"Rocco, pasensya na sa mga nasabi niya, he's just drunk," hinging paunmanhin ko sa kanya nang maihiga niya na ang kapatid sa kama nito.
Tulog na tulog si Elvin dahil sa labis na.kalasingan. Ang sarap nitong kutusan kahit tulog na tulog na at wala nang kamalayan sa paligid.
Umayos ng tayo si Rocco at nagpamulsang hinarap ako na may magaang ngiti sa mukha.
"You don't have to apologize, I know he's just jelous hindi siya sanay na may ibang nalapit sa iyo and for him it's just his normal reaction," batid niyang naiintindihan niya pero nakakahiya pa rin sa bahagi ko.
"Nakakahiya ang mga pinagsasabi niya masiyado talagang maisip ang mokong na iyan." Binalingan ko ng tingin ang natutulog nang si Elvin.
"Hindi siya maisip, he's possessive over you," pagtatama niya na ikinatigil ko. He's right. I know that.
Huminga ako ng malalim at bumuga ng hangin. "Hindi ko alam kung kailan niya ba matatanggap na 'di ko siya magugustuhan kagaya ng gusto niyang mangyari," saad ko at nanatiling na kay Elvin ang tingin.
"Madali lang mahalata kung gaano ka niya kagusto sa paraang kung paano ka niyang tingnan. Nagpapakaloko ang kapatid ko sa babaeng hindi naman siya gusto." He gave his brother a pity stare.
Nakonsensya naman ako sa mga sinabi niya. Alangan pilitin ko ang sarili kong gustuhin ko ang kapatid niya? Siya na ang may sabing, feelings cannot be forced.
Muli siyang bumaling sa akin nang hindi niya ako naringgan ng tugon sa sinabi niya. "Let's go down stairs, ikain na lang natin 'to," yakag niya sa akin na pinaunlakan ko.
Hinayaan na namin si Elvin na makapagpahinga na at lumabas na kami ng silid nito. Bumaba na kami at nag-tungo na sa kusina.
May iilan pang mga bisitang natira dito sa baba at sa labas ng garden, ang iba naman ay umuwi na at iba dito ay na rin nakitulog sa kanilang mga guest rooms.
"Hindi mo na na-entertain ang mga bisita mo kakakausap mo sa akin, buong oras ay tayo ang magkausap," pabiro kong sinabi nang kumuha siya ng makakain naming dalawa.
Ipinaghila niya ako ng silya at sabay kaming naupo nang magkatabi sa harap ng pahaba nilang lamesa.
"Nauna ko na silang i-entertain kaya ayos lang iyon at isa pa muka naman silang mga nag-enjoy sa pool party, masaya na ang mga iyan basta may alak," tugon niya sa sinabi ko.
"Do you have a girlfriend?" Ewan ko ba naman kung bakit iyon ang naitanong ko.
Natawa siya. "Wala, naghahanap pa," sagot niya at makahulugan niya akong tingnan. "Pero ngayon nahanap ko na."
"Nahanap mo na?" paguulit ko.
"I'm really picky when it comes to women, may hinahanap-hanap ako sa babae na sasakto sa gusto ko," tapat niyang sinabi nang hindi ako eksaktong sinasagot.
Mayroon pala iyang criteria, parang ako lang. Hindi kami nagkakalayo, pihikan din naman ako sa lalaki pero dahil din sa trabaho ko kaya wala akong oras makipagkilala.
Gusto to ko rin marinig sa kanya mismo na ako ang tinitukoy niyang nahanap na niya, ang babaeng natipuhan niyang sakto sa gusto niya.
Assumera na kung assumera pero hindi naman ata ako t*nga para hindi ko iyon maintindihan ang ibig niyang sabihing kung sinong tinutukoy niyang nahanap niya na.
Kababanggit niya lang sa akin kanina lang na interesado siya sa akin at gusto niya ako so I have the right to assume. Tinatanggap ko dahil gusto ko rin siya, hindi lang gusto kundi gustong-gusto.
"At ikaw iyon, you're exactly the woman I like but..." He groaned. "My brother loves you parang 'di ko ata kayang maatim na taluhin ang sarili kong kapatid." Laking dismaya ko sa sinabi niya.
"Pero wala kaming relasyon," gagap ko. "Wala kami ni Elvin, wala siya karapatang diktahan ako kung sinong gugustuhin ko o kanino ko gustong makipag-lapit," tapat kong sinabi dahilan para matigilan siya.
"Gusto rin kita," tapat kong pag-amin dahilan para ma-estatwa siya sa kinauupuan niya at hindi niya inaasahan aamin ako ngayon din mismo.
Pinatunayan ko lang din na tama ang paratang sa akin ni Elvin kanina na gusto ko ang kapatid niya. Oo talagang gusto ko at sino naman kasing 'di magkakagusto sa ganitong uri ng lalaki?
Minsan lang ako magkaganito, baka nga isang beses lang ito sa buhay kong mangyari at ako iyung tipo ng tao na diretso ako kung magsalita at hindi para magtago ng tunay kong nararamdaman.
Sinasabi ko kung anong gusto kong sabihin, hindi ako para magsinungaling para sa iba, hindi ko para lokohin ang sarili ko.
Hindi siya agad nakapagsalita, sigurado kung sa iba-ibang lakaki ito ay wala nang usap-usap birada na agad pero siya'y iba, idinadaan niya sa wasto.
Iniisip muna niya ang mararamdaman ng mga taong nakapaligid sa kanya pero wala naman talagang karapatan si Elvin pigilan kami, lalo na ako.
Ngunit hindi ko pa rin maiwasan siyempre isipin ang mararamdaman nito, he's stil my best friend and I don't want him to get hurt pero anong gagawin ko kung tinamaan ako sa kapatid niya? Anong gagawin ko kung si kupido na mismo pumana sa puso ko?
Nagkatitigan na lang kaming dalawa ni Rocco, kapwa parehong nangungusap ang aming mga mata nang marinig namin ang boses ni Tita Riva na papasok ng dinning habang kausap ang isang maid.
"Make sure everyone is comfortable in their guest rooms, maglinis kayo agad kapag wala nang mga bisi—" Natigilan siya nang makita niya kami ni Rocco. "Rocco, Remmy! You two are here!" Magiliw niya kaming binalingan.
Napatayo akong bigla. "Tita Riva."
Ewan ko kung bakit parang bigla akong nasilihan sa pang-upo ko at nakaramdaman ng pagkaaligaga.
Hindi ako makatingin sa ginang ng diretso dahil gustong-gusto niya ako para kay Elvin ngunit hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya na ang anak niyang panganay ang gusto ko.
Ramdam ko namang nakasunod lang ng tingin sa akin si Rocco habang ang kamay niya'y nasa baba niya at pinagmamasdan niya ang relasyon ng mukha ko matapos ko makita ang Mommy niyang naabutan kami rito at magkatabi pang kumakain.
"It looks like you are getting along with my eldest, hija. Naku, sigurado magiging close kayo nitong anak ko ngayon pa lang kita ko na!" tuwang sinabi ng ginang, ang hindi niya alam nakakamabutihan ko na ang anak niya higit sa iniisip niya.
Marahan niya akong hinawakan sa braso at iniharap niya ako kay Rocco na walang imik tanging ang kamay ay nasa baba lang at ang siko ay nakatuon sa lamesa habang hindi iniaalis ang tingin sa akin.
"Magiging malapit din kayong magkaibigan nitong si Remy na napaka-bait, alam mo ba, nak? Hindi na siya naiiba sa atin, anak nang turing namin sa kanya ng Daddy mo pero gustong-gusto ko talaga si Remy para sa kapatid mong si Elvin, I really want Remmy to be my daughter in law," lintanya ni Tita Riva dahilan para magbukas-sara ang bibig ko.
Bakas naman sa mukha ni Rocco na hindi niya nagustuhan ang sinabi ng kanyang Mommy at kung anong nais nito.
"But she doesn't like Elvin, kaibigan lang ang tingin ni Remy sa kanya. Kaya paano naman magiging daughter in law niyo si Remy?" he said with an awful question bakas na hindi talaga niya gusto ang ideyang iyon.
Magiging daughter in law lang ako ng Mommy at Daddy mo kapag ikaw na ang napangasawa ko, gusto ko sanang iyong isagot kaso hindi naman ako sira para isa-tinig ko iyon.
"Ah! Basta! I like Remy for your younger brother, period. Ang tagal na kaya nilang magkaibigan, right Remy?" Nakangiti si Tita Riva na binalingan ako.
Hilaw akong ngumiti at kiming pagak na tumawa para lang sakyan ang sinabi nito na para sa amin ni Rocco ay napaka-awkward talagang pakinggan na kahit si Tita Riva ipinagpipilitan sa akin si Elvin.
"Iyon na nga, matagal na silang magkaibigan pero bakit magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon?" patuya namang sinabi ni Rocco bakas sa tono ang pagkabanas sa ina dahilan para matigilan ang ginang.
Rocco has a point. Kung balak ko ngang higitan pa kami ni Elvin, sana noon ko pa ito ginawang kasintahan matapos na paulit-ulit na lang na pagtatapat nito sa akin.
"She will learn to love him," Tita Riva insisted at humigpit bigla ang hawak niya sa braso ko na ikinangiwi ko.
"You are not Remy, Mom. You're not in the position to say that," pambabara ni Rocco sa sariling ina. "At hindi dapat kayo nandidikta sa tao at h'wag niyo kunsintihin si Elvin sa kahibangan niya."
Bakit nga ba kami napunta sa ganitong usapan? Bakit ito ang pinaguusapan namin ngayon? Natigilan naman ako nang unti-unti rumehistro sa isip ko na narinig nga rin pala nila ni Tito Evan ang mga pinagsasabi ng lasing na si Elvin kanina.
Tita Riva really wants me for Elvin kaya marahil hindi niya nagustuhan ang narinig na mayroon namumuong pagtitinginan sa pagitan namin ng kauuwi lang nilang anak na si Rocco.
Masiyado akong nagpadala sa nararamdaman ko kanina at hindi ko napansin kahit ang sarili kong kilos kaya halatang-halata rin pala talaga ako.
Hindi ko rin naisip na posibileng maging malaking problema ito dahil masyadong mahal si Elvin ng kanyang Mommy at hindi makakapayag na masasaktan ang isa man sa mga anak niya lalo na ang paboritong bunso.
"Remy is your brother's happiness kaya walang masama sa intensyon ko," giit ni Tita Riva at sa pagkakataong ito naging seryoso na siyang bigla at naging tensyonado ang paligid.
Mapanantiyang nagkatinginan ang mag-ina at kitang-kita sa mukha ni Rocco ang labis na pagka-disgusto sa inaasta ng ina.
"You still treats him as a baby boy kaya hindi natututo-tutong tumanggap ng pagkabigo. Hindi maganda kung ipagpapatuloy niyo iyan, Mom. And you can't force or dictate someone masunod lang ang gusto niyo mangyari," matatas na pananalungat ni Rocco dito kaya mas lalo ko tuloy siyang hinangaan.
Huminga ng lalalim si Tita Riva at sa wakas ay binitawan niya na rin ang braso kong ang higpit ng pagkakahawak niya kanina na para bang batid niyang sangayunan ko lang ang sinasabi niya sa harapan ng anak niya.
May pinagmanahan nga talaga si Elvin.
She just walked out and didn't say anything after what Rocco said to her kaya muli na kaming naiwan ni Rocco.
"I'm sorry for my Mom's behavior, pagpasensyahan mo na ganiyan talaga kapag may favoritism," hinging paunmanhin niya na may halong biro sa huli at napa-iling na lang.
Tipid akong ngumiti. "Ayos lang, sanay na rin ako kay Tita Riva sa tagal ko na pumaparito sa inyo ganiyan talaga siya." Pagak na lang akong natawa.
"Pero ayos lang sa iyo na ipinipilit ka sa kapatid ko kahit ayaw mo?" mapanantiya niyang tanong at pinaningkitan ako.
"Kahit naman anong pilit nila walang makakapagdikta sa akin desisyon ko pa rin ang masusunod, sarili ko ang susundin ko 'di kabilang ang opinyon nila."
Naiintindihan kong gusto nila ako pero hindi porke't sinabi nila susundin ko na. I'm far from being a dog, matagal na akong tapos sa pagiging asong sunud-sunuran.