Chapter 3

1119 Words
Jemisha's P. O. V. Dinala na si Lola sa huli niyang hantungan. Sa isang nitso, katabi ang katawan ni Mama. Ngayon ay magkasama na sila at ako na lang ang natitira. "Lola, Mama, kakayanin ko 'to, haharapin ko ang buhay na 'to para sa inyo," bulong ko at hinawakan ang ibabaw ng nitso. Napatingin ako sa paligid. Sikat at malaking simenteryo ang napili ni Lola para kay Mama at ngayon dito ko na rin siya isinama. Ako na lang mag-isa at umalis na lahat ng mga tao na nakipaglibing. Parang ayoko sila iwanan. Nakaramdam naman ako ng pagkalam ng tiyan. Simula nang mawala si Lola ay nawawalan na ako ng gana kumain. Pero ngayon kailangan ko maging malakas para maipaghiganti ko si Mama. Naglakad na ako palabas ng simenteryo. Hindi nakasama si Soheila dahil may exam sila ngayon at ako naman ay absent. Bukas papasok na ako dahil kailangan ko tuparin ang habilin ni Lola na mag-aral ako. ****************** Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa university. Ang daming nagbago dahil sa ilang araw akong nawala, ang dami kong absent at hindi na ako aasa na makahabol ang grades ko para maging honor student. "Nandito na pala ang artista natin!" masiglang sabi ng maarte kong kaklase na si Pearl. Naupo ako sa upuan ko at napatingin sa paligid. Nakita kong may upuan na nadagdag sa bandang likuran at may bag doon. "Bakit may bagong upuan?" tanong ko sa katabi kong si Gale. "Transfer, na-kick out sa sikat na university, pero hindi ko alam ang reason," sagot niya at habang naglalabas ng notebook. "Ahh, lalake 'no?" tanong ko. "Oo." Hindi siya tumitingin sa akin at busy sa notebook niya kaya sinilip ko ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang assignment ito. Mabilis kong kinuha ang notebook ko sa Politics. "Pakopya naman, absent ako e," sabi ko. "Excuse ka naman ata--" "Hindi ah! Wala silang pagkukuhanan ng grades ko, sige na, please," sabi ko. Hindi naman siya nakatanggi. Ilang taon ko na rin siyang kaklase pero hindi kami sobrang close dahil may sarili siyang circle of friends. Kumopya ako ng assignment sa kaniya dahil google lang naman niya iyon. "Hello, ladies!" napakunot ang noo ko nang makarinig ako ng sigaw ng lalake. Isang matangkad, payat at maputi na lalake ang pumasok sa room namin. Kasama niya ang kaklase naming pasaway na lalake rin. Sinalubong siya ng malandi naming kaklase na si Stephanie, malamang ay gagawin niyang koleksyon ang lalake na iyon. "Artista ba? Ito! Si Jemisha!" nagulat ako nang isigaw ni Pearl ang pangalan ko. Napatingin ako sa kaniya. Ngumiti siya sa akin habang abala siya sa paglalagay ng foundation sa mukha niya. "B-Bakit?" tanong ko at napatingin sa lalake na nakangiti sa akin. "Ikaw pala si Jemisha? 'yong nanalo sa isang TV show?" tanong niya. Tumango ako. Lumapit naman siya at lumayo ang mga kaklase ko. Tila ba nagiging hari-harian siya, ang taas ng confidence niya. "What's the matter?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Hi, pretty woman. Ako nga pala si Diether Gomez," aniya at nilahad ang kamay niya. "I am not interested--" napatigil ako nang mapagtantong pamilyar ang apilido niya. Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa mga mata niya. "What? Tatanggihan mo 'ko?" aniya. "A-Anong pangalan ng tatay mo?" tanong ko. "Woah! Kilala mo ba si Dad? Sinong hindi makakakilala sa kaniya, sikat siya sa industry, he has a big name. Josedillo Gomez." Tila ba binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig ko. "Ilang taon ka na?" kusang lumabas ang tanong sa bibig ko. "Seventeen... You're interested on me now, huh?" mayabang niyang sabi. Isang taon ang tanda ko sa kaniya? May anak na sila pero nagawa nilang rape-in si Mama. "Nice to meet you, Mr. Gomez," sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Napalunok ako ng sarili kong laway at pinipigilan na maluha sa nasasaksihan ko ngayon. Ang anak ng tarantadong lalake. Kailangan ko siyang gawing daan para makilala ang lalakeng pumatay sa Mama ko. "Would you mind if I take you to a date?" tanong niya. Bigla namang nagsigawan ang mga kaklase ko sa sobrang kilig. Napaawang ang labi ko dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. Wala pa akong plano para sa kaniya at kailangan ko mag-isip. Hindi rin ako pu-pwedeng magkamali. "CLASS!" napatigil ang lahat sa pang-aasar nang dumating ang advisory teacher namin. Hinawakan ni Diether ang pisngi ko at saka naglakad papunta sa dulo ng classroom. Napalingon ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. Mag-isip ka, Jemisha, kailangan mo kumilos. ******************** Pagdating ng uwian ay hindi ako tinitigilan ni Diether. "Jem, you're name really suits you," ani Diether. Hinarap ko siya. Hindi niya dapat mahalata na may plano ako. "Gusto mo ba talaga ako?" tanong ko. "Oo naman, ang ganda mo, talented, nakita nga kita sumayaw sa TV," aniya at ngumiti ng nakakaloko. Ngumiti ako at hinawakan ang balikat niya. "Kapag ako lang, gusto ko ako lang. Greedy ako e, is that okay for you?" Wala dapat akong makakalaban na babae sa kaniya. Pwedeng masira ang plano ko. "If you say so, then go. I want you to be my girlfriend," aniya. "Sige, pero I have rules," sabi ko. "What is it, Babe?" "No cheating, dapat alam ko lahat ng plano mo dahil ayoko ng surprises," sabi ko at ngumiti. Ikaw ang isusurpresa ko. Maramdaman niyo kung gaano kasakit ang ginawa niyo kay Mama. Bigla niya akong inakbayan. Lumakas ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. Ang anak ng mamamatay tao, nakadikit sa katawan ko ngayon. "Sila na ba?" "Bagay sila, gwapo at maganda." "Anak ba siya ng artista?" Agad kong tinanggal ang braso ni Diether sa balikat ko at pilit na ngumiti. "Let's take it slow. Wala pang limang minuto na mag-on tayo." Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Nahihiya ka ba sa kanila?" tanong nito sabay tingin sa mga estudyante na nakakakita sa amin na dumadaan sa corridor. "N-No, I'm not." I am scared, Diether. You are the son of a monster, a demon. "Hindi naman kita sasaktan, huwag ka na mailang sa akin. Besides, I am your boyfriend, so, I can come to your house and--" "I will invite you, If I wanted," cold kong sabi at naglakad na. Iniwanan ko siya. Nauna akong maglakad palabas ng gate pero nakasunod pa rin ito. Bigla namang tumunog ang kotse na naka-park sa harapan ko. "I'll drive you home, since I am your boyfriend," aniya. Napatingin ako sa Ford na nasa harapan ko. Napatingin ako sa plate number. "QVC43," pagbasa ko. "Come on, let me drive you home, Jem," ani Diether at hinawakan ang balikat ko. "S-Sige," sambit ko at lumakad na patungo sa passenger seat. Inusisa ko ang buong kotse niya. I need every single information. **********************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD