Flashback...
Five months ago..
Aubrey' sPOV
"Aubrey tara na, mag-gagabi na, Hija," aya sa akin ni Nanay Melinda. Nagsiuwian na ang lahat ng nakiramay sa libing Daddy, pero ayoko pa rin na umuwi. Gusto kong samahan ang Daddy ko hanggang gabi sa libingan. Sobrang sakit, ulilang lubos na ako, wala na si Daddy na tumayong ama at ina ko simula ng iniwan ako ni Mommy. Walang tigil ang pagtulo ng luha sa aking mata habang si Nanay Melinda ay sinamahan ako sa aking pagluluksa, nasa tabi ko lang ito at sinamahan ako sa pag-iyak. Ramdan ko ang pagkahabag ni Nay Mel sa akin dahil patuloy ako nitong niyayakap para maibsan ang aking hinagpis.
"Bakit si Daddy pa Nay Mel, mabuting tayo s’ya.Nay, Masama po ba akong anak, Nay?, Bakit lahat ng mahalaga sa akin kinuhuha ng Diyos!" hikbi ko. Patuloy kong pinapahid ang mga luha sa pisngi ko.
" Lahat naman ng tao ay mamamatay Anak, tandaan mo yan,” Malungkot na wika ni Nanay. “Huwag ka sanang maghinanakit sa Panginoon. May awa ang Diyos, alam kong malalampasan mo lahat ng pagsubok dahil matapang kang bata, tsaka paniguradong mahihirapan ang kaluluwa ng Daddy mo pag nakita ka n’yang nahihirapan. Hinding hindi kita iiwan tandaan mo yan, tinuring na ring kitang tunay na anak " Naluluhang sabi sa akin ni Nanay Melinda.
"Daddy, bakit mo ako iniwan, mahal na mahal kita Dad," wika ko habang hindi tumitigil ang pagtulo ng luha.
"Mabuti pa anak ay umuwi na tayo at magpahinga." Ayoko man na umalis muna ay napilitan na rin akong tumayo, lumapit sa puntod ng aking pinakamamahal na ama at hinalikan ito.
"Paalam Dad, I love you much, kahit kalian nandito ka sa puso ko. Huwag na po kayong mag-alala aalagaan ko po ang sarili ko pati na ang mga pinaghirapan mo Dad. Mahal na mahal kita. Lagi mo po sana akong i-guide sa lahat ng magiging desisyon ko. Huwag po kayong mag-alala kakayananin ko lahat ng pagsubok na dadating sa buhay ko.” Mabigat ang loob kong umalis sa sementeryo kasama si Nanay Mel na patuloy pa rin ang paghaplos sa likuran ko.
PAGKAUWI ng bahay ay nadatnan ko ang stepmother kong si Minerva na nakahilata sa sala at nanonood ng TV. Ngumiti ako sa kan’ya ng mapait ngunit inirapan n’ya lang ako. Umakyat na ako sa kwarto upang magpahinga. Hindi ko na nagawang magbihis dahil na rin siguro sa sobrang pagod, at puyat nung nakakaraang araw.
“Hmmp.. ang hay*p kong step mother, ang kapal ng mukha hinintay lang yata na mamatay ang Daddy, ni isang patak ng luha wala man lang akong nakita sa kan’ya!” sa isip isip ko.
Sampung taon matapos mamatay ng Mommy ko, seventeen years old na ako nang ipakilala ni Daddy si Minerva bilang girlfriend nito, nang una ay tutol ako dahil hindi ko gusto ang awra nito, para bang may ibang agenda ito sa pamilya ko. Kinalaunan ay napilitan akong tanggapin ang relasyon nila nang nakita kong masaya naman si Daddy sa piling ni Minerva. Forty years old na si Minerva at ulilang lubos na din gaya ng Mommy ko. ‘Yun ang sabi ni Daddy sa akin, at malamang naaalala n’ya ang sitwasyon ni Minerva sa namayapang asawa kaya siguro nahulog di si Dad sa babae. Two years after ng pagsasama nila ay nagpakasal si Daddy and Minerva, mahigpit kong tinutulan si Dad pero hindi rin ako nagtagumpay. Kaya kahit minsan hindi ko talaga nagawang igalang si Minerva, ni ang tawagin ito Mommy o Tita ay hindi ko ginawa dahil ayoko talaga dito.
After ng kasal ni Dad at Minerva ay unti unti ko nang napansin ang paglitaw ng tunay na ugali ni Minerva. Materialistic ito, ambisyosa, maluho at masama ang ugali. Napansin ko rin na pinipilit n’ya si Daddy na bigyan s’ya ng posisyon sa mga businesses namin, isang beses nga nagtalo pa nga sila nung nakita n’ya akong tinuturuan ni Daddy about sa Operational matters ng iba't ibang businesses namin. Doon na ako nagduda sa totoong pakay n’ya sa pamilya namin. Alam ko na ang babaeng kagaya n’ya ay pinakasalan lang si Daddy dahil sa yaman nito.
Isang kilalang business tycoon si Daddy dito sa Cebu. Isa ang pamilya ko sa richest family of Cebu, De Luna clan is one of the powerful Billionaire in Visayas region. Nag iisang anak ako ni Daddy and I'm the heiress of De Luna properties. At alam ko yun ang gustong makuha ni Minerva sa pamilya ko.
A month before mamatay si Daddy ay napansin kong madalas na silang mag-away ni Minerva. Hanggang nabalitaan ko na lang na naaksidente si Daddy. Tandang tanda ko pa dahil nasa school ako nang mangyari ang aksidente at sinundo ako ni Atty Marco para sabihin ang masamang balita sa akin. Nahimatay pa ako at dinala sa ospital sa labis na pagkabigla sa nangyari.
Maraming nakiramay sa libing ni Daddy, nagpunta rin ang ibang business partners ni Daddy sa negosyo, ang kamag anak nito mula sa ibang bansa, ay hindi na nakapunta dahil hindi umabot ng isang linggo ay nailibing na si Daddy, gusto kasi ni Minerva na mailibing na ito agad. Kaya halos si Atty. Marco na lang ang nagpakalat ng balita sa malalayong kamag anak namin, pero hindi na rin nagawang magpunta sa libing ni Daddy dahil nga minadali ang paglamay sa bangkay ni Dad na halos hindi na makilala dahil sunog na sunog ang taong nasa loob ng sasakyan.
Third year college na ako sa kursong Business Management , after three months mailibing si Dad ay natapos na din ang klase namin. Si Minerva ang nagtake over sa mga Family Business namin sa tulong ni Atty. Marco na kanang kamay at matalik na kaibigan ni Daddy. Atty. Marco is the loyal friend of Dad at sa kanya ako umaasa para hindi magtagumpay si Minerva sa maitim nitong planong pagkamkam sa yaman namin. Si Atty. Marco ang naging mata ko laban sa tiyak kong masamang plano ni Minerva. Plano na kailanman ay hindi ko hahayaan na magtagumpay.