CHAPTER THREE

1955 Words
"Umiinom ka ba?" tanong niya sa akin. Tumango ako. "Kung minsan, I drink moderately. Kapag lang may occasions o kapag gumigimik with friends," sagot ko at iginaya niya ako sa isang table kung nasaan ang mga kaibigan niya. I greet them at naupo na. Sa akin siya tumabi at panaka-nakang kinakausap ang mga ibang bisitang kinakausap siya pero mas tuon ang atensyon niya sa akin. "It's not good for a woman like you to get drunk, hinahayaan ka lang ni Elvin?" saad niya na may tanong at pinaningkitan ako. Pagak akong natawa. Magkapatid nga sila, pareho nilang ayaw sa babaeng umiinom. Madalas ngang kontra iyon si Elvin sa mga gimik ko. "Ayaw man niya wala siyang magagawa, hindi ko naman boyfriend ang kapatid mo para pagbawalan niya akong gawin ang mga gusto ko," prangka kong sagot kahit mayroong mga nakakarinig. "Magkaibigan lang ba talaga kayo ng kapatid ko? But I saw you two, the way he touched you and how he holds your," puno ng kuryosidad niya pang tanong at inaalam niya talaga ang ugnayan ko kay Elvin. Sa akin naman parang normal na lang din iyon walang malisya para sa akin ang bawat paghawak ni Elvin o kahit yakapin niya man ako, hawakan ang baywang ko ang kamay ko, wala lang iyon sa akin pero siyempre limitado lang ang pwede niyang mahawakan. "Ganoon lang kami ni Elvin, wala nang bago roon. We have been friends since elementary, highschool, and college magpasahanggang ngayon. Normal na lang iyon," paglilinaw kong magkaibigan lang talaga kami. Tumango-tango siya. "Kaya naman pala, marami na kayong pinagsamahan kaya naman ang lapit-lapit niyo sa isa't isa." Tumango rin ako. "Ganoon na nga." "But I have a question." "What is it?" I allowed him to ask anything. "I know my brother very well kahit na ang tagal kong nawala rito, alam ko kapag gusto niya ang isang babae o hindi. I can see how he adores you. Did he tried to court you? Ni minsan ba sinubunan ka niyang ligawan?" Natigilan naman ako sa tanong niya. Anong sasabihin ko, oo? Sasabihin ko bang bukas ang kapatid niya sa nararamdaman nito para sa akin? I don't know why our conversation is turning into a serious topic about his brother's feelings. Hindi lang ako sigurado sa dahilan kung bakit pa niya iyon inaalam. Ngayon ko lang din napagtanto na kami na lang pala dalawa ang naiwan dito sa lamesa, ang kaninang mga kasama namin dito ngayon ay mga naliligo na sa pool ang iba ay mga nakainom na. I took a deep breath. Bakit nu'ng siya ang nagtanong ang hirap sagutin sasabihin ko lang namang oo? May be because... I like him? Iyon nga siguro ang dahilan kaya ngayon pa lang inuusig na ako ng konsensya para sa aking matalik na kaibigang hanggang ngayon umaasa pa. "Sa katunayan niyan Rocco, your brother wants more than friends pero ako ang may ayaw dahil kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kapatid mo," tapat kong sagot. "I understand." He smiled. "Mahirap nga naman talaga pilitin ang sarili kung wala ka naman talagang nararamdaman para doon sa tao. Feelings cannot be forced." "Tama ka, pero bakit mo ba naitanong kung talaga nga bang magkaibigan lang kami ng kapatid mo?" I'm expecting an answer na sasakto sa iniisip ko. Iniisip ko kung... kagaya ko ay intesado rin kaya siya sa akin? Ewan ko pero nagaasam ako na sana tama ako ng iniisip na kaya niya lang inaalam dahil... interesado rin siya sa akin. Naging delusional at assumera ako sa isang iglap lang. Pa-simple ko na lang na natampal ang noo ko dahil sa nakakahiya kong iniisip. Malaya siyang sumandal sa sandalan ng silya at tumanaw sa hindi kalayuan. "Minsan lang ako tamaan at magkainteres sa isang babae kaya inalam ko na muna kung may sabit ba. Baka mamaya niyan kayo pala ng kapatid ko tapos popormahan kita, malaking gulo iyon." Natigilan ako sa narinig at wala sa loob ko napatitig sa kanya kasabay ng pag-awang ng aking bibig. Did I hear him right? He likes me too? "Wait, are you saying... you like... me?" I asked him in shocked while pointing myself. Ewan ko ba dami naman na ng umamin sa akin ngayon lang ako nabigla ng ganito. Iyung nabiglang... gustong-gusto? Natawa siya. "Bakit parang gulat ka?" Napakurap-kurap ako at hindi agad nakasagot, hindi ko alam ang isasagot. "Sa ganda mong iyan sinong hindi magkakagusto?" may himig ng pambobola niyang sinabi at pinakatitigan niya ako. "Una pa lang, unang kita ko pa lang sa iyo kanina I was stunned by your beauty. You are indeed beautiful kaya hindi ko masisisi kapatid ko kung bakit kaya niya gustong-gusto." Sa kauna-unahang pagkakataon ngayon lang ako nakaramdaman ng panginginit ng magkabilang pisngi. Parang lahat ng dugo ko umakyat sa mukha ko. "Sobra ka na sa pambobola," tanging iyon na lang ang nasabi ko at umiwas ako ng tingin nang makaramdaman ako ng paka-ilang. "Hindi ako nambobola, ako kasi iyung tipo ng lalaking bukas sa nararamdaman at iniisip ko kaya kung anong lumalabas sa bibig ko iyon ay pawang katotohanan lang," nakangiti niya pang hirit. He looks really playful. Ewan ko kung dapat ba akong maniwala gayong iba ang sinasabi niya sa ipinapakita ng ekspresyon ng mukha niya. Muka siyang maloko pero mahirap namang manghusga agad. "Alam mo bagay sa iyo ang pangalan mo, Rocco, Rocco loko," saad ko na ikinatawa niya. "Very rhyming, huh? Ikaw ba? Anong buo mong pangalan?" tanong niya at mukang naaaliw ko siya. "Remy Maya, Remy Maya Castro," sagot ko. "What a beautiful name for a beautiful lady," muli niya pang pambobola sa akin nang may mag-serve sa amin ng hard liquor. Dadampot na sana ako ng isang pandak na baso para mag-salin din ng akin nang bigla niyang hawakan ang kamay ko dahilan ng pagka-ground ko. Parang may dumaloy na electricity nang mag-dikit ang aming mga palad. "No, h'wag ka nang uminom. I don't like seeing girls drinking alcohol in front of me," may bahid istrikto sa tono ng boses niya at agad na inilayo sa akin ang alak at siya lang ang uminom. Natigilan naman ako at napatitig na lang sa kanya. Sa totoo lang ayaw na ayaw ko iyung dinidiktahan ako pero nang siya na parang ayos na ayos lang. Pinagmamasdan ko na lamang siya ng nanumbalik ang ngiti sa kanyang mukha. Kaninang-kanina pa ang ngiti niyang ito na nakakapanlambot ng mga tuhod idagdag pa ang mga mata niyang sa tuwing titigan ko'y nangungusap, ang ganda ng mga mata niya, may pagka-berdeng halong grey. His eyes are very foreign, ngayon ko lang napagtanto nang matitigan ko siya nang husto nang ganito kalapit. Maganda rin naman ang nga mata ni Elvin ngunit hindi sila magkapareho kulay. Iisa lang ba talaga ang pinanggalingan nila? Nakakapang-duda tuloy, pero magka-mukha naman sila at tanging sa mga mata lang sila nagkaiba. Baka namana nila sa kung sino man miyembro pa ng kanilang pamilya. "Your eyes are beautiful," wala sa loob kong nasabi habang titig na titig ako sa mga mata niya. Nakakahalinang tingnan, nakaka-engganyong pagmasdan. His eyes are mesmerizing and his overall features are very captivating. Talaga naman hindi ka magsasawang pagmasdan. Mas lumawak ang pagkakangiti niya. "Bolera ka rin ah?" he said in a tease at nagtitigan na lang kaming dalawa. Tipong may eye to eye contest? Siya ngiting-ngiti lang samantalang ako ay seryosong nakatitig at namamangha sa kabuang mukha niya. Hindi ko na alintana kung mahalata man niyang gusto ko siya at basta ang mahalaga ay napagmamasdan ko siya ng ganito kalapit. Para bang kahit na saglit na oras pa lang kami nagkakausap ang gaan na ng loob namin sa isa't isa, o baka ako lang? Napukaw lang kami nang marinig namin ang alinsunod na malalakas na pagtikhim ni Elvin kaya panabay kaming napalingon sa direksyon nito. "Mukang nagkakamabutihan na kayo," patuyang sinabi nito at nagpamulsa sa harapan namin habang ang isang lamay may hawak ng isang botek alak. Really, Elvin? Isang bote ng matapang alak nilalalaklak? Ang sarap kutusan ng isang 'to. Malamig ang tinging iginawad niya sa akin bago niya balingan ang Kuya niya. "Kunin ko na siya, magpapahinga na iyan." Bigla niya hinawakan ang pulsuhan ko at marahas akong hinila patayo. Nagulat ako sa ginawa niya at napansin kong nakainom na pala ito kaya inis kong binawi ang kamay ko. Bakas din naman sa mukha ni Rocco na hindi niya nagustuhan ang ginawang paghila sa akin ni Elvin kaya agad siyang tumayo. "Easy, Elvin. You don't to pull her like that," sita niya sa kapatid pero hindi siya nito pinansin. Bumaling sa akin si Elvin. "Halika na at magpahinga ka na roon sa kwartong ipinahanda ko sa iyo, tama na ang pakikpag-landian sa celebrant." Napaawang naman ang bibig ko sa mga pinagsasabi nitong si Elvin na kung sabihan at utusan ako akala niya pagmamay-ari niya ako na kailangan ko siyang sundin. Sira ulong ito ah? Porke't nakainom ganito niya na ako kakausapin at itrato? "Elvin, you're drunk!" I slightly pushed him nang sinubukan niya naman hawakan ang braso ko. Siya ang nagpumilit sa akin na dumalo sa party na ito tapos ganito ang iaasta niya sa harapan ng ko at ng Kuya niya? He's insane. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. I know he's jelous but he doesn't have the right to dictate me or to order me around na akala mo naman may relasyon kaming dalawa. "Kanina pa ako nakatanaw sa inyong dalawa, sayang-saya kayo kung mag-usap, nakakainggit. Kahit na kailan, ni isang beses hindi ko pa naranasan matitigan ng ganoon," saad ng lasing nang si Elvin at ako ang kanyang pinatutungkulan. Mariin na lang akong napapikit at nahilot ang aking sintido. Hinarap ko si Rocco para magpaalam na dahil baka kung ano pang masabi nitong si Elvin, nakakahiya lang. Bukas kami magtutuos ng lalaking itong palibhasa may tama ng alak kaya malakas ang loob sabihin ang kung ano na lang gustong sabihin. "Rocco, pasok na ako. Ako nang bahala dito sa kapatid mong—" "Bakit pa kasi kita pinadalo rito, mukang masusulot ka pa," Suminok siya. "Ng Kuya ko sa akin samantalang ako ang nauna, noon pa ako na nauna." Muli siyang suminok sa kalasingan. "Elvin halika na nga!" Inis ko na siyang hinila pero hindi siya nagpatangay sa akin. "Ano? Tara na sa loob, hindi ba't gusto mo na 'ko magpahinga? Halika na!" Binawi niya ang braso niya mula sa pagkakahawak ko. "Ikaw." Dinuro-duro niya ako. "Best friend mo 'ko kaya kilala-kilala kita, alam ko ang bawat kahulugan ng mga tingin o titig mo sa kausap mo..." Pasuray-suray na siya. "May gusto ka sa Kuya ko at mga kagaya niya ang tipo m—" Maagap kong tinakpan ang bibig niya at pinanlakihan siya ng mata. "Titigil ka ba o itutuklak kita sa pool nang mahulasan ka?" pananakot ko sa kanya pero tinawanan lang ako ng loko at inalis niya ang kamay ko mula sa bibig niya. Ipinapahiya niya na ako! "Tingin mo pa lang Remy, alam na alam ko na iyan, kasi ako kailan man hindi mo ako tiningnan kagaya ng kung paano mong tingnan ang Kuya ko sa kauna-unahang beses," pambubuko niya pa sa akin buhat ng kanyang langong boses. Nabahala at nataranta naman akong binalingan si Rocco na imbis na magalit sa kapatid dahil kung anu-ano na ang sinasabi nito tanging pagkaaliw lang ang mababasa sa kanyang mukha na tila gustong-gusto pa niya ang mga naririnig mula sa bibig ng lasing. "May kasabihan nga na hindi raw marunong magsinungaling ang taong lasing," malaman na sinabi ni Rocco at ginawaran niya ako ng isang pilyong ngiti. Abot-abot naman ang hiyang nararamdaman ko sa mga oras na ito sa dami rin ng nakakarinig! Humanda talaga sa akin ang Elvin na ito bukas ipaglandakan ba naman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD