Chapter 2. Cactus

1743 Words
"Loving you is like a cactus because when I want to give you love and care, you repeatedly cheat with me and hurt me just as a thorn hurts a person." . Ano pa nga ba ang gusto niya? He hates color pink and red. Kaya siguro ayaw na ayaw niya sa akin noon, dahil panay pink at red ang ribbon sa buhok ko. Isama mo pa na pink din ang kulay ng bag pack ko. I can still remember when I walked down the hallway when I was in grade six, and he called me pink piggy! Bwesit talaga! He called me pink piggy with thick braces. Kamukha ko raw si Dora na may malaking ribbon sa ulo at naka-brace ang ngipin. Ang walanghiya! At grabe pa ang tawa nila noon ng mga kagrupo niya. Pero kasi ako si tanga! Tawa-tawa pa rin ako. At least, pinansin kuno! Kaya okay lang. Tsk, ang gaga ko talaga noon ano? He hates stupid and silly girls. Pasok 'ata ako sa kategorya na 'yan! Well at least matalino naman ako. He hates peanut butter. Kaya sa tuwing nakikita niya na peanut butter bread na naman ang baon ko ay parang nasusuka ang mukha niya! E, ang baliw naman niya kasi! Panay tingin kung ano ang binabaon ko. Baliw rin ano? Nang tumuntong akong high school, senior ko na siya. Pumasa siya sa test, kaya imbes na magkapareho kami ay fourth year na agad siya. Tatlong taon ang tanda niya sa akin. Nahuli siya sa pasukan noong mga grade school pa kami. Ewan ko lang kung ano ang dahilan. Palipat-lipat kasi siya at galing pang Amerika. . INAYOS ko na ang magiging bagong mesa niya at nilagay ang mga bagay na nagugustuhan niya. Umatras pa ako at nakangiting tinitigan ang buong silid. Pero bigla kong naalala sa sarili na kung sino siya talaga. He was my ultimate crush when I was in grade school and secondary. He bullied me a lot and was among the people who had signed the petition and denounced my scholarship when I was at the University. Nakalimutan ko na 'ata ang pinagdaanan ko sa mga kamay niya. Hmp! Akala mo naman kung sino siyang gwapo noon? E, ang pangit niya ano! At ako naman itong si tanga ay na-inlove lang naman ng tudo sa kanya! Kung iisipin mo, ang sama ng ugali niya! Ang pangit nga pala ng standard ko. Heck! . "Cindy!" ang boses ni Grasya sa likod ko. Tumabi siya sa akin at tinitigan ang mga bagay na nilagay ko sa mesa ngayon. Lumapit na siya at isa-isang tiningnan ang mga nasa ibabaw nito. "Aray!" Sabay kagat sa hintuturong daliri sa bibig niya. I shook my head and my brow raised. "Iyan kasi! Alam mo namang cactus 'yan at talagang hinawakan mo pa!" "E, ang ganda at may bulaklak pa. Akalain ko ba naman na ang tutulis nito?" sabay titig niya niya sa cactus. "Cactus nga 'di ba? May cactus ba na hindi matulis?" Ngumiti na ako. Mala-wicked ang ngiti ko at humalukipkip pa ako. Katabi ng gummy bears na jar ay ang cactus na nilagay ko. Sinadya ko talaga ito, para mahawakan niya. "Mukhang pinaghandaan mo talaga ah," tingin niya sa kabuuan ng silid at mesa. "Syempre! Bagong may-ari e. First impression last! Kaya dapat na magustuhan niya para may bunos tayo," taas kilay ko. "Tama! Tsk, ang talino mo talaga, Candy!" harap niyang nakangiti sa akin. "Alam mo ba na single pa raw ang anak ni madam?" baliw na ngiti niya sa akin. Nagkibit-balikat na ako. Huh, single pa ang mukong? Kung sa bagay, ilang taon na ba ako? Twenty seven na, dios ko! E, 'di thirty na si Conrad. And I'm sure single pa siya ngayon. Sa ugali ba naman niya? Hmp! Walang babae na magkakagusto sa kanya! Kung meron man ay iba ang habol nito dahil ang pangit ng ugali niya! "Well, ganyan naman talaga ang mga lalaki. They won't settle until they're fifty!" lakas na tawa ko. At humakbang na ako palapit sa magiging mesa niya. "Lalaki nga naman sila ano. E, ikaw, Candy? My God, twenty seven ka na at wala ka pang jowa!" lakas na tawa niya. Naningkit na ang mga mata kong tinitigan siya. Nahinto lang ito nang matapat ang paningin niya sa mga mata ko. "Sorry," peace sign niya. "Don't worry. Bago matapos ang taon na ito ay magkaka-boyfriend na ako. Itaga mo 'yan sa bato!" taas kilay ko. Napaawang ang labi niya na mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Talaga lang ha? Sasagutin mo na ba si Cristobal?" pa-cute niya. Cristobal? Eww! Ngumiwi akong tinitigan siya. Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo ba't ang isang Cristobal pa? Dios ko po! Bigyan niyo naman ako ng bago! Iyong tipong maihaharap ko ng matino sa dalawang kapatid ko na lalaki. E, sa mukha pa lang ni Cristobal naiimagine ko na ang halakhak ng dalawang kapatid ko. "No, not, Cristobal. Ano ba!" Sabay iling ko. "So, sino? E, hindi ka nga lumabas at nagpaparty. Hindi ka rin sumasali sa mga social gathering natin. Bahay, paaralan at simbahan ka lang 'ata eh." Tinitigan ko na siya ng taimtim. Ang bruha talaga! Di porke't may boyfriend na siya, eh nanlalait na! "Hoy, Grasya! Huwag kang ano, maghihiwalay rin kayo ng boyfriend mo. Walang forever!" Sabay iwas ko at kuha na sa bag ko ngayon. "Ang bitter ah! Oo nga walang forever pero may boyfriend naman ako bago magpapasko," lakas na halakhak niya. Sampal talaga sa mukha ko ang sinabi niya. Pero ganito talaga kaming dalawa. Siya lang naman ang nag-iisang baliw na best friend ko. Best friend kasi simula ng lumipat ako ng paaralan sa kolehiyo siya lang din ang nag-iisang kaibigan ko noon. Pareho kami ng major, Filipino. Nauna na akong lumabas sa silid at nakasunod lang din siya. Walang tao sa paaralan maliban nga lang sa amin at iilang staff pa. Sabado kasi, kaya pinaghahandaan namin ang pagdating ng bagong mamahala sa Lunes. "Oh, ano? Uuwi ka na? Kaya hindi ka nagkakaboyfriend eh, panay bahay at paaralan ka lang." "Hindi may dadaanan pa ako. Ano sama ka? Samahan mo na ako," ngiti ko at nagpapacute na. Ngumuso na siya. "Hindi pwede. May date kami ni Jobert at darating na 'yon. Maghihintay na lang ako." Bumuntonghininga na ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Dinukot ko na ang sunglasses sa bag dahil nasa hallway na kami at palabas na. Nang may biglang tumawag ng pangalan ko sa likod. "Miss Candy! Miss Candy De Silva!" Nahinto kaming dalawa ni Grasya at nagtitigan na. Ito lang naman ang boses ng maarteng bakla na si Mr. Moreno. Inayos ko agad ang postura ko at ngumiting humarap sa kanya. Ang bilis pa nang lakad at kembot niya palapit sa akin. "May kailangan iyang bruha," pabulong na tugon ni Grasya na nakangiti lang din. "Tumahimik ka," senyas ng mga mata ko. "Miss Candy! Oh, thank goodness I got you!" Pilantik ng mga daliri niya. "Yes, Mr. Moreno?" tuwid na ngiti ko. Tinitigan na niya ako mula ulo hanggang paa, at pati na rin si Grasya. "May lakad ba kayo?" "Ah, wala, Sir. Ako may ka-date, pero si Candy wala," agad na sagot ni Grasya sa kanya. "Oh, I see..." "Si, Candy lang naman ang gusto ko. Hindi ka kasama, Grasya," arteng tugon niya. Gusto ko na sanang matawa sa expresyon nang mukha ni Grasya pero pinigilan ko. "By the way, Candy dear." Sabay hawak niya sa braso ko at hila palayo kay Grasya. "B-bye, Candy," si Grasya na nakangisi. Napangiwi na ako sa kanya nang lihim. Umalis din siya at tumakbo pa. Ang malas ko talaga! E, sa gusto ko ng umuwi. Wala na akong nagawa kaya sumabay na ako kay Mr. Moreno ngayon. "You need to go to Madame Leona's De mansion Del Briones, Candy," maarteng tugon nito. Nahinto ako nang hakbang at agad na tinitigan si Mr. Moreno. Nahinto rin siya at tumitig sa akin. Iniisip ko kasi na nagsisinungaling ang bakla. E, mukhang hindi! "Ba't ako?" awang nang bibig ko. "Di ba pwedeng kayo na lang, Sir?" reklamo kong nakanguso sa kanya. "Oh, I would love too! But it's not me, because it's you. . . Ikaw naman ang gusto ni Madam na pumunta at hindi naman ako. Kaya go!" Sabay tulak niya sa likod ko. Nakakainis talaga ang baklang 'to. Kung hindi lang siya ang Principal ay tiyak babanatan ko na 'to. Kaso nagtitimpi ako dahil nga mas nakakatanda siya sa akin. "Send my regards to Madam Leona, Candy," flying kiss niya. Napangiwi akong nakangiti. Umiwas din agad siya na pairap at naglakad na pabalik sa opisina niya. Marami din kasi siyang ginagawa, at alam kong may date pa siya mamaya sa jowa niya. Kaya pakembot pa siyang naglakad palayo sa akin. "Hi, Miss Candy," si Manong Taber ang driver ni Madam. Bumuntonghininga na ako at umayos ng ngiti sa kanya. "Manong. . ." sabay hakbang ko pababa ng hagdanan. Binuksan agad niya ang sasakyan para sa akin. Sa tuwing kailangan ako ni Madam kay pinapasundo niya ako sa driver niya. Ilang beses na din na pinatawag niya ako sa bahay nila. Kadalasan trabaho naman tungkol sa paaralan. Pumasok na ako at si Manong Taber na mismo ang nagsara ng pinto. Bago pa niya pinaandar ang sasakyan ay naalala ko lang si Conrad. Kinabahan ako, at agad na kinuha ang make up pouch sa loob ng bag ko. Inayos ang mukha habang nakatingin sa salamin. Nag powder pa ako at liptint na din. "Manong?" "Yes, Ma'am Candy?" ngiti niya. "S-si Madam? May kasama bang iba sa mansion?" I swallowed hard in my own question. Obviously, iba ang tumatakbo ng isip ko. Inisip ko kasi baka nasa bahay ang anak niyang si Conrad. Mahirap na. Hindi pa naman ako handa na harapin siya. Dang it! What's wrong with me? Hello, Candy. That was six-years-ago! And if he see's me what's the big deal? Baka isipin niya patay na patay pa rin ako sa kanya. Hindi na ano! Ang tagal na niyang namatay sa puso ko! "Sa ngayon wala po. Iyong panganay na anak niya nakauwi noong isang linggo. Pero hindi rin nanatili sa bahay dahil nasa Villa de Briones siya namalagi, Ma'am." I nodded and smile. Naging kampante ako. Mabuti na lang at nasa Villa de Briones siya ngayon. Mas inayos ko na ang sarili at napasandal na. "Manong gisingin mo ako 'pag nakarating na tayo." "Opo, Ma'am," ngiti niya. . . C.M. LOUDEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD