CHAPTER 44 SEDUCING THE COLD BODYGUARD “Ano na? Bakit hindi ka makasagot agad? Or let me say, bakit matagal ka makasagot diyan? Iniisip mo pa, ano?” Napapangiti na lang ako sa mga tinatanong ko sa kanya dahil bigla ba naman namutla si Jackson at panay inom lamang ng tubig kaysa sagutin agad ang mga katanungan ko sa kanya. Napaawang ang bibig niya na nakatitig sa akin na parang nahihirapan na magpaliwanag. Tumikhim ito bago nagsalita. "Walang nangyaring iba Jazzy, halik lang naman iyon at fling lang parang ganon at saka hindi ako nakikipag relasyon ng iba habang tayo na Jazz.” Talagang nahihirapan niya na paliwanag. Dahil hindi ko na mapigilan kaya tumawa na ako, awang-awa na ako sa mukha n'ya na hindi alam kung paano sabihin sa akin na hindi ako maging dragon sa harapan niya. “Gano