CHAPTER TEN

1809 Words
"Rem, bigay mo na sa amin 'to oh?" habol sa akin ni Penelope pero dire-diretso lang ako ng lakad na hindi siya pinapansin. "Rem, sige na. Sa akin mo na ibigay. Sandamakmak naman mga kino-compile mong mga reports kaya balato mo na 'to," si Mandy na habol-habol din ako. Matapos nang naging meeting hindi na nila ako tinantanang dalawa. I rolled my eyes at hinarap sila. Tinaasan ko sila ng isang kilay. "Ibigay ang scoop na 'to sa inyo?" patuya kong tanong. "Kung kayo ang nasa lugar ko palit tayo, gagawin niyo rin ba na ibigay sa akin?" Natigilan sila. See? They wouldn't. "Trabaho 'to, pare-pareho tayong mga ngatal at competitive." Hilaw akong natawa. "Tapos sa tingin niyo magbibigay ako? Kanya-kanya tayong mga diskarte paano makakalapit kay Mr Rocco, at hindi porke't kaibigan ko si Elvin makakalapit na ako sa kanya, ibang tao pa rin si Mr Rocco Mendez, at hindi ba wala pa siyang pinapaunlakan? So I'm not sure, kung ako paunlakan niya," saad ko pa para linawin na wala rin kaibi-kaibigan. Ano sila, hilo? Bago pa man ilabas ang scoop na ito nasa isip ko ng gawan ng compilation si Rocco at hindi nila alam hindi ko na kailangan pa si Elvin para lang makausap ko ang binata, siguradong hindi ako nito matatanggihan. Hindi ko na sila hinintay na magsalita pa at tinalikuran ko na sila. I looked at my watch, it's already 11:30 am, morning lunch na. Makulit talaga ang dalawang iyon. Eh pasensya sila tuso ang nakatapat nila nataon pang sa akin pumabor ang pagkakataon. Bingow! Nag-pamulsa ako habang nalalakad patungong cafeteria habang ngiting-ngiti na may kasama pang masayang pag-sipol, another credits for Remy Maya. "Ang ganda ng ngiti, ngiting kayang-kanya na ang scoop," saad ni Darlin nang maupo na kami sa bakanteng lamesa dala ang aming nga food trays. "Hindi naman." Ngumisi ako at hinawakan ang tinidor to eat my salad for lunch. I'm a vegetarian. "Sus! Pa-humble ka pa! Pero Hindi ko talaga akalain kapatid ni Elvin si Mr Rocco Mendez, sigurado kanya-kanya nang research ang mga ka-team natin at mga taga-ibang department gumagawa na ng paraan ma-reach si Mr Mendez," saad niya. Hindi ko kailangan makipag-sabayan sa kanila sa gitgitan. Puntahan ko lang si Elvin sa bahay nila mamaya ay makakausap ko na ng personal si Rocco, and boala! Easy as that, the interview will go smoothly. Sigurado iyan. "Hayaan mo sila." Kumain na lang ako. "Look at you, you look unbothered!" puna niya kaya natawa na lang ako. "Iyang mga pagak na pagtawa na iyan, saka iyang ngisi mo alam na alam ko na." "Quiet ka na lang, Darlin. Hayaan mo sila diskarte nila iyan ako naman mamaya ako gagalaw," makahulugan kong sinabi sabay kindat at masayang kumain. Isang haplos ko lang kay Rocco o kahit hindi na nga, siguradong pauunlakan niya ako ng wala nang mahabang seremonyas. Nang makauwi na ako ng bahay kinahapunan ay agad kong tinawagan si Elvin dahil wala naman akong contact kay Rocco, nakalimutan namin magbigayan ng numero kahapon. "Elvin," tawag ko sa kanya sa kabilang linya. Kung wala akong kailangan hindi ko ito tatawagan dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga pinagsasabi niya at pagpapaalala niya ng nakaraang nangyari sa amin. Pero dahil hindi naman ako mataniming tao, palalagpasin ko iyon at kakalimutan kong nagawa niya pa iyong ungkatin. "Uh... napatawag ka?" Bakas sa boses ang pagaalangan nito sa tawag dahil alam niyang may kasalanan siya sa akin. "Pupunta ako riyan mamaya sa bahay niyo," saad ko habang naghuhubad at nag-tungo sa banyo. I have to freshen up, baka mapalaban. "Really?" Nahimigan ko ang tuwa sa kanya. "Hindi ka na ba galit?" tanong pa niya. "Hindi na, alam mo naman na hindi ko kayang magalit sa iyo ng matagal," sagot ko na kalahating kasinungalingan kalahating katotohanan. Depende sa kasalanan ang itatagal ng galit ko. "I'm really sorry about yesterday Remy, sana mapatawad mo ako hindi ko sinasadya mali ako," muli niyang paghingi ng tawad sa akin. "Uh, huh.. Forget it, h'wag na h'wag na lang sanang mauulit na ungkatin mo pa iyon at alam mo na ang mangyayari," saad ko na batid kong kalimutan na pero kapag naulit, tatapusin ko n talaga ang pagkakaibigan naming dalawa. Kilala niya ako na may isang salita ako. "Promise! Pangako! Hindi na talaga mauulit," magkahalong lungkot at saya niyang sinabi. "Kaya rin ako tumawag ay gusto kong pumunta riyan may ipapakisuyo sana ako." "Sige, ano iyon? Kahit ano." "This is a job related, Elvin kaya uunahan na kita ngayon pa lang at baka mag-isip ka na naman ng kung ano. I have to talk to Rocco, tungkol sa kanya ang scoop namin ngayon at kailangan kong mauna alam mo naman kung gaano ako ka-competitive pagdating sa trabaho ko," mahaba kong litanya batid ang pakay ko kung bakit ako pupunta sa kanila. Sandali itong natahimik kaya napairap ako. Ang isang ito talaga 'di nga 'ko mahihirapan pagdating sa paglapit ko kay Rocco pero siya pa itong mukang papagitna parati kapag gusto ko itong makausap kahit tungkol naman sa trabaho. "Narinig mo ba ako? Elvin? Hindi ko kailangan ng pagiging seloso mo ngayon at importante ito that is why I have to request an interview with Rocco, trending siya ngayong matapos niyang umuwi ng Pilipinas. And I really didn't know that your brother is really this popular huh?" saad ko pa upang agapan ang kung ano ang iisipin niya na naman. Kahit ang pananahimik niya alam ko ang ibig sabihin, basta pagdating sa lalaki asahan mo ayaw na ayaw niya iyan. I heard him sigh. "Fine, sasabihin ko sa kanya na pupunta ka para diyan sa interview. Akala ko pa man din kaya ka pupunta rito gawa ko," may himig pa ng pagdadamdam sa kanya. Natampal ko ang noo ko at humarap sa salamin ng banyo. "Elvin naman, ngayon pa talaga?" batid kong ngayon pa talaga niya ako da-dramahan. Narinig kong muli siyang bumuntong hininga. "Okay, okay. I'm going to tell him." I sighed as a relief. I thought he wouldn't understand. Kokonyatan ko talaga siya. "Thank you Elvin, alam mo naman na pag may oras ako hindi kita nakakalimutan, kaya lang talaga ako sasadya riyan for only work purposes. Kung alam mo lang kung gaanong ngatal sila ngayon sa kakapadala ng request sa Kuya mo mapagbigyan lang sila kahit na isang oras na interview lang," pasalamat ko at ipinaalam ko na rin kung gaano talaga ito ka-importante. "Alright, sige naiintindihan ko," tugon niya dahilan para mapangiti ako. "Interview lang ang gagawin mo rito Remy, wala nang iba," hirit pa niya na ikinapalis naman ng ngiti ko. Ano bang akala niya? Lalandiin ko ang Kuya niya sa loob ng pamamahay nila? Kahit kailan talaga dumi mag-isip. "Oo, h'wag kang mag-alala, kung anong pakay ko iyon lang." Hindi ko masabi na ang pakay ko rin ay makita talaga ang Kuya niya pero siyempre akin na lang iyon. "Good then. Gusto mo kaunin kita riya—" "No," gagap ko. "I'm going to bring my car, h'wag ka nang mag-abalang sunduin ako ayaw ko nang maabala ka pa." "Kailan man hindi ka naging abala sa akin Remy," batid niyang ayos lang kahit hatid sundo niya pa ako anumang oras. "I said no it's okay, I'll bring my car and after the interview, uuwi rin ako agad at marami pa ako gagawin. Hindi rin ako magtatagal diyan sa bahay niyo h'wag ka mag-alala." Totoong marami akong gagawin gustuhin ko mang magtagal sa bahay nila hindi p'wede dahil may mga naka-mata. At isa pa baka hindi namin mapigilan ni Rocco ang maiinit naming mga tinginan at mahalata pa kami nina Elvin at Tita Riva, maging issue pa 'to. Kaming mga taga-media more issues sa tao at sa lipunan mas nagiging makabuluhan ang trabaho namin pero ayaw namin sa amin naman mangyaring kami ang mapag-usapan. Nakakatawang isipin, hindi ba? Ginagawa namin pero ayaw namin sa amin gawin at wala naman kaming magagawa dahil ito ang pinili naming propesyon. Ang dami kong sinabi. "Nga pala Remy, noong gabi ng party hindi ba usapan natin sa bahay ka na matutulog? Pero bakit ka nagpahatid pauwi kay Kuya?" pagalala niya na ikinapikit ko sa hindi malaman ang irarason ko. "Ayaw ko matulog sa bahay niyo," simpleng sagot ko. "Sumabay na ako sa kanya nang nasabi niyang pupunta siya sa bahay ng kaibigan niya," pagsisinungaling ko. Ang galing mo talaga mag-alibi Remy. "Ganoon ba. I'm glad he brought you home safely. Lasing na lasing na ako nang gabing iyon kaya hindi ko na alam," saad niya and speaking of, mabuti nabanggit niya na rin lang. "Alam mo ba ang pinagsasabi mo sa akin nang gabing iyon, Elvin?" Nagpamaywang ako. "I forgot, may kasalanan ka pa nga pala sa akin!" Ngayon ko nga lang naalala na gigisahin ko nga pala itong mokong na ito dahil sa kung anu-ano nga palang mga pinagsasabi nito nu'ng gabi sa harapan pa ng maraming tao. Sabihin na nating totoo ngang nagkatipuhan kami ni Rocco sa unang kita pa lang ngunit ang ipahiya niya ako nang ganoon hindi talaga tama. Ngayon ko lang naalala sa dami ng mas kailangan kong unahin at isipin idagdag pa si Rocco na buong araw laman ng isip ko. "Ano iyon? Wala akong natatandaan," batid niyang hindi niya alam na may nagawa pala siya. "Hiniya mo lang naman po ako sa harapan ng mga kamag-anak, kaibigan at kakilala niyo nang gabing iyon." Inilahad ko pa sa kanya isa-isa ang mga pinagsasabi niya. "Sh*t!" he cursed and I heard him groan. "Sinabi ko iyon??" Talaga bang wala itong maalala o maangmaangan na lang? "Kilala kita Elvin, alam kong alam mo ang mga pinagagawa mo kahit lasing ka hindi ako naniniwalang hindi," pambubuko ko sa pagmamaangmaangan niya. Hindi ko man siya kita alam kong napakamot siya sa ulo. "Pasensya na Remy iba ka naman kasi talaga kung makatingin kay Kuya para kang nakakita ng higit pa sa arista." Inamin niya rin na nagmamaangmaangan lang siya at totoong alam nga talaga niya ang pinagsasabi niya. "Ewan ko sa iyo Elvin. Saka ikaw, ha? Wala kang karapatan hiyain ako dahil unang-una sa lahat hindi kita kasintahan, magka-gusto man ako sa iba wala ka nang pakialam ro'n at uulitin ko, kahit Kuya Rocco mo pa iyan wala kang pakialam," matapos ko iyong sabihin lahat pinatayan ko na siya. Hindi dapat ako galit eh, bigla na naman akong nainis nang maalala ko, and this is not just about how I stare at Rocco, ang hiyain ako ng ganoon hindi dapat dahil wala nga siyang sinabing karapatan. Pasalamat talaga siya ayaw ko lang siyang biglain, iniisip ko pa rin ang mararamdaman niya kaya itinatago namin ni Rocco ang tungkol sa amin. I love my best friend more like a brother at hindi na iyon lingid sa kaalaman niya ngunit hindi niya ako mapipigilan dahil darating at darating ang panahon may isang tao akong gugustuhin makasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD