CHAPTER 47 SEDUCING THE COLD BODYGUARD For one week na umalis na si Jackson patungo sa probinsya nila ay wala akong gana na magtrabaho, wala akong gana na kumilos parang hindi masaya na paggising mo sa umaga ay wala ang tao na gusto mong makita. Nababaliw na yata ako, kahit nakausap ko naman siya kagabi through video call ay talagang parang kulang pa rin lalo kung wala siya mismo sa harapan ko para mahawakan man lang kahit ang kamay n'ya lamang. Sobrang namimiss ko na siya. “Ayan kasi, kung hindi mo sana binigay si mareng V mo ay hindi ka nagkaganyan." Bigla naman akong ngumiwi sa sinabi ni Sabrin. “Huh? Ano naman ang connection sa pagkawala ng virginity ko sa pagkamiss ko sa kanya–aww bakit ka nambabatok?” Ang hilig mambatok ng babaeng ito. Nakakainis na masyado ay joke lang pala