CHAPTER 04

1573 Words
CHAPTER 04 SEDUCING THE COLD BODYGUARD Habang nakapikit pa ang mga mata ko ay dahan-dahan akong bumangon. Pero agad ding ibinalik ang katawan sa pagkahiga dahil wala pa akong gana na bumaba sa kama. It feels like, ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa isang taon na nakafocus lamang ako sa goal ko na maging modelo. Ang sarap pa ring matulog at isa pa namimiss ko na ang kama na ito kaya lubos-lubusin ko na. I love white color kaya halos ang kulay ng kwarto ko ay white or creamy white. Simple lang ang design o anik-anik sa loob. Ayoko kasi na maraming mga gamit sa bahay, feeling ko wala akong space. Feeling ko lagi akong sinasakal kapag maraming kung ano-anong dinedisplay sa bahay lalo na sa kwarto ko. Books at dalawang halaman na nasa paso are enough for me. Dahil hindi ko pa ramdam na bumangon at naka on pa ang aircon sa kwarto kaya bumalik ako sa pagtulog at paggising ko ay alas tres na pala ng hapon. Mabuti na lang na hindi ako ginising ni dad para kumain na muna. Or baka tulog pa rin si daddy ngayon? Nakabukas lang ang mata ko habang nakatitig sa kisame ng kwarto ko habang nakatihaya pa. Hindi ko pa tenext ang mga barkada ko na umuwi ako kaya magugulat iyon. For sure invited na naman ako sa isang inuman sa bar at ang ending ako ang magbabayad. May kanya-kanya naman kaming mga trabaho pero kapag sino ang matagal na nakipagkita ay siya ang gagastos or kung sino ang magyaya. Pagmomodel kasi ang kinuha ko. Minsan kapag busy si dad o hindi makapunta ay nasa office niya ako. Wala naman akong ginagawa roon kundi maging tambay at mag-utos sa secretary para magtimpla ng kape. Feeling ko nga magmamarites lang ako roon sa office para malaman kung na nagtatrabaho ba ang mga empleyado ni dad kahit hindi naman talaga iyan ang purpose ko. Isang vice mayor ang daddy ko kaya marami rin siyang bodyguard. Halos yata ang pamilya ni dad ay nasa pulitika at ako naman hindi ako mahilig sa mga ganyan, nagbibigay naman ako ng tulong na hindi na kailangan pang ipakita sa media. Mayroon akong charity na tinulungan every month at sa nakikita ko naman, maganda naman ang naiambag ni dad sa pagiging public servant niya. Wala naman akong kaalam-alam sa ganyan dahil hindi ko naman pinag-aralan at pagiging model lang talaga ang gusto ko, hindi ko rin ginagamit ang pag momodelo ko dahil may ama ako na nagsisilbi sa bayan. That's a big big no for me. Pero lagi ko pa ring iniisip ang safety ng daddy ko lalo at nasa pulitika ang pinasukan niya na trabaho. Kahit may bodyguard pa siya ay hindi pa rin maiiwasan na kabahan ako. Speaking of bodyguard, hay meron pa palang akong atraso sa bodyguard ni daddy. Nandiyan kaya siya? But dad said na huwag mo nang pumasok dahil di ba, late na rin siyang nakauwi. Well ano ba naman ang salitang sorry, kaya ko yan. Kapag makita ko siya mamaya, magsosorry na agad ako para tapos na. Sana tanggapin niya ang sorry ko, lalo at grabe s'ya makatitig sa akin kagabi na para niya akong sasakalin dahil sa ginawa ko sa kanya kapag hindi ako nagsosorry. Pagkatapos kung maligo at magbihis ng long t-shirt at short pants ay agad akong lumabas ng kwarto ko. Sinabi ng katulong namin na nasa garden daw si papa at kakagising lang kaya agad akong lumabas para sumabay ng kumain kung hindi pa siya kumakain. Sa garden pa lang at pakiramdam ko maganda ang araw ko ngayon kahit hapon na nagising dahil nasa bahay na talaga ako at balik buhay Reyna kung sa baga. Hindi tulad na nasa ibang bansa ka, kahit sabihin na may P. A ako ay hindi pa rin madali makisabayan lalo at hindi mo naman nakasanayan kung anong meron dito at sa ibang bansa. Trabaho… trabaho talaga at walang Yaya Yaya. Napangiti ako na makita ko si daddy habang nagbabasa ng libro at nakaharap sa pool. “Daddy, good afternoon." Lumingon siya sa gawi ko at ngumiti. Agad ko siyang nilapitan at niyakap. "Good afternoon my baby girl. How's your sleep, iha? Did you sleep well?” tanong ni dad. “Yes dad, finally at home na talaga ako, hindi tulad sa ibang bansa hindi ko alam kung nakakatulog pa ba ako ng normal kahit sabihin natin na nasa hotel naman at expensive pa. Iba pa rin ang pakiramdam na nasa kwarto ka talaga na nakasanayan mo na.” "Sabi ko na sayo eh, kung hindi kita pinilit ay talagang hindi ka uuwi, lalo ngayon na alam ko na na mas matimbang sayo ang bahay natin kaysa sa iba. Pwede ka na ngang huwag na munang magtrabaho dahil pwede naman akong gumastos muna but of course I know you. You are one the hardworking person na nakilala ko and I'm so proud of you. Gusto mo na bang kumain para sabay na tayo? Nagpahanda na ako ng pagkain ko dahil akala ko mamaya ka pa gigising at dahil hindi na mainit dito sa garden ay dito na lang tayo kakain?” Suggestion ni dad kaya tumango ako. Umupo ako sa bakanteng upuan na rattan at kinuha sa ibabaw ng maliit na mesa ang magazine na kung saan ako ang cover. “How about you, dad? How are you, lately? About your health and being a vice mayor?” Tanong ko habang binubuklat ang panlimang magazine na ako ang cover. Unang page pa lang, ang mukha ko na agad ang bumungad. Nagpopose ako ng mga bags dito habang nakatingin sa iba't-ibang direksyon at camera. Tumikhim muna siya. “Tungkol sa akin? Mmm. Busy ang daddy pero nasasanay naman so don't worry about me. Lagi naman akong pumupunta sa doctor for my health and of course masaya naman ako sa ginagawa ko bilang public servant.” aniya. Binalik ko sa mini table ang magazine dahil nakahanda na ang pagkain sa gazebo. Tumayo ako para alalayan si daddy patungo sa mesa. “Mabuti naman kung ganun dad, kahit papano ay hindi ka mabagot dito sa bahay. But of course, if you need something, anything, don't hesitate to call or text me even if I'm not around, okay?” “Kahit busy ka na, lagi kang may time sa akin anak kaya nagpapasalamat ako na dumating ka sa buhay ko.” nalukot na man ang mukha ko. “Dad, kakagising lang natin, wala munang iyakan." Sabi ko kaya natawa kami pareho. “Sabi ko nga. Let's eat at talagang nagugutom na ang daddy mo." Pagkasabi niya ay agad kaming umupo sa hapag-kainan at masayang nagkukwentuhan kung ano ang nangyayari sa akin sa labas ng bansa at kung saan-saan ako nakakarating. Dati kasi, sinasamahan ako ni dad pero dahil isa na siyang ganap na vice mayor kaya minsan na lang niya akong nabibisita sa ibang bansa, lalo kapag runaway na ang event pero kung mga photoshoot lang naman ay nagvivideo call lamang kaming dalawa. “Matagal ka na sa ibang bansa, may napupusuan ka na ba? O humahabol ka parin sa ex mo na walang kwenta’’ kamuntikan ko ng mailuwa ang bacon na nasa bibig ko dahil sa sinabi ni dad. “Dad… bakit naman nasama sa usapan natin ang walang kwenta na iyon. Wala na po kami, literal na ex na ex ko na po siya kaya don't worry, pero kung tatanungin mo ako kung may bago, well wala pa naman dahil you know naman about me, na mas dedicated pa ako sa trabaho kaysa ang makipag lovelife muli. Pinagpahinga ko lamang muna sa ngayon ang puso ko para hindi sagabal sa trabaho. Kung may darating man, then thank you kung wala then next… “ kibit-balikat ko na sabi kaya natawa si daddy. “Mana ka talaga sa akin, anak. Basta, lagi mo lang tatandaan na nandito lang si daddy sa tabi mo hangga't maaari. Financially and emotionally maasahan mo ako, okay?” "Of course daddy! Thank you and I love you so much.” ani ko at hinalikan siya sa pisngi. Dahil gusto ko pang kasama si daddy kaya hindi muna ako umalis sa garden namin hanggang sumapit na lang ang gabi na nag-uusap pa rin kami at kumain ng dinner. Pagkahatid ko kay daddy sa kwarto niya dahil inaantok na ay saka ko pa nilabas ang cellphone ko para tawagan ang mga kaibigan ko. Through video calls. Para lahat makausap ko na sa isang tawagan. Lima kasi kaming magbabarkada na mahilig sa gimik. Of course, may kanya-kanya na kaming mga trabaho at para makabonding ulit kami it's either nasa bar kami o di kaya nasa bakasyon. Pero dahil one year din akong wala sa Pilipinas kaya lubos-lubusin ko na. “Hey!" "uy, hi ex,’’ yeah, simula noong highschool ang tawagan namin ay ex. “Guess what?" Tanong ko sa kanila sabay pakita ko na humiga ako sa kama dahil alam na nila kung saan ako ngayon. “ What the! Nasa bansa ka na? Kailan pa?" “Uy, nandito ka na pala, buti naisipan mo pang bumalik sa bansa natin." “Don't say, uuwi then babalik na naman yang pagstay mo sa Pinas, ex?” Ngumiti ako habang nakaharap sa camera. "Kung gusto niyo na sagutin ko ang mga katanungan niyo ay dapat nasa-” “Bar!" Sabay-sabay nila na sigaw. Kaya napailing nalang ako dahil alam ko na ito. "Then let's go to the bar, later alligator.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD