Chapter 2
Jemisha's P. O. V.
Pagdating namin sa chapel ay hindi ko akalain ang sobrang daming tao. Madaming lamesa at upuan, halos lahat sila ay mayroong pagkain sa mesa. Ni-hindi ko man lang alam kung ano na ang ginawa nila. Kumilos sila nang hindi ako nasabihan? Ako ang nakasama ni Lola at ako ang nag-aalaga sa kaniya.
Nakita ko ang anak ng kapatid ni Lola. Nasa edad trenta anyos na ito at may anak rin na kasing edad ko. May hawak siyang panyo habang pakunwaring umiiyak.
Mga plastik!
"Anong ginawa niyo?" tanong ko at tumayo.
"Ano pa ba sa tingin mo? Inayos namin ang burol ni Tita," aniya.
Mahina akong natawa at pumamewang. Nilibot ko ang paningin ko sa kabaong na puno ng bulaklak.
"Grabe, nagdesisyon na naman kayo? Pati ba naman sa burol ni Lola--"
Napatigil ako sa pagsasalita nang may isang matanda ang lumapit sa kaniya at nagulat ako nang mag-abot ito ng libo-libong pera.
"Maraming salamat, salamat, salamat," mahinahong sabi ni Tita.
Niyukom ko ang kamao ko. Mukha talaga silang pera! Paniguradong sa kanila ang punta ng perang abuloy.
"Ano ba, Diana!" inis kong sambit.
Wala akong pakialam kung pagtitinginan ako ng mga tao rito. Hindi ako papayag na makakahawak sila ng pera na para kay Lola. Tandang-tanda ko pa kung paano nila kami kinutya noon. Bata lang ako noon at tuwing pupunta sila sa bahay ay kinukulong ako ni Mama sa kwarto ko pero tumakas ako at narinig ang mga pinag-usapan nila.
Nanghihingi sila lagi ng pera kay Mama dahil model si Mama at kumikita ng pera. Pero noong hindi nila binigyan ay kinutya nila si Mama, ginamit nila ako, sinabing malandi si Mama at nagpabuntis kung kanino. Matapos sila tulungan ni Mama at Lola noon.
"Ganiyan ka ba pinalaki ni Tita Lourdes? Ng Mama mong pokpok--"
Hindi ko napigilan ang sarili ko. Sinampal ko siya. Narinig ko ang bulungan ng mga tao.
"JEMISHA! HUWAG KA MAG-ESKANDALO RITO SA BUROL NI LOURDES!" boses iyon nang matanda.
Nang lingunin ko siya ay nakita ko ang kapatid ni Lola. Walang ginawa si Lola sa kanila kundi kabutihan.
"Umalis na kayo," madiin kong sabi.
"Kadugo rin namin si Tita Lourdes at may karapatan kami rito!" ani Tita Diana.
"Wala akong pakealam. Huwag niyo hintayin na sabihin ko sa lahat ng tao rito ang ginawa niyo sa Lola ko!"
Natahimik sila. Inagaw ko sa kamay ni Tita Diana ang libong pera. Bigla namang may isang lalake ang dumating. Nakasuot ito ng pormal na damit.
"Magandang araw, ako ang abogado na nakausap noon ni Mrs. Lourdes Mallari."
Napatingin kami sa kaniya. Bigla siyang naglabas ng mga papeles. Napakunot ang noo ko.
"Sinabi rito na lahat ng naiwang pag-aari ng yumao ay--"
Bigla akong siniko ni Tita Diana. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Mapupunta sa kaniyang apo na si Jemisha Mallari."
"Walang hiyang matanda 'to!" rinig kong bulong ni Tita Diana.
Napatingin ako sa kanila. Nagbulungan sila ng kaniyang ina.
"Kinausap ko na si Lourdes bago siya mamatay. Sinabi kong ibigay sa anak mo ang lupa!" ani ng kapatid ni Lola.
"Sa tingin niyo naman ay mauuto niyo si Lola?" natatawa kong sabi.
"Bwisit!" ani Tita Diana.
Sa sobrang galit nila ay nag-walk out ang mga ito. Nang mawala na sila sa paningin ko ay nakipag-kamay ako sa lawyer na kaharap ko. Sinabi niyang nakalipat na sa pangalan ko lahat ng pag-aari ni Lola. Ang titulo ng bahay at ang kaniyang bank account.
Muli ay napa-isip ako. Ang bank account na iyon, hindi kaya pera ng mga nang-rape kay Mama ang laman noon?
Biglang lumapit sa akin si Soheila. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at saka hinimas-himas ito.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya.
Tumango ako at pilit na ngumiti.
"Pasensya ka na, hindi kita masasamahan dito buong gabi. Mapapagalitan ako nila Mom and Dad, they want me to study lalo na ngayon medyo bumababa ang rank ko dahil sa pabibo kong kaklase," aniya.
"Okay lang, naiintindihan ko. Gagawa ako ng letter, baka pwede pakibigay sa school. Hindi ako makakapasok, hanggang libing ni Lola," sabi ko.
Magkaiba kami ng strand ni Soheila. ABM siya at HUMSS ako, gusto ko rin sana maging news reporter pero ngayon nabigyan ako ng pagkakataong maging artista. Mukhang hindi ko na matutupad ang pangarap kong maging reporter, pero mag-aaral pa rin ako dahil ito ang gusto ni Lola.
***********
"PATAYIN MO SILA!"
Halos mapatalon ako nang magising akong muli sa bangungot. Napanaginipan ko na naman ang nangyare kay Mama, muli ay hindi ko napigilan ang sarili ko na patayin ang tatlong lalake na pumatay kay Mama.
Napatingin ako sa paligid. Ako na lang pala mag-isa rito sa Chapel. Tanging ingay ng bentilador ang maririnig. Napapunas ako sa pawis kong tumutulo mula sa aking sentido. Nakaramdam ako ng kilabot, tumayo ang mga balahibo ko at agad akong napatayo sa takot.
"L-Lola?" bulong ko.
Napailing naman ako. Ano ba itong naiisip ko?
"Tulungan niyo po ako, natatakot ako sa napapanaginipan ko," bulong ko.
Lumapit ako sa kabaong ni Lola. Muli akong napaluha habang nakatitig sa malamig niyang katawan. Masakit isipin na hindi ko man lang nahingi ang pananaw niya patungkol sa nangyare kay Mama. Labis ko pa ring iniisip kung paano niya nagawang makipag-areglo gamit ang pera.
Bumalik ako sa kinauupuan ko at nilabas ang cellphone ko. Muli akong naghanap ng impormasyon sa mga nakapatay kay Mama. Kailangan kong bigyan ng hustisya si Mama.
Iyon siguro ang ibig sabihin ng panaginip ko. Paghihiganti.
"Josedillo Gomez?" bulong ko nang mabasa ang pangalan.
Naghanap ako ng luma niyang litrato. Artista pa rin ito hanggang ngayon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kaniyang mukha noong kabataan niya.
"Isa ka pala sa pumatay kay Mama," bulong ko at hindi napigilan ang lumuha.
Nakita ko ang mga ngiti nito habang binibigyan ng parangal bilang isang magaling na artista. Wala akong nagawa kundi umiyak sa sobrang galit. Hindi nila deserve 'to. Kung hindi dahil sa kanila, baka isa na ring successful na modelo at artista si Mama.
Napatingin ako sa kisame. Binulsa ko ang cellphone ko at napabuntong hininga, pilit kong kinakalma ang sarili ko.
Tumayo ako para magtimpla ng kape. Lumabas ako ng chapel para magpahangin. Sa pag-inom ko ng kape ay nabitawan ko ito nang may sumigaw sa aking tenga.
"PATAYIN MO SILA!"
"AARRGGH!" sigaw ko at tinakpan ang dalawa kong tenga.
Naririnig ko ang sigaw ni Mama. Sigaw ng pagdurusa niya bago siya tuluyang mamatay.
"MAMA!" sigaw ko.
Biglang nawala ang boses nito. Napaupo ako sa sahig sa sobrang takot. Rinig ko ang malakas na t***k ng puso ko.
"Mama..."
********************