CHAPTER TWO

1144 Words
HINDI ko mapigilang maluha habang nag-eempake ng mga gamit mula sa apartment na tinirahan ko ng halos isang taon. Mom and Dad insisted that I should stay at the mansion and in return, they will reveal the curse that our family has. Pinigilan nilang magsalita si Archer nang magtanong ako tungkol sa sumpa.  Umiiyak ako hindi lang dahil sa muli kong pagtira sa haunted mansion. Hindi lang din dahil mawawalan na naman ako ng freedom. Iyon ay dahil  nararamdaman kong mabigat ang papasanin kong krus dahil sa sumpa. Noong bata pa ako — sa pagkakatanda ko ay nasa walong taong gulang pa lamang ako — napapanaginipan ko ang mga kalalakihan na hindi ko pa nakikita kahit kailan. Hindi sila nagpapakilala pero tila komportable akong makipag-usap at makipag-tawanan sa kanila. Sabi ni Mama, sila raw ang mga ninuno ng pamilya Luna. Paraan daw nila iyon upang makilala nila ako bilang isang espesyal na bata. Pero hindi ko inisip kahit minsan na may sumpang nakapataw sa balikat ko. Handa na ang isang malaking maleta at dalawang kahon na naglalaman ng mga gamit ko. Bukas ng umaga, babalik ako sa mansyon at doon na uli titira. Buo na ba ang desisyon mo, Avi?  Hindi ko naiwasang tanungin ang sarili. Alam kong hindi bukal sa puso ko ang muling balikan ang buhay na pinili kong iwasan. Pero wala akong magawa. Baaka sa pagpupumilit kong magkaroon ng sariling buhay, ibang buhay naman ang malagay sa kapahamakan. Humiga ako sa kama para magpa-antok. Hindi naman sa ayaw ko na muling makasama ang mga magulang ko. Kung tutuusin, miss na miss ko na talaga sila. Tinitiis ko lang dahil sa pag-iwas ko sa mga multong umaaligid sa bahay. Siguro pipilitin ko na lang na huwag pansinin ang mga multo. Baka sakaling, mawala na lang sila bigla at magsawa na magpakita sa akin.  Mabilis na natapos ang gabi at dumating ang umaga. Labag man sa kalooban ko ay kailangang iwan ang buhay na malaya para bumalik sa buhay na kung saan ako mas kailangan. “Masaya ako na nagdesisyon kang bumalik, young lady.” salubong sa akin ni Manang Minda habang tinutulungan ako sa dalang mga gamit. “Para po makatulong sa pamilya.” Matipid na ngiti lang ang itinugon ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at tinapik-tapik ang likod ko. Parang alam niyang wala sa loob ko ang ginagawa ko. “Darating din ang araw na maiintindihan mo ang lahat, magtiwala ka lang.” Nginitian niya ako.  Tangging buntong-hininga lang ang naisagot ko. “O, siya, hintayin mo lang ako sa waiting room.” Bahagya akong tumango at naglakad na patungo sa kuwartong sinabi niya. Pero bago ko pa man mabuksan ang pinto ay muli siyang nagsalita. “Nandiyan nga pala si Young Master Archer.” “Bakit?” I mouthed, rolling my eyes in annoyance. Wala naman sinabi sina Mama't Papa na darating siya ngayon. I guess I have no choice.  Kumatok ako bago pumasok. And there was Archer, quietly enjoying his coffee. Pff! Matanda na nga. “Good morning, Arch.” I greeted him, stepping aside the irritation. “Good morning, Avi. Coffee?” ‘No, thanks. I don't drink coffee.” Umupo ako sa kaharap niyang upuan. Nasa pagitan namin ang coffee table lulan ang tasa at takure. “Do you want cookies along with your coffee?” Shizzle! Iyong good manners and right conduct na itinuro sa akin, hindi ko mapigilang gawin! “No, thank you. Coffee and you is better.” he said after sipping his cup of coffee. Wait. Did he just say coffee and me? Parang napansin niyang na-realize ko na ang sinabi niya dahil sa nakakalokong ngiting ipinakita niya. Pero bago ako makareklamo ay bumukas ang pinto. “Young Lady Aviana at Young Master Archer, tinawagan ako ng mga magulang ninyo. Hindi sila makakarating ngayon.” magalang na sabi ni Manang Minda. Napa-buntong-hininga na lang ako. “I honestly believe that they planned this.” Walang reaksiyon si Archer sa balitang hatid ni Manang Minda. He just finished his coffee before talking.  “Thank you, Manang Minda. I'll take care of this. Puwede ka ng umalis.” nakangiting sabi ni Archer bago siya tumayo at tinungo ang pintuan. “Maraming salamat po, Young Master.” Yumuko si Manang Minda. Hindi na ako nagsalita. Alam kong sa kuwarto lang pupunta si Manang. “Lahat po ng kakailanganin ninyo ay nakahanda na. Mauna na ho ako, young lady.” Yumuko rin si Manang sa akin na nginitian ko na lang, oagkatapos niyon ay umalis na ang matanda. Tumayo ako para umalis na rin. Marami pa akong aayusin sa mga gamit ko.   “Sa'n ka pupunta?” tanong ni Archer pagkatapos isara ang pinto sa likod niya. “Sa kuwarto ko. Ikaw, umuwi ka na. Saka na lang tayo mag-usap — 'pag nandito na sina Mama at Papa." Tinungo ko ang pinto. Hindi siya umaalis sa harap ko. “Excuse me, Arch. Dadaan ako.” Instead of stepping sideway, he lifted his hand to show me what he was about to do. “A-anong ginagawa mo?” He locked the door, not just the first lock but even the second lock. “Don't be silly, Arch. Alam ko `yang binabalak mo.” Lumapit ako para itinulak siya. Nanatili pa rin siyang nakahawak sa lock ng pinto dahilan para hindi ko iyon mabuksan. “Bitiwan mo `yang lock. Palabasin mo `ko! Manang Minda!” Kinalampag ko ang pinto para marinig ako ni Manang. Siguradong darating iyon para tulungan ako. “Tayo na lang dalawa ang naiwan sa bahay na `to. Mapapagod ka lang sa ginagawa mo.” “No, nandito si Manang. Hindi naman iyon aalis. Wala siyang ibang pupuntahan.” Sigurado ako sa sinabi dahil mula pagkabata kasama ko na si Manang Minda.   Pero umiling si Archer. “Umalis siya para samahan ang mga magulang mo. Nakatira sila ngayon sa isa sa mga property na binili ko sa `yo.” I knew it! This was all planned “What do you mean? Bakit tayo naiwan dito? Did you plan this?” sunod-sunod kong tanong dala ng bugso ng damdamin. “We have to help our families,” he said seriously. “The reason why we are here, is to find out if you can lift the curse and set us all free from this." “From what?” This is frustrating! They cannot expect me to understand everything just like that. Binigla nila ako sa sumpang pilit nilang itinatatak sa utak ko magpakasal lang kay Archer. I don't understand him. I don't understand them! Why do they have to do this to me now? Bakit ngayon lang nila sinabi ang tungkol sa sumpa? Paano naman ang buhay ko? Then suddenly my eyes misted. Hindi ako makakita nang maayos. Nakaramdam na lang ako ng init mula sa paa ko paakyat sa aking buong katawan. “From what?” Nanlambot ng mga tuhod. Sa sobrang init ay naipaypay ko ang kamay sa aking sarili. Then suddenly, a gush of hot wind blew at us. Ang ipinagtataka ko lang, wala namang bukas na bintana sa paligid. Kumalansing ang tasa at platito sa mesita. Maging ang sahig at dingding ay biglang lumangitngit. Kinilabutan ako sa sunud-sunod na kababalaghang nangyayari sa paligid. Hanggang sa isang boses ang narinig ko mula likuran. Nakatatakot na para bang nananadya siyang takutin ako. "From us." His tone send chills down my spine. I lost control. Mabuti na lang at nakaantabay si Archer sa gilid ko. He was able to catch me before I could fall to the ground. I tried to lift my face to see who owns that voice. Unti-unti akong kinain ng takot nang makita kong hindi buhay ang kausap ko. His translucent body was floating from the ground. He is a ghost. And to make it worst, he was not alone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD