Preface
Mondragon's Billionaires Boys Club # 3
.
"We are born of love; love is our mother."
-Rumi-
It was an emergency that's why I am here in Davao. Mama was at her age.
Ilang beses na din siyang pabalik-balik sa hospital. But this time was a bit more serious according to her doctors.
Kailangan na niyang magpahinga sa sarili. She's a worker and she works hard in everything. Minsan naiisip ko kung kanino ba ako nagmana pagdating sa trabaho? Kay Mama lang din naman.
I've told Xavion to temporarily manage the business in the main city. Kailangan ko lang na umuwi at magbigay ng oras sa ina ko. After all, I haven't been home and haven't seen her for ages.
"Mama." Mahigpit na yakap ko sa kanya.
"My son, Conrad, hijo." Higpit na yakap niya at halik sa pisngi ko.
Nasa balkonahe siya ng bahay at nakaupo sa wheelchair. It's already nine o'clock at night. Hindi siya natulog dahil alam niyang darating ako. Hinihintay ako ng ina ko.
"Hindi ka pa natulog, Mama?"
Akmang napaluhod ako sa harap niya para magtapat ang mukha namin dalawa.
I love my Mom, her skin wrinkles are visible now but still, she's very pretty. Halatang isang magandang dilag ang ina ko noong kabataan niya.
"No, Hijo. I know you are coming and I am waiting for you. . . oh, I miss you so much, son." Yakap niya ulit sa akin. Mariin pa niyang hinaplos ang buhok ko at mas tinitigan ang mukha ko.
"Kailan mo ba ipapakilala sa akin ang magiging asawa mo?"
"Mom. . ." I shook my head and smiled.
I am not planning to settle too soon. Wala pa akong plano sa ganyang bagay.
I am not worried at all. I can easily date a girl I want. I can easily get one for the night. Marami naman sila at nakapila pa.
"You're not getting younger, son."
"Mom, I'm not worried. Lalaki ako, walang mawawala sa amin, Mama." Mahinang tawa ko.
Bumuntonghininga siya at mas hinaplos lang ang mukha ko. Napatitig na ako ng husto sa kanya.
"Minsan iniisip ko kung kanino ka nagmana? I was young and in-love, and was stupid when I met your dad. Ang akala ko nga noon ay siya na talaga ang para sa akin. But fate didn't choose us. Nagmana ka nga sa kanya," ngiti ni Mommy at tumaas bahagya ang kilay niya.
My brows lifted, and there was a question in my stare.
"Akala ka ba sa 'yo ako nagmana? Itatakwil mo na naman ako, Mama?" Bahagyang tawa ko.
"Talagang itatakwil kita kung hindi mo ako mabibigyan ng apo! Apo na lang kaya. Huwag ka ng mag-asawa," taas kilay ni Mama.
I shook my head and smile again. I might be a liberated person and played with girls for a need but I still, I believe in love. . . Hindi ko pa kasi naramdaman ito. Hindi pa nangyayari sa boung buhay ko. Kaya hangga't maari ay hindi muna ako magse-seryoso.
"Mom, you can ask Claire to bear one. May boyfriend na siya at pwede na silang mag-asawa."
"Isa pa 'yong kapatid mo! I don't know what happened to this generation. Ganito na ba talaga kayo? Mag-li-live-in? At pagkatapos ano? Maghihiwalay? Ano 'to? Tilaw didto tilaw diri!" sa salitang bisaya niya at mas natawa na ako at tumayo na.
"Don't you dare do that, Conrad!"
I smirked, shook my head, and went quiet while watching the stars.
This is the best spot in the house. Nakikita ko ang mga bituin sa langit. At sa tuwing nakatayo ako rito at nalalanghap ang hangin ay naalala ko lang ang kabataan ko.
I wasn't a good one. I was a bully to the person that I like when I was a teenager. Hindi ko kasi alam kung paano ipapahiwatig ang nasa puso ko. Kaya madalas tinutukso ko ang taong nagugustuhan ko noon.
"Manage the MCS, Conrad."
Napakurap ako at agad napatingin sa Ina ko.
Dammit. Ito ba ang dahilan niya kaya pinatawag niya ako rito? Napailing na ako at napayuko.
"I can't give the MCS to your two sisters. It should be given to every generation's firstborn, and you are my firstborn son. So, I am giving the MCS to you."
"No, Mama. . . ayaw ko," tiim-bagang ko.
"Madali lang naman pamahalaan ang eskwelahan, anak. You can actually use the school as the beneficiary for all your business. Magagamit mo ito sa mga charity events mo."
"Mama, the school is already in my platform. Alam mo 'yon. Pero hindi ko pwedeng pamahalaan ito." Pamaywang akong humarap sa kanya.
Every now and then I ran a charitable donation in some events and activities in my business. At ang MCS ay isa sa mga inaalagaan ko dahil kay Mama.
"Why not, Conrad? The school is run by excellent staff and teachers. You will love them, hijo. Pinapahalagahan nila ang kasaysayan nito."
Napayuko ako at sandaling natahimik, hanggang sa ibinalik ko ang tingin ko sa kanya.
"Ma, why not tie-up to the Mendevallon? Noon pa nila gusto makuha ang paaralan 'di ba? Ibigay na natin. Tutal wala ng gustong humawak nito."
Natahimik siya at umiwas nang tingin sa akin.
Yes, the Mendevallon wants the school for so long. The proposal was okay for me. It's good for the school to climb up for a better one. Mas makakatulong ito at mas mapapalawak ang MCS. Pero ayaw ni Mama, dahil pinahahalagahan niya ang kasaysayan ng henerasyon nila. Ayaw naman itong pamahalaan nina Claire at Julia, at mas lalong ayaw ko, dahil hindi ko ito linya.
"This is not my line, Mama. Iba ang linya ko at negosyo ito. Kakaiba sa paaralan."
She moved her wheelchair back and turned the wheel.
"Ma. . ." Sabay hakbang ko para pigilan siya.
"I thought you preserve history, Conrad? This is from your grandparents and great-grandparents generation, son. Ang akala ko mas maiintindihan mo ito dahil marami ka ng natutunan sa Japan. Look at them? I thought you've learn how to preserve and love history, anak."
Nangilid na ang luha sa mga mata niya at bumuntonghininga na ako. I hate to see my Mama in tears. Minsan na nga lang kami nagkikita, at ngayon iiyak pa siya sa harapan ko.
Napayuko na ako at hinalikan na ang noo niya. I hate to admit it, but I can't say no to my mother right now. Hindi na rin siya pwedeng mamahala, dahil pinaaalahanan na siya ng mga doktor niya.
"Please, son. Try it, anak, and if you can't make it - "
Napayuko na si Mama at hindi na natapos magsalita. She just wiped her tears. I sighed deeply and wiped her tears too. Nag-iisa na nga lang ang ina ko hindi ko pa mabigay ang gusto niya?
Come on, Conrad. Isip ko.
"Okay, okay. I'll see what I can do." I nodded.
"Oh, thank you, son!" Sabay yakap niya.
"I'll try my best, and I will fit the school into my schedule program."
Tumango na siya at mas ngumiti na.
.
C.M. LOUDEN