CHAPTER 9 SEDUCING THE COLD BODYGUARD "Hi hello, napadaan ka sa office ko?” tanong ni Elora na isa sa may-ari ng D’ boutique dito lang malapit sa Paseo, Makati. Alas-tres na ng hapon na nakarating ako rito. “Nababagot ako sa bahay dahil umalis si daddy patungo sa ibang bansa kaya napadaan na lang ako dito since ito ang place mo ang malapit, after nito baka sa iba naman ako pupunta or depende kung pupunta sila rito sa boutique mo, I don't know kung hanggang saan ako sapian ng katamaran, ” kibit-balikat kong sabi habang isinandal ang likod ko sa sofa. "Ganun ba? Well, hindi na ako masyadong busy ngayon, pwede na tayong mag chika minute dito. Anyway, ano na ang balita? May proseso na ba doon sa dare natin? It's your time to shine my dear. Any improvement?” Dahil sa tanong ng kaibigan