CHAPTER ONE

1098 Words
“NO!” GALIT kong bulalas nang malaman ang plano nina Mama at Papa para sa buhay ko. They want me to marry that guy. Nagulantang ang mga bisita na kasama na naming nakaupo sa one hundred years old dining set na gawa pa mismo ng mga ninuno namin. “I'm sorry but I have to refuse your offer.” Pinakalma ko ang sarili ko. Kahit pa galit ako, kailangan kong irespeto ang mga tao sa harap ko. Nagulat lang naman ako sa sinabi nila. Hindi ako santa at nauubos din ang pasensiya ko. “Anak, you don't understand. There is no way you can fend off this marriage. Tradisyon na ng mga pamilya natin ang pagpapakasal sa mga Luna.” Paliwanag ni Papa. “And in your generation, ikaw ang panganay na anak ng mga Castillo na malapit sa edad ng panganay na anak ng pamilya Luna,” dugtong naman ni Mama. Bata pa lang ako ay naririnig ko na tungkol sa pagpapakasal sa mga Luna. It’s all about business. They do it to keep the strong bond between families making our businesses triumphant as ever. Never akong nag-agree sa kanila sa tuwing ino-open nila ang topic na iyon sa akin. I tried my very best to understand their tradition and situation. Pero ngayong nasa harapan ko na I just don’t know what to do anymore.  “Yes, I know that, b-but this is too much. Nag-uumpisa pa lang akong tumayo sa sarili kong mga paa. And we barely know each other.” Napahawak na lang ako sa sentido dahil sa biglang pagsakit ng ulo ko. “My future manugang, mayro'n pa naman kayong isang buwan para magkakilanlan.” The mother of my so-called fiance spoke to convince me. “Honey, nagkakilala na sila before, don't you remember? They've met when they were ten years old.” dagdag ng lalaki sa asawa niya. “See, anak. Kilala ninyo na ang isa't isa noon pa man.” sabi ni Mama nang nakangiti. Pati mga bisita nakitawa na rin which I don’t appreciate. Sila lang ang masaya. With this headache and their loudness, hindi ko na napigilang magalit. I suddenly stood up and slammed my hands on the wooden table. “I'm sorry po, but I can't do this.” Hindi ko na sila hinayaan pang makapagsalita at agad na akong umalis. Lumabas ako at nagtungo sa garden para makapagpahangin. Ayokong magalit sa kanila at ayokong magmukhang walang respeto sa nakatatanda sa akin. Pero ang hirap tanggapin ng gusto nila. Sa bangko sa ilalim ng puno ng Magnolia ako umupo. Kinailangan kong mapag-isa at gusto ko'y tahimik lang muna. Sumandal ako at tumingala sa kaaya-ayang puno sa itaas.   “Magkakilala na raw kami noon pa?” bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang punong unti-unting nalalagas ng dahon at bulaklak dahil sa ihip ng hangin. “Hindi ko nga siya matandaan.” Pumikit ako at huminga nang malalim upang pahupain ang galit at inis nang bigla na lang akong may naramdaman ipinapasuot sa ulo ko. “Baka dahil dito maalala mo ako.” Pagtingin ko ay bumungad ang pamilyar na singkit mga mata. Natulala ako at hindi agad nakaalis sa pagkakatingala. Ang lalaki naman ay nakayuko at nakatingin sa akin. “Arch?” Upon hearing me say that name, he flashed the sweetest smile I've ever seen in my life. Now I remember him.  Archer Luna. Tama nga sila, nagkita na kami noon pa. Pero isang beses lang. Same place and same act. Nilagyan din niya ako ng Magnolia flower crown noong bata pa kami. “Avi, kumusta ka na?”  Inayos ko ang upo ko at muli siyang tinignan. Siya na nga ba si Arch ngayon? “Arch?” pag-ulit ko. Ngumiti siyang muli at umupo sa tabi ko. “Oo nga, ako nga si Archer.” I couldn’t believe my eyes. He looks different. Well, ten years old pa lang kami noon pero grabe naman ang pinagbago niya. His chubby cheeks aren’t there anymore. Infairness, gumwapo siya.              "Nasaan na `yong braces mo? Saka `yong buhok mo, naubusan na ba kayo ng pomada? Hindi ba bawat hibla ng buhok mo noon ay naka-gel?” Hindi ko namalayan na sa sobrang pagkilatis ko sa buhok at mukha ni Arch ay napalapit na pala ako sa kanya. Sa sobrang lapit ay halos magdikit na ang mga katawan namin. He cleared his throat while I was pestering his hair. “Baka gusto mong umurong? Hindi ako komportabale sa nakikita ko.” Yumuko ako para makita ang ibig niyang sabihin. Dibdib ko na pala ang nakatutok sa mukha niya. “Bastos!” Dali-dali akong lumayo sa kanya at bumalik sa pagkakaupo. Alam kong namumula na ang mga pisngi ko dahil ramdam ko ang pag-init ng mga iyon. Hindi ko siya magawang tignan sa mga mata. “Hindi mo na kailangang mahiya. Magiging asawa na rin naman kita,” sabi niya. Nagpanting ang tainga ko sa narinig. “Arch, lilinawin ko lang sa `yo. Hindi ako pumapayag sa gusto ninyo.” Nararamdaman ko na naman ang inis. Pero sa titig niya sa akin ay kusa nalang akong kumakalma. “Kasal lang naman iyon, Avi. Kailangan ng pamilya natin ang isa't isa.” “Alam ko na `yan. Mayaman kayo, kilala kami. Kailangan namin ang pera ninyo. Pakikinabangan n’yo ang kasikatan namin. It’s all for business, ‘di ba? Pero may trabaho ako at may sarili ng buhay.” paliwanag ko sa kanya. “Alam ko. Isa kang freelance realtor. Sa palagay mo ba, sino ang bumibili sa mga property na ibinebenta mo?” He crossed his arms and looked confidently at me. “Hindi ko puwedeng pabayaan ang magiging asawa ko.” Does he mean, siya ang bumibili sa mga bahay at lupang ibinebenta ko? “Oh my God! Are you serious?”  All this time! Hawak pa rin pala nila ang buhay ko! “Look, Avi. You don’t need to work even a single day in your life when we’re already married. Makikinabang ang pamilya mo at maisasalba pa ang business ninyo." Halatang nauubusan na rin siya ng pasensiya dahil sa ugat na nakalitaw sa kanyang noo. “Sa akin ka makinig, Archer. I understand your sentiments. But I still —   say —  NO!” Isang malakas na tunog ng nabasag na salamin ang umalingawngaw kasabay ng huling salitang sinabi ko. Sa sobrang lakas ay inisip kong malapit lang. Napayuko ako dala ng pagkabigla at takot. Naramdaman ko na lang ang mga bisig ni Archer na yumakap sa akin. “A-ano `yon? Saan `yon nanggaling?” tanong ko nang wala nang marinig na sumunod na pagbasag ng salamin. “Mukhang galing `yon sa itaas." Sinundan ko ng tingin ang itinuturo ni Archer — ang bintana sa attic. Basag nga ang bintana. Mabuti na lang at may bubong pa sa ibaba niyon. Kung hindi, baka nga tinamaan na kami ng mga bubog. “Lady Aviana, hindi ito magandang senyales. Sana pag-isipan mo itong mabuti.” Nabigla na nang makitang nasa tabi na namin si Manang Minda. Marahil hindi ko lang siya napansin na lumabas siya ng bahay. “Nabuhay ka sa mundong ito, hindi lamang para sa wala.”  Kunot-noo akong tumingin sa kanya at kumalas sa pagkakayakap ni Archer. “Manang, ano pong sinasabi ninyo?” Pero hindi ako pinakinggan ni Manang . Umalis siyang muli at pumasok sa loob ng bahay. “T-teka, Manang!” Naglakad ako papasok sa bahay para habulin siya pero pinigilan ako ni Archer. “Wala tayong takas sa sumpa, Aviana. Ikakasal tayo dahil sa mas mabigat na dahilan.” Seryoso ang tinig ni Archer. I felt it. Naramdaman ko ang mabigat sa salita niya. Tinignan ko siya, nagbabakasakaling nagkamali lang ako ng pandinig. "Sumpa? Anong dahilan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD