CHAPTER 07

1295 Words
CHAPTER 07 SEDUCING THE COLD BODYGUARD “Huh? What daddy? Kakarating ko lang tapos aalis ka din? Eh di sana hindi na lang pala ako bumalik muna ng Pilipinas kung ganun naman pala," may pagtatampo ko na tanong kay daddy. Akala ko ba naman mananatili siya sa piling ko habang nasa Pilipinas pa ako tapos ngayon na andito ako saka pa aalis. “Pasensya na anak, biglaan lang din na plano na aalis ako, dahil na may kailangan akong asikasuhin sa Singapore. One month lang naman. Will you wait for me? You can go with me if you want. I don't mind.” "Dad, you know naman I hate politics, so dito lang po ako sa bahay. Maybe I'm going out with my friend again while waiting for you to come back home or maybe kung gusto nila na mag-over night dito sa pamamahay then I guess, much better.” Ani ko na agad naman niyang sinang-ayunan. “It's up to you iha, do whatever you want. I don't mind basta yung legal lang na paraan ha and of course no boys allowed. Can you promise me that?” "Of course daddy, no boys allowed, okay na po?" Ngiti ko sa kanya. "Di ba pwede na one week lang kayo doon? Bakit sobrang tagal yata.” Dami ko pang tanong kasi na cucurious ako kung ano ba ang gagawin niya doon sa ibang bansa. "My ka meeting ako with the leader sa isa ko pang work from Singapore and my projects din kami na need ng attention sa lalong madaling panahon. Kung may matapos agad then baka mas mapaaga ang uwi ko, be patient baby. I gonna miss you too, but I have to do this project para din naman ito sa lahat.” "Ganun ba? Sobrang busy mo naman daddy, nakapagpahinga ka pa rin ba niyan? Don't stress too much about work, daddy. Kaya ko naman po.” "Don't worry iha, iniinom ko naman ang mga gamot ko and other vitamins. Basta ingatan mo rin ang sarili mo." Aniya habang ipinagpatuloy ang pagbabasa ng dyaryo. Inaantok pa ako at may hangover dahil kagabi pero sinabayan ko si dad na mag-almusal bago siya pumasok sa kanyang office. “Okay, payag na lang ako but if you have time, don't hesitate to say hi or hello to me sa phone daddy kasi namimiss din kita, panigurado.” “I will iha, I will and please take good care of yourself too here, bawas-bawasan ang pag-iinom kung ayaw mo na laging binubuhat. Dapat tama lang na kaya mo pang maglakad.” Ngumuso ako at maya ay binalingan ko si daddy. "Binuhat mo ulit ako kagabi dad, paakyat sa kwarto? Thank you pero wait mabigat na ba ako? Para alam ko kung need ko na bang mag diet.” Sabi ko at baka sobrang bigat na pala ng timbang ko tapos lagi pa akong nagpapabuhat kay daddy ko. “I don't know hindi naman ako ang tumulong sayo magbuhat." “What? Hindi Ikaw? Eh di sino pala?" “Si Jackson, yung bagong bodyguard ko." Namilog ang mata ko sa sagot ni daddy. "What? Your bodyguard? You mean yung guy na sumundo sana sa akin sa airport?” Halos hindi ko na malunok itong hotdog na kinakain ko dahil sa nalaman. “Yeah, siya nga. Kapag nakatulog ka sa sasakyan at hindi ka magising kaya pinapabuhat na lamang kita. Hindi na kita kayang buhatin anak dahil malaki ka na, sorry for that.” "it's okay daddy, nagulat lang ako na akala ko ikaw pa rin ang bumubuhat sa akin pero ibang tao pala, nagulat lang ako.” The same time nahiya, hindi pa nga ako nakapagsorry doon sa nangyari sa airport tapos kagabi, tapos hindi pa ako nakapagthank you. Anong klaseng ganda meron ako? Nakakahiya naman na nagkaroon pa ako ng utang sa ibang tao. “Now I know, magpapasalamat na lang ako sa kanya mamaya." Pangako ko. Sinilip lang ako ni dad at pinagpatuloy ang pagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng kape. Ako naman ay kakatapos ko lang kumain at nanatili na lang muna na nakaupo habang nasa hapag pa si daddy. Maya-maya ay tumayo na rin siya at nagpaalam na sa akin na aalis na. “Take care dad, kung mabagot ako dito sa bahay baka bisitahin kita sa office niyo, wala naman akong gagawin baka manggulo lang," sabi ko sabay tawa naman ni daddy. "It's up to you iha. I don't mind. I have to go iha, ayokong ma late, take care of yourself too.” laging paalala ni dad sa akin, hindi talaga mawawala ang salitang ingat sa kanyang bibig. Kaya love na love ko ang daddy ko eh. "Yes dad.” Lumabas si dad ng bahay para pumunta sa garage. Sumunod ako sa kanya para magpaalam ulit. Agad naging alerto ang mga bodyguard at driver sa paglabas ni daddy. Nagulat pa ako na makita ang isa sa bodyguard niya na si Jackson ang pangalan. Napalunok na lang ako ng laway dahil sa muling pagkikita namin. Ang gwapo niya sa suit niya at siya lang ang mas matangkad sa lahat ng kasama ni daddy at bata? Hmm, paano kaya ako magpasalamat at sorry sa kanya? “I have to go iha, take care of yourself. By the way, may lakad ka ba mamaya? Aside sa driver, gusto mo ng bodyguard?" Alok ni daddy but I declined his offer, I don't need bodyguard kasi the more na meron ay baka the more na may manakit sa akin knowing na may kaya ang ama ko. I want to live a life na I'm free and comfortable whatever i do in every situation. “No need na dad, I'm not sure din kasi kung may lakad ang mga friends ko dahil nasa works sila. Maybe matutulog na lang muna ako buong maghapon, don't know.” "I see, sige bye iha.” Sabi ni dad at hinalikan niya muna ako sa noo. "Bye dad, take care always. I love you." “I love you more." Aniya at kumaway na lang kami pareho sa isa't-isa pagkasakay niya. Napaatras pa ako dahil sa biglaang pagsulpot ni Jackson malapit sa harapan ko para sumakay sa likod katabi ni daddy. Bali tatlo ang bodyguard ni dad at napapagitnaan siya. Bulletproof ang kanyang sasakyan kaya kahit papano ay panatag ako. Hanggang nakaalis na nga sila sa bahay, saka pa ako umiwas ng tingin na hindi ko na sila mahagilap. Bago sinarado ni kuya guard ang gate ay may nahagip ako na itim na sasakyan na nasa tapat ng bahay namin. Hindi makikita ang loob ng bahay namin dahil malaking pader ang nakaharang at hindi ka basta-basta makakaakyat kung may magtangka man dahil may live wire. Baka pagbaba mo nasa kabaong kana kinabukasan. Pagkasarado ni kuya sa gate ay sinilip ko sa may butas kung naroon pa ba pero wala na. Baka nagpark lang at nagpahinga saglit. Anyway sana mali ang nasa isip ko, binalewala ko na lang ang lahat, pinaalahanan ko naman ang mga tauhan ni papa na mapagmasid sa paligid. Pumasok na ako sa loob at pumanhik na agad ako sa kwarto ko para matulog ulit dahil may hangover pa ako. Habang nakahiga sa kama ay hindi ko mapigilan na maisip na binuhat niya ako. Gosh, ang bigat ko yata, baka nahirapan siyang buhatin ako kagabi pero tiniis na lang dahil nandyan si daddy? Baka mamaya nagrereklamo na pala iyon at nasa isip na niya na ibalibag ako. Agad akong bumaba sa kama at kinuha ang weighing scale na nakatago sa ilalim ng kama ko at tinimbang ko ang sarili at nasa tamang timbang naman ako, pero… pero… gosh, bakit ba kasi tulog mantika ako kapag nakakatulog na, ang hirap kong gisingin talaga. Di bale na nga lang, bukas magdadiet na talaga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD