"M-MGA K-KALULUWA..."
Halos himatayin ako sa mga kaluluwang lumilipad sa harapan ko. Iba-iba ang suot nilang mga damit at ang iba pa sa kanila'y mukhang galing pa sa sinaunang panahon. At ang nakapagtataka, lahat sila puro kalalakihan lang.
"Kailangan ninyo ba talaga siyang takutin." I sensed irritation in Arch's voice.
Inalalayan niya ako pabalik sa upuan at binigyan pa ng isang basong tubig.
"Mas maganda lang kasi kapag dramatic entrance," wika ng isa sa kanila.
Tila tambol ang dibdib ko dala ng labis na kaba. Kung wala si Archer sa tabi ko siguradong nagwala na ako o baka naman nabaliw na.
Hinarap ako ni Archer sa kanya. "Okay ka na ba? Sorry ha, wala sa usapan namin 'tong pananakot nila sa'yo."
Halos hindi pumapasok sa isip ko ang sinasabi niya. Lutang na lutang ako sa mga nakikita. Hindi ko pa man malaman kung totoo ba o imahinasyon lang ang nakikita ko. Isa na namang lalaking multo ang lumapit sa 'min.
"Hindi ninyo ba naiisip na nasa kamay ng babaeng ito ang paglaya ninyo?"
Iba ang lalaking ito, may awtoridad kung magsalita at nakikita kong sinusundan siya ng lahat. Mahaba ang buhok niya katulad ng suot niyang damit. Clearly, he was from a different era. "Paumahin Archer, hindi ko makontrol ang iba mong ninuno," aniya matapos tumingin kay Arch.
"A-anong nangyayari?"
Lahat sila napatingin sa'kin. Nagbulung-bulungan pa ang ibang kaluluwa tungkol. Rinig ko ang mga tanong nila. Hindi ko raw ba alam? Wala na raw silang pag-asang makalaya. Maghihintay na naman daw sila ng libu-libong taon para sa susunod na tagapagmana.
"Magsi-tigil kayo!" sigaw niya muli. "Paumanhin muli, binibini. Ako si Datu Ramir, ang kanunu-nunuan ni Archer. Ikinagagalak kitang makilala." Yumuko ito't ipinatong pa ang kamay sa kanyang dibdib. Napatayo ako at ginawa rin ang ginawa niya. Pakiramdam ko kasi kailangan kong magbigay respeto sa kaniya.
"A-ako po si Aviana Castillo. N-nice to meet you po." Bigla akong nataranta. Lalo tuloy umikot ang paningin ko dahilan upang muli akong mapaupo.
Kung titingnan, may hawig silang dalawa ni Archer. Kahit sinaunang tao si Datu Ramir, makikita pa rin ang katikasan at kagwapuhan niya.
"Mukhang okay na si Avi, bilisan ninyo na at sabihin ninyo na sa kaniya ang lahat ng dapat niyang malaman," iritableng wika ni Archer.
Halos sikuhin ko siya dahil sa kawalang-galang niyang pakikipag-usap sa ninuno niya. Datu Ramir chuckled under his breath. Mukhang alam niyang hindi sa kanya nagmana ng ugali si Archer.
"Binibining Aviana, kailangan mong pakasalan si Archer bago sumapit ang ika-dalawampu't tatlong kaarawan niya. At sa lalong madaling panahon, kailangan ninyo magka-supling upang may magpatuloy ng aming lahi."
Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niyang balita. "Ano! A-ano po?"
"Really?" Inis na wika ni Archer.
"Hindi ba't nagmamadali ka."
Hindi na sumagot pa si Arch sa sinabing iyon ni Datu Ramir.
Muling dumako ng tingin sa akin ang Datu. "Bukas na ang simula ng pagpaparamdam ng sumpa. Habang tumatagal lalong lalakas ang pagpaparamdam nito sa inyo. Hanggang sa puntong kaya na niya kayong saktan." Napakapit ako sa manggas ng damit ni Arch. Aminado akong natatakot ako sa mga sinasabi ni Datu Ramir kahit pa malabo pa ang mga detalye sa isip ko.
"Ano po ba ang eksaktong sumpang sinasabi ninyo?"
Napansin kong tila nalungkot ang iba pang kaluluwa sa likuran ni Datu Ramir dahil sa katanungan ko. Hindi ko iyon maintindihan hanggang sa ibunyag na sa akin ang sumpa.
"Lahat ng lalaki sa pamilya Luna ay namamatay bago o mismo sa ika-dalawampu't tatlo nilang kaarawan. Maswerte akong nabuo na si Archer bago mamatay ang kaniyang ama," ani Datu Ramir.
Si Archer ang una kong tiningnan matapos malaman ang isang mahalagang detalyeng iyon. Pilit siyang umiiwas ng tingin sa'kin. Lumambot ang puso ko at naawa sa kaniyang sitwasyon. Naramdaman ko na lang na gumapang ang kamay ko sa kaniyang katawan at mahigpit siyang niyakap. Kaya naman pala ganoon na lang siya ka determinadong pakasalan ako. Ngayon naiintindihan ko na ang lahat. Tama nga ako ng hinala, isa ngang mabigat na krus ang aking pasan. Tama nga si mama nang sabihin niyang espesyal ako.
"Ngayong alam mo na, magpapakasal ka na ba sa'kin?" tanong ni Archer. Hindi pa rin niya ako tinitingnan at may katigasan ang tono ng kaniyang pananalita. Hindi ko alam kung bakit parang galit siya.
"Hindi ba't 'yon naman ang dahilan kung bakit ako nabubuhay?" Muling nagbulung-bulungan ang mga ninuno niyang kaluluwa. Maging si Datu Ramir ay nagulat sa sagot ko. Alam kong pabor sa kanila ang naging sagot ko.
"Hindi ako sigurado kung tama ba 'to. Ang alam ko lang, ginagawa mo lang naman ang lahat ng 'to dahil kailangan, ‘di ba?" wika ko kay Arch.
His eyes all of a sudden, striked me with anger. Totoo naman lahat ng sinabi ko.
"Tama ka, kailangan ko 'to at kailangan ito ng pamilya ko. Para kung sakaling mamatay man ako, may magtutuloy ng lahi namin.” Ramdam ko ang pait sa boses niya. Halos mangilid na rin ang luha sa kaniyang mga mata. Pero alam kong nagpapakatatag siya't pinipigilan niya ang mga ito. “Pero pinili kita, Aviana. Kahit pa puwede kong piliin ang kamatayan.”
Batid kong mabigat ang krus na pasan ko, ngunit matapos ang lahat ng narinig ko, mas mabigat pa pala ang pasan ni Arch.
Sa pamilya Luna nakapataw ang sumpa ng kamatayan sa kanilang mga lalakeng lahi. At sa'ming mga Castillo naman nakapataw ang pangangalaga sa kanila at magdala ng kanilang salin-lahi.
"Kaya nga dapat pumayag ka na," ani Datu Ramir na bigla na lang nagsalita sa gilid ng tainga ko. Ngunit bago pa man ako makabaling ng tingin sa kaniya ay nauna na si Archer na harangin ito.
"Huwag mo siyang pilitin!" Galit niyang bulalas. "Nakalimutan mo na agad ‘yong pinagusapan natin. Uulitin ko, magpapakasal lang kami, kapag mahal na niya ako."
Umatras si Datu Ramir kasabay ang iba pang kaluluwa at sabay-sabay na lumayo.
"Sakit sa ulo ang bagong lahi ko," ani Datu Ramir bago tuluyang naglaho sa dingding.
"Masyado silang mapilit. Nakakainis!" bulalas ni Archer. Halos suntukin na ni Archer ang dingding sa gilid niya.
"Huwag ka ngang ganyan, ninuno mo 'yon." Pinilit kong tumayo para kahit pa paano ay mapigilan ko siya.
Sa kapipilit na pakalmahin siya'y natapilok ako. Hindi ko napansin ang paa ng bangko na malapit na pala sa paa ko. Agad naman akong naalalayan ni Archer.
"Ayos ka lang ba?" aniya matapos niya akong iupo sa bangko. Kahit pa paano ay mukhang nabawas ang galit na nararamdaman niya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"Ayos lang 'to, kaya ko naman. "Sinubukan kong tumayo pero bigo ako. Masakit pa rin pala ang nabunggo kong paa.
"Kukuha kita ng yelo, hintayin mo ako." Nang akmang aalis na siya ay hindi ko napigilan ang sarili kong pigilan siya.
"H-huwag mo akong iwan." Naiisip ko pa lang na mag-isa ako sa bahay na puno ng mga kaluluwa, kinikilabutan na ako. Alam kong naintindihan niya ako kahit hindi ko sabihin ang dahilan.
Dahil hindi nagtagal, yumuko ito sa akin at binuhat ako. "Isasama na lang kita sa kusina," aniya nang mabuhat na ako.
I could not help but to blush a little. Masyadong malapit ang mukha namin sa isa't isa. Hindi ako nakapagsalita habang nilalakad niya ang pasilyo papunta sa kusina. Makaluma ang bahay at maingay ang langitngit ng sahig na kahoy.
"Ayos ka lang ba?" he said checking up on me. Tumango lang ako.
"Ikaw, okay ka lang ba?"
"Okay lang ako," seryoso niyang wika.
"Mabuti naman. Inaalala kasi kita. Matapos ang lahat ng narinig ko, naintindihan ko na ngayon kung bakit ako ang napili mo."
Tumigil siya sa paglalakad, tila ba naghihintay pa sa susunod kong sasabihin.
"Naisip ko lang kasi, may iba pa naman akong pinsan na babae na puwede mong pakasalan. Siguro kaya ako ang napili mo kasi ako ang pinakamalapit sa inyo. Kasi nga, 'di ba, ASAP?" Pinilit kong ngumiti. Hindi ko kasi alam kung matutuwa ba siya sa sinabi ko. Pero mukhang mali ako.
Nagkunot ang noo niya at tinitigan ako. Unti-unti, nararamdaman kong humihigpit ang pagkakahawak niya sa'kin. At habang dumadaan ang segundo, batid kong inilalapit niya ako sa kaniya.
"Ikaw ang pinili ko, noon pa man. Ikaw lang."