CHAPTER SEVEN

1672 Words
"Ah, katatapos ko lang mag-exercise," rason ko at sinikap kong h'wag kabahan ang boses sabay palis ko ng pawis sa noo ko. Talagang nataon pa na saktong tapos pa namin ni Rocco saka sumulpot itong si Elvin. H'wag lang talaga itong papasok sa silid ko kundi mabubuko ako. "Exercise na ganiyan ang suot?" puna niya sa suot kong oversized t-shirt at naroon ang pagdududa sa kanyang tono. "Oo, masama bang mag-exercise nang naka-tshirt?" pabalang kong sinabi sabay irap para hindi halatang kabado at may itinatago. Pinaningkitan niya ako ng mata at unti-unting lumapit sa akin. "Exercise without wearing a bra and undies... exercise huh? Hindi ganiyan ang suot mo kapag nagpapapawis ka." Napalunok ako. Daig pa niya ang detective. Halos hindi ako makahinga nang inikutan niya ako... kabado talaga ako kapag ganito na ang mood niya. Oo kaibigan ko siya pero malala ang pagka-possesive niya. "Ano bang gusto mong palabasin, Elvin?" mataray kong tanong kahit sa loob-loob ko ay kabadong malala. Tumigil siya sa likod ko at naramdaman kong inamoy niya ang parteng batok ko sa sensual na paraan. "Kailan ka pa nahilig sa panlalaking pabango, hmm?" tanong niya na ikinanigas ko. Mariin akong napapikit. "Amoy lalaki ako?" Sinubukan kong pagmukain natatawa ang boses ko. "Baka sira lang ang pang-amoy mo." Inilapit niya ang bibig niya sa aking tainga. "Really? Pero bakit naaamoy ko sa iyo ang pabangong gamit ni Kuya?" Napalunok ako at hinarap ko na siya sa pagkakataong ito sabay humalukipkip. "Ano bang gusto mong palabasin? Na magdamag kong nakasama si Rocco?" matapang kong tanong na ngayon pa lang pinagsisisihan ko na kung bakit iyon ang nasabi ko. Binigyan ko lang siya ng ideya! Stupid, Remy! His eye brows shot up at dumako ang tingin niya sa pinto ng silid ko. His tongue rolled inside his cheek at gumilid ng tingin sa akin. "Kuya didn't come home the whole night," he said and he put his one hand on his pocket and his other hand he put on his chin and then he rubbed it. "Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag binuksan ko ang pintong iyan at makitang si Kuya sa kwarto mo..." Kita ang biglaang pagngingitngit sa kanya. "Alam mo naman Remy, kung gaano kita kamahal hindi ba?" halos pabulong niya at nanatili siyang nakatayo sa likod ko. Hindi ko maapuhap ang sasabihin. "Pakiusap ko lang sa iyo, kung magkakagusto ka p'wede bang sa iba na lang? H'wag na sa kapatid ko dahil baka hindi ako makapag-isip ng tama at hindi ko alam ang magawa ko..." Muli akong napalunok nang sinundan ko siya ng tingin nang bumalik siya sa harapan ko at napatingala na lang siya sa itaas ng kisame habang nakapamulsa. Ngayon pa lang nakokonsensya na ako, hindi pa man niya kumpirmadong nandito nga si Rocco pero halatang nasasaktan na siya iniisip niya pa lang. I pity him... I'm sorry Elvin... I'm sorry. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya pero sa oras na sabihin ko iyon para na rin akong umamin. Hinihiling niya na hindi baling sa ibang lalaki ako magka-gusto h'wag lang sa kuya niya dahil mas doble o triple ang sakit na mararamdaman niya. "Elvin," I tried to make my voice hyper. "H'wag ka ngang mag-isip ng ganiya—" "Paanong hindi ako magiisip ng ganito kung nakita mismo ng mga mata ko kung gaano ka na-attract sa kapatid ko na kailan man hindi ko nakita sa iyo kapag tinitingnan mo 'ko?" puno ng pagdadamdam niyang sinabi para putulin ako sa pagsasalita. Hindi ko na alam kung ano pang p'wede kong sabihin sa kanya gayong wala naman ako dapat patunayan. Kahit anong gawin niya hindi ko siya magagawang mahalin. Muli niya akong pinasadahan ng tingin. "Remy, sana mali ako ng iniisip. Sana mali ako," batid niyang hindi niya matatanggap kung malalaman niyang may nangyari sa amin ng Kuya niya. Ano bang nagawa ko para ganito niya na lang ako kung mahalin ng todo-todo? Wala naman akong ginawa para mahalin niya 'ko. Pero bakit nga ba ganoon? He did everything for me, nandiyan siya parati para sa akin kapag kailangan ko ng makakausap at malalapitan at ganoon din naman ako sa kanya but I really can't see him more than that. Hindi ko talaga magawang pangyarihin ang gusto niyang mangyari sa amin dalawa at kung sino pa iyong kakakilala ko pa lang doon pa ako nahulog. Literal na ang pagmamahal walang pinipili, kung kanino unang tumibok doon ka talaga mahuhulog. Huminga ako ng malalim. "Elvin, kailan mo kaya matatanggap na hanggang dito lang talaga tayong dalawa?" tapatan ko nang tanong. "Ilang beses ko ba kailangang ipamukang hindi talaga tayo talo?" Hindi siya agad sumagot. lumapit siya sa akin at inilapit niya ang kanyang bibig sa tapat ng tainga ko saka pabulong na nagsalita. "Hindi ko magawang matanggap na hanggang dito lang tayo simula nang may mangyari sa ating dalawa. Tanda mo pa ba? 2 years ago, you gave yourself to your so-called best friend?" Literal akong nanigas sa kinatatayuan ko. Matagal ko na iyong kinalimutan at pilit na kinakalimutan! That was a mistake... isang gabing pagkakamali na sobra-sobra kong pinagsisisihan! "Simula nang mangyari iyon sa pagitan nating dalawa kailan man hindi na kita itinuring na kaibigan at ipinangako ko sa sarili kong abutin man ng mahabang taon, panahon magiging akin ka." Ganoon na lang ang labis na panlalambot ng mga tuhod ko nang ipaalala niya ang nakaraang nangyari sa amin na ang tagal-tagal ko nang kinakalimutan. Natulala na lang ako... hindi niya na dapat ipinaalala pa iyon sa akin na nagmistulang tunog pang-ba-black mail. Bagay na hindi p'wedeng malaman ni Rocco kundi sigurong kagagalitan niya ako... at ang masama pa kamuhian niya ako dahil sa lihim naming ito. "Kaya ako nakikiusap sa iyo, Remy na h'wag ang Kuya ko dahil ayaw ko naman lumabas na pareho ka namin tinuhog, naiintindihan mo ba?" His tone seems concerned kung hindi ko siya kilala baka maniwala pa 'ko. Maninindigan akong isa lamang iyong pagkakamali, lasing ako, nilasing niya ako nang husto hanggang sa hindi ko na alam ang ginagawa ko at nagawa na nga namin ang bagay na hindi naman dapat. Pinaningkitan ko siya. "Alam mong wala ako sa sarili nang gabing iyon. Kita mo nga na 'di na naulit, hindi ba?" matapang at patuya kong pambawi naman sa kanya. "Pasalamat ka kinakausap pa kita hanggang ngayon kung hindi ka lang nagmakaawang panatilihin ko ang pagkakaibigan natin malamang sa malamang hindi ka na nakakalapit sa akin." Umigting ang panga niya at kapwa pareho kaming nagkatitigang dalawa. Higit naming kilala ang isa't isa. Alam niya ang kapasidad ng isip ko na kapag sinabi ko ay sinabi ko na. "That night was the biggest mistake of my life baka nga sinadya mo pang pawalain ako sa sarili ko noong gabing iyon para masabing ikaw ang nakauna sa akin." "Pinagbibintangan mo ba akong may inilagay sa inumin mo?" tanong niya na pagak kong ikinatawa. "Hindi ako ang nagsabi niyan, ikaw," patuya kong sagot sa kanya dahilan para mas umigting ang panga niya. "Ang nangyari sa atin ay hindi ko ninais wala na ako kamalayan sa paligid ko kaya paano bang nagpaubaya ako sa iyo gayong hindi ko naman iyon intensyon at hindi ko naman iyon ginusto?" buo kong paninindigan na isa lang iyong pagkakamali. Ang nangyari sa amin ni Rocco kahit nakainom ako ay ginusto kong mangyari sa amin, pero ang nangyari sa pagitan namin ni Elvin ay labis na labag sa loob ko. Wala talaga ako sa sarili nang mga panahong iyon hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili kong inaangkin niya na he took my purity without my consent. Kaya paano ba naging pagpapaubaya iyon gayong sinamantala niya ang pagkakataon nang painumin niya 'ko? He's crazy and too desperate. Matagal na sanang tapos ang pagkakaibigan namin kung hindi lang siya nakiusap sa akin. I was really mad at him that time after it happened. Sa tagal at haba na rin ng pinagsamahan naming dalawa kaya ko lang siya nagawang patawarin matapos nang ginawa niyang iyon sa akin. "Ano, hindi ka makapagsalita?" may hamon kong tanong sa kanya at umabante sabay pinakatitigan siya. "Pasalamat ka talagang kinalimutan ko na iyon kung hindi tapos na pati pagkakaibigan natin at wala ka nang aasahan pa sa 'kin." Pinapakita ko lang na hindi ako pasisindak at padidikta, at sino ba siya para sabihin sa akin na h'wag ang Kuya niya? Tapos ibabalik niya ang nakaraan naming hindi ko naman intensyong mangyari sa amin? The nerve of him! "Wala kang karapatan diktahan ako kung sino mang gustuhin ko, kesyo Kuya mo pa iyan wala ka nang pakialam ro'n. Naiintindihan mo rin ba 'ko?" Hindi siya sumagot at nakatingin lang siya sa kin, wala siyang isasalungat sa mga sinabi ko dahil totoo lang lahat ng namutawi sa bibig ko. H'wag niya akong sinusubukan. "Kung nasasaktan kang hindi ko masuklian ang pag-tingin mo sa akin kasalanan ko pa ba iyon, Elvin?" patuya ko pang tanong dahil siya rin ang mapapaiksi ng pisi ko. "Rason din ba ito para ungkatin mo at ipaalala mo pa sa akin ang nakaraang iyon na hindi ko naman ginusto? You sound like you're using it para matali ako sa iyo at gamitin mo iyon para manipulahin ako na hinding-hindi mo magagawa sa akin, baka sa iyo ko pa gawin." Hindi ko gustong humantong sa ganitong usapan na saktan ko ang damdamin niya pero siya ang nauna. Nagpakawala siya ng isang mabigat na paghinga sabay nag-buga ng marahas na hangin. "Hindi ko ginustong mahalin ka ng ganito Remy." Sa lahat ng sinabi ko ito na lang ang naitugon niya. "Kasalanan ba ang ibigin ka?" May bahid ng sakit sa tono ng boses niya na ikinalamlam naman ng mga mata ko. "Hindi ko naman ginustong mabaliw sa iyo nang ganito." "Hindi kasalanan ang umibig ngunit kung mali na ang pamamaraan makakagawa ka lang ng kasalanan," sagot ko sa tanong niya. "Wala akong pakialam Remy... sisikapin ko pa rin mahalin mo at gagawin kong lahat-lahat ng makakaya ko para lang ibigin mo at hindi ako susuko hangga't hindi kita naipapanalo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD