Ang akala ko aalis na siya matapos iyong sabihin pero ganoon na lang pagkataranta ko nang tinalikuran niya ako bigla at akmang papasok siya sa silid ko para tingnan kung nandito nga si Rocco.
Buong lakas ko siyang hinila sa braso para pigilan. "Ano ba Elvin?! Ba't ka mamamasok ng kwarto?? Talaga bang wala na rin akong privacy sa 'yo?" Hindi ko na napigilan taasan siya ng boses at pinanlakihan siya ng mata.
"Sira ulo ka, dinala-dala mo ako sa party ng kapatid mo at ipinakilala mo ako sa kanya tapos ngayon nagkakaganiyan ka?? At paghihinalaan mong nandito siya?!"
Kung tutuusin wala naman talaga akong dapat ilihim o itago sa kanya dahil wala namang kami, pero ayaw ko namang magkagulo sila ng Kuya niya rito.
"Kung talagang wala siya rito papasukin mo ako sa kwarto mo. Hindi siya umuwi kagabi kayo ang huling namataang magkasama kaya siguradong nandi—"
Panabay kaming natigilan nang mag-ring ang phone niya kaya agad niyang kinuha mula sa bulsa at sinagot.
"Bakit?" bungad niya sa tumawag habang nasa akin ang tingin. "He's there?" Nangunot ang kanyang noo.
Pinakinggan ko lang ang pakikipag-usap niya sa kung sino mang nasa kabilang linya. Nahilot niya ang kanyang noo at tumango-tango.
"Alright, thanks for informing me, hindi kasi sumasagot si Kuya sa tawag namin simula pa kanina nandiyan pala siya magdamag." Tumango siya. "Yeah, alright at pakisabi na lang hanap na siya bahay at magdamag di siya umuwi." Muli siyang tumango. "Okay, sige salamat pare," matapos magpaalam binaba niya na ang tawag.
Rocco is here, paanong...
Humihingi ngayon ng paunmanhin ang nga tinging iginagawad ni Elvin sa akin bakas ang pagkapahiya nang makarating sa kanyang wala rito ang Kuya niya.
Nasa bahay ng kaibigan. Ang galing din Rocco at naka-contact siya ng kaibigang kukuntsabahin kaya ngayon itong si Elvin ang napahiya.
"I'm sorry Rem—'
"Umalis ka na nga," pagtataboy ko na sa kanya. "Matapos ng kung anu-anong mga pinagsasabi mo mag-so-sorry ka ngayon? At pinagisipan mo pa ang Kuya mo dito sa akin natulog eh matapos niya akong ihatid dito umalis na rin siya agad," pawang buong kasinungalingan kong sinabi para konsensyahin pa siya.
Lumamlam lalo ang mga mata niya. "Remy hindi umuwi si kuya magdamag kaya akala ko ay nandito siy—"
"Wala rito ang Kuya mo nandoon nga sa bahay ng kaibigan mo hindi ba? Malay ko kung saan pa nagpupunta iyang si Rocco kung bakit sa akin mo siya hinahahap."
Halata sa mukha niya ang pagkapahiya at napayuko na lang. "Pasensya na talaga ang akala ko talaga magkasama kayo."
"Puro ka na lang akala, palagi ka na lang ganiyan masiyado kang maisip. Umuwi ka na Elvin at marami pa akong gagawin, inabala mo ako simula pa kahapon nang pilit mo akong pina-attend sa party tapos ito pa mapapala ko sa 'yo!" buska ko.
Malungkot niya akong tingnan. "I'm sorry."
Itinuro ko ang pinto. "Labas na!" sigaw ko.
Laglag naman ang balikat niyang tumalima na lang at paatras na humakbang saka niya ako ganap na tinalikuran hanggang sa tuluyan na nga siyang lumabas.
Nang masiguro kong nalakabas na siya dali-dali naman akong pumasok sa silid ko para tingnan si Rocco at naabutan ko itong prenteng nakaupo sa ibabaw ng kama ko habang nakatukod ang dalawa niyang kamay sa magkabila niyang gilid.
"Ang hirap nitong gusto mong mangyari Remy." Napatitingala siya at halatang pikon. He rolled his tongue inside his cheek.. Bakas rin ang pagkabanas.
"Pasensya na, Rocco..." hinging paunmanhin ko. Lumapit ako sa kanya at tumayo sa harapan niya.
"Mabuti na lang may sumagot sa isa mga kaibigan ko at napakasiyuan ko pagtakpan ako pero kung pumasok naman si Elvin dito sa silid mo willing akong harapin siya. Wala siya sa lugar para bakuran ka, Remy wala siyang karapatan sa iyo," banas niyang sinabi at hinila niya 'ko para maupo sa kandungan niya.
Ipinaikot niya ang braso niya sa baywang ko para mas hapitin pa ako. Nakakailang man ang pwesto kong nakakandong sa kanya ayos lang sa akin basta siya.
"Best friend mo lang iyon, kaibigan lang pero lintik mo akong itago ah." Asar niya akong tiningnan.
"Rocco, kauuwi mo lang ng Pilipinas kagabi lang, gusto mo ba magkaroon kayo agad ng alitan ng kapatid mo matapos ng ilang taong hindi niyo pagkikita? Hindi iyon magandang tingnan na kauuwi mo lang nagkasira kayo ng dahil lang sa babae," saad ko bilang silbing paliwanag.
"Malaman man niya ngayon, bukas, o sa mga susunod pang mga araw iisa lang din naman ang magiging reaksyon niya kaya bakit pa ito itatago at patatagalin?"
Bumangon naman ang inis sa akin dahil may ugali talaga sila ni Elvin na magkakapareho at hilig ipilit ang gusto nila ang hirap nilang paliwanagan, madalas hirap makaintindi.
"Nakikinig ka ba?" Hindi ko na napigilang magtaray. "Kauuwi mo nga lang ng Pilipinas gusto mo na agad ng gulo? Intindihin mo ako maigi, napag-usapan na natin ito kanina. Oo malalaman niya rin pero h'wag natin siyang biglain akong bahala alam ko gagawin sa kanya," batid kong mas kilala ko pa ang kapatid niya kaysa sa kanya.
Hindi naman ito ililihim nang matagal, kailangan lang unti-untiin itong si Elvin dahil masakit nga naman matapos ng ilang taong panunuyo niya sa akin sa Kuya niya lang pala ako mapupunta
He sighed. "Fine."
Bigla ko namang naalala ang Mommy niya.
"Ano nga palang sabi ng Mommy mo?" tanong ko para ibahin na rin ang usapan.
"Galit siya kung bakit hindi raw ako umuwi magdamag and she accused me of being here in your condo and we slept together," sagot niya dahilan para masilihan ako.
Nanlaki ang mata ko. "Anong sagot mo?"
"Sinabi kong oo, nandito ako."
Pinaghahampas ko siya sa braso. "Sira ka!! Why did you say that? Baliwala lang din ang pagtatakip sa 'yo ng kaibig—"
Humalakhak siya at natigilan ako ng paghampas sa kanya nang hawakan niya ang magkabilang pulsuhan ko. Sinubukan ko pa rin siyang hampasin at kurutin sa galit ko.
"Stop," awat niya sa akin. "I didn't say that, I'm just kidding hindi kita ipapahamak don't worry at ayaw kong mag-iba rin ang tingin nila sa iyo." He smiled at unti-unti na rin akong kumalma sa narinig.
Ang akala ko talaga... sinabi niyang nandito siya sa condo ko at siguradong madumi ang magiging isip sa akin ng mga magulang nila ni Elvin kung nagkataon.
"Ang akala ko talaga..." Nasapo ko ang dibdib ko at nakahinga na maluwag. Akma sanang tatayo na ako mula sa kandungan niya nang pigilan niya ako.
"Saan ka pupunta? Dito ka lang." Ayaw niya akong patayuin. "Wala tayo ibang gagawin sa buong maghapong ito kundi sulitin ang oras nang magkasama..." He planted soft kisses on my neck.
Masarap man ang dulot ng bawat halik niya pero hindi kami p'wedeng ganito maghapon marami pa akong trabahong gagawin.
Bahagya ko siyang itinulak. "Rocco hindi p'wede, umuwi ka na rin sa inyo kanina ka pa nila hinihintay sa mansion at ako marami pa akong trabahong gagawin kaya hindi p'wedeng maghapon tayong magyugyugang dalawa."
"Paano kung ayaw ko pang umuwi?" Ang tigas ng ulo niya. "Nakakaadik ka Remy," saad niya at muli akong hinalikan na naghatid ng paulit-ulit na kiliti sa akin.
Napapapikit man ako ngunit sinikap kong h'wag magpadala sa nakaka-engganyong pakiramdam na dulot ng bawat halik niya.
"Rocco... hindi ka pwedeng hindi uuwi hahanapin ka nila at ako hindi naman ako p'wedeng hindi magta-trabaho dahil ito ang kabuhayan ko, walang bagong article, maliit ang kita," saad ko para tumigil siya.
Huminto nga at nag-angat ng tingin sa akin. "Ilan taon ka na sa pagiging journalist?" bigla niyang naitanong.
"Mag-apat na taon na rin. Nag-trabaho na ako agad nang matapos no ang kolehiyo," sagot ko na ikinatango-tango niya at sinundan pa ng ilang tanong.
"Nasaan na ang pamilya mo? Bakit nag-iisa ka sa condo na 'to? Wala ka bang bahay na inuuwian?" Bigla niya atang naisipang usisain ang background ko.
"Wala akong pamilya rito sa Pilipinas lahat sila nasa ibang bansa. My parents are there and my younger sister, all of them migrated to Finland."
"Ow, they are all in Europe. Pero bakit ikaw lang ang nanatili rito sa Pilipinas?" tanong pa niya batid niyang gusto niyang malaman ang rason ko.
"Dahil may gusto ako patunayan," seryoso kong sagot dahilan para matigilan siya. "My parents let me live on my own at hanggang ngayon pinapatunayan ko pa rin sa kanila kaya kong mabuhay na wala ang suporta nila."
"Sa tono mo para kang may sama ng loob," puna niya na hilaw kong ikinatawa. "Muka ngang meron," nahalata niya.
"Actually they let me choose, kung sasama ba ako sa Europe o mananatili ako rito lang sa Pinas. Pag sumama ako sa kanila they're the ones who are in control of my life. Pero kapag dito sa Pinas gawa ko ang layaw at mga gusto ko, iyon lang walang suportang manggagaling sa kanila. And guess what? Siyempre dito ko sa Pilipinas pinili," mahabang paglalahad ko.
"Masaya ako rito, nandito ang mga kaibigan ko, at kung pinili kong sumama sa kanila for sure daig ko pa preso kontrolado bawat galaw dahil pera nila ang ginastos."
"May mga magulang na ganiyang natitiis ang anak?" hindi niya makapaniwalang tanong. "Paano naman pag may mga mahahalagang okasyon?"
"Meron, mga magulang ko natitiis nila ako." Mapait akong ngumiti. "Kapag naman may mga okasyon mag-isa lang din ako hawak ko papel ng balita, articles tungkol sa buhay ng ibang tao, itininutuon ko na lang ang atensyon ko para kumita kaysa sa madamdam."
Bumakas naman ang awa sa mukha niya para sa akin. "Kaya ka pala ganiyan," tila napagtanto niya.
"Na ano?" Natawa ako. "Na mukang walang pakiramdam kung titingnan?" patuya kong tanong. "Saka hindi ko kailangan ng awa nino man, Rocco, choice ko ang maging mag-isa sa buhay malayo sa pamilya."
Pinakatitigan niya ako na tila binabasa pa niya ang iba pang nilalaman ng isip ko.
"Ngayon hindi ka na mag-iisa, may kasama ka na, kasama mo na ako," seryoso niyang sinabi dahilan para matigilan ako.
Batid ng tingin niyang higit niya akong naiintindihan sa pinili kong buhay nang mag-isa lang kahit hindi ko pa naman sa kanyang nailalahad ang lahat.
Hindi kasing saya ng kabataan ng iba ang naging kabataan ko, lumaki akong parati na lang dinidiktahan ng mga taong kinamulatan ko, pamilyang kinamulatan ko.
Hanggang sa habang lumalaki ako hindi ko naranasan kung paano bang sumaya sa loob mismo ng tahanan hanggang sa nakilala ko si Elvin.
He has brought me joy since I met him.
Naging simula iyon ng pagkakaibigan namin hanggang high school at college, kung saan ako, doon din siya maliban na lang sa kurso dahil magkaiba kami ng kinuha.
Kaya simula noon kinonsidera ko na siyang my happy pill na parating nagpapatawa sa akin at nagpapasaya sa tuwing malungkot o hindi maganda ang araw ko at sa tuwing napapagalitan ako sa bahay sa kaunting pagkakamali lang.
Kaya sinabi ko noon sa sarili ko na kapag kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa aalis ako mamumuhay ako ng sarili at kinaya ko ngang mabuhay nang mag-isa na walang suporta nila.
Even my birthday hindi nila ako naaalalang batiin aside from my baby sis na araw-araw na tumatawag para kamustahin ako na Ate niya, and even during Christmas and New years I celebrates alone in my condo.
Pumupunta rin naman si Elvin para samahan ako pero sandali lang dahil may pamilya siya na kailangan samahan, so most of the time, mag-isa ako.
Malungkot hanggang sa nasanay na lang.
Maraming pagkakataon inalok ako ni Elvin na sa kanila na ako tumira para may masabi raw na pamilya ako pero tinawanan ko lang.
Hindi pa naman sira ang ulo ko para paunlakan siya ng mga panahong iyon dahil alam ko ang binabalak niya. Para niya na rin akong ibinahay pinaganda niya lang ang salita.
Ang lalaking iyon gagawin lahat makuha lang ako, naangkin niya nga ako ng isang beses ngunit kailan man hindi ko na iyon hinayaang maulit pa.
Pinauwi ko na si Rocco kahit ayaw niya pa talagang umuwi, humirit pa siya ng ilang rounds nang sabay na kaming naligo at hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin siya sa akin.
Nakauwi na siyang lahat-lahat ilang oras na ang nakakalipas hindi di pa rin ako makapag-focus dito sa ginagawa ko. Kanina pa ako rito sa harapan ng laptop.
Arg! I groaned in frustrations imbis na makapag-focus ako dahil may inspirasyon na ako ngayon baliktad pa ata ang nangyayari.
Kinuha ko na lang ang phone ko na nasa tabi ng laptop ko at sandaling nagpalipas ng oras nang mag-scroll na muna ako sa Instragram para maki-update sa mga kilalang taong sinusundan ko.
Napatigil ako sa pag-scroll nang may nakapukaw ng atensyon ko. Si Rocco ito ah? Nangunot ang noo ko nang kasama siya sa mga suggestions list na maaari ding i-follow at napaawang ang bibig ko na makitang mayroon siyang millions of followers.
I checked his photos in his IG gallery and sh*t, he's so freaking hot... ang gaganda ng kuha.
Sa mga litrato niya halos nasa beach, kung wala sa island na parteng gubat. I must say he loves nature adventures.
All his photos earned huge amount of likes.
He's also a popular one? Bakit hindi ako updated dito? Oh, well he's a businessman, nakatira nga pala sa sa ibang bansa 'di rin naman lahat masusundan naming mga taga-media, may limitasyon din kami at focused lang sa kung sino at anong mga trending.
Pero 'wede ko rin siyang gawan ng article...
Dagdag kita rin ito. Sorry Rocco work is work and bussiness is bussiness alam mo iyan, so you're not exempted pagdating sa p'wede kong gawan ng pagkakakitaan.