Chapter 5

1393 Words
Aubrey's POV Minulat ko ang aking mga mata, nakalapag na ang sinakyan namin mula Cebu patungo rito sa Maynila. Kulang dalawang oras ang byahe namin. Nararamdaman ko pa rin ang sobrang pagod at puyat. "Hija, nandito na tayo sa Maynila," wika ni Nanay Melinda, halata ang pagod at puyat sa mata nito na medyo namumula na dahil kulang sa tulog. Hanggang ngayong ay malaki pa rin ang pasasalamat ko at may tao pa akong nakakapitan na walang kasing bait tulad ni Nanay Mel. "Nay Mel, ano na pong gagawin natin?" tanong ko dito. "Sa ngayon magpahinga muna tayo, may susundo raw sa atin dito ang Sabi ni Atty Marco." Minuto lang ang hinintay namin at may dumating na magarang kotse, at doon ay lumabas ang isang matipunong lalaki. Lumingon ito sa gawi namin at ngumiti, lumabas ang mapuputing ngipin nito at ang malalim na dimple sa pingi nito. Lumapit ito sa gawi namin ni Nanay Melinda. "Davis?” gulat na bungad ko dito. "Ako nga, I'm happy to see you again, Aubrey.” wika ni Davis. “But I feel sorry for meeting you in this situation. Pasensya na rin kung hindi ako nakapunta sa libing ni Tito Enrico." sabi ni Davis. "I understand Davis." Niyakap ko siya. "Salamat at tinutulungan mo kami ni Nanay Mel ha. Pasensya na kung naistorbo ka namin ng ganitong kaaga." Matamlay na wika ko sa kanya, tumitig sa Davis sa mata ko, bakas sa mukha niya ang pag alala sa kalagayan ko. Nakilala ko si Davis two years ago noong 18th birthday ko. Pinakilala siya sa akin ni Atty. Marco na pinsan nito sa side ng mother. Twenty-three years old na ito at binata pa naman, mabait si Davis at nagkapalagayan kami ng loob dahil nagbakasyon ito sa Cebu ng halos isang buwan, madalas kaming nagkikita dahil madalas itong nagpupunta sa office ni Daddy for business partnerships. Nagkikita ko siya sa office ni Daddy dahil nga tinuturuan na din ako ni Daddy magpatakbo ng business sa maagang edad. Simula noon ay lagi na kami kumain sa labas ni Davis. Naging mabuting magkaibigan kami at nagtangka rin itong manligaw sa akin. Kaso wala akong nararamdaman kilig sa kanya, kaya tinanggihan ko ang alok nitong pag-ibig sa akin. Medyo nailang ako sa kanya dahil nga sa pag-basted ko, pero bago ito bumalik sa Maynila ay nag-usap kami at nagpasyang maging magkaibigan na lang. Kahit nasa Maynila si Davis at nasa Cebu ako nagtatawagan at nag-kakamustahan pa rin naman kami at hindi naputol ang communication namin sa isa’t isa. Dinala kami ni Davis sa isang hotel, nag check-in gamit ang pangalan nito, para hindi kami madaling matunton ng mga maghahanap sa amin. Iniwan din kami nito agad para raw makapagpahinga daw kami ni Nay Mel. Nag order muna kami ni Nay Mel ng breakfast at nang matapos kaming mag-agahan ay natuloy rin ang aming pahinga. Malaki ang kwarto na pinagdalhan sa amin ni Davis, meron itong dalawang kama at kumpleto sa gamit. Sinabihan ako ni Davis na ipahinga ko muna ang utak ko at sila na ni Atty. Marco niya ang magpa-plano ng mga hakbang na gagawin lalo na sa mga susunod na araw. Ilang sandali pa ay nakatulog na rin ang hapo kong katawan. NAGISING ako dahil sa tunog ng cellphone, naka-register ang pangalang Kuya Marco sa screen. Cellphone ito na iniwan ni Davis sa akin, tinapon ko na ang cellphone ko dahil baka tawagan pa ni Minerva ang number ko ay ma-trace pa nito kung saan kami nagtatago, mahirap na. Sinagot ko ang tawag nito. "Hello, Aubrey," sa kabilang linya. "Atty. Marco?" sagot ko kay Atty. "Yes, Aubrey, sinabi ko kay Davis na iwan muna niya muna sayo ang cellphone niya. Binilhan ka na niya ng bagong cellphone, pati simcard para matatawagan ka at ma-kamusta ni Davis later on,” litanya ni Atty. Marco sa kabilang linya. "Makinig ka mamaya sa plano namin ni Davis. Ipapaliwanag niya sayo, he is on his way, don’t worry.” Bumuntong hininga muna si Atty. bago itinuloy ang sinasabi. “Nagpunta si Minerva sa akin at hinahanap ka niya, sinabi ko na hindi ko alam kung nasaan ka, pero alam ko na nagdududa siya sa akin, at alam niya na ako lang ang malalapitan mo." Matiim lang akong nakikinig kay Atty., nang may biglang nag doorbell. Sumenyas naman si Nay Mel na bubuksan niya ang pinto. Iniluwa nito si Davis na may dalang mga paper bag. Inilagay nito ang mga dala sa mesa. "Andito na si Davis, Attorney,” singit ko dito. "Mabuti naman, siya muna ang bahala sayo Aubrey, huwag ka mag alala at hindi ka niya pababayaan, kailangan ko munang magpaalam sayo. Tatawag na lang ako sayo para ibalita ang mga mangyayari, mag-iingat ka lagi, Aubrey. Huwag ka muna magtiwala sa hindi mo lubos na kilala, sa ngayon hindi natin alam kung hanggang saan ang kayang abutin ni Minerva para matagpuan ka." "Maraming salamat sa tulong mo Atty., Malaki ang utang na loob ko sa’yo." "Ako ang may malaking utang na loob sa Daddy mo, kaya hindi kita pababayaan Aubrey, parang kapatid na rin ang turing ko sa'yo. Sige at ingat ka palagi. I’ll keep in touch with Davis para makamusta ka," paalam ni Atty. sa akin. Pinatay ko ang cellphone at sinauli kay Davis. "Salamat Davis." Tinignan ko ang pinamili n’ya. Mga damit at underwear pati mga toiletries. Pati bagong mamahaling cellphone na latest model ay meron din itong binili para sa akin. "Sorry, I'm not sure sa sizes,” nagkakamot ito ng ulo na parang nahihiya, “Kaya madami na akong binili, at sa cellphone ay nakasave na rin d'yan ang number ko. Kumain muna kayo ni Nanay Mel, dahil alam kong nagugutom na kayo.” "Maraming salamat, Davis, napakabait mo talaga, Hijo." nakangiting pasalamat ni Nay Melinda. Matapos kumain ay kinausap na kami ni Davis, nakaupo kami sa couch. "Aubrey, nasabi na ba ni Kuya ang plano sayo?" panimula ni Davis "Hindi pa," sabi ko. "Kailangan natin magpanggap na magkasintahan Aubrey," nanlalaki naman ang mata ko sa sinabi ni Davis. "W-what? Pero bakit?" takang tanong ko dito. "Kailangan niyong magtago ni Nanay Melinda, pero hindi naman kayo pwedeng tumira sa amin dahil paniguradong nagdududa ang step-mom mo kay Kuya Marco, at malamang lahat ng kamag anak ni kuya Marco ay pa-imbestigahan nito. Si Ate Marina napangasawa niya ang panganay na anak ng ninang ko na si Donya Margarita Del Fiero, magpapanggap si Nanay Melinda na kasambahay doon, at ikaw kunwari ay anak ni Nay Melinda." Matiim lang kaming nakikinig ni Nanay Mel sa mga pinaplano nito."Sinabi ko kay ate Marina na ipasok niya si Nanay Mel doon sa mansion ng mga Del Fiero, malapit lang ang bahay namin doon kaya madadalaw kita madalas. Sinabi ko kay Ate Marina na girlfriend kita at nagkakilala tayo sa Cebu. Naikwento ko na lang na namatay na ang amo ni Nanay Mel kaya naghahanap si Nanay Mel ng bagong trabaho. Ang sinabi ko ay ang pag aaralin kita kaya kailangan mong sumama kay Nanay Mel. Nabanggit ni kuya Marco naka-indicate raw sa Last Will and Testament ni Tito Enrico na kailangan mong magtapos ng college para mag-manage ng company niyo. Isang taon lang naman tayong magpapanggap eh. Huwag kang mag-alala, Ninang Margarita is a nice person, pati ang asawa nito na si Tito Mariano" hindi pa rin ako makapaniwala na maraming bagay ang nangyayari sa akin. At ngayon ay kailangan ko pang magpanggap para lang pagtaguan si Minerva. hayyy. "Pasensya na Nanay Mel, kung kailangan mong magpanggap din." baling ni Davis kay Nay Mel. "Wala yun, Hijo," hindi naman ako mahihirapan, dahil yun talaga ang trabaho ko" wika nito. “Si Aubrey lang naman ang inaalala ko.” "Hindi naman nagduda si ate Marina sa mga plano natin, nagsabi na raw siya kay Ninang Margarita at pumayag na ito, pupunta kayo dun after two days. Next month ay mag-eenroll ka na sa University. Dala ko ang mga gagamitin mong pekeng ID. Aubrey Love Mendoza muna ang gamitin mong pangalan, baka kasi madali kang matunton ni Minerva pag ginamit mo ang apelyido mong De Luna." Pinaliwanag pa ni Davis ang magiging set up namin for one year na magiging fake boyfriend ko ito. Matapos magpaliwanag ay umalis na ito at susunduin na lang daw kami ng driver nito after two days papunta sa mansion ng magiging amo namin. Ang mga DEL FIERO.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD