaandar pa 'yan buddy." Sagot naman ni Aphro. Tuwang tuwa pa siya ha. "But we have a little problem again." Problema na naman? "Bakit?" "S island also stands for Shark island. But if you are that adventurous and thrill seeker. Well, you can swim and play with them." Napahigit ako ng hininga ko. Wala pala akong takas! Ano pa kayang meron sa S island na 'yan? "That's letter A Fred." Si Thena. "I'm sure you will enjoy your stay there. Hindi lang namin alam kung magtatagal ka pa. Pero at least diba natupad mo 'yong dream vacation mo bago ka mamatay." Napasandig ako sa upuan. Feeling ko nanghina ako. Letter A palang sa multiple choice tragic na. Baka sa letter B pwede ako. "How 'bout letter B?" Lakas loob na tanong ko. Nag flash naman sa TV ang isang white mansion. Marami itong bulaklak sa paligid. May mga mayayabong pa na puno. Lumapit si Aetus sa harapan ko at may inilagay na isang mahabang papel sa mesa. Kaya binasa ko ito. Mansion and lot contract? Naka sulat pa na name ko na Alfred Dela Torre. Kulang nalang pirma ko ah. "You read it right Fred." Iniabot ni Thena sa 'kin ang isang pen. "That's letter B, a mansion and lot contract. Pirma mo nalang ang kulang at mapapasayo na ang C mansion." Wow! Sa ganitong paraan ba ako mamatay? Hindi naman ako mamatay dito ah. And for fvcking sake, they are giving me a mansion! A mansion and lot! Itong letter B nalang ang pipiliin ko. I think this one is a good choice. "Ito nalang ang pipiliin ko." "Read before you sign it." "Hindi na kailangan." Sagot ko sa kanya. "Mas okey pa ito kaysa sa vacation package sa S island." "Are you sure?" "Oo naman." "Talaga?" "Talagang talaga!" "K..." Pipirma na sana ako ng mapansin ang kakaibang ngisi nila. Kaya napatigil ako. Nabanggit ni Thena ang tawag sa mansion ay C mansion. Bakit nga ba? "Teka. Ano pala ang ibig sabihin ng C mansion?" Bumukas na naman ang pintuan at kinuha ang pagkain sa harapan namin. Pinalitan nila ito ng mga chips. May isang bote din ng red wine at limang baso para dito. Ma o-overwhelm ba ako o hindi? Nagsalin si Thena ng wine sa glass at binigay sa 'kin. Kumuha na rin ang tatlo. Tinaas ni Aphro ang baso. "Toast Ginoo!" Sabi niya at pinagsabay nilang pinagbunggo ang wine glass. "Toast Ginoo!" "Wag kang outcast d'yan Fred. Makipag toast ka rin sa 'min. Gusto mo sipain uli kita d'yan?" Napangiwi ako. Ang sakit pa namang manipa nitong si Aestus. Kaya nakitaas na rin ako. I am toasting for my death! Damn this! "T-toast Ginoo." Sabi ko at sabay kaming uminom ng wine. "C mansion is also known as curse mansion." Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong wine ng magsalita si Thena. Sabi na nga ba may kakaiba sa ngisi nila. Curse mansion pala ang C mansion. Ibig sabihin may sumpa ito. "Sa oras na pirmahan mo ang kontrata ay automatic na malilipat sa 'yo ang sumpa. That mansion needs an owner. They are waiting for you to come and offer your life to them. It's been 20 years since the last time that they had their owner. Kailangan uli ng bagong alay para matahimik ang mga kaluluwa ng mga namatay sa mansion at ikaw na 'yon Fred." Nanlaki ang mata ko. Iaalay ko ang sarili ko sa sinumpang mansion na 'yon? Mamatay tao ako pero parang gusto kong magdasal sa mga santo ngayon. Bigla kasing tumaas ang balihibo ko. Mas feel ko na ang lamig ng buong kwarto. "B-bakit tinawag na curse mansion 'yan?" Tanong ko. Nag flash na naman sa TV ang mga imahe ng mga sunog na tao. Sa loob ng mansion ata ito. "Sinunog ng mga magnanakaw ang pamilya ng may-ari ng mansion. Kaya every 20 years ay humingi ng alay ang mansion na 'yan bilang bayad sa karumaldumal na krimen na nangyari sa pamilya nila. Nalaman namin ang tungkol sa c mansion kaya binili namin ito. Pero hindi sa 'min nakapangalan ito. Pinangalan namin ito sa isang krimenal na hindi nagtanong kung anong meron sa mansion, kaya 'yon sa kanya napunta ang sumpa." "Suma impyerno na ata ang kaluluwa nun." Pang gagatong naman ni Ares. Tumango tango naman ang tatlo. Napa tingin ako bigla sa kisame. Bigla kasing nag patay sindi ang ilaw. Damn! Dinagdagan pa nila ng effects! "Ang kagandahan d'yan Fred ay maari mo itong ipamana sa pamilya mo." "Ano na Fred. Pirmahan mo na ang kontrata para maiayos na namin ang kamatayan mo." Grabe naman itong si Thena. Akala ko multiple choice ang pinamadaling type of test. Pinaka pinakamahirap pala ito. Lalo na at wala dun ang choice mo o wala ka talagang mapili sa kanila. Buti sana kung may 'none of the above' sa pagpipilian ko. Parang bigla akong natakot sa buhay ko. Pero nandito na ako 'e. Bakit kaya 'di nalang nila ako tuluyan agad? Bumuntong hininga ako. "Patayin niyo nalang ako. Kailangan ko pa talagang mamili? Kalokohan naman itong pinapapili niyo sa 'kin e!" "Hindi na exciting 'yon Fred." Sagot ni Aphro sa 'kin habang nakatitig sa wine glass. "Hindi kapa namin tatapusin kong hindi pa namin makukuha ang kailangan namin." Tiningnan niya ako sa mata. "Kasama na ang pinakamamahal mong pamilya." Kahit pala mamatay ako o hindi idadamay parin nila ang pamilya ko. Eh sa hindi ko nga kilala ang Maki Vergara na 'yon. Lecheng Maki na 'yan! Ba't nila sa 'kin hinahanap? Iba nga kasi ang boss ko. "Kapag ba umamin ako. Masisiguro niyo bang ligtas ang pamilya ko?" "Depende." Si Aestus ang sumagot. "Depende saan?" "Depende sa pipiliin mong sagot sa multiple choice ni Thena. Sa kanya kasi ang desisyon." It's Thena again. Siya ba ang boss ng Kampo Ginoo? Printi itong nakaupo still showing her white legs. Naka tingin ito sa wine glass at mukhang malalim ang iniisip. Ang mga kasama niya nalang kasi ang sumasagot sa tanong ko. Letter A at B palang ang sinabi nila. Baka mas malala ang letter C. Sa dalawa palang ito sobrang tragic na. Ano nalang kaya ang letter C? "Gusto mo na bang malaman ang letter C?" Tanong ni Aphro sa 'kin. "Palagay ko mas maliligayahan ka dito." --- To be continued...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
319.8K
bc

SILENCE

read
386.6K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.5K
bc

YOU'RE MINE

read
901.3K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
204.5K
bc

The Billionaire's Obsession

read
3.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook