"We're glad you came, hija! Ang akala namin hindi ka talaga pupunta magtatampo talaga kami sa iyo," bungad sa akin ni Tita Riva ang ina ni Elvin at humalik siya sa aking magkabilang pisngi.
"No, Tita Riva. Hindi ako makakatiis na hindi pupunta at siguradong kukulitin ako ni Elvin at hindi niya ako tatantanan," saad ko at pagak na tumawa.
They really treat me as a very important person here in their family. Parati akong mayroong lugar sa pamilya nila.
I'm their son's best friend since elementary pa lang kami ni Elvin, and let's say we're childhood friends that's why.
"Mabuti naman hija kahit na sobrang abala ka sa trabaho ay nakadalo ka pa rin," saad naman ni Tito Evan at ginawaran ako ng mainit na yakap.
"As always Tito Evan, gagawan at gagawan natin ng oras iyan," saad kong mayroong kabulaanan at wala naman sana talaga akong balak na magpunta.
Saan na ba si Elvin? Nilibot ko ng tingin ang paligid ng malawak na garden kung saan dito ginaganap ang party. Pagkarating namin dito sa bahay nila nawala ang mokong 'di na mahagilap.
"Baka gutom ka na? Gusto mo na bang kumain na?" si Tita Riva na hindi inaalis ang tingin sa akin. Kagaya ni Elvin she really adores me too.
Sa katunayan niyan, gusto niya ako para sa anak niya. Noon pa nila kami tinutukso na pumasok sa relasyon at lagpasan na ang pagkakaibigan.
Pero ayaw ko hindi gano'n ang tingin ko sa anak nila, hanggang kaibigan lang talaga kaya h'wag silang marunong pa sa akin.
"Mamaya na po, Tita. Hindi pa naman naguumpisa ang party saka busog pa naman ako." I gave them a light smile.
Nilibot ko ng tingin ang theme ng party, hindi naman formal party ito, it's a Hawaiian Pool Party.
Halos ang mga bisita ay magkakakilala na, may iba rin ako nakita na mga kakilala ko kaya sandali muna akong nagpaalam sa mag-asawa at nakipag-usap sa kanila at nakipag-kamustahan.
Mga kamag-anak, malalapit na kaibigan at mga kakilala ang mga imbitado na gusto rin i-welcome ang bagong dating na kapatid ni Elvin, mabuti nga't itinapat sa birthday nito ang araw din ng pag-uwi niya para isang ganapan na lang.
"Oh! Nandiyan na ang may birthday!" hiyaw ng isang lalaking isa sa mga bisitang na mukang kaibigan ng may celebrant kaya dumako ang atensyon ng lahat sa binatang papasok ng garden.
"The handsome celebrant is already here!" hiyawan naman ng mga kababaihan. "Welcome home, Rocco!"
Napuno ng malalakas na hiyawan habang ako ay napatitig na lang sa lalaking pumasok ng garden... masasabi kong kung gwapo na si Elvin ay mas gwapo ito. He's droolingly handsome...
Ngayon pa lang ay kinakain ko na ang sinabi kong hindi ako interesado makilala ang Kuya ni Elvin, at hindi ako nagsisising dumalo ako sa party na ito.
Kinuyog siya ng mga bisita para bigyan siya ng mainit na pagsalubong. Samu't sari mga pag-bati sa kanyang kaarawan. He happily approached them with a wide smile on his face and he laughed with them.
Muntik ko nang hindi mapansin si Elvin na katabi pala ang kanyang Kuya Rocco pareho nilang ini-entertain ang mga bisita.
They happily laugh at not seeing each other after years, mukang na-miss talaga siya ng mga kaibigan niya at mga kaanak nila. He looks very approachable and charming.
Ngayon ko lang napagtanto na ako lang pala ang hindi lumalapit sa magkapatid at lahat sila ay nakapalibot sa bagong dating na si Rocco.
Titig na titig ako sa binata nang biglang dumako ang tingin niya sa akin nang siguro ay mapansin niyang nag-iisa akong malayo sa kanila. Pakiramdam ko nagmukha 'kong loner dito.
Really, Remy? You're working in media kaya naman sanay na sanay ka sa mga circle at pagtitipon ng mga tao sa dami na ng event na napuntahan mo tapos ay sa kapatid lang ni Elvin hindi ka makalapit? I groaned at myself.
Paano ba naman akong makakalapit, nakaka-star struck siyang tingnan. Tunay na nakakabihag. nakakapukaw, nakakakuha ng interes... this man is really captivating and an eye catcher.
Marami na ako artistang nakita at nakilala, mga modelo at kung sinu-sino pang mga kilalang personalidad, ngunit iba ang datingan ng isang ito.
"Remy!" tawag sa akin ni Elvin dahilan para mapabalik ako sa ulirat. He walks towards me at hinawakan ang kamay ko. "Come, ipapakilala kita kay Kuya Rocco."
Dinala niya ako sa kinaroronan ng celebrant na 'di magkandamayaw sa dami ng kausap sa dami rin ng gusto makipag-kamustahan pero hindi nakaligtas sa akin ang nakaw niyang tingin.
I can see the curiosity in his eyes, ang mga mata niya'y nagtatanong kung sino ako at kung bakit nag-iisa at bukod tangi akong hindi siya nilalapitan.
Nakasunod siya ng tingin sa amin ni Elvin habang papalapit kami sa kinaroronan nila at mukang nahulaan niya na kung sino ako.
Siguradong nababanggit na ako sa kanya ng kapatid, dahil base sa ekspresyon ng mukha niya kahit hindi pa man ako nagpapakilala mukang alam niya na kung sino ako.
Kapwa pareho kaming nagkatitigan, pakiramdam na tipong siya at ako lang ang nandito wala ang mga taong ito. At ang mga mata niya'y likas na nangungusap na siyang nakatitig lamang sa akin.
His overall features are freaking captivating, nakakahalina siya kung tumingin. Kung alam ko lang na may ganito palang kapatid si Elvin noon ko pa sana ito kinilala.
Biglang bumangon ang interes sa aking makilala siya nang husto, buklatin ang lahat ng tungkol sa kanya. Minsan ko na rin nasabi na minsan lang ako magkaroon ng interes sa isang tao pagdating sa labas ng trabaho. Na kapag napukaw ang interes ko saka lamang ako nagiging interesado at ito ang ibig kong sabihin.
"Remy, this is Kuya Rocco the birthday celebrant, Kuya Rocco this is Remy my best friend," magiliw na pagpapakilala sa akin ni Elvin sa kanyang Kuya.
"Hi," panabay pa naming bati ni Rocco sa isa't isa kaya sandali pa kaming nagkatitigan at sabay pang natigilan, the awkward silence ay napalitan ng pagak naming pagtawa.
Same vibes, I guess?
"Hi, it's my pleasure to meet you Remy," he greeted me again with formality this time and he offered a hand shake na agad ko namang tinanggap.
"Hindi ko alam na iyung palaging bukang bibig sa akin ng kapatid ko eh ganito pala kaganda?" Nangislap ang mga mata niya nang hindi nawawalay ang kanyang tingin sa akin at ayaw na niya bitawan ang aking kamay.
"Should I take that as a compliment, Mr handsome?" I asked him playfully with a playful smile.
Natawa siya. "I think I also take that as a compliment, Ms beautiful." He winked at me.
Narinig naman namin bigla ang pagtikhim ni Elvin sa gilid ko at naramdaman ko ang braso at kamay niyang ipinaikot niya sa baywang ko.
Napabitaw na ako sa kamay ni Rocco at pasimple ko naman hinawi ang kamay ni Elvin sa baywang ko pero hindi pa rin nito inalis ang kamay niya.
Lihim akong napairap. Ito na naman po kami, ang seloso ko pong kaibigan na wagas kung mangbakod.
"Kuya, you should entertain your other guests, ako nang bahala rito kay Remy." Tinuran pa niya ang mga bisita at batid niyang sila dapat ang iniintindi ni Rocco.
Nagpa-lipat-lipat naman ang tingin sa amin ni Rocco at bahagyang panabay na tumaas ang dalawa niyang kilay. He looks amused by his younger brother's behavior and he looked at Elvin's hand on my waist.
"She's also my guest and I'd like to entertain her also. Makapaghihintay naman iyan sila at mahaba pa ang gabi," saad naman ni Rocco batid na ayaw niyang umalis at gusto pa ako makausap. "At isa pa, ngayon ko lang din siya nakita at nakilala ng personal, hwag mong sabihin ipagkakait mo pa sa akin, kapatid?"
Bakas naman sa mukha ni Elvin ang pagdadalawang isip kaya lihim na naman akong napairap, ito talaga pinakang-ayaw ko sa kanya dinaig pa talaga niya ang nobyo ko kung makabakod sa akin.
"Elvin," tawag ni Tita Riva sa anak habang papalapit sa kinaroronan namin. "Halika nga muna sandali lang pinatatawag ka ng iyong Daddy. Let your Kuya entertain his guests."
Halata ang pagka-ayaw ni Elvin na umalis pero wala na siyang nagawa kundi sumunod sa kanyang Mommy. Sandali sila nagpaalam sa amin kaya naiwan na lamang kaming dalawa ni Rocco.
"So, Remy what do you do?" Rocco asked me what I do for a living at kumuha siya ng isang glass ng champaign sa tray ng dumaang nag-se-serve ng drinks.
"I'm a journalist," I answered.
His eyes get wide. "A journalist?? Oh Wow!" He looks shocked and amused. "Hindi naman sa akin nabanggit nitong kapatid ko na isa ka palang journalist? Working under media, right?"
Tumango ako at ngumiti. "Yes."
"Kahanga-hanga actually. Hindi biro ang ganiyang trabaho, hindi ka nauubusan ng gagawin." He sipped the champagne while his eyes are fixed on me.
"Tama ka, my job is kinda hectic. Sa katunayan nga niyan hindi nga dapat ako makakadalo dito sa birthday s***h welcome party mo but your brother insisted so." Nagkibit balikat ako. "I came here."
"I'm glad you really came, thank you for coming even though you have no reason to come because you don't know the celebrant but believe me I really appreciate your effort to come and at least nagkaroon ako ng pagkakataong makilala ang isang napakagandang babae."
I chuckled. "Silly."
"I'm serious, Remy I didn't expect my brother to have this beautiful best friend... kung alam ko lang, sana noon nakaraang dekada pa 'ko umuwi," saad pa niya at may kung ano sa mga mata niya ang gusto ipahiwatig.
Something in him really makes me adore him, he looks really nice and kind, ang mga mata niya'y natural na nangungusap na tila kay sarap nitong titigan at pagmasdan.
Pero ano raw? Kung alam niya lang na may ganitong kaibigan ang kapatid niya noon pa siya umuwi? It's seems like he wants to tell me something, huh? Kaya ko namang sakyan.
"Well, hindi pa naman huli ang lahat Mr handsome, stay here if you want nang sa gayon ay magkakilanlan pa tayong dalawa," saad ko buhat ng malambing kong boses at ginawaran ko siya ng pinakamatamis kong ngiti.
Batid kong kung gusto niya magkakilanlan kaming dalawa manatili siya rito sa Pilipinas at h'wag nang umalis. I can't believe myself thinking and doing this. I'm being flirty.
"I will," makahulugan niya namang tugon at naging makahulugan din ang tingin niya sa akin.
Kapwa pareho lang kaming nagkatitig sa mukha ng isa't isa. He's drinking champagne while his eyes are all on me, ang tingin niya'y masiyadong nakakatunaw.
Hindi ikaw ito, Remy. Hindi talaga ikaw ito. Sa isang iglap marunong ka na ngayon lumandi at dito pa talaga sa kapatid ng matalik mong kaibigang si Elvin na alam mo namang may nararamdaman para sa iyo.
Hindi ko intensyon magka-gusto sa nakakatandang kapatid pa ng kaibigan ko, ito ang sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay kong nakaramdaman ako ng ganitong klaseng atraksyon.
Sa isang iglap, I'm being captivated by a man, I'm captivated by my best friend's brother.