Prologue
Prologue
I walk towards the crowd. Wearing my red dress, and my red lipstick. I smiled as I heard the shutters from the camera. Some people are giving me boxes of gifts and flowers. My assistant got all of it for me.
"Thank you for that beautiful walk, Miss Jemisha Mallari."
Ngumiti ako sa host. I stared at him. He's living like nothing happened. Wow! I can't believe he's rejecting me.
"This way po," ani ng assistant kong si Chloe.
"Punyeta," bulong ko nang makapasok ako sa loob ng studio.
Agad na nawala ang ngiti sa labi ko. Mabilis kong hinablot ang bag mula sa assistant ko at hinanap ang cellphone ko.
"I f*cking knew it, siya ang host!" inis kong saad habang nangigigil sa pagpindot sa screen ng phone ko.
I opened my conversation with him. He's not answering any messages, even my calls. I am all ignored!
"Ma'am, papasok na 'yong ibang artista. Mamaya na kayo ma-stress," ani Chloe at kinuha ang phone ko.
"Whatever. F*ck him," bulong ko at naupo sa couch.
Binigyan ako ng salamin ni Chloe. Nakita ko ang manager ng entertainment na kinabibilangan ko. Kasunod niya ang ilang artista na kasama ko noong mga panahon na talent pa lang kami o extra sa mga pelikula o teleserye. We won a gameshow. We are now a millionaires.
"I am proud of my babies. Let's have a dinner party," ani ng Manager namin.
"We can't do this without you, Madam," ani ng pabibo na si Crizet.
Napairap ako sa kaniya. Inayos ko ang make-up ko sa hawak kong salamin na maliit tapos may ilaw sa paligid.
"At the age of eighteen, all of you are now millionaires!" aniya.
Pumalakpak ang pabibong si Crizet sabay yakap kay Manager. Pinatay ko ang ilaw sa salamin at binalik sa bag. Kinuha ko ang box ng kakabili ko lang na necklace. Lumapit ako sa kanila. Hindi ako papayag na siya lang ang pupwedeng maging bida rito.
"I would like to give you a gift. I am very happy to be in your team, Madam. Here," sabi ko sabay beso sa kaniya.
Nilagay ko sa kamay niya ang box ng mamahaling necklace.
"Ow, Jem, you don't have to!" nakangiting ani Madam.
"This is a gift of appreciation. I really appreciate the things you've done for me," sabi ko.
Binuksan niya ang box at napatakip siya ng bibig. Ang ilang artista ay lumapit saka sinilip ang binigay ko kay Madam.
"Wow! Ang ganda!" ani ng painosente pero pokpok na si Grenda.
"This is the new design of--I can't believe I am seeing this in person, and holding it!" ani Madam.
I gave them a sweet smile and look at Crizet. Masama ang tingin niya sa akin habang nakabusangot ang mukha. Sinasabi ko na nga ba, noon pa lang may iba na akong pakiramdam sa babaeng 'to. Now, she's showing her true self. She is insecure, attention seeker and she thinks she's the best among us.
"Thank you so much, Jem!" masiglang sambit ni Madam at niyakap ako.
*********
Habang nasa party kami ay napatingin ako sa paligid. Pinapanood ko sila na manigarilyo at uminom. Yes, I do smoke but I prefer using vape. Minsan lang rin ako uminom ng alak at ayoko malasing. Noong huli akong nalasing ay may hindi magandang nangyare.
"Bakit ayaw mo sumali sa laro ng shot glass?" tanong ni Grenda at lumapit sa akin.
Nakaupo lang ako sa sulok habang ang mga kasama kong artista ay nagliliwaliw sa front bar at stage.
"Ang saya kaya do'n," dagdag niya pa at kinuha ang wine na nasa table ko.
Ngumiti ako sa kaniya para makuha ang atensyon niya.
"I prefer drinking alone."
Napatigil siya at binaba ang bote ng wine saka ngumiti ng tipid. Umalis siya sa harapan ko. Napairap ako. Pagod na akong makipagplastikan sa kanilang lahat.
Kung hindi dahil sa iniingatan kong image. Hindi ako magiging ganito. I am doing this for my mother. She's my inspiration, my role model.
She died when I was seven years old. I actually don't know how she died. My grand mother never told me. I don't know why. Hindi ko maintindihan ang nangyayare noon dahil bata pa ako pero kapag tinatanong ko si Lola, she keep quiet. Siguro dahil nasasaktan pa rin siya sa pagkawala ng nag-iisa niyang anak.
Here I am. Nag-iisa ring anak ni Mom. I don't know who is my father. Hindi kilala ni Lola, dahil hindi rin sinabi ni Mommy sa kaniya.
Biglang nag-vibrate ang cellphone ko kaya mabilis ko itong kinuha mula sa bag at nagbabaka-sakali na baka iyon ang tarantadong nag-host kanina, si Jaren.
"F*ck that guy," bulong ko.
Napakunot ang noo ko nang makitang pangalan ng nurse ni Lola ang tumatawag. Agad ko iyong sinagot.
"Ma'am, kailangan niyo na pong umuwi!"
Hindi klaro ang sinabi nito dahil sa ingay sa bar. Kinuha ko ang bag ko at naglakad palabas.
"Hold on!" sigaw ko.
Pagdating ko sa labas ng bar ay nagtungo ako sa tabi ng van namin.
"What happened?" tanong ko.
"Ang lola niyo po, bumaba ang oxygen niya, nilagyan ko na ng oxygen but this time bumababa ang heartbeat niya. Kailangan na siyang dalhin sa hospital for, tumawag na ako ng ambulance!"
Nanghina ako sa narinig ko. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ramdam ko ang malakas na kalabog ng puso ko. Tumakbo ako sa kalsada at humarang ng taxi.
Mabilis akong sumakay roon at nagpahatid sa bahay namin. Simple lamang ang tinitirhan namin ni Lola. Hindi matatawag na mansion dahil sapat lamang para sa aming dalawa.
"LOLA!" sigaw ko pagpasok ko sa bahay namin.
Tumutulo ang malagkit kong pawis kasabay ng luha ko. Nakita ko ang personal nurse ni Lola na inaasikaso ang mga medical appliances na nakakabit kay Lola. May sakit sa puso si Lola and also Diabetes. Sobra ang hirap na dinadanas niya but she's fighting.
"A-Apo..." bulong ni Lola nang makita niya ako.
"L-Lola, anong nararamdaman niyo? Darating ang ambulansya--"
"Mag-aral ka, magtapos ka ng pag-aaral. Tuparin mo ang pangarap ng anak ko, maging sikat na artista ka. Piliin mo ang magpapasaya sa puso mo," nanghihina niyang sabi at hinawakan ang pisngi ko.
"L-Lola, huwag mo 'kong iiwan, hindi ko kaya kapag wala ka," lumuluha kong sambit.
Ngumiti siya.
"Ang napakaganda kong apo..."
Bigla naming narinig ang ambulance. Tumakbo ang nurse palabas. Narinig ko ang maraming yapak ng paa sa labas ng silid na kinaroroonan namin ni Lola.
"DITO! BILISAN NIYO!"
Naramdaman ko ang pagbitaw ni Lola sa pisngi ko. Kasabay noon ang pagtunog ng heartbeat monitor ni Lola.
Gumuho ang mundo ko nang makita ang linyang guhit. Napuno ng luha ang mga mata ko dahilan para lumabo ang paningin ko. Gusto kong isipin na nananaginip lang ako.
Dumating ang Doctor at kinuha ang defibrillator. Hinawakan ako ng nurse at pinaatras. Napahawak ako sa bibig ko. Nangingig ang mga kamay ko. Pinapanood ko sila na i-revive si Lola.
"Time of death... 8:46 PM."
Napasigaw ako nang sabihin iyon ng Doctor. Napaluhod ako at walang nagawa kundi ang humagulgol. Pilit akong pinapakalma ng nurse.
"L-Lola..."
"Miss Jem. May iniwan sa inyo ang lola niyo bago kayo makarating dito. May hinabilin siya sa akin."
"A-Ano?"
"Buksan niyo raw ang damitan ng Lola niyo at saka buksan ang kulay brown na kahon. May gamit raw doon na kailangan niyong makita."
Napakunot ang noo ko. Hindi sinabi ni lola sa akin ng direkta. Hindi niya kahit kailan nabanggit ang tungkol doon.
*********
Dinala si Lola sa Morge. Habang ako ay tuliro pa rin. Nag-aayos ako ng gamit ni Lola sa kwarto at naisipan kong buksan ang sinasabi niya. Nagtungo ako sa closet at binuksan ito. Wala akong nakitang kahon.
"Kahon? Saan kaya 'yon," bulong ko.
Kinapa ko ang mga damit ni Lola. Ilang minuto akong naghanap hanggang sa makita ko ang brown na kahon sa dulo ng mga damit. Hindi ito sobrang laki. Inalog ko ito at mayroong laman.
Nang buksan ko ito ay tumambad sa akin ang photo album. Nakakita rin ako ng isang lumang CD.
"Mga alaala ni Lola," naluluha kong bulong.
Nagtungo ako sa sala namin at binuksan ang DVD. Binuklat ko ang photo album at nakita ko ang litrato ni Lola at Mama. Nakita ko rin ang litrato nang kasal ni Lola at Lolo, sobrang sweet naman nila.
Nilagay ko na ang CD nang bumukas ang TV. Ilang minuto itong nag-loading. Lumuluha ako habang naghihintay. Siguro ay memories rin ito.
Sa dulo ng photo album ay mayroong mga papel na nakatupi kinuha ko iyon. Napakunot ang noo ko nang makita ang papeles tungkol sa korte, legal copy ito. Halata na naluma na.
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang mag-play ang CD. Narinig ko ang boses ni Mama. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang video sa TV.
It was my Mom, shouting for help while being raped by three people.
********************