CHAPTER 46 SEDUCING THE COLD BODYGUARD (Slight yata to na spg haha) Dahil sa sinabi ni daddy ay hindi ko na muna pinapunta si Jackson sa kwarto ko para matulog dahil baka maabutan niya kami na nasa kama at magkatabi na natutulog. Panay iyak ko na lang at umabot yata ako ng madaling araw bago nakatulog. Tanghali na nagising ako at wala sa sariling bumangon i. Matamlay ako lalo at noong bumaba ako ay sabi ng kasambahay na umalis daw si daddy at ang girlfriend niya, ang masaklap lang ay isinama nila si Jackson para maging bodyguard. Tsk “Teka iha, umiiyak ka ba? Namumugto yata ang mga mata mo? Bakit? Hindi ka ba nakatulog kagabi? Naninibago ka ba?” Sunod-sunod na tanong ng mayordoma namin sa bahay na matagal na rin na naninilbihan. "Wala po ito manang Lyn, napuyat lang yata ako tungkol