Chapter 56
Jeisen Jee POV
Ang saya palang kausap nitong CET department. Kilala pa talaga nila ako. At tama ba 'yong narinig ko? Idol daw nila ako? Naks! Ayokong magyabang pero natutuwa ako dahil na inspired sila sa 'kin.
Kaya naman ang lapad ng ngiti ko. I am smiling ear to ear to show them how thankful I am to see them happy.
Masaya ako dahil masaya sila.
And it's because of me! Gusto ko tuloy bigyan sila ng regalo. Just like what I did awhile ago.
Hmm. Ano kaya gusto nila?
"College of Engineering and Technology... plus the future architects!" Ngumiti ako sa kanila. "Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo mga kamahalan?"
Oh lala! They heard it right.
I call them 'kamalahan' because I want to serve them. You know, like princes and princesses in this university.
I am embracing the generous me.
Mas lalo naman silang natuwa sa sinabi ko sa kanila. Sa bilang ko, nasa walo sila kasama na ang tatlong babae. Ang sama pa nga ng tingin nung isa sa 'kin 'e.
"Wow! Sa wakas!"
Oh ow! Feel na feel ko ang saya nila. Lalo na 'yong napahiyaw ng 'wow! sa wakas!"
Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa likod. Pinagsalikop ko ito at umindayog ng slight lang naman. Ngiting ngiti parin ako sa kanila.
Gusto kong mahiya pero parang pakiramdam ko walang hiya ako ngayon.
"Sabihin niyo lang mga kamahalan kung ano ang gusto ninyo. Pagbibigyan ko kayo."
"Jeisen... a-ano kasi?" Sabi nung isang lalaki na may suot na eyeglasses. Nerd. Mukhang mabait naman.
"Anong ano 'yon Mr Boy next door?"
Harhar. This nerd is a boy next door for me. Namula pa ito pagka sabi ko nun.
"Me-me-me-melo." Nahihirapan niyang sagot.
Memememelo? Baka ibig sabihin niya ay Milo? Gusto niya ng Milo seguro.
Sa'n naman ako bibili nun?
Pero bago ko problemahin 'yon. Tatanungin ko muna kong anong klaseng Milo ang gusto niyang inomin.
"Ah gusto mo ng Milo diba." Sabi ko. "Sure bibilhin ko para sa 'yo! Ano ba ang gusto mong inomin, 'yong cold or hot Milo?"
Nagtawanan na naman sila.
Ano kayang nakakatawa?
"Jeisen, hindi Milo." Sabi nung humiyaw kanina ng 'wow! sa wakas!' "Pasensya kana. Nauutal lang itong kasama namin. Melo ang pangalan niya at hindi niya gusto ng Milo. Hahaha!"
"Harharharhar... harhar... harhar!"
Nakitawa na rin ako.
Kawawa naman, siya lang 'yong ang lakas ng tawa 'e. Lahat naman sila natahimik at sabay napakamot ng ulo.
"Ang weird ng tawa mo. Parang 'yong nagugutom na baboy."
Binatukan naman ni 'wow! sa wakas!' ang kasama nila na nagkomento sa tawa ko. Nagpipigil na rin ng tawa ang iba.
Tawang baboy ba talaga 'yon?
"Nagbibiro lang 'tong kaibigan namin Jeisen. Wag mong pansinin 'yong sinabi niya. Hehe."
"Naku! Wala lang sa 'kin 'yon." Sagot ko naman. "Wala kang dapat ipag-aalala 'wow! sa wakas!"
Napakamot na naman ito ng ulo.
May dandruff seguro itong si 'wow! sa wakas. Panay kamot 'e. Pansin ko talaga.
Napatingin ako sa may bandang tiyan niya. Nagkamot na naman ito. May dandruff din seguro banda dun.
"Palabiro ka pala Jeisen. Akala namin snob at tahimik ka talaga." Sabi niya at kumamot na naman. "Ako pala si Gregory. Greg nalang ang itawag mo."
Tumango naman ako. Gregory pala name niya. Siya ata ang spokesperson nila.
"Sure boy kamot. Harhar." Biro ko.
"Nyahahahaha! Boom! Boy kamot ka daw Greg! Hahaha!"
"Heh! Tahimik ka nga d'yan Boy tubol!"
Nagtawanan na naman sila.
Ang saya talagang kasama ng grupong ito. Pati ako napapatawa. Boy tubol daw?! Pfft!
"Harhar. Ba't Boy tubol tawag sa kanya Greg? Pfft!" Natatawa kong tanong.
"Eh kasi. Lagi 'yang..." Tumikhim muna ito bago nagsalita. "Excuse lang mga 'tol ha, tae muna ako! Hahahaha!"
Hindi ko na mapigilan. Tumawa na talaga ako! Nakakatawa 'yong 'excuse lang mga 'tol ha, tae muna ako. As in!
Nagpa gulong gulong na ako sa kakatawa. Hindi ko na alintana 'tong namumutla ko ng paa. Nakayapak kasi ako. Pinamigay ko na diba ang shoes ko.
"Harharharhar! Boy tubol!"
"Tu-tu-tu-tu-ma-ma-ma..." Si Melo?
"Nauutal kana naman d'yan Melo." Sita sa kanya ni Greg a.k.a Boy kamot. "Ang sabi niya Jeisen, tumayo ka na daw d'yan."
Tinulungan nila ako na tumayo.
Pero kasi... nakaka tawa naman talaga 'yong 'Boy tubol 'e! Laughtrip talaga.
"Harharharhar! Ang saya natin!"
"Ang weird talaga ng tawa mo Jeisen. Ako pala si Amorsolo."
"Amor...solo?" Sabi ko habang pinagpagpag ang pants ko at T-shirt na nadumihan. "Amor or love and solo like being alone with you. Hmm."
"Parang 'yon nga name ko." Nag aalinlangan niyang sabi sa 'kin. "Marunong ka palang mag Spanish?"
Ngumiti ako sa kanya.
"Un puco Amorsolo. A little MOL"
"Naks! Ang bilis ng pick up mo ah. Un puco? A little?" Tumango ako. "Ano 'yong MOL?"
Nakaupo na ako kasama sila. Ang saya kasama ng mga 'to. Swear! Walang arte ang mga CET department.
"I said... a little My Only Love."
Namula naman ito ng kinindatan ko. Nagtawanan na naman sila. Syempre nakitawa na rin ako.
"Wag mo 'kong painlabin Jeisen." Sabi niya. "Strict pa naman ang parents ko. At tsaka... ang sarap sa tenga ng tawa mo. Para akong pinaghihili MOL!"
"Wadapak Amorsolo!" Binatukan na naman siya niya Greg. "Kanina lang panay lait mo sa tawa ni Jeisen ngayon. Pinaghihili kana. Hahaha!"
"Wag kayong panira ng diskarte d'yan." Sagot niya. "Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang mapapasalamatan ang parents ko sa pag pangalan sa 'kin ng Amorsolo." Lumingon ito sa 'kin at kinindatan din ako. "Diba, MOL?"
"Harhar... MOL!" Sagot ko.
Napapikit naman ito.
"Kita niyo na? Inaantok na ata ako. Pingeng unan at kumot nga d'yan!"
"Pfft! Mga baliw talaga 'yan Jeisen. Masasanay ka rin sa amin." Si Greg.
"Oo nga Jeisen. Pfft! Ako nga pala si Chris at hindi ako si Boy tubol."
"Ako naman si Marie." Yong may pagka boyish. Tumango sa 'kin kaya tumango rin ako.
Greg. Amorsolo. Chris. Marie at Melo. Yung dalawa lovers ata. Basi sa kilos nila kaya 'di masyadong nakikipag usap sa 'kin. Yung isa naman nakikitawa lang.
"Si Vin at Ara naman. Magkasintahan 'yan. Ayaw pa storbo." Si Greg. The spokesperson. "At si Alyana na boyfriend si Ricardo. Wala ngayon si Cardo, kaya sad si Aling. May inasikaso lang kasama ang grupo ng mga bendita."
Napasimangot naman ito.
"Tse! Wag ka nga Greg." Irap niya dito saka ngumiti sa 'kin. "H-hello Jeisen."
"Natutuwa akong makilala ka Alyana ni Ricardo."
Tinapik niya bahagya ang balikat ko. Kinilig ata sa sinabi ko.
"Ang bait mo nga talaga Jeisen." Sabi niya. "Natutuwa din akong makilala ka ng personal."
Napatingin ako dun banda kina Ara at Vin. Napapansin ko talagang ang sama ng tingin nung girl sa 'kin. Hindi ko naman inaano. Si Vin naman pa lingon lingon sa 'kin.
"Jeisen, pa picture naman tayong lahat." Munkahi ni Greg.
"Oo nga MOL. Selfie tayo!"
Ting! Group picture?
Mukhang wala naman silang hihingin sa 'kin. Pagbibigyan ko nalang.
"Duh! Hindi naman 'yang artista para pagkaguluhan niyo 'no. Para kayong mga temang." Nakataas kilay na sabi ni Ara sa amin.
Sinamaam naman ito ng tingin ni Vin. Yung Vin, gwapo ito kung ikukumpara sa mga kasama niya. Seguro malakas lang ang appeal niya.
May pagka maangas kasi.
Kasing angas ng baba ni Ara na patulis. Harhar. Ba't kaya galit sa 'kin 'to?
"Arabella... " Banta niya dito at tumingin agad sa 'kin. Hindi tinging masama kundi parang naging maamo ito. "I'm sorry if she's acting like a damn b***h to you J-jeisen. Ako na bahala dumisiplina sa kanya."
"You asshole! I'm not a bitc---"
At hindi na nito tinapos ang sinabi niya. Hinalikan na kasi niya ito.
"Isa kang hokage Vinzel El Verano! Hahahaha!" Kantyaw sa kanya ni Chris.
"Galawan mo talaga Vin. Pang porno! Wahahahaha!" Segunda naman Greg.
Tumigil naman agad sila ginawa nilang pang porno. But I was like...
'That was surprising huh!'
Pinilig ko ang ulo ko.
Ngumisi kasi sa 'kin si Vin.
"Tama na nga 'yan!" Naiinis na awat ni Marie. The pretty boyish. "Papicture na tayo kay Miss Jeisen."
Sumang-ayon naman agad sila.
Si Melo na ang kumuha ng camera. Ayaw kasing humiwalay nitong si Ara kay Vin.
"Yung linyahan natin Melo ha. Wag mong kalimutan."
Pumwesto na kami para mag pa picture. Nag peace sign ako. For 'World Peace!'
"If you love cheese say..."
Himala hindi na nauutal si Melo.
Pero ano daw? If you love cheese say...what? Ito ba 'yong line? Ano sasabihin ko?
Isip. Cheese. Cheese. Aha!
"Blueberry cheesecake!" Sigaw ko sabay ayos ng peace sign. Nasa gitna nila ako. Harhar! Ang saya nito.
"Hi-hi-hi-hindi blu-blu-be-berry che-che-cheese-cake ang ang da-da-pat sa-sa-bihin..." Lumunok pa si Melo bago bumwelo ng... "m-mo"
Ano ba 'to? Pati ako para na ding nahihirapang itawid ang sasabihin niya.
Why oh why Melo? Ba't kaba nauutal?
Parang gusto kong maki simpatya. Baka may sakit si Melo. Kailangan na seguro nitong magpa hospital. Iiyak na sana ako, kaso lang ayoko namang sirain ang masayang moment namin.
Kakausapin ko nalang siya in private.
Bibigyan ko siyang discount sa pagpapagamot niya. I am willing to help. Swear! Nakakaawa kasi siya.
"Wag ka masyadong pahalata sa ultimate crush mo Melo." Natatawang sabi ni Chris sa kanya saka bumaling sa 'kin. "Pero alam mo Jeisen... matalino 'yan lalo na sa math."
"Ang ibig sabihin pala ni Melo MOL. Hindi dapat blueberry cheesecake ang sabihin mo 'pag nagsabi siya ng if you love cheese say, dapat sabihin mo cheesy. If you love cheese say... cheesy."
"Tama. Cheesy nga Jeisen." Si Alyana. "Parang 'yong commercial sa TV."
Yun lang pala. Akala ko pa naman kung ano. Nag pictorial na kami.
Hindi ako sure sa itsura ko. Kasi puro wacky naman ang pinagagawa ko. May tawa at ngiti rin. Ang kulet kasi ng mga ito.
Nakipag selfie na rin sa 'kin sila isa isa. Feeling ko tuloy sikat na artista ako.
Ang hindi lang nagpa picture sa 'kin ay si Ara. Si Vin nakikisabay naman. Pa cool nga ito 'e. Inaakbayan pa niya si Marie.
Hmmm. I smell something sa dalawa.
Amoy daing... daing ng pusong umaasa.
"Ang ganda ng T-shirt mo Jeisen." Nangingiting turan ni Alyana sa damit ko. "San mo nabili 'tong Batman?"
Napatingin agad ako sa suot ko.
Ang Batman T-shirt ko. Regalo ito ni Ate Jaud sa 'kin. Since favorite ko si Batman kaya binili niya. Limited edition daw 'to. Ang iba ay imitation nalang.
"Binigay ng kapatid ko 'to." Sagot ko naman. "Hindi ko alam saan niya nabili. Ang sabi niya limited edition daw. Galing pa daw ito sa producer ng Batman. Sinadya niya talaga dun. Alam niyo na connection. Hehe!"
Pinakita ko 'yong tatak sa may gilid ng braso at sa dulong ilalim ng T-shirt. May telang nakadikit dito at may burda.
"Wow na wow! Ang astig! Big time pala ang kapatid mo Jeisen. Pakilala mo naman ako. Gusto ko sana ng T-shirt mo. Type na type ko pa naman."
Ang daldal ko.
Ang daldaldal ko talaga.
Ano naman ang sasabihin ko? Na si 'Audrey' ang kapatid ko? Na isang supermodel siya. Na nandito siya sa bansa ngayon. Gumagala.
Edi... pag uusapan kami. Mabubuking ang pagpapanggap niyang matabang matabang hippopotamus.
Magagalit sa kanya ang management.
Ang mga tao lalo na ang mga fans niya.
Pagkatapos nun matatanggal siya sa work. At kapag natanggal siya sa work mawawalan na rin ng work ang mga tao sa paligid niya.
Si Manager.
Si Make-up artist
Si Personal assistant.
Mga staff sa projects niya.
Magugutom sila at wala ng makain!
At dahil dun... ma de-depress sila. Tapos... tapos mag su-suicide sila. Kawawa naman ang maapektuhan sa kabalbalan ko.
Naku! Naku talaga.
Napakagat ako sa ibabang labi ko.
Hindi naman kasi ako mahilig mag kwento tungkol sa buhay ko. Ito kasing bibig ko ngayon... nadudulas.
Nakanguso akong tiningnan si Alyana na girlfriend ni Ricardo. Nagtataka at malungkot was very evident in her face.
Mas lamang lang 'yong nagtataka.
"Gusto mo ba talaga itong T-shirt ko?"
"I super duper like it Jeisen."
"Gusto mo sa 'yo nalang?"
Ibibigay ko nalang. Marami pa namang Batman T-shirt d'yan.
Isang bagay kapalit ng ikabubuti ng lahat. I'm doing the right thing. I know.
"Oh my gosh! Sure!"
"Wait lang ha. Huhubarin ko la---"
Huhubarin ko na sana ang damit ko ng may yumakap sa 'kin sa gilid. I know his smell kaya lihim akong napa singhap.
"What the hell are you doing Ms Escintosh!" May diin na bulong niya sa 'kin. "Kanina pa kita pinapanuod sa ka balbalan mo dito pero hinayaan lang kita because you were stupidly giggling with them. And now, you are giving your good damn T-shirt! Are you out of your mind?!"
Napalunok ako.
Nakakatakot naman itong si Gareth.
Hindi tuloy ako naka kilos sa ginawa niya. Pati itong bagong friends ko hindi rin nakapag salita sa pagdating niya.
Tumingala ako. Hindi siya nakatingin sa 'kin. Sa kanila siya nakatingin. Gareth's prominent look and his aura is really intimidating. Alam kong naiilang sila ngayon because he is here.
"M-mr President... kayo po pala. Nagkakatuwaan lang kami."
Sige Alyana. Pagtanggol mo 'ko. Para ito sa Batman T-shirt mo.
Huhubarin ko agad para sa kanya.
"Walang nakakatuwa sa taomg humihingi ng gamit ng iba. Lalo na kung suot pa niya ito."
"W-wag mo ngang pagalitam si Alyana." Sabi ko sa kanya. "Ako naman ang nag presinta na ibigay ang damit ko."
Sinamaan niya ako ng tingin.
Pinaglihi talaga ito ni Tita sa sama ng loob. Naka porma na naman kasi ang kunot nuo niya.
"Did you hear yourself Jeisen or are you even thinking? I saw you giving your good damn phone and shoes sa dalawang pulubi sa labas. Tapos ngayon itong T-shirt mo na naman? Ano pa ang ibibigay mo? Pants mo? Baka ipamigay mo pa 'yang underwear mo kung 'di kita sinundan! God Jeisen! Sakit ka sa ulo!"
Napayuko ako.
Nakita ko 'yong paa ko na mamula mula. Madumi na rin ito. Pero ang sakit namang magsalita nitong si Gareth.
Naawa lang naman ako.
"Oh my gosh Jeisen." Lumapit si Alyana sa 'kin. "Hindi namin napansin na wala ka palang sapatos."
Lumapit na rin sa 'kin si Marie at may inilapag na tsinelas. Bago pa ito. Kulay itim.
Bigla ko tuloy naalala ang 'Tsinelas gang'. Ano kayang brand nito?
"Suotin mo muna 'tong tsinelas ko Miss Jeisen."
"She's fine without slippers." Napa angat ako ng tingin kay Gareth. "I'll let her walk without it ng matuto siya."
"P-pero Mr President Liu. Kawawa naman si MOL. Isa pa, wala naman kaming ginagawang masama sa kanya."
"That MOL too. Don't call her MOL. Stop calling here MOL! Okey?!"
Napaatras si Amorsolo a.k.a MOL dahil sa sigaw ni Gareth. Grrr. Bad talaga niya.
"O-okey po."
"Wa-wa-wag po po ka-ka----"
"Wag mo ng ituloy ang sasabihin mo nerd or I'll twist your tongue hundred times ng hindi ka makapag salita ng tuluyan."
Ang OA magalit ni Gareth.
Naiinggit seguro ito dahil nag pictorial kami kanina. Nagtawanan pa kasi kame. Palibhasa siya 'di masaya ang childhood life kaya kami inaaway.
Hindi na ako nakapag paalam sa kanila. Hinila na kasi ako bigla ni Gareth paalis. Kumaway nalang ako habang papalayo.
Nag flying kiss pa si Greg sa 'kin.
Mas hinila pa ako lalo ni sungit.
"G-gareth! Ano ba... masakit na ang kamay ko."
I feel weak, seriously. Hyper ako pero mahina ako ngayon.
"Tsk! Kasalanan mo 'to!"
Napanguso ako.
"No! Kasalanan mo 'to!"
Kung 'di ko lang siya binabantayan. Hindi sana ako walang tulog ngayon. Madami pa akong inasikaso sa kampo.
"Pa'no ko naman naging kasalanan kung bakit ka parang tanga kaka ngiti at tawa sa kanila, aber?!"
"Basta kasalanan mo 'to! Kasalanan mo 'to! Kasalanan mo 'to!"
Hinila ko ang kamay ko sa pag kakahawak niya. Umupo ako sa damuhan at umiyak.
Nakakainis! Ang babaw ng luha ko. Hindi ko mapigilang maging emotional.
Yumuko ako para tingnan ang paa ko. Huhuhu. Ang sakit ng paa ko. Ang sakit ng kamay ko. Ang sakit ng ulo ko.
Napasinok ako ng umupo si Gareth sa harapan ko at hinawi ang buhok ko na nakatabon sa mukha ko.
Naghahabol parin ako ng hininga.
Anong gagawin niya? Bigla kasing lumambot ang ekspresyon ng itsura nito.
"Alright... " Lumapit ito sa mukha ko pinong hinalikan ang nuo ko. "It's my fault. Okey? Kaya 'wag ka ng umiyak d'yan, huhm?"
Napakurap ako.
Si Gareth ba 'to?
Bigla kasing naging sweet.
Hindi ako makapagsalita. This is the very first time na ganito siya sa 'kin. Pinahid niya muna ang natitirang luha ko saka tumalikod.
"Sakay..."
"S-sakay? Saan?"
"Tsk! Masakit na paa mo kaya sakay ka sa likod ko. Wag ka ng mag inarte d'yan. Ngayon lang 'to."
"Hindi pa ako imbalido. Kaya ko pang maglakad."
Tatayo na sana ako para maglakad pero hinila niya ako. Kaya ito ako ngayon napasubsub sa mabangong likod ni Gareth Liu Fortel.
"TSS! Dami pang arte." Sabi niya at tumayo na agad. "Ang bigat mo, ang payat mo naman."
"Sus! Ang sabihin mo. Lampa ka kaya hindi mo maayos ang pagkarga sa'kin. Harhar!"
"Lampa pala ha."
Inalog alog niya ang pagka karga sa 'kin. Ang bad ni Gareth. Huhu!
"Ba't wala akong maramdamang laman sa likod ko." Sabi niya habang natatawa. "Babae ka ba talaga Jeisen?"
"Anong walang laman?" Inilapit ko ang katawan ko sa likod niya. Gantihan 'to! "Gusto mo ba maramdaman para sure?"
Napatigil ito sa paglalakad.
Namumula pa tenga niya pati leeg.
Ang sarap tuloy kagatin! Harhar!
"Don't... don't say that again." Sabi niya. "Lalo na sa ibang lalaki."
Ipinilupot ko ang braso ko sa leeg niya. Sakto lang para masakal...este hindi siya masakal. Inilapit ko ang labi ko sa tenga niya.
"Basta ikaw Ga... kurog ko."
Napaiwas pa ito ng bahagya sa pagkabulong ko nun. Harhar! Ba't ba ang sayang asarin ang masungit na ito?
"W-what? What's kurog?"
"Ang sabi ko, okey."
"Tsk! Gulo mo."
Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Ah... siya lang pala dahil nakaangkas ako ngayon sa likod niya. Ang tangkad ng lalaking ito. May kalakihan din ang katawan. Parang 'yong lalaking mannequin sa mga store ang tindig. Perfect ang hulma.
Ang bango bango pa niya.
Inamoy amoy ko ito.
"Aish! Jeisen... isa!" Sita niya sa 'kin. "Wag ka ngang malikot."
"Ang bango mo kasi."
"Tsk!"
Himala. Hindi galit?
Napatingin ako sa may gilid.
May nakita akong schoolmates namin na umiinom ng soya milk sa isang tabi. May kalayuan sila sa 'min. Wala pa kasi kami sa hallway kaya wala pa masyadong studyante.
Sarap na sarap sila sa pag inom.
Napatingin naman ako sa leeg ni Gareth. Pulang pula ito. Pero feeling ko ang sarap sipsipin ng leeg niya. Na iimagine ko na soya milk ito.
Inilapit ko ang labi ko sa leeg niya.
Binuka ko ito at nag umpisang sipsipin 'to. Maalat alat pero malambot.
Nauuhaw ako. Gusto ko rin ng soya milk. Kaya sinipsip ko rin ang ibang bahagi ng leeg niya.
"Aw!" Reklamo niya kaya napatigil ako. "What was that? Are you biting me Ms Escintosh?!"
Ang arte ng lalaking 'to.
Magkaiba ang kagat sa sipsip.
"Oyy... hindi ah." Tanggi ko naman kahit naglalaway ako sa leeg niya. "Inaamoy ko lang. Ang bango mo kasi Mr President."
"Tsk!"
Inilapit ko uli ang mukha ko sa kanya. Ang pula talaga ng leeg niya. Isama mo pa tenga niya. Bakit kaya?
"Gareth Liu..." Mahina kong tawag.
"What?"
"Inaantok ako."
"Edi matulog ka."
"Ayokong matulog."
"Tss! Ikaw lang ang inaantok na ayaw matulog."
Pumikit ako saglit at ngumuso.
"Gareth Liu..." Tawag ko uli sa kanya.
"What again?"
"Kanta tayo."
"I don't sing."
"Sige naman na."
"Ang kulet mo."
"Sige naman na."
"Ayoko nga."
Inilapit ko pa mukha ko sa leeg niya.
"Kanta na tayo. Sige naman na oh."
Hindi niya na ako pinansin. Hmm. Sa ayaw at gusto niya kakanta kami.
Nakarating na kami sa hallway. May mga studyante na rin ang nagsilabasan mula sa klase nila. Kaya ang iba napapatigil at napapatingin sa amin.
Ipinilig ko ang ulo ko.
Deritso lang kasi ang tingin ni Gareth sa daan. Snob. Kahit may napapatili ng makita siya.
Si Mr President at Jeisen 'yan diba?
Hala! Sila na ba?
Wahhh! Ba't kinikilig ako. Ang sweet.
Oo nga! Naka couple shirt pa talaga sila. Infainess, bagay sila!
Ang swerte ni Jeisen! Ang hot ni Mr President. Kyahhh!
Swerte din naman si Mr President. Ang ganda kaya ni Jeisen.
Naks! Ginawan kami ng issue.
Mukha ba talaga kaming couple?
Sabagay, pareho kami ng suot. Tiningnan ko si Gareth. Nakayuko ito ngayon. Kita ko rin ang dimple niya.
Nakangiti ba ito? Kinagat niya kasi ang ilalim ng labi niya para 'di mahalata.
"Kinikilig ka 'no?" Kantyaw ko sa kanya.
"O-ofcourse not!" Sagot niya. "Bakit naman ako kikiligin?"
"Dahil... naiihi ka? Harharhar!"
"Tsk! Wag ka ngang tumawa ng ganyan. Para kang girl version ni budoy."
Aba't! Eh sa natatawa ako.
"Kung ako si buday. Ikaw naman si budoy!"
"Yeah buday ka nga."
"Hmp! Budoy mo 'to!"
Gumalaw galaw uli ako. Kaya muntik na niya akong mabitawan. Pero sa totoo lang, may kalakasan din pala ang lalaking ito. Hindi nangangawit sa pagkarga sa 'kin.
"Isa pang galaw mo d'yan. Ihuhulog na talaga kita!"
Sungit talaga. Umayos nalang ako para 'di niya ako ihulog. Sakit pa naman ng paa ko. Ayoko ring maglakad.
"Kanta na tayo Ga. Sige naman na."
"Ang kulet kulet mo Jeisen ha."
"Ge ge ge naman na oh!"
"A.yo.ko nga!"
"Sabayan mo ko ah?"
"Aish! Matulog ka nalang kaya d'yan."
Napasimangot ako. Gusto ko ngang kumanta kami. Pabebe masyado 'to!
Lumiko kami sa isang pasilyo. Wala na ring masyadong tao. Kaya magagawa ko na ang plano ko.
Insert evil laugh! Bwahahahaha!
"Obladi..." Pag uumpisa ko. Wala parin itong imik. "Obladi oblada life goes on..."
"Tsk! Ang kulet mo!"
Ang kulet ko ay sasabayan mo. Harhar!
"Obladi oblada life goes on..." Kinagat ko ang balikat niya. Kaya napahiyaw ito ng 'Awww! Kaya dinugtungang ko ito ng... "La La la la life goes on!"
Ang saya saya!
"What the fvck Jeisen!" Bulyaw niya sa 'kin. "Did you just bite me?!"
Hindi ko siya pinansin at kumanta uli.
"Obladi oblada life goes on..." Kinagat ko uli ang isang balikat niya. Kaya napahiyaw uli ito.
"Ahhhh aww!"
"La la la la life goes on!"
"The fvck!"
"One more time! Obladi oblada life goes on..."
"Aww s**t!"
"LA LA LA LA life goes on!"
Harharhar. Edi kumanta ka rin! Second voice nga lang. Bigla naman niya akong ibinaba at chineck ang balikat niya.
Napakagat ako sa kuko ko. Patay! Hindi pa niya napapansin na may namumulang pantal sa leeg niya.
Mga lima ata! Huhuhu
Tapos may kagat din ang balikat niya.
"Ikaw..." Turo niya sa 'kin. "Kinagat mo 'ko!"
Nag peace sign ako.
"He he... sorry po."
"You'll pay for this!"
Kinarga niya uli ako na parang sako ng bigas. Nagpupumiglas ako kasi mas lalong sumakit ang ulo ko.
"Sorry na. Hindi ko sinasadya."
Pinalo niya ang pwetan ko.
"Bad! Bad girl!"
"Huhuhu. Wag mong paluin Jeisen. Budoy ka talaga. Huhu!"
Inalog alog na naman niya ako.
"I told you you'll pay for what you did."
Hindi na ako nakapalag pa ng tumakbo ito habang karga ako sa balikat niya. Pati ulo ko umaalog.
"Wag takbo! Wag takbo! Huhuhu!"
"Tss! Para kang bata. Mas malala kapa kina mommy at sa kapatid ko."
"Wag sabi takbo. Huhu!"
Pagkarating namin sa office ay pasalampak niya akong inihulog sa mahabang sofa. Napa nguso ako. Ang sakit ng bagsak ko.
Nandito na rin ang mga officers.
Si Aston na busy sa cellphone niya. Si Jin na naka awang ang labi na may lollipop pagka kita sa amin. Nandito na rin si Zedrick. First time ko siyang makita sa meeting.
Naka nganga naman ang iba habang tiningnan kami. Parang may dumaang anghel sa tahimik.
Wala ni isang nagsalita maliban sa isang matinis na tili mula sa likoran ko.
"Kyahhh! Ateeeee Barbie!"
Napalingon agad ako. Si Reimi Keith nandito sa office ngayon at malapad na nakangiti sa 'kin. Suot niya ang Batman watch na bigay ko sa kanya kaninang umaga nung mapadaan kami ni Zues sa bahay nila.
Nagustuhan niya ang watch kaya binigay ko. At sinabing Batman day ngayon.
"Reimi Keith?" Yinakap niya ako.
"Ate Barbie! Mabuti at nandito ka na. Kanina pa kita hinihintay."
"He he... ganun ba?"
Kumalas ito sa pagyakap sa 'kin at sinuri ako mula ulo hanggang paa.
"Anong nangyari sa 'yo Ate Barbie?" Tanong niya. "Wala kang shoes and you look so pale and exhausted pa?"
Tinuro ko ang kuya niyang si budoy. Naka upo ito ngayon sa may mahabang mesa.
"Tinaktak ni budoy ang utak ko."
"Tss! Nagsama ang mga isip bata." Sabi niya.
"What? Kuya naman, 'wag mong awayin si Ate Barbie. Ako talaga makakalaban mo."
Lumabas naman si Maggie galing sa kitchen. May bitbit itong cup ng kape.
"Is Liu already here?" Tanong niya at napalingon sa 'kin. "Why are you here Jeisen? Hindi ka dapat nandito. Hindi bagay ang itsura mong basahan sa office na 'to!"
"Hmp! Maldita talaga." Irap ni Reimi sa kanya. "Wag mo ngang awayin si Ate Barbie lalo na't andito ako!"
Napataas naman ito ng kilay at dali daling pumunta kay Gareth. Hahalik na sana 'to sa pisnge niya ng mapatigil ito.
"Why you have hickies?" Turo niya sa leeg ni Gareth. "Ba't ka may chikinini sa leeg mo Liu!"
Napa tayo naman agad ito at pumunta sa may salamin. Patay! Ako may gawa niyan. Napayuko ako. Paniguradong pagagalitan nila ako.
"Jeisen Jee Escintosh!"
Mariin akong napapikit.
Parang maraming bombilya ang nabasag dahil sa sigaw ni Gareth.
Nakakagimbal.
Nakakatakot.
Nakakapanindig balahibo.
Lumapit agad si Maggie sa 'kin at hinila ako. Naiiyak na naman ako.
"Y-you are sick."
"Maggie... sorry na."
Napahawak ito sa ulo niya at sinamaan ako ng tingin. Parang gusto niya akong sapakin. Huhu!
"Ano ang ginawa mo kay Liu?!"
"P-pinaakyat ko siya sa puno. Sumakay ako sa likod niya at sinipsip ang leeg niya. Tapos kinagat ko ang magkabilang balikat niya. Wag kang magalit sa 'kin oh!"
Lumapit ako kay Maggie at yinakap ito. Galit na galit kasi siya.
"Talagang magagalit ako!" Singhal niya. "Kung 'di ka ba naman tanga, umiwas ka nalang sana."
"H-hindi ko sinasadya. Wag ka namang magalit sa 'kin."
"Bitawan mo nga ako." Naiinis niyang sabi. "Umupo ka d'yan at kung pwede ha, matulog ka!"
Agad naman akong tumango.
"Anong nangyayari kay Jeisen? Ba't ang weird niya ngayon." Si Paula ata ang nagsalita.
"Oo nga. Kinagat at nilagyan pa niya ng chikinini si Mr President."
"Infairness. Naka couple shirt sila Tin!"
"Umayos nga kayo d'yan!" Sita ni Maggie sa kanila. "Mga chismosa!"
Nilibot ko ang paningin ko. Kumaway ako sa mga kasama namin ngayon sa office. Lalapit na sana sina Jin, Aston at Zedrick sa 'kin pero tinawag na sila ni Gareth.
Sinamaan pa 'ko ng tingin.
Nag umpisa na kaming mag meeting. Well, 'di pala nila ako sinali dahil andito ako sa may sofa nakatingin sa kanila habang sinusuklayan ni Reimi.
"Dagdagan mo pa ang mga hickies ni Kuya Ate Barbie." Natatawa niyang sabi. "Nakakaaliw kasi itsura niya pag naasar. Hihihi! Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan. Kaya don't worry Ate Barbie, 'di ako galit sa 'yo. Hihi!"
Nakitawa na rin ako kay Reimi.
At oo nga. Kakatuwa ang itsura ni Gareth pag naasar. Nag apir pa kami dahil sang ayon ako sa sinabi niya.
"Harhar! Tama ka. Ang saya ngang asarin ng kuya mong si Budoy!"
"Budoy? You call kuya Liu as budoy?"
Ngumisi ako.
"Budoy tawag ko sa kanya kasi tinawag niya akong buday. Gantihan 'to Reimi. Harhar."
"Kyahhh! Ang cute! Pareho pa talaga kayo ng T-shirt." Mahinang tili niya. "Pero may napansin ako... you are so so so different Ate Barbie." Tumigil ito sa pagsusuklay sa 'kin at hinarap ako. "You are not stiff anymore. Ang daldal mo pa."
"Hehehehe..." Napakamot ako ng ulo.
"Ah Mr President... how 'bout a TV advertisement? I think mas effective ito to catch sponsors. Mas makikilala pa lalo ang school worldwide."
"I don't think so. A single TV advertisement cost almost half a million. Masyadong magastos."
"How 'bout mag invite tayo ng mga sikat na banda at artist. Para naman ito sa dagdag entertainment."
"I'll take that idea Desiree."
"Thanks President."
Anong pinag uusapan nila? Ipapakilala pa lalo ang school sa lahat? Tapos entertainment? Simple lang naman ang solusyon d'yan. Pinapahirapan pa nila sarili nilang mag isip.
Nagtaas ako ng dalawang kamay.
"Ah... excuse me."
Napalingon sila sabay sabay sa 'kin.
"Why are you raising your hands Ms Escintosh?" Nakakunot nuong tanong ni Gareth sa 'kin.
"I have suggestion."
"Pakinggan natin ang suggestion ni Jeisen, Liu." Kinindatan pa ako ni Aston pagka sabi nun.
"Ano bang sinabi ko sa 'yo Jeisen?" Nakataas na naman ang kilay ni Maggie. "Matulog ka diba. Baka ikapahamak pa ng lahat ang suggestion mo. Baliw kapa naman kapag may sakit."
"Hindi ah. Maganda suggestion ko. Hindi pa magastos."
Tinitigan muna ako ni Gareth saglit bago nagsalita.
"Tell us your suggestion Ms Escintosh."
---
To be continued...