Aubrey's POV
Ngayong araw na babasahin ang Last Will and Testament ni Daddy. Four months have passed simula nang mailibing si Daddy. Simula noon ay halos araw araw pa rin akong umiiyak. Hindi ko na rin alam kung hanggang kailan aabutin ang aking pagluluksa dahil araw araw ay naaalala ko pa rin si Dad. Ang hirap talaga kapag mawalan ng mahal sa buhay.
Buti na lang ay nariyan lagi si Nanay Melinda sa tabi ko. S’ya ang laging dumadamay sa pag-iyak ko. Wala naman akong maasahan kay Minerva, simula nang namatay si Daddy, naging busy na ito sa pamamahala ng kumpanya. Mukhang nag-eenjoy ito sa pagpapatakbo ng kumpanyang pinaghirapan ni Daddy. Kung tapos lang ako siguro ako ng pag aaral ay pwede na akong mag takeover dahil nand'yan naman si Atty. Marco para gabayan ako. Sa aming dalawa ni Minerva ay ako ang mas karapat-dapat.
Nagpasya na kami ni Nanay Melinda na tumungo sa library para marinig ang last will ni Daddy, gusto ko kasi kasama ko Nanay Mel sa tabi ko, para sa akin si Nanay Mel na ang tumatayong magulang ko.
Nandito kami sa Library ni Daddy para basahin ang last will and testament at si. Si Atty. Marco ang magbabasa. May kasama itong dalawang Attorney na magsisilbing witnesses. Nasa tabi ko si Nanay Melinda habang katapat ko naman si Minerva na hindi maipinta ang mukha sa pagkainip.
Nagsimula nang basahin ni Atty. Marco ang nakasulat sa dala nitong folder. "I, Enrico De Luna, resident of Cebu Philippines, declare this to be my last will, and do hereby revoke all former wills made by me...."
Tahimik kami lahat sa pakikinig, habang nagbabasa si Atty. ay tinitignan ko ang reaksyon ni Minerva na inip na inip ng marinig kung magkano ang makukuha n’yang pamana mula kay Daddy. Hindi ko maiwasan na hindi matawa ng mapait dahil nakikita kong ang pagmumukha ni Minerva na nasa harap ko.
"It is my intention by this Will to dispose of all Real, Personal properties, Businesses to my Only daughter Aubrey Love De Luna." Pagpapatuloy ni Atty. Marco sa pagbabasa sa hawak nitong papel.
Napanganga si Minerva sa narinig at hindi makapaniwala na walang pinamana sa kanya ni singkong duling ang aking ama. Nakita kong namula ang mukha nito sa sobrang galit.
"This is all joke!!” Sigaw ni Minerva, “How come na walang pinamana sa akin ang asawa ko? Two years. You hear? Two years kaming nagsama bilang legal na mag asawa ni Enrico tapos ni singkong duling wala akong makukuha?" Nagpupuyos sa galit na wika ni Minerva.
"This is Mr. Enrico's will Ms. Minerva and we should respect it. Kay Aubrey niya pinamana ang lahat ng properties n’ya." mahinahon na paliwanag ni Atty. Marco.
"This can't be happening!" hysterical na banggit ni Minerva, sa wari ko ay parang mahihimatay na ito.
"Tanggapin mo na step-mom, wala kang halaga kay Dad, hanggang sa huli, ako ang babaeng pinili n’ya." Pauyam kong sabi sa step-mom ko na lantad na ang pagkagahaman sa pera.
"Hayop ka!" Halos naglalabasan na ang ugat ni Minerva sa galit. Tila gusto pa akong sugurin nito dahil sa pang iinis ko.
"Stop it!" Sigaw ni Atty. Marco, “This Will is duly signed by late Mr. Enrico De Luna Ms. Minerva, it is legally enforceable by law. At ang sinasabi dito ang masusunod!” natahimik ang lahat. Hindi rin kasi gusto ni Atty. Marco ang ugali ni Minerva.
Tinapos na namin ang meeting. Binanggit ni Atty. Marco ang iba pang nakaad sa last will ni Daddy. Nakasaad na kailangan ko muna na magtapos ng college para magtake over sa Businesses namin. Nakasaad din na si Atty. Marco ang Trustor at magtuturo sa akin sa pamamahala ng business namin, habang si Minerva ay mag-mamanage habang hindi pa ako nakakapagtapos.
Masaya ako ng araw na ito dahil hindi nagtagumpay ang aking stepmother sa maiitim nitong plano.
Nanay Melinda's POV
Alas onse na ng gabi at pupuntahan ko si Aubrey sa kwarto nito para tignan kung nakatulog na ito, gano’n ang madalas kong gawin gabi-gabi dahil simula nang mamatay si Don Enrico ay lagi na lang umaatake ang insomnia ni Aubrey.
Alam kong kahit papaano ay masaya ito dahil hindi nagtagumpay ang bruha niyang step-mother sa planong nitong pagkamkam sa yaman ni Don Enrico.
Bumaba muna ako sa kusina para uminom ng tubig at magtitimpla na rin ng gatas para mapainom si Aubrey sakaling gising pa ito.
Ngunit pababa na ako ng hagdan nang may mauliningan na kausap sa cellphone si Minerva. Agad akong nagtago para hindi makita ng bruha at lihim na pinakinggan ang usapan.
"Mamayang alas kwatro,”sabi ni Minerva. “Gusto ko makuha nyo s’ya at dalhin sa bodega, i-torture nyo ang maldita kong step-daughter," hindi gano’ng kalakasan ang pagkakabanggit nito pero sapat na para marinig ko.
"Oo, basta iiwan kong bukas ang gate, para mapasok niyo agad, nasa second floor ang kwarto n’ya pangatlong pinto. Yung yaya n’ya lang ang papatayin n'yo muna. Pero si Aubrey, kailangan ko siya ng buhay, naintindihan nyo!?" sabi nito sa kausap, pilit kong iniiwasang gumawa ng ingay para hindi ako nito mahuli.
"Good, siguraduhin n'yong malinis kayong magtrabaho, bukas makukuha n'yo ang bayad." pinatay na nito ang cellphone at lumingon sa paligid. Napatakip naman ako ng bibig para iwasang lumikha ng ingay.
"Tignan lang natin Aubrey kung hindi mo i-transfer sa akin lahat ng kayamanan mo, pahihirapan kita hanggang mamatay ka, gaya ng pag-plano ko sa kamatayan ng pinakamamahal mong Ama."
Tumawa ito ng malakas na parang demonyo at umakyat na ng kwarto. Naghintay muna ako ng ilang sandali at sinigurong nakapasok na si Minerva sa loob ng kwarto nito bago ako kumilos
Nanginginig ang buong kalamnan ko sa narinig. "Napakasama mong babae ka," sabi ko sa isip ko lang. "Kailangan naming makatakas dito ni Aubrey."
Sinigurado ko munang tulog na si Minerva. Kailangan naming tumakas ni Aubrey. May halos apat na oras na lang kami bago dumating ang inutusan ni Mineva na patayin ako at dakpin si Aubrey. Nag-impake ako ng kaunting damita at gamit, pati pera at mahahalagang documento, at pinagkasya sa backpack. Dahan dahan akong pumunta agad ako sa kwarto ni Aubrey para itakas ito.