Newspers Mass Corp., a publishing house that compiles news and articles for television, radio, and the internet, is the company where I am working.
Masaya ako sa trabaho ko, pangarap ko pa nga noon maging isang news anchor pero naisip kong mas maganda pasukin ang journalism dahil hilig ko kumalap ng mga impormasyon at mangusisa ng mga bagay.
Buhay na buhay ang kuryosidad ko lalo na ang dugo ko kapag interesante ang bawat detelye. Parang isang detective lang din o mga researchers aspeto lamang ang mga pinagkaiba pero halos magkasingkatulad lang. It's all about research and lots of information.
Ang tawag nga sa amin high tech na mga chismosa, I gree dahil buhay na nga naman ng iba pinapakialaman pa namin, and it's our job at ito ang work field ko.
"Tinanghali ka ah?" bungad sa akin ni Darlin ang kaibigan s***h katrabaho ko nang maupo na ako sa aking office cubicle.
Binuksan ko ang aking laptop. "Alam mo naman ang trabaho natin, hindi ko kinaya ang pagod na-lowbat na ako kagabi kaya napasarap ang tulog."
Dahil din ito sa mainit na tagpo na nangyari sa amin ni Rocco noong isang gabi at bago rin ito umalis kahapon matapos pang humirit.
Saka ko lang naramdaman ang sakit ng aking katawan nang sumapit na ang gabi kaya napahimbing ako ng tulog kaya ako late.
"Hindi naman kasi kailangan paka-subsob sa trabaho, Remy pero ikaw pinipili mo talagang magpakapagod. Uso rin pong magpahinga girl, ang pagyaman hindi iyan naaagad," pagpapayo niya.
Alam kong concern lang din siya sa akin ngunit wala naman ako ibang gagawin kundi magtrabaho. Dito na umikot ang mundo ko, sa pagtatrabaho.
"Wala naman ako ibang pagkakaabalahan kaya itinutuon ko na lang ang buong oras ko para kumita," saad ko at nag-umpisa na ako sa gagawin ko.
"Bakit kasi hindi ka pa mag-boyfriend nang magkakulay naman iyang lovelife mo? Saka nang madiligan ka na rin, tuyong-tuyo na iyan," biro niya sabay pagak na natawa.
Gusto ko sana sabihing nadiligan na, pero hindi ko iyon para isa-tinig at sigurado akong iha-hot seat niya ako at hindi ako titigilan ng kakatanong.
"Malay mo soon," iyon na lang ang sinabi ko sabay ismid sa kanya pero ang mukha ko'y pinipigilan ang pag-ngiti.
Ang tingin ko ay nasa laptop pero kita ko sa gilid ng mga mata ko na natigilan siya at napatitig sa akin.
"Oh em... may natitipuhan ka na?!" gulat niyang tanong at bigla niyang hinila ang swivel chair ko para iharap ako sa kanya.
Hindi ko na tuloy napigilang matawa. "Wala."
Pinanlakihan niya ako ng mata. "Iba ang tono niyang soon mo! Sino iyan? Kayo na ba ng best friend mong deds na deds sa 'yo?? You two—"
"Mas lalong hindi!" gagap ko para putulin siya sa kung anong iniisip niya sa amin ni Elvin. "The nerve, Darlin. Mas lalong hindi siya, hindi si Elvin."
"Kung hindi siya, sino??" Kilala rin talaga ako nito, bawat salita ko nahuhulaan niya agad ang laman at ibig kong sabihin.
"Sino iyang nakakuha ng interes mo, bru??" pangungulit niya sabay yugyog sa aking magkabilang balikat.
Kilala niya akong pihikan sa lalaki kaya naman gulat na gulat siyang ganoon ang sagot ko sa kauna-unahang pagkakataon.
"Subukan mong ganiyan mag-interview o magtanong sa kausap mo ewan ko lang kung hindi ka matanggal sa trabaho at makasuhan." Wala pa akong sinasabi mayroon nga alam niya na agad.
"Hindi ka ibang tao kaya kahit ibaliktad kita riyan ayos lang kaya sagutin mo ako h'wag kang mag-lihim. Sino iyan? First time ito!"
She's over reacting nang masapo niya ang kanyang ulo na parang may kasabik-sabik na balita at gustong-gusto niya ako intrigahin.
"You will know soon pero sa ngayon... secret muna." I smiled at her at muli ko nang itinuon ang atensyon ko sa ginagawa ko at hinayaan ko siya diyan.
Kinulit niya pa ako nang kinulit pero tinawanan ko lang siya. Hindi ko sasabihin gayong siya parati ang napagtatanungan ni Elvin sa mga ginagawa ko rito maghapon. In short, taga-report nito ang bruha.
Napa-iling na lang ako at nag-focus na lang sa trabaho ko. I relaxed myself while my legs crossed and held my chin while my elbow laid on my thigh when the team leader suddenly came.
"Everyone! Eyes here!" He clapped his hands to get our attention.
Sampu kami rito sa malaking silid na ito na nagsisilbing opisina naming lahat, isang team na kinabubilangan ko.
"Good morning, Sir," panabay naming pag-bati sa aming strict but kind-hearted team leader na si Mr Yang.
Nagpamulsa siya at hinarap kami habang nasa kanya na ang mata naming lahat. He rubbed his chin at itinuon niya ang tingin niya sa hawak niya palang papel.
A new scoop?
Ipinakita niya sa amin ang papel na hawak niya. "Ang hawak kong ito ay isang malaking scoop na magbibigay ng karangalang lahat sa atin dito." He smiled playfully, alam na.
Our job is more like competition and all of us here are competent and competitive. Nasa iisa kaming mga kumpanya pero nasa iba-iba kaming departamento.
Ang makauna sa balita, o ang mas maunang makadiskubre sa mga undiscovered pa, sila ang mga mag-ce-credits.
"Kapag nauna tayo siguradong sa ating team papabor at tayo ang mangunguna."
"Sir, tungkol ba saan iyang scoop?" tanong ni Mandy na mukang hindi na makapaghintay malaman. He's one of my competitive team mates.
"Well, well." Ngiting-ngiti si Mr Yang. "This scoop is about the young bussiness man na nakapagpatayo ng sariling kumpanya at the age of 16, wala pa nakakapag-interview sa kanya dahil wala siyang pinahihintulutan, and guess what? Kauuwi niya lang ng Pilipinas."
Nagkatinginan kami ng mga kasamahan ko at iisa kami ng iniisip. Magandang scoop nga ito. At kahit mga magkaka-team kami rito ay makakakompetensya pa rin kami kung sinong makakauna sa proyekto.
Umayos ako ng upo at naging bukas tainga ako sa sinasabi ng aming team leader. Alam kong pare-pareho na kami ng tumatakbo sa aming mga isipan. Paunahan. Paunahan na maka-interview sa mailap na bussiness man na ito.
Penelope raised her hand. "Sir, where is his company business located? P'wede po bang h'wag niyo na kami bitinin sa impormasyon sabihin niyo nang lahat tungkol sa kanya." Isa rin itong naiinip at hindi na makapaghintay pa.
We all became attentive.
"Kayo naman masiyado kayong mga atat," biro pa ni Mr Yang. "Alam ko gising na gising ang interes niyo sa ating bagong scoop pero mahirap lapitan ang taong ito."
Everyone groaned nang ayaw pa nitong dire-diretsuhin na lang ang paglalahad ng mga impormasyon patungkol sa bussiness man na ito.
"Easy," he makes everyone calm down. "Nakakatuwa talaga kayo aktibong-aktibo, kaya ito na." Natawa siya saka tumingin sa hawak niyang papel para basahin sa harapan namin.
"This is just his basic information. He has lived in the United States of America since he was 10 years old with his grandparents. Until he reached 16, he successfully built his own company of auto parts and cars. And at the age of 27, he's now the successful owner of a huge billion-dollar company worth." he stated habang masusi naming pinakikinggan.
"Iyon lang ang impormasyon sa ngayon patungkol sa kanya. Kaya ang trabaho niyo ay alamin ang naging journey niya, paano at kailan siya nagsimula at gawan ng compiled story ang tungkol sa mga naging buhay niya simula at sa kung paano siyang nag-umpisa at naging successful na bilyonaryong may-ari ng cars and auto supply."
"May nakalimutan kayo Sir, anong pangalan niya?" tanong ni Shena. Nga naman sa lahat ng kakalimutang detalye pangalan pa.
"Ay sorry! He's name is Rocco Mendez," sagot nito na ikinagulat ko. "May ka-apilido nga ito eh."
Lahat sila ay dumako ang tingin sa akin kahit si Mr Yang kaya isa-isa ko sila mga tiningnan, they all know Elvin, Elvin is a Mendez kaya ang mga mata nila lahat sa akin na nakatingin.
Parang kagabi lang sinabi kong gusto kong gawan ng article si Rocco tapos manlaman ko tungkol pala sa kanya ang trabhaho namin ngayon.
"Hindi ba iyung best friend mo parating dumadaan dito, Mendez iyon?" si Shena.
"Are they related?" singit naman ni Mandy.
"Oo nga! Ka-apilido ni Elvin!" si Darlin.
Anong isasagot ko? Oo ba? Kung sasabihin kong oo sigurado kukuyugin nila ako at papakiusapan nila ako na baka p'wedeng sila ang maka-interview kay Rocco dahil madali na akong makaka-acess dahil kay Elvin.
"I don't know," I shrugged and lied.
"Pero kaibigan mo iyon hindi ba? Palagi ka nga sa kanila, hindi mo alam ang kanilang family background? Kung sino o ilan ang mga kapatid?" Pinaningkitan ako ni Penelope.
Humalukipkip ako at hinarap sila. "Kung related man sila ano ngayon?" mararay kong tanong batid kong hindi ako magbibigay.
"See? Related nga sa best friend niya si Mr Rocco Mendez!" Mandy said and he groaned annoyingly at kita na agad ang pagkabigo sa kanya.
Alam nilang hindi na ako mahihirapan, at isa pa wala man ang tulong ni Elvin sigurado na ang interview kong ito kay Rocco.
"So Elvin is Mr Rocco's Mendez brother for real?" Penelope asked in shock at bakas din sa kanya na alam na kung kanino napupunta ang scoop na ito.
Walang iba kundi sa akin.
Ngumiti ako sa kanila. Ngiting pang-asar na ako na agad ang magwawagi. Tapos na ang laban akin na ang panalo kaya pareho-pareho silang mga nagsi-angalan.
"Guys, relax. Kung si Remy man ang makakuha ng scoop, team din naman nagin ang mag-ce-credits no'n, kaya walang problema doon," saad ni Mr Yang.
Pero ang iba'y nagpapapadyak pa rin sa inis at ang iba naman napahagis na lang ng papel sa ere na ikinatawa ko.
Natawa na lang ako sa mga reaksyon nila, ngiti ko pa lang alam na nila na wala silang impormasyong makukuha dahil masasala ko na at hindi nila ako kaya mapapakiusapan ibigay ito sa kanila.
Pagdating sa trabaho, talo-talo kaming lahat dito. Alam namin lahat kung gaano kalahaga ang bawat scoop na inilalabas sa bawat departamento at kung sila rin naman ang nasa lagay ko ganito rin naman ang gagawin nila.
Ricco is Elvin's brother, alam din nilang hindi na ako mahihirapan pa at hindi ko na kakailanganing magpakahirap pa na mag-send ng sandamakmak na request makausap lang si Rocco.
Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, umaayon sa akin. I smiled at them wickedly at masaya pa akong sumipol nang sumandal ako sa aking swivel chair and they just rolled their eyes at me.
Para sa akin ang scoop na ito kaya ngiting wagi.