Aubrey's POV
"Aubrey, gising!" nagising ako sa mahihinang tapik ni Nay Melinda sa balikat ko.
"Shhh, huwag kang maingay baka marinig tayo ni Minerva!" Bulong sa akin ni Nay Mel. Halata sa mukha nito ang takot. Tumingin ako sa orasan at nakita kong ala una pa lang ng madaling araw.
"Nay Mel, bakit mo ako ginising? Madaling araw pa lang ahhh," yamot turan ko sa matanda, sobrang antok pa kasi ako. pakiramdam ko kakatulog ko lang, tapos gigisingin ako agad sa pagkakatulog ko. Sa dami ba naman ng nangyari sa araw na ito, lalo na ang pagbasa ng Last Will ni Daddy napagod talaga ako at gusto na rin magpahinga.
"Anak, kailangan natin na tumakas! Bilisan mo kunin mo lahat ng mga gamit mo," aligagang turan sa akin ni nanay Mel, ngunit pabulong lang.
"Ha? Pero bakit Nay?" takang tanong ko dito. Bigla itong umupo sa gilid ng kama.
"Aubrey, Anak, narinig kong may kausap kanina sa cellphone ang bruha mong step-mother, nagpa-plano na siyang ipa-kidnap ka ngayon, ang pagkakadinig ko ay pipilitin ka niyang papirmahin ng dokumento para mailipat mo ang mana mo sa kanya" Pabulong at nanginginig na wika ni Nanay Mel. Nanlaki ang mata ko sa takot dahil sa mga narinig. Mas masahol pa pala ito sa pagkakakilala ko, pati yata ang pagpatay sa mga inosenteng tao kaya nitong gawin para lang makuha ang gusto.
"Aubrey kailangan natin makaalis dito sa loob ng isang oras, kumuha ka ng damit, pera, lahat ng cash mo kunin mo, yung mga documents na importante, konti lang ang dalhin mo. Tatakas tayo!" Minamadali na ako nito sa pagkilos. Ako naman ay parang hindi pa nag-sink in sa utak ko ang mga pangyayari.
"Pero Nay saan tayo pupunta, tiyak ipapahanap tayo ni Minerva." halos maiiyak na ako sa tanong ko. Akala ko magtutuloy-tuloy na ang saya ko.
"Mamaya na natin isipin 'yun Aubrey, kumilos ka na." Tinulungan akong mag ayos ni Nanay Mel ng mga importanteng bagay na dadalhin namin. Binuksan ko ang vault ko at kinuha ang lahat ng importanteng papers at cash na naroon. Kumuha ako ng ilang pares ng panty, bra, t-shirt at pantalon, konti lang ang dala ko para madaling tumakbo. Tanging flashlight ang gamit namin, mahirap na baka magising si Minerva at mahuli pa kami sa gagawin naming pagtakas.
"Hija, tara na at dahan dahan lang tayo sa paglabas, baka magising si Minerva." Mahinang turan sa akin ni Nay Mel. Sumunod ako dito sa paglabas ng kwarto.
"Opo Nay!" bumaba kami ng dahan dahan sa hagdanan, madilim ang paligid kaya medyo kinapa na lang namin ang stairway. Paglabas ng mansyon ay naglakad lang kami palabas ng subdivision. Palinga linga kami sa paligid at nililingon ang mga bintana sa mansion sa takot na biglang magising si Minerva. Nakita kami ng guard ng subdivision, at nagtaka kung bakit kami naglalakad ng hating gabi na. Buti na lang at ka-chokaran ito ni Nay Mel, nagpalusot na lang kami na may emergency kaming kailangan puntahan para hindi naman ito maghinala.
"Nay Mel, kailangan natin na maghanap ng taxi" nag-try akong mag-book ng taxi online, pero wala ng makuha na available. Sabagay anong oras na kasi alas dos na ng madaling araw at wala ng tao sa kalsada. Buti na lang at nasa gilid kami at hindi madaling makikita. Natatakot din kasi kami ni Nay Mel na may makakita sa aming masamang loob at gawan kami ng masama. Ano pa at tumakas kami at may masama rin palang mangyayari sa amin sa kamay ng ibang tao.
"Nay Mel sa pagkakataong ito, isa lang ang mahihingan natin ng tulong, si Atty. Marco, sana naman ay sumagot siya sa tawag ko Nay." Nananalangin ako habang kinuha ang cellphone. Nag-dial ako ng number ni Atty. Marco sa cellphone at nag-ring naman ito, naka dalawang miscall na ako ay hindi parin ito sumasagot. Buti na lang ay sa pangatlong tawag ko ay sumagot ito.
"Hello?" halata ang antok na bungad sa kabilang linya ni Atty., mukhang naistorbo ko ang tulog nito.Nabuhayan ako ng loob. Salamat sa Diyos at sumagot siya.
"Atty, kailangan namin ng tulong mo, may gustong pumatay sa amin!" takot ako habang sinasabi ang mga kataga.
"Nasaan kayo!?" tila naman parang biglang nagising ang diwa nito. Sinabi namin ang exact location namin. Wala pang isang oras ay dumating na si Atty. at sinundo kami. Agad agad kaming sumakay sa kotse nito at umalis sa madilim na lugar na pinaglagian namin. Habang nag da-drive ay na-kwento namin ang pangyayari, lalo na ang tungkol sa nalaman ni Nay Melinda na si Minerva ang may pakana sa aksidente ni Daddy.
"Walang hiya talaga ang babaeng ‘yun. Kailangan niyang magbayad sa lahat ng ginawa niya sa pamilya mo Aubrey!" nagpupuyos sa galit na wika nito. “Nung una pa lang ay talagang iba ang kutob ko sa babaeng 'yun,” dagdag pa nito.
“Atty., ano na pong gagawin namin? Saan kami pupunta nito? Paano na ‘yung Business naming kung tatakas lang ako?” sunod-sunod kong tanong, ang daming tanong sa isip ko pero hindi ko na natanong kay Atty. Marco lahat, pagod at puyat na rin kasi ako.
"Wala na tayong oras Aubrey, pupunta tayo sa kaibigan ko. tinawagan ko na siya, hiniram ko ang private plane niya at pupunta kayo sa Manila ngayon din, kailangan n’yo na magtago muna, tiyak ipapahanap ka ng step-mom mo once na malaman niya na nakatakas kayo." Napanganga na lang ako sa biglaan namin na pag-alis ni Nanay Mel.
"Pero Atty. dito na ako lumaki sa Cebu, hindi ko yata kaya kung magtatago na lang kami ni Nay Mel sa Maynila" naluluhang sabi ko. Niyakap ako ni Nay Mel na katabi ko dito sa backseat.
"Hija, kelangan natin munang magtago.” mahinang bigkas ni Nanay Mel. “Mag-iisip tayo ng plano para mapabagsak si Minerva at pagbayaran niya lahat ng kasamaan niya, pati na rin ang pagpatay niya sa ama mo."
"Tama si Melinda Aubrey. Magpahinga ka muna at tatawag ako pag nasa Maynila na kayo." Tumalima na lang ako sa plano ni Atty. Marco. Sa ngayon siya lang ang kilala kong mapag kakatiwalaan namin ni Nay Melinda. Hindi na rin ako nagsalita at ipinikit ang aking mata dahil sumasakit na ito sa puyat.
Nakarating kami sa bahay ng kaibigan ni Atty. Marco at doon sumakay kami ng private plane papuntang Maynila. Alas kwatro na ng umaga. Paniguradong sa oras na ito ay hinahagilap na ako ng mga tauhan ni Minerva.
Sa ngayon gusto ko munang kalimutan ang lahat ng mga masamang kaganapan. Katabi ko si Nanay Mel na nakapikit at halatang tulog na dahil hindi na ito gumagalaw. Tila nahawa naman ako dito, ipinikit ko ang aking mata, ramdam na ramdam ko ang pagod at puyat. Ilang sandali lang ay humimbing na din ako sa aking pagtulog.