CHAPTER 06

1233 Words
CHAPTER 06 SEDUCING THE COLD BODYGUARD “Anong ginagawa mo?" Tanong ng bodyguard ni dad sa akin kaya napairap ako. "Alam ko na hindi ka bulag at nakita mo iyon, binastos ako ng tao kaya ano sa palagay mo ang gagawin ko? Naghanap lang ako ng tamang paraan para makaalis siya kaya sorry na ginamit kita at saka pa di ba obligado mo ako dahil anak ako ni daddy na binabantayan mo?” Sambit ko sa kanya. Nasa labas kami ng parking lot, yung iba nagsasayawan pa sa loob ng bar pero ako? Ito at nakikipagbangayan pa sa bodyguard ni daddy. He smirked, “Miss, sa pagkakaalam ko hindi ko duty ngayon. So, ibig sabihin hindi kita obligasyon.” Aniya kaya natamimi ako doon pero agad ding nakabawi. "Anong ibig mong sabihin? Bodyguard ka ni daddy kaya why not, hindi ba pwede iyon na tulungan mo nalang ako?” tanong ko habang nakapamewang na nakatitig sa kanya. Ang gwapo niya pala talaga, nung una ko siyang nakita ay hindi ko binigyan ng pansin at ngayon lang na malapit kami sa isa't-isa ay klarong-klaro sa akin ang matangos niya na ilong, makapal na kilay at… kissable lips din. Naka white long sleeve siya na polo at tinupi niya ang manggas hanggang siko. Bagay din sa kanya ang suot niya na black pants at pinarisan niya ng white shoes. Kung bagay sa kanya ang nakabodyguard uniform ay mas lalo na pala ang suot niya ngayon na simple lang pero may dating. Kung tutuusin ay pwede siyang maging isang modelo. Pinilig ko ang ulo ko at kung bakit siya pa ang naiisip ko ngayon, sino ba siya at para mapunta sa kanya ang atensyon ko? Baka sabihin niya na pinagpapantasyahan ko siya. Never… never naman. “Bakit may tip ka bang maibigay sa akin kung sakali nagtatrabaho ako sa'yo na dapat ay wala na?” Sambit niya, kapal din ng mukha nito. "Don't worry, magkano ba ang gusto mo na amount at babayaran kita agad-agad para wala na tayong problema, do you have bank account?” Tanong ko habang nakatingala sa kanya. Pinagmasdan niya lang ako ng mariin at maya-maya ay nag-iwas siya ng tingin. “Hindi iyan ang gusto ko." Mariin niya na sabi at agad umalis sa harapan ko. Agad akong tumalikod para habulin siya. Papasok ulit siya sa loob ng bar kaya inunahan ko na. “Wala kang karapatan para talikuran ako, nag-uusap pa tayo. Pero dahil mabait ako ngayon, pagbibigyan na lang kita, naiintindihan mo!? Excuse me." Sabi ko sabay irap sa kanya. Para ganun lang ang ginawa ko sobrang big deal na sa kanya iyon. Nagpakilala lang ako na boyfriend ko siya para makalayo sa ex ko tapos ganyan siya makaasta. Mainis ako sa kanya at baka mapalayas ko siya sa puder ng aking ama. “Oh ano na? Nakabingwit ka na ba ng bodyguard na aakitin mo sa ating mission?” Bigla kong nasapo ang noo ko dahil ngayon ko lang naalala. Chance na pala iyon kanina na mapalapit sa akin ang bodyguard ni daddy na Jackson ba ang pangalan no’n para sa two million tapos ngayon, ito ako at inaway ko pa. Mukhang wala naman yata yung girlfriend, mukha lang ha. “Hindi pa eh, ang hirap mag-isip kong sino sa mga bodyguard ni daddy ang pwede kong maging biktima para sa halagang two million na yan. Ang hirap kaya ang ipaagagawa niyo sa akin sa totoo lang dahil ako pa ang magseseduce sa kanya kung sino man yan eh hindi ako yan eh, dapat Mariang Clara tayo eh.” Reklamo ko sa kanila pero tinawanan lang ako. Walang hiya naman ang mga barkada ko. Umuwi ako ng Pilipinas para mag-unwind, binigyan naman tuloy ako ng problema. Agad kong kinuha ang baso na may lamang alak at agad ininom, hindi pa ako nakuntento at dinagdagan ko pa talaga. Hanggang naramdaman ko na na parang nahihilo na ako. Naalala ko na naman kung paano ako niloko ng ex ko kaya ako nakipaghiwalay sa kanya. Nakakagago lang eh. Paano ba naman kasi, imbes siya ang ma surprise sa aming dalawa ako naman tuloy ang nasurpresa dahil may ka ungol siya na ibang babae sa mismong apartment niya. Mabuti na lang at hindi ko binigay ang virginity ko sa kanya kundi kawawang sisiw ako nito. “Inom pa tayo, alak pa more. Let's get wasted, my dear ex." Sabi ko sa kanila. Inangat ko ang baso ko at sa pag-angat ng kamay ko ay natanaw ko ang bodyguard ni daddy. Nasa kabilang table din siya habang may kasamang mga kainuman din. Dahil nakatitig siya sa akin kaya pinandilatan ko s'ya ng mga mata sabay irap. Hindi ko na siya tinapunan ng tingin at ma boboysit lang ako sa pagmumukha niya. Pero wait, di ba dapat maging nice ako sa kanya dahil, di ba? Ito na ang simula para unang mission. I'm going to seduce my daddy's bodyguard. I smirked, tama… tama, pero tang'na lang. Galit ako sa kanya ngayon, sobrang galit kaya next time na yang dare na yan. Pumunta kami ng dance floor at sumayaw kasama ang mga kaibigan ko. Bukas ko na indahin ang sakit ng ulo ko, dahil na miss ko ang mga kaibigan ko kaya sumayaw muna kami ng sumayaw, dahil bawal ngayon ang killjoy. “Igiling mo pa, ex. Iyan nga!" Hindi ko na alam kung sino ang sumisigaw basta ipinagpatuloy ko lang din ang paggiling ng giling ng katawan ko at hanggang sa nagsawa na kami sa kakagiling lalo at masakit na rin itong balakang ko. Hindi naman kasi ako dancer eh. Dahil napagod na kami sa dance floor ay maya-maya pa ay bumalik na kami sa upuan namin at pinagpatuloy na naman ang inuman at kwentuhan. Dahil sa sobrang lasing na naming magkakaibigan kaya tumigil na kami at umalis sa vip table. Pagiwang-giwang pa kaming naglalakad habang nasa labas kami ng parking lot para maghintay na lang ng masasakyan kaysa magmaneho pa kami na sobrang lasing na namin lahat. Baka sa presinto o hospital ang bagsak namin nito. “Sumakay na kayo. Libre lang ito mga Miss." Agad kaming nag-iwas ng tingin at lumayo dahil sa biglaang pagsulpot ng sasakyan sa harapan namin at may mga sakay na puro kalalakihan. Umaksyon pang bumaba ang isa kaya bigla kaming kinabahan. May isa na namang pick-up ang pumarada sa harapan namin at bumukas ang pintuan ng sasakyan. “Pasok kayo." Anito. Dahil kilala ko siya kaya agad kaming sumakay na magkakaibigan. “Gosh kamuntikan na iyon, sino ba ang mga iyon bigla tuloy akong na takot.” Saad ni Elora sabay hawak sa kanyang dibdib. “Wait! Safe ba tayo dito kay kuya driver ha Jazielyn, bigla ka lang kasing pumasok sa sasakyan niya, sorry kuya ha, naniniguro lang kasi yung kanina hindi sigurado ang mga mukha no’n.” Sambit naman ni Anghelita. "Oo, kilala ko siya kaya huwag kayong mag-alala.” Sabi ko kaya napanatag sila. Sinabi ko sa masungit na lalaki na ito ang address ng mga kaibigan ko at hinatid sila sa kanilang pamamahay hanggang sa kami na lang ang natira sa loob ng sasakyan niya. “Salamat!" Iyan lang ang nasabi ko at napapikit na ako ng mga mata ko dahil sa sobrang antok kaya nakatulog ako, panatag na dahil alam naman niya kung saan ang pamamahay namin. Pwede niya akong ipabuhat kay daddy, malakas pa iyon para dalhin ako sa aking kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD