CHAPTER 02
SEDUCING THE COLD BODYGUARD
"Miss Jazielyn Madden?" Napaigtad ako na may nagtap ng balikat ko kaya naidilat ko agad ang mga mata ko.
"Ano ba? Sino ka?" Agad na bungad ko sa taong nasa harapan ko. Bigla yata akong nawalan ng hininga na makita ang matangkad na lalaki at nakadungaw sa akin. Tumayo siya ng matuwid at sa tingin ko ay nasa balikat niya lang ako o dibdib. Naka puting v-neck t-shirt siya at khahi short at naka puting sapatos. Matangos ang ilong at bagay na bagay sa kanya ang pang-army cut ng hair niya.
Agad kung pinilig ang ulo ko at kung ano-ano na lang ang naiisip ko ngayon na kakakita ko lang sa taong ito.
"Miss Jazielyn Madden, tama po ba?" Ulit n'ya.
"Yes, and who are you?" Pagmamaldita ko, nakaupo pa rin ako sa bench ng waiting area sa labas ng airport.
"Ako pala si Jackson, Miss Madden at ako po ang inatasan ni Mr. Madden na sunduin po kayo rito sa airport." Huh, akala niya maniniwala ako sa sinasabi niya? Duda ako.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Are you sure?" Panigurado ko at baka mamaya masamang tao pala ito. Tiningnan ko ang sasakyan na dala niya at puting van ito. Hindi sa amin, wala kaming ganyan na sasakyan.
"Yes ma'am." Pagkasabi niya ay kinuha niya ang dalawang maleta ko at walang pasabi na naglakad at iniwan ako, kaya kinutuban na ako dahil nagmamadali siya. Hindi kaya tama ang hula ko? Baka mamaya may gagawin siyang masama sa akin, kukunin niya ang mga alahas ko na nasa maleta at ibenta at para hindi ako makapag sumbong sa mga awtoridad ay papatayin niya ako habang tangay ang pera ko at alahas at itapon lang ako sa bangin.
Oh no!
Bago niya pa maisakay ang mga gamit ko sa maleta ay sumigaw na ako.
"Tulong! Tulong! May gustong kumidnap sa akin. Gusto niyang dalhin ang mga gamit ko. Tulong!" Sigaw ko habang pilit na inaagaw sa kanya ang maleta.
"What? Miss, okay lang po ba kayo? Bodyguard po ako ni–shit!" Daing niya dahil agad ko siyang tinapakan sa kanyang paa.
May agad-agad din namang tumulong sa akin na guard at hinuli ang lalaki.
"Mga boss, wala po akong kasalanan, sinusundo ko lang si–"
"Sa presinto ka na magpaliwanag, sir," ani ng guard sa lalaki na ngayon ay pinupusasan na.
"Yan, ikulong mo yan kuya." Turo ko sa lalaki na ngayon ay matalim makatingin sa akin. Alam kong nakagawa na ako ng eskandalo ngayon dahil sa ginawa ko pero mas mabuti na ito na narito pa ako sa airport bago pa na may masamang nangyari sa akin sa biyahe.
Ayoko pa namang mamatay na virgin at saka, hindi pa natapos ang plano ko na magbakasyon kasama si dad at mga friends ko. Isa pa naman iyan sa wishlist ko.
Agad silang nakatawag ng pulis at isinakay ang lalaki sa patrol car at bago ako tumalikod ay tinawag ako ng guard.
"Miss, kailangan nyo pong sumama dahil kukunin po namin ang testemonya nyo."
"What? I'm so sleepy na kuya. Iyon na po ang nangyari kaya ako humihingi ng tulong."
"Sorry iha, pero hindi pwede na basta-basta na lang maglabas ng statement kung hindi galing mismo sa biktima kaya sumama na po kayo." Pamimilit ni kuya guard though tama naman siya kaya wala akong nagawa kundi sumakay habang nasa tabi ko ang mga maleta ko.
Ano ba yan, imbes sa bahay ang tuloy ko ay parang sa kulungan pa ako matutulog nito lalo at may mga maleta pa akong dala.
Tinawagan ko ang cellphone ni daddy at mabuti naman at sinagot niya ang tawag ko.
"Iha! Ano, nasa bahay ka na?" Tanong ni daddy sa paos na boses. Nangako pa naman ako na hindi na siya gigisingin muna para makapagpahinga siya ng maayos tapos ito pa ang nangyari.
"Daddy! Help me po!" Pagmamakaawa ko sa kabilang linya.
"Huh? Bakit, nasaan ka? What happened? Wait?" Narinig kong na may kaluskos, baka bumaba si dad sa kama niya.
"Dad papunta po kami ng presinto ngayon dahil po may nagtangka po kasi sa akin na kumidnap." Agad lumingon sa direksyon ko ang lalaki at matalim ang tingin niya sa akin . Umigting ang kanyang panga habang hindi niya ako nilulubayan ng mga titig niya sa akin. Hindi siya nagsalita, of course dahil guilty.
"What? Bakit hindi pa ba dumating ang susundo sayo, nagtext siya sa akin bago lang na nasa airport na siya iha. Wait! Patayin ko muna ang tawag mo at tatawagan ko. Kamusta kana hindi ka ba sinaktan?" Tanong ni daddy.
"Hindi naman po."
"Buti naman, wait lang tatawagan ko." Pinatay ni dad ang tawag at hinihintay ang sagot niya.
Pumarada ang sasakyan at pagsilip ko sa paligid ay nasa presinto nga kami ng pulis tumigil. Napabuntonghininga na lamang ako. This is crazy. Sana madali lang ito para makaalis na ako dito at para makapag pahinga na. Sobrang antok na antok na talaga ako. Para na akong mangingiyak sa sobrang kaantukan, my goodness.
"Narito na po tayo-"
Narinig namin pareho ang pag ring ng cellphone. Nagkatinginan pa kaming tatlo. Ako, ang lalaki at si kuya pulis.
Kukunin na sana ng lalaki ang cellphone niya sa bulsa ng short niya ay agad ko syang pinigilan.
"Baka may back-up siya kuya at nasa paligid na pala natin. Kayo na po ang kumuha sa cellphone niya sa bulsa kahit ako na ang sasagot." Sabi ko sa pulis.
Napasinghap ang lalaki, gusto pa sanang magsalita pero agad namang itinikom ang kanyang bibig at umiling.
Kinuha nga ni kuya sa bulsa ng lalaki ang kanyang cellphone.
"Confirm mam, may tawag ang suspect." Agad ko itong kinuha sa kamay ni kuya pulis para sagutin.
"Salamat po, pakibantayan po ang lalaking iyan at huwag niyo pong hayaan na makawala iyan." Sabi ko at pinindot ang green button para sagutin ang tawag, baka magtanong ang second suspect na kung nasaan na ang lalaking ito.
"Hoy! Kung wala ka ring magawa sa buhay mo, huwag kayong gumawa ng hindi mabuti sa kapwa dahil kaakibat ng lahat at hindi paggawa ng mabuti ay sa kulungan ang bagsak niyo tulad ng kasamahan mo ngayon na nasa presinto at ikukulong siya, mamaha–"
"Jazielyn, anak?" Sinilip ko ulit ang cellphone na hawak ko at tiningnan kong tama ba ako kahit wala rito ang kausap ko. "Jazielyn, ikaw ba ito? Nagkita na kayo ng bodyguard mo? Nasaan siya at kakausapin ko para tulungan ka na ma bilanggo ang gustong kumuha sayo. Papunta na ako sa presinto ngayon, anak.
"Daddy?"
Shit! What did I do?