CHAPTER 08

1776 Words
CHAPTER 8 SEDUCING THE COLD BODYGUARD “Bye daddy, mag-ingat palagi at tumawag ka sa akin pagkarating mo roon.” Paalala ko kay daddy, nasa airport kami at kasama ako sa naghatid kay daddy. Madaling araw pa lang at inaantok pa ako pero kailangan ko siyang ihatid para naman hindi magtatampo ang daddy ko sa akin. “I will, my baby. How about you? Are you sure that you're gonna be fine here?” Tanong ni dad habang nakayakap pa ako sa kanya. “Yes daddy, don't worry about me?" Napilitan akong ngumiti kahit deep inside talagang hindi ko nagustuhan na aalis si dad ng ilang araw tapos maiiwan naman ako. Nagpaalam na kami sa isa't-isa at ang akala ko ako lang ang uuwi sa bahay na mag-isa. Pero nagulat ako na nasa parking lot din siya naghihintay kung saan naghihintay ang driver. Nakasandal ang likod niya sa likod ng sasakyan habang may hawak na bote ng tubig. Iinom siguro pero dahil naramdaman niya ang presensya ko kaya napalingon siya sa akin. Humalukipkip ako at nakaharap malapit sa kanya. “Why are you here? Bakit hindi ka kasama ni daddy? Paano kung may mangyaring masama sa kanya at wala ka roon para ipagtanggol siya?” tanong ko sa kanya. Binuksan niya ang bote ng mineral at uminom habang nakatitig sa akin kaya napaatras ako ng kaunti at napalunok ng laway dahil sa mga mata niyang hindi ko mabasa kung ano ang nilalaman. "What? Mag titigan na lang ba tayong dalawa hanggang magpakita na ang araw?” Taas-noo kong tanong sa kanya. Tumayo siya ng tuwid at lumapit pa ito sa akin kaya mas lalo akong napapaatras sa ginawa niya. Hindi ko alam kung bakit sa dami-daming bodyguard ni dad, dito sa lalaking ito ako naiinis, nagagalit, kinakabahan at the same time, okay naman sa iba, pero sa kanya, ewan….basta gwapo siya oo pero hindi ko lang siguro nagustuhan ang pagiging cold niya eh. Parang yung ugali niya laging naka freezer sa sobrang tigas at malamig matagal bago matunaw ang yelo at maging tubig ulit. Parang ugali niya. “Tanungin nyo na lang po ang daddy niyo ma’am kung bakit ako naiwan sa Pilipinas.” Aniya. What? ma’am? Feeling ko ang tanda ko na kapag tinatawag na ma’am, mas lalo pa akong nainis sa ma’am niya na yan. Kung iba naman ang tumatawag sa akin na ma’am ay bakit hindi man lang ako na ooffend pero sa lalaking ito, parang gusto ko na lang lagyan ng band-aid ang bibig. Well, sa bagay tama na naman siya. I should ask dad na lang kaysa sa kanya pa ako magtatanong. Lalo at wala naman akong makukuha na sagot. “Ok!" Pagtataray ko at agad pumasok sa loob ng kotse, nasa backseat ako at sumunod din naman siya agad na sumakay sa harapan. Habang nasa biyahe ay tenext ko si daddy kung bakit hindi niya pinasama ang mas batang bodyguard sa kanyang lakad pero nakatanggap naman ako ng reply na meron na siyang maraming bodyguard at mas kakailanganin ko raw kahit ni isang bodyguard lang. Wala na akong magawa dahil nakaalis na si Dad at baka tama nga na kailangan ko nga siya, sana lang hindi sumakit ang ulo ko sa lalaking ito. But then, I smirked. Cause, why not? My dare pala kami ng mga kaibigan ko, lagi ko lang nakakalimutan, kailangan ko palang tuparin iyon dahil sayang naman ang halagang pera na two million, marami na ang pwedeng mabili at isa pa, kapag manalo ako ay ibibigay ko naman iyon sa charity na meron ako. Kaysa naman na ako pa mismo ang magbabayad at plus 1 million pa mismo? No way. Dati nanalo si Elora ng limited fashion bag na halagang two million kaya this time dahil ibang games naman ang gusto nilang ipagawa at minamalas pa, ako pa talaga ang napili sa taong ito. Pero isa na lang talaga ang hindi ako sigurado kung magtatagumpay ba ako sa plano ko, kaya ko bang paamuhin ang lalaking ito? Yes, no choice, siya na lang ang pag-asa ko at baka girlfriend pa lang naman niya yung nakita ko sa bar, paibigin ko lang naman siya sa akin and then after that sasabihin ko agad sa kanya na dare lang iyon, na hindi totoo na gusto ko siya. Tama-tama iyon na lang ang gagawin ko. Malay natin, maging mabait pa ako at hati kami sa milyones na yan. Napunta ang attention ko sa harapan kung saan nagmamaneho ang driver namin at dahan-dahan kong inilipat ang tingin ko sa rearview mirror at bigla akong natulala na nagkatinginan kami ni Jackson. Kanina pa kaya siya nakatingin sa akin? Agad akong umiwas ng tingin at binalik ang attention sa cellphone ko. Nagscroll nalang ako kung ano ang bago ngayon na chismis sa modeling o may naghahanap ba sa akin sa social media, ngunit sa ilang minutong pagsoscroll ay mabuti na lang na wala naman, kunsabaga tahimik ang buhay ko. Pinilit kong hindi makatulog sa buong biyahe dahil baka maulit na naman na kinarga niya ako. Feeling ko mabigat ako ngayon lalo at marami ang nakain ko kagabi at hindi pa ako natutunawan. “Pwede ba tayong dumaan sa drive thru, I need to buy something to eat kasi. I'm hungry. Thank you.” Pagkasabi ko ay dumungaw ako sa labas ng sasakyan, medyo madilim pa ang paligid pero kumikinang ang kalsada dahil sa mga ilaw ng mga sasakyan na kay aga bumiyahe. “Nandito na po tayo ma’am," narinig kong sabi ni kuya Nilo ang driver namin. Sinabi ko sa cashier ang gusto kong bilhin, nag-alok pa ako na pumili rin ang dalawang kasamahan ko para kumain din habang nasa biyahe, ako naman ang magbabayad, si kuya Nilo lang ang umorder dahil hindi raw nagugutom ang isa, walang iba kundi si Jackson. Bahala siya, sayang, inalok ko na nga at ako ang magbabayad pero ayaw niya ng libre. Hanggang sinabi ng cashier kung magkano ang total na binili namin. “Okay miss, wait lang." Ani ko at binalik ang attention sa inuupuan ko para hanapin ang bag ko. Pero kahit anong kapa ko ay wala akong nakita na bag hanggang nasapo ko na lang ang ulo ko dahil naalala ko naiwan ko pala iyon sa kama ko dahil sa pagmamadali na baka iwan ako ni dad, for sure pagtitinginan na ako ng dalawa. “Uhmm, pwede ba ibalik yung food natin?" Nagkatinginan sila. “I mean, naiwan ko pala sa bahay ang pitaka ko, I forgot to bring my belongings, that's why.” Mahinang sabi ko. Nakita kong may kinuha sa bulsa si Jackson at may inabot siya sa driver para maibigay sa cashier at pagkatapos binigay na ang food sa amin. "Kumain kana ma’am, hindi na po pwede ibalik ang inorder mo.” Si Jackson. "Ganun ba? Sige… uhmm. I'll pay you na lang later, pagdating natin sa bahay," sabi ko pero tiningnan niya lang ako sa rearview mirror at umiwas ng tingin at hindi na nagsalita. Napanguso na lang ako. Suplado naman. Kinagat ko ang chicken burger na inorder ko at hindi ko maiwasan na mapatingin ulit sa harapan ng salamin. Nakatingin ulit siya sa akin. Ngumuso na naman ako, baka gusto niya talagang kumain kaso kulang yung pera na pinabili n'ya. Inangat ko ang katawan ko para mapalapit sa kanya. Inabot ko sa kanya ang burger na kinagatan ko na, huli na para bawiin ko, “uhmm…you want?” Tanong ko sa kanya. Tiningnan niya lang ang burger na may kagat ko na at binalik ang mga mata sa akin. “Share tayo, sorry hindi ka tuloy nakabili na para sayo dahil ginastos ko ang pera mo. Don't worry I'll pay you later, pagkauwi sa bahay.” Sabi ko at dahil wala siyang imik kaya ilalayo ko na lang sa kanya ang kamay ko na may burger, tama nga naman, sino ang kakain na may kagat na, langya lang. Pero nagulat ako sa susunod niya na ginawa, hinawakan nya ang pulupulsuhan ko at kumagat siya ng burger ko kung saan ako kumagat. "Masarap.” Tanging nasabi niya at agad kong binawi ang kamay ko sa kanya. Para kasing nagsisi-akyatan ang kuryente sa buong katawan ko dahil sa paghawak niya pa lang sa kamay ko. Hindi pwede, dapat siya ang ma seduce sa aming dalawa, siya dapat ang mahulog sa bitag, hindi ako. Dahil ayaw niya ng kumain kaya uubusin ko na lang ang pagkain kaysa masayang. "I told you…masarap siya," sabi ko na lang at walang pagdududa na kinagat ko rin ang part na kung saan siya kumagat hanggang naubos ko itong kainin . Pagkarating sa bahay ay pilit ko siyang ipinapasok sa loob ng bahay, dahil gusto ko pang matulog at ayokong magkaroon ng issue na hindi pagbayad ng utang kaya mabuti na lang na sumama siya. Umakyat kami sa hagdanan papunta sa pangalawang palapag, pagkarating ko sa kwarto ko ay naghihintay siya sa labas at hindi na pumasok. Agad kong hinanap ang wallet ko at kumuha ng barya pero wala akong mahanap kundi dinala ko na lang ang isang libo. “Here, keep the change na lang." Sabi ko sabay abot sa kanya ng pera habang nakasandal sa may pinto. “Hindi ko matatanggap iyan, ma’am." Arte naman nito. Gusto mo pa, dalawang libo? “Why not? Gusto mo pa dagdagan ko, Nasa 300 below lang ang nagastos kanina sa burger, I guess.. then here it is, my p*****t with tip.” Sabi ko pero nakatitig lang siya sa mukha ko. “Huwag mo na lang po bayaran." Ani pa niya. May po pa, tanders ko na ba talaga? Calling me ma’am and po with this guy ay bakit hindi katanggap-tanggap. “Hah? So you mean, libre na iyon?” tanong ko at unti-unti siyang tumango. I smirked, totoo lang ha, parang maganda ang plano ko na ito, malay natin, in love na pala ito sa akin, then hello 2 million na ba, itech? Nagkatitigan kaming dalawa. “Ganoon ba, wow ang bait mo naman, may pa libre pa." Sabi ko sa malumanay na boses habang nasa balikat n'ya ang kanang daliri ko, kunwari may kinukuha na dumi at ngumiti sa kanya. "Thank you Jackson,” sabi ko sabay lagay ng kamay ko sa dibdib niya at tumingkayad para mahalikan siya sa kanyang pisngi malapit na sana sa kanyang labi. Pareho kaming nagulat sa ginawa ko kaya natulak ko siya at agad akong pumasok sa loob ng kwarto at walang pasabi na sinaraduhan siya habang nasa labas pa siya ng kwarto ko, naisandal ko ang likod ko sa nakasaradong pinto habang hawak ko ang dibdib ko na ngayon parang nagkakarera sa sobrang kabog. “What a move, Jazielyn."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD