CHAPTER 03
SEDUCING THE COLD BODYGUARD
“Isalaysay niyo na po Miss kung ano ang nangyari." Natamimi ako dahil sa sinabi ng imbestigador sa akin tungkol sa nangyari kanina kung paano nauwi sa ganito. Ilang beses akong napalunok ng laway dahil sa kaba. "Okay lang iyan, Miss, walang mananakit sayo dahil nasa presinto ka ngayon kung natatakot ka. Kami ang bahala sa'yo.” Pamimilit pa ni mamang pulis.
Kung alam mo lang kuya.
Tiningnan ko ang lalaki na bodyguard ni papa at permi lang itong nakaupo sa may silya na plastic na parang wala lang sa kanya dahil parang wala naman talaga pala ang nangyari, damn it. Pinapahiya ko lang pala ang sarili ko.
"Uhmm-”
"Baby girl? Where's my baby?” Narinig ko ang boses ni daddy kaya agad akong na patakip ng mukha. Baby pa nga ang tawag, ang laki ko na. And I told Dad na huwag na lang pumunta dahil ako na ang bahala na ayusin ang problema ko. Pero hindi pala nakikinig.
Mahal talaga ako ng daddy ko.
Tumayo kaming dalawa ng binata pero agad namang pinigilan ng pulis ang lalaki na ngayon ay nakaposas pa rin. Matalim ang mga mata nitong nakatitig sa akin kaya agad akong umiwas. s**t lang! Bakit ang gwapo niya sa paningin ko. Hindi naman ako lasing.
Agad akong chineck ni dad. “Baby? Are you okay? Hindi ka ba sinaktan? Nasaan? Nasaan siya at ipapakulong natin? Jackson, nasaan ang gumawa nito sa anak ko? Ituro mo sa akin kung sino sa bilanggo ang gumawa?" Sunod-sunod na tanong ni daddy. Bigla akong nahiya dahil sa kalagayan namin ngayon. Imbes na malamig na kwarto at malambot na kama ang gusto ko ngayon, dito pa yata kami titira sa presinto.
“Sir?" Agad tumayo ang lalaki para gumalang sa matatanda pero pinigilan na maman siya ng pulis kaya agad siyang bumaling sa upuan niya.
"Sir, kayo po ba ang anak ng ating biktima? Batay sa aming report na meron kasing gustong kunin ang gamit ng biktima at dalhin siya, mabuti na lang at nakahingi agad siya ng tulong–”
"Saan ang suspect?" Galit na tanong ni dad.
“Siya po sir." Turo ng pulis sa lalaking nakaupo pa rin ngayon.
“What? Siya? Siya ba ang sinasabi mo iha? Bodyguard natin iyan. Anong nangyari Jackson?" Nalilitong tanong ni daddy sa akin.
Kinagat ko ang labi ko dahil sa hiya. “Dad! Ano kasi… hindi ko kasi alam na siya pala magsusundo sa akin. Nakalimutan ko pong itanong sa inyo ang pangalan and of course nasanay na ako na halos matatanda na ang bodyguard mo o ka edaran mo kaya ayan, napagkamalan ko po siya na…member ng gang? I don't know how do you call that one.’’ paliwanag ko.
“Ang ibig niyo pong sabihin miss na hindi po totoo na may kasalanan ang suspect sa inyo?" Tanong ni mamang pulis sa akin.
“Uhmm, pasensya na po kuya, akala ko kasi na masamang tao po siya but it turns out na that he is my daddy's bodyguard.”
"Ibig sabihin mam na hindi na po kayo magsasampa ng reklamo batay sa kanya?” Umiling ako habang pilit na ngumingiti kahit ayaw ko, gusto ko na kasing makauwi sa bahay para makatulog kaysa abutan kami rito hanggang umaga.
“Hindi na po kuya at sorry po sa disturbo." Tumayo si mamang pulis para makipag kamay at tinanggalan na rin ng posas ang lalaki.
Nag-usap muna sina dad at ang pulis, nasa loob na ako ng kotse ni dad at ang maleta ko. Nasa labas ang isa pang bodyguard ni dad at yung bodyguard kanina at hanggang ngayon, hindi pa ako nakapag sorry dahil nahihiya ako. Isinandal ko ang likod ko sa upuan para makapag-isip kung paano ako mag sosorry.
Kailangan bang bumili ng bulaklak? Cake? Siomai? Para humingi ng sorry?
Narinig ko na bumukas ang backseat kaya agad kong pinikit lalo ang mga mata ko.
“Okay na anak, pwede na– aww natulog na pala ang baby ko, talagang napagod sa biyahe. Jackson, pagpasensyahan mo na ang anak ko, kasalanan ko rin na hindi ko nasabi sa kanya ang pangalan mo. Don't worry iho, sasabihin ko bukas na humingi siya ng tawad sa'yo.” Umuusok ang ilong ko dahil sa sinabi ni dad.
Gagawin ko naman talaga, atat naman si daddy. Huwag lang ngayon dahil hindi ko pa kaya kung paano sisimulan na magsosorry knowing na marami ang nakakita sa nangyari kanina sa airport, gosh huwag naman sana na nasa headline na ako kinabukasan at baka dudumugin na naman ako ng mga fans ko o di kaya mga basher at reporter. Imbes mag-enjoy ako sa Pinas ay mapapaaga ang uwi ko ng ibang bansa at isa pa napagod nga ako sa biyahe kaya need ko muna ng maraming pahinga. Kaysa ang humingi ng sorry.
“Okay lang po sir, kasalanan ko rin naman dahil nagmamadali ako kanina na isakay ang mga gamit na hindi ko nilabas ang ID ko na nasa wallet kaya naunawaan ko po na nagawa po iyon ng anak niyo po, sir.” See ayos lang pala sa kanya, so hindi na ako mag sosorry.
“But still, I tell her tomorrow to say sorry to you.” Si daddy epal. Nahihiya nga ako tapos… hays. Bahala na nga kayo diyan, matutulog ako.
Nilagay ko ang ulo ko sa balikat ni dad para makatulog ako, he tapped my hair kaya mas lalo akong nakaramdam ng antok.
“Bukas mo na lang pala kunin sa airport ang sasakyan mo iho. Sabihan mo na lang ako kung magkano ang parking fee."
“Ako na lang po, ayos lang po, sir." Ani ng bodyguard.
“I insist, iho. Ako na ang magbabayad sa damage kung meron at hindi ako papasok ng opisina bukas at nasa bahay lang ako buong maghapon kaya huwag muna kayong pumasok na dalawa dahil madaling araw na tayong makakatulog nito.
“Sige po sir.."
Hindi ko na narinig ang sinabi ni dad dahil hindi na ako nakafocus sa pinag-uusapan nila dahil nasa ibang mundo na ang utak ko.
Habang nasa biyahe ay hindi ko na alam kung anong oras na akong nakapikit para hindi lang magtagpo ang mga mata namin ng bodyguard ni daddy dahil sa kasalanang ginawa ko. Naramdaman ko lang na huminto ang sasakyan at nasa ere na ako kalaunan dahil binuhat ako ni daddy patungo sa kwarto ko kahit nagtataka ako na ganito ang amoy ni daddy kaysa sa kasanayan ko na perfume niya at kailan pa nagkaroon ng matigas na tiyan si daddy na malaki naman ang tiyan niya, yung pa bilog. Pero hindi ko na lang binigyan ng pansin, pagod na akong idilat ang mga mata ko. At dahil sa puyat at pagod kaya nakatulog agad ako pag-akyat sa kwarto.