Chapter 4

1095 Words
Jemisha's P. O. V. Naging controversial sa social media ang mga sabi-sabi patungkol sa relasyon namin ni Diether. Hindi ko naman akalain na sisikat agad kami patungkol roon, salamat lang at walang issue, walang past problems si Diether at ganoon rin ako. "I forgot to ask, bakit mag-isa ka lang sa bahay niyo?" tanong ni Diether habang pina-park niya ang kotse sa school. "My grandmother recently," sambit ko. "Sorry for your lost," aniya. Ngumiti lang ako sa kaniya at sinakbit na ang hand bag ko, senior high school student na kami kaya isang notebook na lamang ang gamit for all subjects. "How about your parents?" tanong niya. Napatigil ako at napatingin sa mga mata niya. Why is he so curious as if he really cares for me? "I don't want to talk about it," simpleng sagot ko at binuksan ang pinto ng kotse sabay baba. Sumunod naman sa akin si Diether. Habang naglalakad kami sa hallway ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon mula sa bag at nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang subject email. "Huge Star Entertainment?" bulong ko. Sinilip naman ni Diether ang cellphone ko at siya ang nagbasa ng laman ng email. "You are chosen to be one of our host for the show Travel Badge. For further explanation, visit our entertainment company and sign a contract. Best regards, Filomena, CEO of Huge Star Entertainment." Nagkatitigan kami ni Diether. Hindi ko napigilan ang saya na nararamdaman ko at nayakap ko siya sabay talon. Ganoon rin ang ginawa niya. Nang mapagtanto kong magkalapit ang mukha namin ay agad akong umatras at napalunok sa sarili kong laway. Napansin ko ang pagtitinginan ng mga tao sa amin at ang iba ay kumukuha ng litrato namin. "I am so proud of you!" sigaw ni Diether at muli ay niyakap na naman ako ng mahigpit. "Hindi ba half day lang ang klase dahil friday?" tanong ko. "I... Actually don't know, I am a transferee, babe," aniya sabay kamot sa batok. Napatakip ako sa bibig ko. Bakit ngayon ko lang na-realize iyon? "Sorry, nakalimutan ko," sabi ko at ngumiti. "I'll drive you there later, if gusto mo. I don't have any plans." "Yes, Babe. Thank you!" Bigla namang lumapad ang ngiti niya na abot langit. Kitang-kita ang mapuputi niyang mga ngipin. "You're calling me babe too," pilyo niyang sabi. "Kinilig ka naman." Tinaasan ko siya ng kilay. Inakbayan niya ako at nagpatuloy kami sa paglalakad patungo sa aming classroom. "Yes, babe." Hinampas ko ang braso niya dahil masyado na siyang clingy. Hindi bale, I will make his heart broken. ********************** After lunch ay dumiretso muna kami sa bahay para magbihis. Hinatid niya ako sa amin para makapag-ayos ako tapos umuwi siya para magbihis rin saka niya ako sinundo ulit. Kailangan mahulog ng tuluyan ang loob niya sa akin para maisakatuparan ko na ang plano ko. "I will break their heart, like how they did to us, Mama," bulong ko habang nakatingin sa side table ko na may litrato namin ni Mama. Ang huli naming litrato noong grade 5 ako. We're about to head in my school for parents orientation, pero hindi siya natuloy dahil kailangan siya sa trabaho. I let her. Kahit kailan hindi ako nagtampo sa kaniya dahil lang wala siyang time sa akin dahil bumabawi siya tuwing gabi at sapat naman ang pag-aalaga sa akin ni Lola. Bigla kong narinig ang busina ng kotse ni Diether. "It's about time," bulong ko at saka kinuha ang lipstick ko mula sa bag. Naglagay ako ng lipstick, ito ang paborito kong brand ng lipstick dahil sa magandang kulay na bagay sa akin, pula. Hindi rin ito agad natatanggal, waterproof rin. Lumabas ako ng bahay nang may ngiti sa labi saka sumakay sa kotse ni Diether. "Let's go, my pretty girlfriend," aniya. *************** Pagdating sa Huge Entertainment ay nag-message sa akin ang personal assistant ko na si Chloe at nagtatanong kung kailangan ko ba siya. Napatingin ako kay Diether. Wala dapat sagabal sa plano ko. I replied to her. {It's fine, kaya ko na 'to mag-isa. I am with my boyfriend naman} "Who's that?" tanong ni Diether sa akin. "My personal assistant, Chloe." "Ah, iyong lagi mong kasama sa tapings?" tanong niya. "Yeah, how'd you know?" nakakunot noo kong tanong. "I stalked your social media." Mahina akong natawa. "Wow, NBI?" "Not really. Gusto ko lang makita ang kagandahan mo. To know you more, alam mo na, we're dating," aniya. "But, just date?" tanong ko. "What do you mean?" takang tanong niya. "Miss, Jemisha," bigla akong tinawag ng assistant ng CEO. Napatayo ako at gayon din si Diether. Binuksan ng assistant ang pinto. "This way po, Ma'am," aniya. Napatingin ako kay Diether. "I'll wait here. I'll just grab a coffee," aniya. "Sure, thanks." Pumasok na ako sa loob at naroon ang isa pang babae. Kapansin-pansin ang kulot niyang buhok na tila ba natural lang. Ang ganda niya. Bilugan ang mga mata niya at maputi. "Good afternoon," bati ko at naupo sa harapan niya. "It's nice to see you here, Miss Mallari. This is your partner in Traveling Badge, Miss Garcia," ani ng CEO. "Nice to meet you," bati ko at nilahad ang kamay ko. "Ikinagagalak kong makatrabaho ka. Ang galing mo sa show, nanalo kayo," aniya sa akin sabay tanggap sa kamay ko. "Maraming salamat!" "So, let's proceed in reading the contracts," ani CEO. Naglapag ang assistant ng mga papeles na naka-folder at nagbigay ng ballpen sa amin. ************* Nang matapos kaming pumirma ng kontrata ay nagulat ako nang makasalubong ko sa corridor si Yajh. Nakaramdam kaagad ako ng inis dahil anak siya ng isang demonyo. "Jem," tawag niya sa akin at akmang hahawakan ako pero umatras ako. Sinamaan ko siya ng tingin at nanatili akong tahimik. "I'm sorry for not texting you, nagkaroon lang ng problema--" "So what?" mataray kong sabi. "N-Nothing, I-I just thought of--" "Jemisha!" narinig ko ang boses ni Diether kaya sabay kami napalingon ni Yajh. "Diether," tawag ko. "You're now a host too," aniya at ngumiti. "Yeah, bro. She is." Hinawakan ni Diether ang braso ko at hinigit. Napagitnaan ako ngayon ng mga anak ng demonyo. Didn't know that I'd become one of them. "Let's go," sabi ko at naglakad na. Inabot sa akin ni Diether ang kape ko at naglakad na kami palabas. "How's the contract?" tanong niya. "Maayos ang patakaran. Mukha namang mabait ang kasama ko. May mga destinations pala kami na pupuntahan around Philippines lang naman, una raw sa Baguio," ani ko. "That's good. Maybe I can come with you," aniya. Mahina akong natawa. Ganiyan nga, be obsess with me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD