"Never trust your tongue when your heart is bitter."
***
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Madam Leona at bakit ako pa ang ginawa niyang assistant sa anak niya.
He's too old to have an assistant! I bet he knows everything. Why do I need to be his assistant adviser in this school?
Kesyo kuno ako ang mas higit nakakikilala sa anak niya, dahil magkaklase kami noon.
Huh, talaga lang ah! Baka si Conrad ang magiging dahilan at mawalan pa ako ng trabaho rito!
.
Lunes ngayon at ang aga-aga ko. Dinaig ko pa ang mga ibon. Early bird catches worm, and what about the worm? They came out early too and they have a life too? Ang buhay nga naman ano. Para tuloy akong bulate at si Conrad ang ibon ko.
Gosh! Baliktarin ko kaya. Ako ang ibon at siya ang bulate ng buhay ko! Mas maganda 'ata pakingan ito?
.
After I taught the kids of my Filipino subject, I'm having my lunch with Grasya. Ang saya pa ng bruha, dahil anniversary nila kahapon ng boyfriend niya at walang humpay ang display niya sa bracelet na suot niya ngayon.
.
"I want to hold you forever, Grasya." Tili niyang habang nag-emote sa sarili.
Ngumiwi lang din akong kumakain habang nakikinig sa kanya. I don't want to ruin her moment. Kaya panay ngiti na ako at tango na rin.
"Candy," ang boses ni Mr. Moreno.
Imbes na tumayo ay hindi na. Kumakain ako ano ba! Samantalang si Grasya ay napatayo agad na humarap sa kanya.
"Is everything ready for later?" arteng tugon nito.
I nodded and smiled. "Yes, sir. Everything is done and dusted."
"Perfect! This is what I like about you. No wonder Madam Leona likes you too. Mapagkakatiwalaan talaga kita." Pilantik ng isang kamay niya sabay tingin sa pagkain namin ngayon.
"Kain tayo, sir," ngiting tugon ni Grasya sa kanya.
"Oh no, thanks. I'm on a diet," arteng tugon nito at ngumiwi lang din.
"Anyway, have fun. And I'll see you later." Talikod niya.
Huminga na ako ng malalim nang makalabas na siya sa silid.
"Nakakatawa 'yon si Sir Moreno ano? Hoy, alam mo ba na ang gwapo ng jowa niya?" si Grasya sa akin. Tumaas na ang kilay ko at pilit na tinatapos ang pagkain. Nagkibit balikat na ako na hindi tumititig sa kanya.
"Kamukha ni papa Piolo P. Oh my God! Nakita mo sana, Candy. Nakita namin kahapon ng boyfriend ko sa mall. Ang bonga ng bakla, te," taas kilay niya.
"E, sino ba ang babae sa kanilang dalawa?" pabirong tanong ko. Alam ko naman na si Sir Moreno ito.
"Gaga! Obvious ba? Ikaw ha, ang bitter mo na! Sagutin mo na kasi si Cristobal at ng maramdaman mo naman kung ano ang pakiramdam ng umiibig," kinang nang mga mata niya.
"Che! Iibig ka nga, maiinlove ka, magiging tanga ka! Tapos ibibigay mo ang lahat sa kanya pati na sarili mo. At pagkatapos ano? Ano? Iiwan ka na niya? Masasaktan ka. Hindi mo kakayanin at ano ang susunod? Magpapakamatay ka? Ang OA ha! Ew!"
"Tsk! Ang bitter 'te. Saan ba kasi ang cupido mo? Mukhang nakalimutan niya 'atang panain ang puso mo?" lakas na tawa niya.
"Ang cupido ko? Ayon, nagmahal, niluko, nagpakamatay!" pabirong sagot ko at tumawa na.
Napailing na siyang natawa, hanggang sa may kumatok sa gilid ng pinto. Bukas naman kasi ito, at ang nakangiting mukha ni Cristobal agad ang nakita ko. Tumikhim na si Grasya at sumenyas pa. Baliw talaga!
"H-hi, Candy," nahihiyang tugon niya.
Mukha tuloy nakuryente ang buhok niya dahil nakatayo ito. O, baka nilagyan lang niya ng sangkatutak na gel. Ang kapal pa ng salamin niya at naka lab-gown pa talaga. Heck! Si Einstein ba siya?
"Cristobal, Sir. Pasok kayo," masiglang bati ni Grasya sa kanya.
Pumasok siyang nakangiti na bitbit ang bulaklak at may chocolates pa. Tumayo na si Grasya at kinindatan ako. Pinalakihan ko na siya ng mga mata ko. Pero hindi ako pinansin ng bruha.
"Sit down here, Cristobal," sabay ayos ni Grasya sa upuan.
"Ah, Eh, Eh, H-hindi na. I-ibibigay ko lang 'to sa 'yo, Miss Candy," lahad niya sa mga bulaklak.
Tinitigan ko lang 'to at pekeng ngumiti na. Naghalo ang ngiwi at ngiti sa mukha ko. Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko.
"Napakaconsistent mo talaga, Sir Cristobal."
Tinangap na ni Grasya ang bulaklak at chocolates. Hindi ko kasi matangap ito at tinitigan lang din, kaya siya na ang kumuha.
I looked at him from head to toe. He's one clever man. Imagine, Science and Math Professor. Professor na siya PHD na ang natapos niya.
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit siya nandito sa paaralang ito. E, mas mapapakinabangan ang talino at galing niya sa mga Unibersidad ng lungsod. FYI, ang laki siguro ng sweldo na inialok ni Madam sa kanya.
"S-salamat," tipid na ngiti ko.
Yumuko na siya na parang kinikilig pa. Dios ko po! Help!
"S-sige, b-b-y-ye, Candy," sabay kaway niya.
Tumango na ako at ngumiti na rin. Mariin ko pa siyang tinitigan hanggang sa tumalikod na siya at patakbong lumabas ng silid. Natawa na ako. Nakakaloka ang baliw niya.
"See? Sabi ko sa 'yo 'di ba?" si Grasya at naupo ulit siya at binasa ang maliit na mensahi na nasa bulaklak.
.
Candy,
You are the sweetest thing that has happened to me. You are the integral calculus in my heart.
Cristobal
.
Tumili na agad si Grasya at ngumiwi na ako. Ginawa pa talaga niyang Math ako sa puso niya. Nakaloloka! Tumayo na ako at binasa rin ito. Natawa na ako. I don't know anything about Math, but I have a few friends that are Engineers. And I know what Integral Calculus signify.
"Ang sweet ni, Cristobal. Mapapa-isip ka talaga."
I shook my head and fixed my table. Tapos na din akong kumain, kaya niligpit ko na. Kinuha ko na ang bag ko, dahil sa main office building na ang punta ko.
"Hoy, Candy! Ano? Iiwan mo lang 'to rito?"
"Ilagay mo sa vase ang bulaklak at sa'yo na ang chocolates." Sabay irap ko.
Iniwan ko na siya at naglakad na. May gagawin pa kasi ako na iilan bago dumating si Conrad.
Nang makarating sa Main Staff building ay ang nakangiting mukha agad ni Sir Moreno ang sumalubong sa akin.
"I'm impressed with how you designed his table, Candy. Magkakilala ba kayo?"
"Ahm, hindi po, sir." Iling ko.
"Oh, really? Because Madam Leona told me that you are the qualified person to be his assistant," kurap nang mga mata niya. Napalunok na tuloy akong nakatitig sa kanya.
"Classmate kami sa elementarya. Tapos naging schoolmate ko siya noong high school," pilit na sagot ko.
"Ahm, ba't e-de-deny? May something ba? May past ba kayo?" pilyong titig niya sa akin.
"Wala po, sir."
Umismid na siya pero nakangiti lang din. Mukhang nagdududa pa tuloy ang titig niya.
"Well, anyway, starting tomorrow, your table will be inside his office." Pamaywang niya.
What the! My jaw dropped as I stared at him. Hindi tuloy ako makapaniwala sa narinig ko, at kailangan ko pa itong pakingang muli mula sa kanya. Napakurap pa ako at hindi na makapagsalita.
.
C.M. LOUDEN