Hello! H-how are you? E- Everything all right? I l-like to hear from you. Love to see you soon. . . I miss you. . . So, HELLO!
*****
.
Namulat agad ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pag-alsa ng kotse. Alam ko na agad na nasa tapat na kami ng gate ng malaking bahay ni Madam Leona. Pumasok ang sasakyan, at napatingin ako sa malawak na harden nila. Sila na 'ata ang may pinakamalaking harden sa buong subdivision dito.
Nahinto ni Manong ang sasakyan sa tapat at lumabas na ako. Ang malamig na hangin agad ang bumati sa akin. Napatingala pa ako. Uulan ba? Makulimlim kasi ang langit.
.
"Nasa loob, Maam Candy, sa harden."
"Salamat, Manong."
Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na akong nandito sa bahay nila. Sa loob ng limang taon na empleyado at guro ng MCS, ay sanay na akong pinapatawag ni Madam. Marami siyang pinapagawa, at halos lahat ay tungkol sa paaralan. Ako rin ang pinapahawak niya sa tuwing my event na magaganap.
Ngumiti ako nang masalubong si Elma. Isa sa mga kasambahay niya. Matanda na siya at mabait nga naman.
"Ma'am, Candy," ngiti niya. "Nasa labas po si Madam, sa may pool area."
"Salamat, Nay. . . Siya nga pala, Nay!"
Lumingon din agad siya at humarap muli sa akin. Kinuha ko lang din ang dalawang lipstick na nabili ko. Last time that I was here she likes my lipstick so much. Kahit pa matanda na siya, ay alam kong gusto pa rin niyang magpaganda. Kaya binilihan ko siya ng dalawang lipstick na loreal o' paris.
"Heto po." Lahad ko. Lumawak agad ang ngiti sa labi niya at aga na tinangap ito.
"Ay, Ma'am Candy! Salamat talaga, anak. Nag-abala ka pa talaga."
"Okay lang, Nay. At bagay na bagay sa 'yo ang kulay na ito."
"Naku! Ang mahal nito. Sana iyong mumurahin na lang ang binili mo," reklamo niyang nakangiti.
"Okay lang, Nay. Mas maganda nga 'to dahil may vitamin e, Nay. Maganda sa labi," ngiti ko.
"Na hala, sige. Salamat," lawak na ngiti niya.
Nang makarating ako sa harden ay si Madam agad ang namataan ko sa gilid. Nakatitig sa malaking aquarium, at nakangiting pinagmamasdan ang malaking isdang arowana niya.
"Good afternoon po, Madam," ayos na ngiti ko.
"Candy."
Naupo agad siya. Nilapag ang bitbit na tasa at nakangiting nakatitig sa akin at binalik ulit ang tingin sa tatlong isdang arowana niya.
The aquarium is huge at it's length. Hanggang hallway ang haba nito at malapad din. May tatlong Arowana na malalaki na. Five years ago they were small but now they're huge. . . ang laki na nila at lagpas isang metro na ang taas ng tatlong ito.
"Maupo ka, hija."
"Salamat, po."
Lumapit si Bebang, ang nakababatang katulong nila at nilapag ang inomin ko. Nagpasalamat na ako.
"Hija, I've heard from Professor Eric that you've borrowed our family book history?" ngiti niya.
Tumango na ako at ininom na ang juice. "Opo, gusto ko po kasing malaman para sa bagong mamamahala nito. I'm sorry po, kung hindi ako nakapagpaalam sa inyo."
"No, it's okay, hija," sabay inom niya sa t-saa.
"I've read your portfolio. Nag-aral ka pala noon sa Montessori? Conrad, my eldest son, went to the same school too. Kilala mo ba ang anak ko?"
I swallowed hard. My plan was to deny him but the heck! Paano pa ba mangyayari ito? E, malalaman din niya pag itatanong niya ang anak niya. I gently nodded and smiled.
"Grade six magkaklase kami at sa secondary school, schoolmate na lang din. Na-accelerate na kasi siya," pormal na tugon ko.
She nodded and smiled back at me.
"Yes, from Amerika to Hongkong, then Japan. Kaya nahuli si Conrad ng tatlong taon, hija. Pero matalino ang anak ko. . . Noon, gusto ko siyang ipasok sa MSC. Anak ko siya, but he refused. He doesn't want to take advantage of the system. Just because his mother is the owner of the school, he did not like that."
Oo nga naman, kahit na siguro ako. Ayaw ko rin siguro mag-aral sa paaralan na pagmamay-ari ng mga magulang ko. Nakakahiya, paano na lang kung bobo ako?
"Was he a good student friend? I mean, does he treat you like a lady?"
Napaawang ang bibig ko sa tanong ng Ina niya.
Hmp, like a lady? Mukha niya! Ang bully nga niya noong high school pa kami. Iiyak 'ata ang araw kapag wala siyang nagawang hindi maganda sa akin noon.
"O-Opo. . . ang bait nga niya," pagsisinungaling ko.
"Mabuti naman. Magkakasundo kayo ng anak ko, hija. Alagaan mo siya. Medyo ayaw niya kasi sa paaralan na ito. I hope you will teach him about everything in the school. Sana magustuhan niya ang paaralan na minana ko pa sa mga kaninunuan ko," sabay inom niya.
I nodded and just drank my drink. Ayaw ko ng magsalita. Baka may masabi pa ako na hindi maganda. Mas mabuting tumahimik na!
"This is a bit personal, Candy," tindi ng titig niya na nakangiti.
"Do you happen to have a boyfriend?"
I shook my head straight away, and I heard her deep sigh.
"Okay. That's good. I'm just making sure. Anyway, I have something to give you. It's in. . ."
Tumayo na siya at tumayo lang din ako. Pero nahinto ang ikot ng mundo ko. Nang makita kung sino ang palapit sa amin ngayon.
He's walking manly and tall, wearing his sunglasses, jeans, and white top polo. He's rolling it up to his muscles. Sa matipunong braso pa tuloy napako ang paningin ko. I swallowed hard while watching him walk towards us.
"Mama," baritonong boses niya.
Nilingon agad siya ni Madam.
Dang it! Akala ko ba wala siya? Ba't ngayon nandito na? My goodness me! Hindi pa ako handa na makita siya. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Kaya ngingiti na lang ako na parang sira!
.
"Conrad, hijo," halik niya sa pisngi nito.
"I thought you're not coming home today? Akala ko bukas ka pa?"
Napako agad ang paningin niya sa akin at ngumiti na ako. Pero 'di ko naman makita ang mga mata niya, dahil sa suot niyang sunglasses.
"I'll be staying for tonight, Ma. Pinuntahan ko kasi si Enzo at nandito siya sa syudad ngayon. I'll meet him in two hours. Maaga pa naman."
Kumunot at tumaas ang kilay ni Madam na nakatitig sa kanya. Ngumiti lang din si Conrad.
"Maglalaro kami ng golf, Ma. You know that Xavion is not like the other Mondragon's. He's the preserve type, Ma. Siya ang tipong patago sa lahat."
"Well, that's good as long as you'll have fun, son. I'm fine."
Tumikhim na ako. Well, I did not mean to get their attention. It's just that, there is something in between my throat and I need to cleared it. Ininom ko pa agad ang juice at napangiti na rin habang pinagmamasdan silang dalawa.
"Oh, before I forgot. Do you know each other, right?" si Madam sa anak niya.
Kumunot ang noo ni Conrad at naging seryoso ang mukha nito. Napalunok na ako. Kinabahan na ewan! Alam ko na may tupak 'tong mukong na 'to. Baka e-deny ako at sabihing hindi niya ako kilala. E, nasabi ko na sa ina niya kanina na magkakilala kami, dahil mag-kaklase nga naman kami noon.
"She's your classmate in grade school and schoolmate in high school. Tama ba, Candy?" ngiti ng ina niya.
"O-Opo," ala fake smile ko.
"Hello, hi," ngiwi ko at nag-hand signal pa sa kanya. E, mukhang hindi siya sigurado dahil walang ngiti sa labi nito.
"She works in the school, hijo. A Filipino teacher. Matagal na siya sa paaralan, anim na taon na," pagpapaliwanag ng Ina niya sa kanya.
"Ahm, hang-on, Candy. Conrad, just accompany her for a moment, anak. May kukunin lang ako sa kwarto na ibibigay ko kay, Candy.
Humakbang na agad si Madam at nakangiti pang lumingon sa akin. Nahiya na tuloy ako. Pakiramdam ko biglang lumiit ang katawan ko sa harapan niya. Dalawang beses pa akong tumikhim at inubos na ang juice. Pero hindi pa rin siya nagsalita. Pareho lang din kaming nakatayo ngayon at magkaharap sa isa't-isa.
The way he looked at me is so awkward! Ang daya, hindi ko kasi nakikita ang mga mata niya.
"Candy. . . Candy De Silva?" pilyong ngiti niya.
"I think so," kibit-balikat ko.
"Bakit may iba ka pang kilalang Candy?" sarkastikong saad ko.
He smirked but then again, it's bloody cool! Umayos kasi siya nang tindig at tinangal ang sunglasses sa mukha. Napaawang pa tuloy lalo ang labi ko, nang makita ang mapupungay na mga mata niya.
Heck! Life is unfair! Ba't naging ganito na ang mukha ng mukong na 'to? Mas naging matipunong gwapo, ewan ko ba! May problema na 'ata 'tong mga mata ko.
"Of course, I know you, Candy. I still remember you," cool na saad niya.
Oo nga naman. Sino ba naman ang makakalimot sa mukha kong ito? At sa dami na ng nangyaring kabaliwan noon na mga ginawa niya. Malilimutan pa kaya niya ang mukha ko? Pwera na lang kung baliw na siya!
"So, how are you?" nakangiting tanong niya.
"I'm good, thanks."
"I thought you've become a flight stewardess?"
Huh, flight stewardess? Thanks to you! Baka nakalimutan mo? Ikaw ang dahilan kaya hindi natuloy ang scholarship ko sa University? Tourism pa naman sana ang unang prioridad ko noon, at pumasa ako sa half scholarship. Pero dahil kasi sa kabaliwan niya at ng iba pa, ay hindi natuloy ang scholar ko. Marami nga kami ang na denounced ang scholarship grant.
Ang sarap sabihin sa kanya. Pero pinigilan ko ang sarili at ngumiti lang din.
"I've realized that I love teaching the little ones. Kaya teacher na ang kinuha ko."
He nodded and stared at me intently.
"Well, that's good. Then, I'll see you more often in the school?" Pamaywang na niya.
"Yeah, I- I will definitely see you there!" Sa lawak na ngiti ko. Hindi ko tuloy alam kung ano ang tamang ekspresyon sa sinabi ko.
Bumalik na si Madam at nakangiting naglakad palapit sa amin. Umayos na si Conrad at tinitigan ang orasan sa relo niya. Sumalubong nang hakbang sa Ina niya at nagpaalam na.
"Ma, I'll go upstairs. May aasikasuhin pa ako."
"Okay, hijo. I'll see you later."
Lumingon na siya sa akin at itinaas na ang kamay sa ere.
"See yah, Candy. . . and hello again." Sabay talikod niya.
.
C.M. LOUDEN