bc

The Heiress

book_age16+
709
FOLLOW
2.1K
READ
fated
pregnant
arranged marriage
goodgirl
heir/heiress
serious
mystery
ghost
city
small town
like
intro-logo
Blurb

Si Avianna Castillo ay isang masunuring anak sa mapagpamahal niyang pamilya. Gayunpaman, pinili niyang umalis sa kanilang mansyon upang iwasan ang mga kakaibang nilalang na umaaligid sa kanya. Ngunit nagbago ang lahat nang tawagin siya para sa isang important meeting sa mansyong minsan na niyang iniwan.

Bata pa lamang si Archer Luna ay nakatakda na ang kanyang buhay. At sa pagtungtong niya sa tamang edad ay nagkaroon siya ng pagkakataon upang mabago ang kinagisnang buhay.

Noon pa man ay alam na ni Archer ang maaaring mangyari sa kanya. Ngunit matatanggap ba ni Avianna ang parteng kailangan niyang gawin upang mailigtas si Archer at ang kani-kanilang mga angkan?

chap-preview
Free preview
Prologue
I STOPPED my car in front of a fifteen foot tall wooden gate of our mansion. Matagal-tagal na rin nang huli akong umuwi rito. But the memories are still vivid, katatapos lang ng debut ko noong umalis ako sa bahay na ito. Masaya ang mga magulang ko noon dahil lahat ng request nila ay nasunod. Not knowing na after noon ay magsasarili na ko. Of course, my parents didn't agree and said that leaving home was stupid. Sino nga naman ang tatanga-tangang anak na sobrang suwerte na nga sa buhay at pamilya ay pipiliin pang umalis para magsarili? Stupid as it may seem, but I saw it more like an opportunity for my freedom. Kalayaan mula sa pagiging istrikto nila. Nasasakal ako sa pamamaraan nila ng pagpapalaki sa akin. They were, yes, over protective of me. I was schooled at home, leaving me with no friends and left me with no self-confidence. But don't get me wrong, they love me and gave everything I could ask for. Kalayaan lang talaga ang hindi nila naibigay. The reason they knew why I left was because I wanted freedom. Hindi nila alam, mayroon pa akong isang mabigat na dahilan. And that was because I kept seeing ghost in this house. Kung hindi lang urgent, hindi ako uuwi rito. Those ghosts haunted me for a long time. Hindi ko na nga alam kung kakayanin ko pa silang makita uli pagkatapos ng isang taong wala sila sa paningin ko. “Young Lady Avianna, maligayang pagbabalik!” galak na wika ni Manang Minda. Katiwala namin at isa sa mga nagpalaki sa akin. Yumuko siya upang magbigay-respeto pero kinuha ko ang kamay niya para magmano. “Kumusta na ho kayo, Manang?” “Heto, matanda na.” Ngumiti siya sa akin. Isang taon lang akong nawala pero malaki na ang pagbabago sa hitsura niya. “Halika, pasok na tayo. Kanina pa sila naghihintay sa 'yo.” I clenched my hands to gather strength and breathed deeply before finally stepping a foot inside the property. I had this eerie feeling again. Umaasa ako na sa tagal ko nang wala rito ay nawala na rin ang mga kaluluwang gumagambala sa akin. Kinailangan kong lakarin ang halos kalahating kilometrong hardin bago tuluyang makapasok sa matandang bahay na kinalakihan ko. Tadtad ng iba’t ibang bulalak at mga puno ang hardin. Matingkad na berde pa rin ang damong nakapalibot sa buong lote. Napakasayang tingnan ng lugar sa labas pero lingid sa kaalaman ng lahat, nasa loob ang tunay na kinatatakutan ko. Nang makalapit na kami sa pintuan ay natigil ako. Uminit ang pakiramdam ko at tila umikot ang kalamnan. Isa lang ang ibig sabihin nito — narito na sila—  muli akong ginagambala.  Sa isang sulok ng mga mata ko ay may itim na aninong lumilipad at umaaligid sa di-kalayuan. I gulped and swallowed my fear. Hindi ko kayang magtagal sa bahay na ito. I have to make this visit as fast as I can. Binuksan ni Manang Minda ang pinto at pinapasok ako sa opisina ng aming mansyon. Masayang sumalubong ang matatamis na ngiti ng aking mga magulang. A smile doesn’t necessarily mean they are happy. Never in my life that I saw my parents sad. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit kilala ang pamilya Castillo sa bayan ng Magnolia. Magnolia is an independent town. Hindi man ito ganoon kalaki, kompleto naman sa mga pasilidad at bukas sa makabagong teknolohiya at pamumuhay. It is called Magnolia due to its most popular mark scattered around the town —  the Saucer Magnolia trees. “Welcome home, Aviana!” malapad ang ngiting sabi ni Mama. Tumayo siya upang halikan ako't yakapin. “Kumusta na po kayo, Ma?” nahihiyang sabi ko. Isang taon na ang nakalipas nang huli ko siyang nakausap.  “Papa, kumusta po?” Lumapit ako kay Papa para siya naman ang yakapin ko.   “Mabuti naman kami ng Papa mo rito. Medyo may kaunting problema lang.” Muling ngumiti  si Mama at tinignan ako. “Palubog na ang business ng pamilya. Iyon ang dahilan kung bakit ka namin ipinatawag ngayon,” sabi ni Mama. “Po? Hindi na po ba natin maisasalba ang furniture trading?” Problemado na pala sila, pero kung titignan ay parang wala silang pinagdaraanan. “Hindi na updated ang designs natin kumpara sa gawa mula sa ibang bansa. Pero huwag kang mag-alala anak. Ikaw ang sagot sa pagsalba ng pamilya natin.” Dugtong naman ni Papa. Yes, he was still smiling. All of my whys scattered around my brain — grasping what was happening. But before I could finally ask, the door opened wide. I saw a rich family, like those I see on TV. Dalawang mag-asawa na markado ang ngiti sa mukha ang inuluwa ng pintuan. Plantsado ang formal attire na suot nila at halatang pinaghandaan ang meeting ngayon. Sa bandang likuran nila ay may isang lalaki na may katangkaran. Maputi ang balat niya at medyo singit ang mga mata. May kakapalan ang mga kilay na tiyak akong minana niya sa kanyang ama. Somehow, he looks familiar. “Balae!” sabi ng parents ko. Gayon din ang dalawang bisita, na sa palagay ko magulang ng lalaking kasama nila. They went with their kisses and hugs. Maging ako ay nadamay sa greeting encounter nila. I didn’t have any idea na may iba pa pala kaming kasama sa meeting ngayon. But whatever it is, I must show respect. That was how I was raised. “Hello.” Bati ko sa lalaki na sa palagay ko anak ng bisita namin. Matangkad siya sa akin at obvious na mas matanda base sa hitsura pa lang. But damn! I can't take my eyes off of him. Masyadong misteryoso ang singkit niyang mga mata na nakatitig sa akin. Napalunok ako nang ibaba niya ang tingin sa matangos niyang ilong. I was taken aback when his reddish lips curled a smile. Hindi ko naiwasan makisabay sa ngiting ipinamalas niya. But that smile didn't last long. Because as soon as he opened his mouth to speak. I was caught off guard with what he uttered. “Hello, my future wife.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Deal With Isaiah

read
2.9K
bc

Just Another Bitch in Love

read
34.6K
bc

TEARS OF LOVE: Amy's Endeavor

read
8.5K
bc

Seducing My Wife (R-18)

read
343.3K
bc

His Cold Heart [On-Going ]

read
39.8K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.9K
bc

His Property

read
951.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook