CHAPTER 45 SEDUCING THE COLD BODYGUARD “Jackson? Kanina ka pa riyan?" Tumayo ako para lapitan siya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kapag nagtanong siya tungkol sa pinag-usapan namin ni Elora, about sa dare na iyan. Medyo malakas pa naman ang pagkasabi ng kaibigan. Ngumiti ito sa akin at inabot ang paper bag “Sorry natagalan, Miss Madden. Maraming pila kanina sa fast food.” Aniya. Kinuha ko sa kamay niya ang hawak na paper bag dahil nagpabili ako sa kanya dahil bigla akong nagutom. “Kumain na muna tayo bago umalis." anyaya ko sa kanya pero umiling lang siya. “Busog pa ako, doon lang ako sa labas, sa may parking area maghihintay sa'yo. Text mo na lang ako.” Malambing nito na wika sa akin kaya napangiti ako. Mabuti na lang at wala siyang narinig sa pinag-usapan namin ni Elora. Ma