Chapter 52 - Letter C

2248 Words
Chapter 52 Warning: SPG Sobrang Patnubay ni Guardian --- Alfred POV Ito na ata ang nakakatense at kakaibang multiple choice na pagpipiliian ko. Multiple choice sa kung anong paraan nila ako papatayin. Na buhay ko talaga ang sugal. At tsaka maliligayan daw ako sa letter C? Yung dalawa nga hindi ako natuwa sa letter C pa kaya? "Ano ba 'yong letter C?" Ngitian naman ako ni Thena pagka lingon niya sa 'kin. Ang sweet ng ngiti niya. Hindi 'yong kanina na creepy masyado. Ngayon ay parang may ibig ipahiwatig. "Body benefits. " "Anong body benefits?" "Pa ki ki pag ta lik." Napa 'ohh' ako pagkarinig ng talik. Hindi ako makapaniwala na kasama ito sa choices! Damn to the infinity! Parang nag ningning ang mga mata ko. Heaven nga talaga dito sa kampo ginoo. "W-with w-whom?" Damn to the infinity! Nauutal ako. Kung pwede lang kay Thena. Ang lakas niyang makaakit 'e. Dapat nga siya si Aphrodite. Mas bagay sa kanya. Ibinato niya kay Aphro na katabi ni Aetus ang remote control na hawak niya kanina. "You mean, sa kanilang dalawang?" Sina Aetus at Aphro? Napa ngisi ako. Hindi na ako lugi. Ang gaganda at sexy ng dalawa. Heaven na! "Not with the two bitches Fred." Putol ni Thena sa pantasya ko sa dalawa. "Ipakita mo na kanino Aphro." Nag flash na naman ang dalawang tao sa TV. Isang babae na sobrang sexy ang damit. Parang 'yong mga babae na binibili namin. May kasama itong lalaki. Nag-uusap sila pero hindi naman namin naririnig. Although, hindi ko gusto ang idea sa lalaki. Pero may babae naman kaya okey na ako. Not bad. Maliligayahan nga ako sa letter C. "Pwede bang 'yong babae nalang?" Nagbabaka sakaling tanong ko. "Wag lang 'yong lalaki. Di naman kami talo niyan." "Okey, kung 'yan ang gusto mo." Napa 'ohh' uli ako. Akala ko mahihirapan akong pakiusapan sila na babae nalang. Dyahe naman kasi 'pag may kasama pang lalaki. "Wow! Letter C na ako." Na e-excite kong sagot. "Yan ang pipiliin ko! Handa na akong mamatay. Mamatay sa ligaya!" "Is that your final answer Fred?" "Final answer. No buts and questions." "K..." Kinuha ni Thena ang telepono na nasa tabi ng kama ko. May maliit kasing mesa dun at may lampshade din. Nag dial ito ng numero. "Excited ka na ba buddy?" Natatawang tanong ni Aphro sa 'kin. "E-excited naman." Tatanggapin ko ng mamamatay ako sa sarap. Lihim akong napakagat labi. "Nice. Nice. Okey 'yang choice mo." Nag thumbs up pa ito. Weird. Supportive pa sila ha. "Send her here at jail room." "Yes. Make her ready." "After 5 minutes dapat nandito na siya." "K." Send her here at jail room? Tama ba narinig ko? Ayus 'to ah! Automatic ang padala. Bumalik ng upo si Thena at kumuha uli ng wine. Hindi na ito nagsasalita. Hindi na niya kami pinapansin. "Ganyan talaga 'yan buddy. Bigla nalang tumatahimik 'pag may iniisip o pinaplano." "Ano naman ang pinaplano niya?" Tanong ko kay Aphro. At ease na akong kausap sila. Hindi nga bihag turing nila sa 'kin. Feeling ko nga kasama ako sa kampo ginoo. "Ang kamatayan mo at kung sa'n ka niya ililibing. Hahahaha" Sira itong si Aetus ah. Kanina ko pa 'to napapansin na gusto akong bugbugin.  Tumawa na rin ang dalawa. Pero si Thena lang hindi. Maya maya ay bumukas na naman 'yong pintuan. Dalawang lalaki na palagay ko kasamahan rin nila at isang babae. Hindi sila 'yong kanina na nagdala ng pagkain sa amin. Iba naman ito. At ang kasama nila ngayon ay 'yong babae na pinakita nila sa TV. "Seidon! You are here!" Masayang bati ni Aphro sa isang lalaki na naka kulay blue ang buhok. "Kailan ka pa bumalik?" "Ngayon lang. Na miss ko kayo kaya dito agad ako pumunta." Nilingon niya si Thena na wala pa ring imik at binalik ang tingin kay Aphro. "Nakita ko si Dike na kasama itong si Dina kaya sumama na rin ako." Iginiya nito si Dina na umupo. Yong Dike naman na kasama niya ay hindi nagsasalita. May iniabot lang itong isang maliit na bote kay Thena saka lumabas ulit. Pansin ko kay Dina parang namumutla ito. May sakit ba siya? "Ganun ba? Kami kasi hindi ka namin na miss." Sagot ni Aphro sa kanya pero natatawa ito. "We have a visitor pala. It's Alfred." Ngumiti naman agad sa 'kin si Seidon at itinaas ang kamay para ata makipag apir. Bisita talaga turing nila sa 'kin ha. This kampo ginoo is really something. "Alfred man!" Sabi niya. "Welcome to kampo ginoo and in the name of God, you can call me Seidon!" Nakipag apir na rin ako. Ang friendly ng isang ito. Hindi kagaya ng iba na naka poker face lagi. "Alfred Dela Torre man!" "Are you enjoying your torture with pleasure man?" "Hindi ko nga masyadong feel ang torture man. Seguro 'yong with pleasure lang." Nakangisi kong sagot. Ang kengkoy ng isang ito. Para kaming sira dalawa. "Ang ingay mo talaga Seidon." Sabi ni Aetus sa kanya. Si Ares naman sa tabi pa iling iling lang. "Wini-welcome ko lang ang bisita natin Aetus. Alam mo na, dating gawi. So, anong letter na ba kayo?" "Letter C--- body benefits." Bored na sagot ni Ares sa kanya. Naghihikab na naman ito. "Oyy Ares man! Andyan ka pala." Tumango lang ito sa kanya. "Gusto mong sumali sa letter C Seidon?" Nawala ang masayang aura ni Seidon ng magsalita si Thena. Umupo ito ng maayos at tinapik ang balikat ko. "Good luck man." Sabi niya saka mahinang bumulong. "Kung ako sa 'yo man, letter A pipiliin ko." "Bakit naman?" Balik kong bulong sa kanya. "Snake at shark island 'yon man. Walang matitira sa katawan ko." "Walang problema dun man. Pag naka survive ka sa S island. Pwede mo ng palitan si Zuma at Shark boy." Napangiwi ako. Kung makaka survive nga talaga ako. "No coaching please." Nasa quiz pala ako. Quiz para sa aking buhay. Si Seidon naman kunyaring tumitingin sa paligid ng makitang may hawak na patalim si Aetus sa kamay niya. Pinapaikot niya ito. Oo nga pala. Siya ang nag sabi ng 'no coaching please' bago lang. Bakit kaya sa letter C ang gusto niya para sa 'kin? "Are you ready with your choice Fred?" Lahat kame napatahimik bigla. Nakakatakot naman kasi ng pagkakasabi ni Thena na 'are you ready?'. Parang napaka panganib ng pinili ko. Ang kontrobersyal na letter C. "I-im ready." Sagot ko. "Pero pwede 'wag mo na ngayon? Mukhang masama ata ang pakiramdam ni Dina.  Baka hindi niya ako matagalan." Nag smirk ako. Sa itsura kasi ni Dina mukha itong walang gana. Baka hindi ko pa narating ang langit nahimatay na ito. Sayang naman ang torture with pleasure nila. "It's normal Fred." Sagot naman ni Thena. "Normal lang sa isang tao ang mamutla at manghina kapag ikaw ay infected ng isang virus." Infected ng isang virus. Infected ng isang virus. Infected ng isang virus. Nagpa ulit ulit ata sa pandinig ko ang salitang 'yon. Anong ibig sabihin nito na infected? So may sakit nga itong si Dina? "Anong ibig mong sabihin? Anong virus?" "Dina has human immunodeficiency virus infection o HIV. According to our laboratory test ay kumalat na ito sa katawan niya and that she's acquired immune deficiency syndrome o kilala natin sa tawag na AIDS positive." Napalunok ako. HIV? AIDS? Parang umurong ang landi ko sa katawan. Ngumiti pa kasi sa 'kin si Dina. Ngiting pilit. "Ako nga pala si Dina." Pagpakilala niya. Mukhang nanghihina nga talaga 'to. "I am AIDS positive at tanggap ko na ang sakit ko. Kasalanan ko din naman 'to. Masyado kong inabuso ang katawan ko 'e. Kaya ito ako ngayon nahawaan. Pero okey lang na mawala na ako sa mundo dahil pinangako naman sa 'kin ng mga guardians na tutulungan nila ang pamilya ko kapalit ng gagawin natin ngayon. Kahit naman papaano may maiwan ako sa kanilang pakinabang." Hindi ako makapagsalita. Naalala ko ang mga ka gagohan ko sa mga babae. Pa'no nalang kaya kung nahawaan ako ng mga 'yon? O baka nga nahawaan na ako. Pero wala naman akong nararamdaman na kung ano sa katawan. Sana nga wala. "At tsaka Alfred..." Pagpapatuloy niya pa. Kilala na niya ako ha. "Pahalagahan mo sana ang katawan mo ng hindi ka magaya sa 'kin. Sinasabi ko ito dahil ako mismo nakaranas ng diskriminasyon. Ang HIV ko ay naging AIDS na. Nahihiya akong magpagamot at lumabas ng bahay kaya lumala ito. Nilalayuan pa ako ng tao. Hindi ganun kadali mamuhay sa mundo na pinaninindirihan ka ng lahat. Kaya kong ayaw mong magaya sa 'kin. Seguraduhin mo na tama ang desisyon mo." Hahawakan na sana niya ako pero agad kong nilayo ang sarili ko. Hindi ko alam kong bakit. Seguro dahil isa ako dun sa mga taong pinandidirihan siya. Parang ako ang nasaktan ng biglang tumulo ang luha niya. Kapag ipag papatuloy ko pag pili sa letter C ng multiple choice nila ay 'di ring malabo na mangyari rin ito sa 'kin. Ang pandirihan ako. "Some bodily fluids, such as saliva and tears, do not transmit HIV Fred. Kaya 'wag kang matakot." Pag imporma ni Thena sa 'kin. "Hindi ito basta basta napapasa. Maari lamang itong makuha sa pamamagitan ng unprotected s*x, contaminated blood transfusions, hypodermic needles, at pagdadalang tao ng isang ina na infected nito." "Ano na buddy? Natahimik ka d'yan ah." Untag sa 'kin ni Aphro. "Sabi sa 'yo, good choice ang Letter C. Iiwan na ba namin kayong dalawa para makapag-usap?" "Handa ka na bang mahawaan?" Tanong naman ni Aetus sa 'kin. "Pucha! Dapat pala sinama na namin 'yong fang demon dito. I'm sure mag eenjoy ang mga gonggong na 'yon." Fang demon? May sariling mundo ata itong si Aetus. Bigla nalang kinakausap ang sarili. Bumuntong hininga ako. "N-nagagamot ba ang HIV?" Wala sa loob kong tanong. Ewan. Baka gusto kong malaman kong nagagamot nga ito. "Nagagamot naman Fred." Sagot ni Thena. Ba't kaya ang dami nitong alam? "We have the antiretroviral treatment that can slow the course of the disease. This treatment is recommended as soon as the diagnosis is made. Sa kaso ni Dina ay lumalala na ito. " "Eh, pa'no kong hindi ito nagamot?" "The average survival time after infection is 11 years." Napahawak ako ng sentido ko. Parang nagkaroon ako ng biglaang seminar tungkol sa HIV at AIDS. Ipinipilit nila sa 'kin ang bisyo ko. Pero ang resulta ay ako pa mismo ang umaayaw. Bumulong sa 'kin si Seidon. "I told you man. Letter A nalang dapat ang pinili mo. May pag-asa kapang palitan si Zuma at shark boy." "S-saglit lang man." Nahihirapan kong sagot sa kanya. "Pag-isipan ko muna." Tumango ito. "Ikaw bahala man." Sinalinan uli ako ni Thena ng wine. Nauuhaw na nga ako. Pinipigilan ko na ring tumingin sa kanya. "Fred..." Tawag niya sa 'kin. "Ang pag gamit sa babae at ituring itong isang pampalipas oras lamang ay hindi magandang halimbawa para sa mga kapatid mo. Pa'no nalang kung gawin din ito sa kapatid mong babae? Na 'yong ginagawa mo sa mga kababaihan ay gawin din sa kanya. Makakaya mo ba 'yon?" Umiling ako. Hindi ko kaya. Kaya nga ako napunta sa Stygian para mabigyan sila ng maayos na buhay. Nakitaan nila ako ng potensyal sa pakikipaglaban kaya inanyayahan nila ako na maging kasama nila. Hindi rin ako nakatanggi dahil malaki ang utang na loob ko sa boss ko. Dahil kasi sa kanya unti unti na ang paggaling ng kapatid ko sa sakit niya. Pati magulang ko binigyan niya ng hanap buhay. Pinangako niya rin na kung sakaling mamatay ako sa pakikipaglaban ay siya na ang bahala sa pamilya ko. Ano ba ang dapat kong gawin? Aamin na ba ako kong sino ang boss ko? Pa'no kong baliktarin nila ako? Kilala ko ang mafia na kinabibilangan ko. Ayaw naming nilalamangan kami. "M-may letter D pa ba?" Tanong ko. "Oh! Ayaw mo na sa letter C buddy?" "Wag nalang." Sagot ko kay Aphro. "Baka sa letter D nalang ako." Napatawa naman bigla si Seidon. "Naku man, mas malala ang letter D." Sabi niya. "Sabi sa 'yo letter A ka nalang." "Ano ba ang letter D?" "Letter D--- all of the above man!" "No cheating please!" Sita naman ni Aetus kay Seidon. Gusto niya talaga sa letter C ako mapunta. Kanina pa 'to. "Cheating is a choice." Sagot naman nito at tinapik uli ako sa balikat. "Hindi masamang mag cheat man, basta ba't you are ready to face the consequences." "Iniisip mo bang kapag inamin mo sa 'min ay may mangyayaring masama sa pamilya mo Fred?" Tanong ni Thena sa 'kin. "We are not called guardians if we can't protect our interest. You are our interest and that includes your family. Lahat ng ibinigay sa 'yo ng Stygian ay dodoblehin namin. You have my words Fred." "Pa'no ako makakaseguro na tutupad kayo sa usapan?" Uminon muna ito ng wine bago nagsalita. Ang seryoso niya talaga. "Because... just like rexona. We won't let you down." Sabay kaming nawalan ng expression. Frustrated joker ata itong si Thena. Hindi marunong bumato ng joke. Wrong timing. "Wala man lang kayong reaction d'yan. Joke 'yon." Sabi niya ng hindi kami nag react. "Okey lang po 'yan Miss Thena." "Hindi ka natawa dun Dina?" Ngumiti lang si Dina sa kanya. Nanghihina na nga ito tingnan. Bigla tuloy akong naawa sa kalagayan niya. Damn! May puso pa pala ako para maawa. Ikaw na talaga Fred! "That's letter D Fred." Putol ni Ares sa biglaang awkward moment namin dahil sa joke ni Thena. "Yung all of the above?" "Letter D is your free will to save your family's life and your life. Kagaya ng sinabi ni Thena sa 'yo. You have our words. And if you're not going to tell us who's your boss, then we will respect that. But you should also respect our decision of ending your life by letting you to choose the first three letters." Minsan na nga lang magsalita itong si Ares. Direct to the point pa. Ang punto pa niya ay parang nasa isa kaming conference room. May business meeting. Meeting para sa buhay ko. Kampo Ginoo is really something! Ganito ba talaga sila? Ang dami nilang pinaranas at pinaramdam sa 'kin ng hindi umaalis sa kinauupuan ko. Natatawa nalang ako. Gusto ko silang palakpakan. "I give up!" Tinaas ko ang kamay ko bilang pagsuko. "Panalo na kayo. Sasabihin ko na kung sino ang nag utos sa 'min para kunin ang tagapag mana ng pamilyang Fortel." "Sino Fred?" Tanong ni Thena. "Sino ang boss mo?" Lumunok muna ako bago nagsalita. This is it. Aamin ako para sa pamilya ko. At sana lang tama ang ginawa kong ito. "M-maricel Cho. Yan ang pangalan niya. Siya ang boss ko." --- To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD