Chapter 1
Aubrey's POV
“AUBREY! Aubrey gising na anak!” Narinig ko tawag ni nanay Melinda habang kinakatok ako sa kwarto.
Napilitan akong bumagon sa pagkakahiga kahit medyo inaantok pa talaga ako, nahirapan akong matulog kagabi. Kahapon kasi ang death anniversary ng mommy ko at hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala ko ang pangyayari na parang kahapon lang naganap. Seven years old pa lamang ako nang namatay ang mommy due to breast cancer, ang Daddy naman ay namatay sa aksidente five months ago. Kaya heto ako ngayon, ulilang lubos na. Wala akong kapatid, ang ibang kamag anak ko naman sa side ni Daddy ay sa ibang bansa na naninirahan, at hindi ko na nakikita. Huli kong nakita sa mga ito nang libing ni pa Mommy, twelve years ago.
Ang mommy ko ay ulilang lubos nang makilala nito si Daddy, kaya halos wala siyang kilalang kamag anak sa side niya. Si Nanay Melinda na lang talaga ang nakasama ko. Si Yaya Melinda, ang Yaya ko simula noong baby pa lamang ako. Tinuring akong tunay na anak ni Nanay Melinda, hindi na ito nakapag asawa na, sa edad na singkwenta'y singko dahil na rin siguro sa pagiging loyal nito sa pag-aalaga sa akin. Ang mga kamag anak nito ay nasa Antique na at matagal nang hindi nakikita.
“Aubrey.” sigaw muli ni Nanay Mel, “Kailangan mo nang bumangon, baka mahuli ka schedule ng entrance exam mo anak,” nahinto ang pagmumuni ko sa tawag ni Nanay Mel.
“Opo Nay, mag-aayos lang po ako.” sagot ko.
Bumangon na ako mula sa kama at nagtungo sa CR para maligo. Naglagay lang ako ng face powder at manipis na lipgloss dahil namumutla ako dahil sa puyat. Nagbihis na rin ako at sinuot ang isang mustard yellow puff sleeve dress na hanggang tuhod. Litaw na litaw ang aking kaputian sa suot na damit. Sa edad na twenty ay bakas na talaga ang aking angkin na kaseksihan, kagandahan at kakinisan. High school pa lang ako ay madami na talagang nanliligaw sa akin, hindi ko nga lang pinapansin ang mga ito, dahil gusto ko pag nag-boyfriend ako ‘yun na din ‘yung mapapangasawa ko. Lumabas na ako maid’s quarter upang tulungan muna na maghanda ng almusal ang aking Nanay Melinda para sa mga amo nito.
Pagkarating sa kusina ay nakita ko si Nanay Melinda na abala sa paghahanda ng almusal para sa mga amo, kasama ang dalawa pang kasambahay na si Lea, bente singko anyos, at Nanay Sonya na nasa singkwentay otso anyos na tumatayong mayordoma ng mansion ng mga Del Fiero.
Halos isang buwan pa lang kami ni Nanay Mel na nagsisilbi dito sa mansion at masaya naman kami dahil na rin mabait ang mag asawang Del Fiero.
“Nay tulungan ko na po kayo.” Kinuha ko na ang mga plato nang biglang kunin ni Nay Melinda sa akin ang hawak kong plato.
“Naku hija, mabuti pa magrelax ka muna dyan sa upuan, my exam ka pa mamaya.” Pangiting sabi ni Nay Mel sa akin.
“Naku ang bait talaga ng anak mo, Mel,” sabat ni Nanay Sonya.
“Hindi lang mabait, sobrang ganda pa, naku Nay Mel, panigurado marami ang magkakagusto d'yan kay Aubrey, tignan mo nga naman, baka mahiya pa sayo ang magagandang artista, sobrang ganda n’yan eh!’ exaggerated na dagdag naman ni Lea.
“Binobola n'yo naman ako eh,” wika ko na na overwhelmed sa mga papuri ng kasamahan.
“Maupo ka na anak at nang makakain ka na d'yan,” sabi uli ni Nay Mel.
“Tulungan ko muna kayong dalhin ang pagkain sa mga amo Nay bago ako kumain.”
“Sige na nga anak, mapilit ka eh.”
Nagpunta na kami sa dining area upang ihanda ang pagkain ng mga amo. Ang mag-asawang Del Fiero, ay bumaba naman patungong dining area.
“Good morning Melinda and Aubrey." ngiting bati ng mag asawa sa amin ni Nanay.
“Good morning po, Donya Margarita, Don Mariano.” gumanti ako ng ngiti sabay bati ko sa mga amo.
Umupo na ang mga amo namin habang naghahain ng pagkain si Nanay Mel. Lumabas na rin si Nanay Sonya mula sa kusina dala ang iba pang putahe na niluto para sa agahan.
“Sonya, ipapalinis ko pala ang kwarto ni Lucas, dito muna raw siya titira habang pinapa-renovate yung mansion niya,” dinig kong banggit ni Donya Margarita.
“Sino si Lucas?” tanong ng isip ko. Anak niya siguro. Ang alam ko ay tatlo ang mga anak ng amo namin. Ang bunso ay ‘yung nag-aaral sa America. 'Yung panganay naman ang asawa ng Ate Marina ko. Si Ate Marina ang nagpasok sa amin bilang katulong dito sa mansion ng mga Del Fiero.
Siguro ‘yung Lucas ang pangalawang anak ng mga amo.
“Sige po Donya Margarita, naku nami-miss na rin namin si Lucas, matagal nang hindi nadalaw dito sa mansion eh,” sabi ni Nanay Sonya.
“Oo nga eh, sobrang busy kasi sa pagiging CEO, at pambabae siguro. Hay naku! kailan kaya lalagay sa tahimik ang anak kong iyon? Kada tinatawagan ko iba't ibang babae ang girlfriend,” yamot na sabi ni Dona Margarita.
“Hayaan mo na Mahal, mahahanap din ni Lucas ang babaeng magpapatino sa kanya, malay mo nasa tabi tabi lang ‘yun,” wika ni Don Mariano.
“Naku babaero naman pala ang anak nilang 'yun, gwapo siguro?” sa isip-isip ko.
“But he is turning thirty next month. Buti pa si Mateo nasa tahimik na, sana magkaroon na ako ng apo sa kanila.” sabi uli ni Dona Margarita.
“Mahal, dadating din ‘yan sa tamang panahon, let them enjoy the company of each other. Bata pa naman si Marina eh, for sure magkakaanak sila soon.”
Nasa gilid lang Si Nanay Sonya at Nanay Melinda habang ako ay sumenyas na babalik na kusina para kumain. Nagpaalam ako sa dalawang amo.
“Excuse me po Dona Margarita, Don Mariano, babalik na po ako sa kusina.” Nakangiti kong sabi sa kanila.
“Sige Hija, salamat. Nagpaalam nga pala sa akin si Davis na ihahatid ka n’ya sa school mamaya para sa entrance exam mo, galingan mo ha.” Magiliw na sabi ng Donya.
“Salamat po, Donya Margarita.” Pumunta na ako kusina.
“Naku, ang ganda talaga ng anak mong si Aubrey, Melinda noh? Siguradong madaming manliligaw sa kanya dun papasukan n’ya,” narinig ko pang banggit ni Donya Margarita bago ako tuluyang makapasok sa kusina.
Kumain muna ako ng almusal at nag-toothbrush muli sa kwarto ko at matapos ay umupo ako sa may garden para hintayin si Davis, na maghahatid sa akin papuntang University na gusto kong pasukan. Maya-maya ay bumusina na ang sasakyan ni Davis. Sinalubong ko ito at nakipag beso rito.
“Good morning DJ," excited na sabi ko “Sorry kung naabala ka pa, sinabi ko naman sa'yo na kaya ko naman mag-taxi eh,” bungad ko sa kaniya.
Pinsan ni Davis si Atty. Marco Villarica na kanang-kamay at family attorney ni Daddy. Kay Atty. Marco ako hinabilin ng Daddy ko bago ito namatay.
“Good morning Love,” sagot ni Davis “Wala iyon, mas safe ka kapag ako ang maghahatid sa’yo sa school, galingan mo ha para makapasok ka. Don’t worry, one of the Board of Director si Mommy doon sa University, kaya for sure makakapasok ka.” Napasimangot naman ako na tinawag na naman ako nitong Love. Aubrey Love kasi ang pangalan ko kaya minsan tinatawag ako ni Davis sa second name ko.
“Hmpp, sabi nang huwag mo akong tawaging Love pag tayong dalawa lang eh,” simangot ko sa kanya. Tumawa naman si Davis at lumabas ang mapuputi at pantay na ngipin nito. Sa edad na twenty-two years old ay sobrang hunk nito.
“Eh, di huwag mo din akong tawaging DJ.” ganti naman nito. Sumimangot ako lalo, Davis John kasi ang pangalan nito. Ngumisi ito sa akin at nagpa-cute.
“Tara na nga at baka malate pa tayo,” pag-aya ko na lang sa lalaki.
“Oh sige, magpapaalam lang ako kay Nanay Mel at Ninang Margarita.”
Nagpunta na si DJ sa loob ng mansion para magpaalam na aalis na kami papunta sa school for entrance exam. Transferee ako from Cebu International University. Isang taon na lang at ga-graduate na ako sa kursong Business Management.
GABI na nang nakabalik kami ni Davis ng mansion ng mga Del Fiero. Naglibot libot pa kasi kami sa department store ng mall para mamili ng mga gamit ko na gagamitin sa school, kumain na rin kami sa labas. Next month na ang umpisa ng klase at kailangan kong pagbutihin ang pag-aaral. Kailangan kong makapagtapos para mabawi ang inagaw ng babaeng iyon sa akin. Ang babaeng dahilan ng lahat ng paghihirap ko. Hindi ako papayag na maagaw ng babaeng iyon ang lahat ng pinaghirapan ng Daddy ko.
Pagkahatid sa akin ay umalis na agad si Davis para makauwi at magpahinga. May pasok din kasi ito bukas, si Davis John Guevarra ang newly appointed General Manager ng Mall Business ng family nila. Mayaman ito kaya kahit papaano hindi kawalan ang isang araw na pagliban nito sa opisina. Si Davis ang magmamana ng Mall Business ng family nila, habang ang Ate naman nito na si Marina ay ang CEO ng Cosmetic company ng mga Guevarra. Napangasawa ni ate Marina ang panganay na anak ni Donya Margarita na si Mateo Del Fiero.
“Nay Mel, magpahinga na po kayo,” sabi ko kay Nanay Mel nang nagpunta ako sa kwarto nito para ipaalam na matutulog na ako.
“Good night, Hija. Huwag ka na masyado mag-isip ha, para makatulog ka na agad. Hayaan mo at sasamahan kita sa lahat ng problema mo. Pinangako ko 'yan sa mga magulang mo.” Madamdaming wika ni Nay Melinda.
“Maraming salamat Nay Melinda, kung hindi dahil sayo siguro patay na rin ako kagaya ni Daddy. Pero hindi pwedeng mangyari ‘yun, hindi ko hahayaan makuha ni Minerva ang lahat ng pinaghirapan ni Daddy. I’m the heiress of all De Luna Properties, properties na dugo’t pawis ni Daddy. Nagpursige si Daddy para palakihin ang mga businesses n’ya. Hindi ako papayag na nanakawin lang ito lahat ni Minerva sa pamilya ko,” mariin na sabi ko.
Pagkatapos mag-usap ay bumalik na ako sa kwarto ko. At doon ay hindi naman ako dalawin ng antok. Pilit pa ring bumabalik ang mga alaala simula nang naging delubyo ang buhay ko at kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon…