CHAPTER ONE
"Ano, pupunta ka ba mamaya Remy?" tanong sa akin ng best friend kong si Elvin na kapapasok lang sa condo ko.
Parang siya talaga ang may-ari ng tinitirhan ko nang dire-diretso na siyang nag-tungo sa kusina at sa fridge para naghalunglat ng makakain.
"Not sure, Elvs. Marami akong trabahong gagawin hindi ko alam kung may lakas at oras akong maki-party sa inyo mamaya," sagot ko.
Bagot akong humilig sa kitchen island habang pinapanuod ko lamang siyang kinukutingting ang laman ng fridge ko.
Humarap siya sa akin na may kagat-kagat nang donut at may hawak pang fresh milk. Kumuha siya ng isang platito at baso para paglagyan ng kinakain niya at inilapag niya muna sa ibabaw ng counter top at saka niya ako nilapitan.
"Rems naman, sige na kadarating lang ng kapatid ko galing ibang bansa ilan taon iyong hindi umuwi rito sa Pilipinas," pangungumbinsi niya sa akin.
Elvin invited me to his brother's birthday celebration kasabay na rin ng pa-welcome party dito at ayaw nitong pumayag na hindi ako pupunta.
"I'm not even related to your older brother kaya bakit ako a-attend ng birthday niya at pa-welcome party para sa kanya?" tanong ko at humalukipkip.
"Because I want you there, alam mo naman na sa lahat ng okasyon sa bahay gusto ko ay nandoon ka hindi ba?" Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko. "Part ka na ng family and surely Mom and Dad are expecting you to come."
Totoong tuwing may okasyon sa kanila parati nga naman akong imbitado, at walang palya ang pagdalo ko sa kanila kaya sigurado nga na hahanapin ako ng mga magulang niya kapag hindi ako nagpunta.
Ang kaso lang pagod ako, ilang araw na rin akong puyat dahil magkabilang articles and projects ang tinatrabaho ko. I'm a journalist working at media kaya naman marami ako ginagawa lalo na lately hindi na ako nawalan ng gagawin.
"I'll try to come, but I can't promise Elvin. You know my job has become hectic these past few days. Look at my eye bags." I showed him my undereye.
"Maganda ka pa rin kahit malaki na eye bags mo," saad niya at hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi sabay kurot. "Basta, I'm expecting you to come tonight. Wala kang ligtas."
I groaned. "Pahinga ko na ipa-party ko pa."
"Kahit sa bahay ka na magpahinga mamaya. Magpapa-ready ako ng room for you." Talaga naman hindi siya papayag na hindi ako pupunta.
"Fine, I'll go," ganap ko nang pagpayag na ikinaawalas ng mukha niya at ngumiti ng malawak.
Hindi rin naman niya ako tatantanan ng kakakulit at siguradong kakaunin niya ako rito sa bahay kaya ang ending nandoon din ako mamaya.
"Okay, h'wag ka nang magdala ng sasakyan ako na susundo sa iyo rito at ihahatid na lang kita rito sa condo mo bukas," tuwa niyang sinabi na ikinatango ko.
"Pasalamat ka hindi talaga kita matiis at matanggihan." Inirapan ko siya na pagak niyang ikinatawa at kinurot muli ang aking pisngi.
"Hindi ka p'wedeng hindi pupunta alam mo nang sanay na rin ang pamilya na naroon ka sa tuwing may gatherings at gusto ko rin ma-meet mo si Kuya, hindi mo pa siya nakikita hindi ba?"
Umiling ako. "Hindi pa."
"Great, you will meet him later." He smiled.
Sa totoo lang hindi ako interesado ma-meet ang Kuya niyang sinasabi pero dahil I have to come to that party na inihanda para dito ay wala na akong magagawa.
Para bang sa dami ng ginagawa ko sa buhay, at sa pagiging abala ko sa trabaho wala na akong oras para makipagkilala pa o kahit na makipagkaibigan.
Marami naman na akong mga kaibigan kaya 'di na rin ako interesadong makakilala pa ng mas marami. Sadyang makulit lang talaga itong best friend kong Elvin kung saan-saan niya ako gustong dinadala madalas para maki-mingle.
Nagiging interesado lang naman ako sa tao kapag may kainte-interes dito, iyung tipong unang kita mo pa lang ay ma-curious ka na kung anong meron sa kanya? Iyung ganoon tipo ang gusto kong kilalanin at lapitan para kaibiganin, lalong-lalo na kung may mapapala ako.
I'm working as a journalist kaya naman buhay na buhay ang kuryosidad ko sa mga interesanteng bagay o buhay ng ibang tao pero maliban na lang sa hindi naman makakapupukaw ng interes ko.
I don't give a damn sa mga bagay na wala namang kabuluhan, and you can call me a socialite but with purpose. I used to talk to random people especially the artists, star celebrities at kung kani-kanino pang mga kilalang personalidad para lamang kumalap ng mga impormasyon at koneksyon.
Mga taong p'wede naming mahalungkat ang personal nilang buhay dahil sa kanila kami kumikita at ito ang trabaho ng isang journalist under media, ang usisian ang buhay ng iba at gawan ng balita para ibahagi sa iba.
May kasabihan nga kami, more news, more articles, more money. Sino bang may ayaw sa pera hindi ba? Lahat gagawa ng paraan para lang magkaroon niyan.
Diskarte lang. Kapag hindi ka madiskarte wala kang pera. Kaya sa trabaho ko ring ito mas makapal ang mukha, mas malaki ang kita.
Biruin mong uusisain mo ang buhay ng ibang tao, and that's a reality kapag nasa media ka o higit na isang public figure, you have to accept that you are owned by the public because you choose to be open.
I don't know if everyone agrees with me pero iyon talaga ang katotohanan. Kapag pinasok mo ang pagiging isang public figure, artists, o kung anu-ano pang mga may kaugnayan sa pamblikong usapin the media has an access to you, and that's also the reality.
I have many reports na kailangan ko pang tapusin pero dahil dito kay Elvin ay kailangan ko tuloy ipagpabukas ang mga trabhaho ko, pero ayos na rin siguro ito matagal na rin akong hindi nakakapag-saya.
Well, sana lang talaga masaya ang magiging ganap doon mamaya at 'di ako ma-bo-bore. I hate wasting my time sa mga wala talagang kabuluhang bagay kaya sana naman hindi masayang ang oras ko mamaya.
"Gwapo ba iyang Kuya mo?" pilya kong tanong. I've never asked him about his brother ngayon lang.
Mayroon itong mga litrato sa bahay nila kasama si Elvin pero mga bata pa sila noon, may be around 6-7 years old? Too young. Walang adult picture ang Kuya niya sa bahay nila kaya wala akong ideya.
"Bakit mo tinatanong kung gwapo?" Nag-iba ang timpla ng boses niya at napatigil siya sa pagkain.
Ngumisi ako. "Wala naman, masama bang magtanong?" Pabiro ko siyang tinaasan ng kilay. "Selos ka?" pangaasar ko pa.
Alam ko na iyung mga ganitong tonohan niya kapag ganito nag-se-selos siya kahit magkaibigan lang naman kami. Kaya nga hindi rin ako makapag-boyfriend dahil sa kanya, hinaharang niya.
Elvin has feelings for me, hindi na iyon lingid sa kaalaman ko pero nilinaw ko na sa kanya na hanggang dito lang talaga kami but he still tries to win me.
Pasalamat talaga siya ay wala pa akong lalaking natitipuhan kundi ay baliwala ang pambabakod niya sa akin. Pinagbibigyan ko lang siya kahit sa katunayan niyan ako rin mismo ang ayaw pang pumasok sa isang relasyon dahil sa trabaho kong sobrang hectic.
Baka mag-break lang kami ng kung sinong magiging boyfriend ko kapag nagkataon dahil masiyado akong abalang tao, at walang panahon para sa lalaki.
Wala siyang imik na tumayo at sinundan ko lang siya nang mag-tungo siya sa sink at inilagay na ang pinagkainan niya roon.
"Galit ka?" Natawa ako. "Hindi ko pa na-mi-meet ang Kuya mo selos ka na? Tinanong ko lang naman kung pogi ah?" panunudyo ko pa. Ang sarap talaga nito asarin.
"Hindi ako galit," tugon niya pero iba ang sinasabi ng tono ng boses niya.
Nilapitan ko siya at sinilip ang mukha niyang seryosong hinuhugasan ang pinagkainan at hindi ko talaga maiwasan matuwa sa reaksyon ng mukha niya.
"You're mad," I said in a tease.
"Ganiyan ka naman, palagi mong ginagawang katuwaan ng nararamdaman ko para sa iyo," saad niya na ikinapalis ng ngiti ko.
Pinakatitigan ko siya at ngumiti muli para pagaanin ang loob niya sabay niyakap ko siya mula sa likuran niya dahilan para siya'y matigilan.
"Ito namang best friend ko, masiyadong madamdamin. Tinanong ko lang naman kung gwapo nagalit ka na agad, siyempre sigurado akong mas gwapo ka sa Kuya mo."
"Yeah, right. Best. Friend," he said sarcastically and he emphasized the word 'best friend.'
Natampal ko siya sa braso na ikinangiwi niya. "Masakit ah!" inda niya saka siya humarap sa akin.
"Ako Elvin tigil-tigilan mo riyan sa kaartehan mo ah? Nilalambing ka na nga pakipot ka pa! Tsinelasin kita riyan eh!"
"Tingnan mo 'to, mananakit pa!" He pouted.
"Arte mo kasi eh!" Muli ko siyang pinalo.
"Aw!" muli niyang inda at sinapo ang braso.
"Ano? Hindi na lang ako pupunta sa party mamaya ng Kuya mo?" pananakot kong tanong. "Kung ganiyan ka hindi na lang—"
"No, pupunta ka!" gagap niya sa akin.
"Oh, iyon naman pala. Alam mong mabilis akong kausap if you don't want me to meet your older brother then I wouldn't come to that party, easy as that."
He took a deep breath. "Fine, I'm sorry."
"Pupunta ka mamaya sa party hindi p'wede wala ka roon at hindi ako sanay na hindi ka pumupunta sa okasyon sa bahay."
"Ay sus! Palibhasa kasi wala kang pang-front woman gustong-gusto mong ibinibida ako sa mga kakilala mo at napagkakamalan nobya mo," saad ko sabay iling.
"Oo, hindi ko naman itinatanggi iyan lalo na't isang sikat na journalist ka tapos ubod pa ng ganda kahit palaging puyat," tapat niyang sinabi na may pambobola pa sa akin.
Natawa na lang ako. "Be thankful I'm really a good friend na palaging sakay diyan sa mga trip mo."
"I'm always thankful and greatful, Remy. Kung alam mo lang," he said at bakas ang sinseridad sa kanya and I can see how much he really adores me.
Hindi ko lang din maiwasan malungkot kung minsan, higit pa sa pagkakaibigan ang gusto niyang mangyari sa aming dalawa gayong nilinaw ko na hindi talaga kami talo.