CHAPTER 05
SEDUCING THE COLD BODYGUARD
“Ay ang ganda nga, walang kupas at ang sexy pa rin natin ngayon ah.” Wika ni Elora, ito ang bungad niya sa akin, kakaupo ko pa lang sa pa bilog na couch.
Nasa vip room kami ngayon sa kilalang bar ng bandang Elizcalde.
“Maganda tayo lahat kaya salamat sa compliment mo ex. " Sabi ko at umorder sa waiter na naroon sa room ng drinks na para sa akin.
“Kamusta na may nabingwit na ba na bago?" Si Sabrin.
Teka lang, dumating lang ako tapos ako pala ang gigisahin nila ng tanong at isang sagot. Cannot be.
“Grabe sila oh, excited lang malaman ang buhay ko ha, nakakaloka na kayo. Pero of course sasagutin ko iyan para safe na ako at hindi niyo na ako kukulitin. Until now, wala pa rin, focus pa si ex niyo sa rampa at photoshoot sa ibang bansa.” Sagot ko with confidence at kinuha ang glass of wine at itinapat sa bibig ko at ni isang lagok lang ang wine.
Nalasahan ko agad ang pait ng ininom ko kaya nalukot ang mukha ko. “Kayo, ano naman ang drama niyo sa buhay habang wala ako sa Pilipinas?" Tanong ko sa kanila.
“Ito, engaged na!" Pinakita ni Anghelita ang kanyang engagement ring.
"Congratulations ex sayang at hindi ako nakarating dahil sa sobrang busy nga nung time na yan. Sa kasal niyo na lang ako babawi.”
“No problem ex."
"Ako, walang bago, walang luma, nasa gitna pa rin ng mga pangarap.” Saad naman ni Jonnaliz.
Napatingin kami sa kanya. Tahimik lang kasi itong babae na ito pero kung magsalita lalo kapag lasing na ay wala ka ng magagawa kundi ang makinig sa kanyang rant sa buhay.
"Ayos lang iyan, basta ipagpatuloy mo lang ang nasimulan mo, magiging proud ka rin sa sarili mo balang araw.”
"Aww, kaya gusto ka naming nandito sa Pinas Jazielyn dahil ikaw ang naging inspiration namin sa malungkot na mundo eh,” sabi naman ni Elora na mas bata pa sa aming magkakaibigan.
“Ipaalala ko lang sa inyo na hindi ako adviser niyo ha na lahat ng problema at kaganapan sa buhay ay may magagawa ako, pakikinig sa inyo ay meron pa akong ambag," Sabi kl kaya natawa sila.
“Of course naman, cheer!" Sabay angat ni Anghelita ng wine glass at sumunod din kami.
“Cheer, mga ex!"
“Sayaw na tayo sa dance floor para naman mai bandera natin ang kagandahan nating taglay at ang talent natin sa paggiling kahit puro kalahati ang ating mga paa.” Sabay tayo ni Sabrin. Kaya sumunod kami. Bumaba kami galing sa second floor patungo sa dance floor.
“Sayaw.. giling… “ wika ni Jonnaliz at sinunod naman namin. Hindi rin kasi ako marunong sumayaw kaya sumasabay lang ako sa kanila kung paano nila giniling ang kanilang mga katawan kasabay ng pag-indayog ng musika.
Habang sinasabayan ko ang mga kaibigan ko ay tumingala ako at hindi ko sinasadya na mapunta ang paningin ko sa lalaking nasa second floor, nakatukod ang kanang kamay niya sa railings habang may wine glass na hawak sa kaliwang kamay habang nakadungaw sa dance floor.
Ito ang bodyguard ni daddy. Bakit siya narito? Binabantayan niya ba ako? Or nandito siya para maningil ng utang sa akin dahil sa nangyari kaninang madaling araw.
Tatago na sana ako pero nagkatinginan kaming dalawa at wala na siyang ibang ginawa kundi ang magtitigan kami. Sumayaw ako na parang wala lang siya pero nandyan talaga siya, nakadungaw pa rin sa akin. Naalala kaya niya ako? Impossible naman, baka hindi na. Saka na ako umiwas na makita siya na may lumapit na babae sa kanya at niyakap siya sa likuran. Girlfriend niya? Edi wow.
Inikot ko ang mga mata ko at hindi na siya tinapunan ng tingin. Gusto niya ba ng sorry? Ibibigay ko iyon sa tamang panahon. Umamin din naman siya na may kasalanan ang bodyguard ni daddy at sa tingin ko na patas lang kaming dalawa. Ginulat n'ya ako at iyon lang ang tangi kong gawin kaysa matagpuan akong wala ng buhay sa gilid ng kalsada.
“Move your body ex, huwag mo muna isipin ang mga ex mo na walang kwenta. Enjoy lang natin ang buhay single. Yeah.’’ medyo pasigaw ni Anghelita. Pasalamat ka at engaged kana. Kaya mas lalo pa naming pinagiling sa dance ang katawan naming lima para baka dito namin makalimutan ang mga ex namin.
At ng mapagod na sa kakasayaw ay agad kaming umakyat sa second floor para ipagpatuloy ang pag-inom, halos hinihingal kaming nakabalik sa couch kaya pinakalma muna namin ang sarili bago uminom ulit. “Habang gising pa ang diwa natin ay kailangan may maisip tayong games. Dare ulit? Games? Sayang malaki pa naman ang pa premyo natin worth 2 million pesos coming from me pero kapag hindi nagawa ang dare na ito for six month na kung sino man ang matapatan ng bote na ito ay siya ang magbabayad ng 2 million plus 1 million, eh di 3 million na yan. Ano games?” Paliwanag ni Sabrin.
Hindi ko alam kung bakit naging deal ito sa amin every year may pa dare kami at mabuti naman hindi pa nakatuon ang bote sa akin.
“Ano ba ang dare natin ngayon?" Tanong ni Jonnaliz na ngayon ay mapupungay na ang mga mata dahil siguro sa na inom na alak.
“Hmm, what if? What if? Yes, alam ko na! Dahil tayong lima ay may mga bodyguard sa bahay o bodyguard ng mommy at daddy niyo. Kaya ang dare natin ay seduce your bodyguard na wala pang asawa ha for one month or two month. Deal or no deal?’’ ha? Jusko.
“Deal!" Sabay nila na sabi. Sino namang bodyguard ang aakitin ko? Wala akong maisip eh. Bahala na, hindi naman ako mapipili niyan, for sure na-
"Jazielyn! Sayo nakatapat." Biglang tili ni Elora kaya tiningnan ko ang bote na pinaikot at sa akin nga nakatuon.
“Hala! Okay lang kayo? Wala akong maisip dahil may mga asawa na ang bodyguard ni daddy at baka may girlfriend na ang iba’’ yeah, tama may mga girlfriend na ang mga iyon. Lalo na yung lalaki na nakadungaw sa kin kanina at nagawan ko pa ng kasalanan, may jowa na iyon malamang dahil kitang-kita ng mga mata ko.
“Walang jowa.. jowa sa challenge na ito. Jowa pa lang naman. Akitin mo lang at kapag naakit mo na ang bodyguard mo at nararamdaman mo ng nagustuhan ka na niya ay saka ka pa lalayo habang maaga pa at hindi ka ma inlove sa kanya kung maaari, oh di ba? Easy lang yan mareng ex Jazielyn. Sayang ang 2 million kahit marami ka namang pera yata kaysa sa amin. Or gusto mong magbayad ng 3 million? Walang problema rin iyan lalo at mukha kaming pera. Nahirapan man ako dati pero nagawan ko naman ng paraan at sana ganun din kayo." Paliwanag pa lalo ni Anghelita.
“Gosh mababaliw ako sa inyo. Pwede pag-isipan ko muna?” Tanong kong nahihirapan.
“Okay, 12 hours lang and then dapat alam na namin ang tamang sagot mo, think wisely my dear ex." Ang ikli naman magbigay ng oras ng mga ito kaya napailing na lang ako. Bakit pa kasi sa akin pa nakatuon ang ulo ng bote na yan. Nakakainis tingnan.
“Sige, pupunta na muna ako sa restroom at naiihi ako sa inyo.” sabi ko sabay tawa nila.
“Cheer up, Jazielyn!" Lumalabas na ang mga witty side ng mga kaibigan ko dahil sa alak pero ang dare for sure hindi yan makakalimutan bukas at patuloy pa akong nireremind.
Makalimutan lang ang ex basta wag lang ang isang dare. Ganun siguro ang mga motto ng mga kaibigan ko na ito.
Habang umiinom pa ang mga kaibigan ko sa second floor ay bumaba na muna ako para mag restroom. Pero laking gulat ko na may humatak sa braso ko pagdating sa walang kataong-tao na pasilyo.
“Babe, kumusta? It's me." Agad kong hinatak sa kanya ang kamay ko palayo at matalim ang tingin ko sa kanya.
“Alam ko kung sino ka at kumusta? Sa tingin mo, maayos na ba ako o hindi pa, dahil sasagutin kita para maliwanagan ka, maayos na ako at huwag kang mag-alala hindi na ako naghahabol sa'yo. Salamat na lang sa lahat-lahat na kasinungalingan mo.” Sabi ko at tinalikuran siya pero bago pa ako makalayo ay hinatak na naman niya ako pabalik sa kanya. "Ano ba? Bitawan mo nga ako. Baka makita ka ng boyfriend ko at ano pa ang gagawin sayo.”
“Boyfriend? Last time I checked, wala kang boyfriend-"
“Meron!" Sigaw ko sa pagmumukha niya.
Tumawa siya na parang nang-iinsulto, problema nito. “Kung meron then nasaan siya ngayon? Kahit siguro sapilitan kitang dalhin sa kotse ko ay walang tutulong sa'yo dahil hindi totoo.” kinabahan ako sa sinabi niya pero hindi ko pinapahalata instead ngumisi ako.
“Ganun ba? Darling! I'm here.”
Nakita kong paparating ang bodyguard ni papa sa amin kaya agad akong lumapit sa kanya at pinulupot ang braso ko sa braso niya kaya nagulat siya. Ngumiti lang ako at binalik ang attention sa ex ko.
“See that? Nasa harapan mo na siya, meet my boyfriend, Jackson…uhmm.. Jackson Santos.” s**t, sana tama ang pangalan na minention ni dad kagabi.