Chapter 1. Teacher

1917 Words
"Just smile and remember why you wanted to teach." -Inspiration quote- . "Once upon a time, a Prince lived behind the rainbow. He is mighty, powerful, and. . ." "Hindi ba siya mahuhulog, Teacher Candy? E, sa ulap ng bahaghari siya nakatira eh?" reklamo ni Klara at ngumuso pa. "Ugh! Ang bobo mo talaga, Klara! Obviously, it's just a story, and the rainbow replicates the castle!" pasigaw na tugon ni EJ (Emilio Juan). Klare's mouth twisted and she's ready to cry any minute. My brows furrowed while looking at EJ. Sa kakatitig ko sa kanya ay nakikita ko na ang ibang anyo sa mukha niya. . . ang mukha ng walanghiyang bully ko noon! "Ugh, Teacher Candy!" sigaw ni Pinky. "Ang bad ni EJ." Sabay pakita niya sa kamay niya na puno ng glue. Naningkit na ang mga mata kong nakatitig kay EJ ngayon. Humalakhak lang siya. Walanghiya talaga oh! Nagbabasa ako ng kwento rito at panay bully ang taba-ching-ching na 'to! Kaya tumayo na ako at nilapitan siya. "That's enough, EJ. That's very naughty of you!" Sabay hawak ko sa kamay niya, at pilit na nilalayo siya sa dalawang batang babae rito. "Stay there and don't move!" Turo ko sa kanya. Napatakip lang siya sa bibig niya. Lumapit na ako kay Pinky at pinunasan ang kamay niya ng basahan. "There's more, Teacher Candy. . . look oh!" Turo niya sa upuan niya. Pinaikot ko na ang mga mata ko. Dios ko! Tatanda 'ata akong dalaga sa trabaho kong ito! Puro wrinkles ang lumalabas sa balat ng mukha ko! Kaya nga ako naging teacher ng mga bata kaysa sa mga matatanda, kasi nga cute nila 'di ba? E, hindi ko naman akalain na mas madaldal at makulit pa sila kaysa sa mga alaga kong pusa! "Um, Teacher Candy? Naghihintay kami po sa story," deman na tugon ni Tara. "Okay, okay. I'm back," sabay ngiti ko. Umupo akong muli sa harap at nagpatuloy ng kwento. "Then, there was this beautiful ragged Princess - " "Paano naging beautiful ang ragged Princess, Teacher Candy? Eh, basahan na nga ang mukha niya?" taas kilay ni Tara. Napaawang na ang labi ko at hindi ko na kinaya ito. Hindi ko 'ata matatapos ang kwento! Natawa na si EJ na nakatayo sa gilid. Panay ang takip niya sa bibig at labas ng dila sa kaharap na babaeng classmate niya. "Teacher Candy? Ba't nga ba English ang kwento? E, Filipino subject ito?" reklamo ni Beka. My jaw dropped rapidly! Nahulog na ito sa sahig at hindi ko na mapulot ito. Ang baliw! At tama nga naman, pero kasi reverse English to Filipino ang topic ngayon. Inuna ko lang naman na basahin ito sa English para itagalog din pagkatapos. Dang it! "Beka, 'di ka kasi nakikinig kay Teacher Candy kanina eh! English muna tapos itatagalog din mamaya." Nakahinga ako sa sinabi ni Peppa. Mabuti pa ang batang ito, ang bait at hindi ako binibigyan ng sakit sa ulo. Tumunog na ang bell at agad na silang napatakbo. Lunch break na kasi. Naiwan akong nakanganga sa harapan. Nakakabaliw ang mga batang ito! . PADABOG kong nilapag ang bitbit kong libro sa mesa. Nilingon ko si Teacher Amy at panay ang kain niya na nakaharap sa laptop. Nagpapacute habang ka chat niya ang boyfriend na Australiano. Napaawang lang lalo ang bibig ko nang mag-flying kiss siya sa boyfriend niya. "I love you too, babe," kilig at ngiti ni Vilma. Isa siya sa mga kasamahan kong guro. Nakangiti at nguya habang kausap ng boyfriend niya sa cellphone. Nang lumingon ako sa likod ay panay ang subo ng dalawang love birds dito. Huh, great! Luma-love life silang lahat! Samantalang ako? "Candy! Para sa 'yo bigay ni Cristobal," si Gina, at nilapag niya ang bulaklak sa mesa ko. Cristobal? Eww! Parang kinilabutan ako ng marinig lang ang pangalan niya. Naupo na ako sa mesa at kinuha na ang lunchbox. Napatingin pa ako sa bulaklak. Naalala ko lang tuloy ang mukha ni Cristobal. Napangiwi ako. Magkamukha kasi sila ni Empoy ng tikatika - teka lang muna! "Alam mo, sagutin mo na kasi si Empoy, este si Cristobal." Bahagyang tawa ni Gina. May kinuha na siyang dokumento sa bag at nilapag ito sa mesa ko. It's the school portfolio of history and its owners. I remember I asked her about it last week. Tinitigan ko lang 'to at binuksan na ang lunchbox ko. "Gusto mo, sa 'yo na?" taas kilay ko sa kanya. Natawa na siyang lalo. "Ayaw mo noon? Ang tatalino ng magiging anak ninyo. Math at Science teacher 'yong tao. Parang scientist na ang utak, grabe!" Halakhak niya, at pinandilatan ko na siya ng mga mata ko. "GMRC teacher ka ba?" Pinaikot ko na ang mga mata ko sa kanya. Pero mas kumunot pa ang noo ko nang makita na tinapay na naman ang binalot ni Nanay sa akin. "Nag-di-diet ka ba, Candy?" titig niya sa baon ko. Bumuntonghininga na ako at kinain na ito. Medyo ulyanin na kasi si Nanay at pabalik-balik na ang nilalagay niya sa baon ko. Pinababayaan ko na siya. Isip bata na kasi, at ang akala niya ay nasa elementarya pa ako. Kaya naging routine na niya ang gawan ako ng tinapay at sekretong ipasok ito sa bag ko. Ang walang katapusang peanut butter bread palagi ito! May dalawang bantay na nag-aalaga sa kanya. Pero hindi pa rin kasi maalis sa routine niya na gagawan ako ng baon kada-araw. Kaya heto, kinakain ko pa rin. "Kumusta na ang Nanay mo?" Sabay subo niya. Hinati ko na ang tinatapay at binigay sa kanya ang kalahati nito. May baon din naman kasi akong iba. "Okay lang. Gaya pa rin ng dati. Hinahayaan na namin ng mga kapatid ko. Tutal masaya naman siya." "Good afternoon everyone!" boses ng Principal, si Mr. Moreno. Napatayo agad kami lahat at nilingon siya. Inayos lang din niya ang salamin sa mukha at isa-isa pa kaming tinitigan dito. "I have an announcement. The school will undergo a specific change. So heto, basahin ninyo isa-isa." Lapag niya ng papelis sa bawat mesa namin. "And I want you all to prepare yourself next week. Darating ang anak at ang bagong magmamay-ari ng paaralang ito. So I want every one of you to prepare something special as a project," matigas na tugon ni Principal Moreno. "Magpa-party ba tayo, Sir?" sarkastikong tanong ni Gina. Napakagat ko na ang pang-ibabang labi ko. Ito lang naman ang nagugustuhan ko kay Gina. I like her personality. Direct to the point! At wala ng paligoy-ligoy pa. Tumaas na ang kilay ni Principal Moreno pero napangiti rin kalaunan. "Hmm, that's a great idea, Miss Gina Katagbaw! Mas magugustuhan ng anak ni Madam 'yan!" Pilantik ng mga kamay niya. FYI bakla! Kinagat ko na ang dila ko at pinigilan na matawa. Pinandilatan pa ako ni Gina ngayon. Tumalikod na si Principal Moreno at inayos lang din ang postura. Itinulak ko na si Gina para mapunta sa gitna. Kamutik na tuloy niyang mabanga ang likod ni Principal Moreno. "Prepare for a welcome party. Kailangan nating e-welcome ang anak ni Madam," sa arteng tugon niya. "And you!?" Sabay turo niya sa mukha ko. Napalunok pa ako. Pakiramdam ko lumabas na ang kaluluwa ko ngayon. Nakakabigla kasi ang ginawa niya. "You and you! Prepare for the party. Kayong dalawang ang mag-organisa okay?" Nanlaki na ang mga mata ko. Umikot na siya at sabay irap pa. "Okay, continue your tea break! And don't forget next week." Kembot na lakad niya. Napaupo na ako at nalaglag na ang panga ko sa sahig! Kung malas ka nga naman oh! At ako pa talaga ang mag-organisa sa party? Nilingon ko na si Gina na ngayon ay pa-simpling kinuha ang mga gamit niya sa mesa ko. Kung hindi ako nagkakamali ay kasalanan 'to ng bruha! "Bye, Candy! I'll see you later!" Takbo niya palabas. "Ang daya mo talaga!" Tumikhim na ang lahat at umiwas sila ng tingin. Halatang ayaw nilang tumulong sa akin. Tumayo na ang iilan sa kanila at nagpaalam na. Ang sasama talaga! "Kaya mo 'yan, Candy. Fighting!" Mala-fighting na senyas ni Vilma. Pinaikot ko na ang mga mata ko at naupo na sa mesa. Binilisan ko na ang kain ng tinapay na parang galit ako sa mundo! Kalahating araw lang namang ang turo ko ng Filipino sa mga bata. Pero hindi ibig sabihin na hindi ako abala! Dios ko, para nga akong si Andres Bonifacio! Isasabak ng isasabak sa gyera na parang leader nila? Ano ba? Nakakainis na! Nakanguya pa akong tinitigan ang newsletter sa mesa. Kinuha ko na 'to at binasa. . The New Management Owner is coming for a change. . . Iyan ang nakalagay na title dito. Nakasulat pa ang history ng pribadong paaralan na ito. Nagsimula sa unang henerasyon at ngayon ay nasa ikatlong henerasyon na. Alam kong pagmamay-ari ito ng mga Delaviste-Montemayor noon pa. But then my brows furrowed when I read an initial name. 'C.C.M' is the third-generation owner. So siya ang anak ni Madam Yvette? I've heard that Madam Yvette's son was actually from Japan. They're discreet when it comes to their family portfolio. And now that she's at her age, she wanted her eldest son to manage the school. Wala akong alam sa pamilya nila. Ang alam ko lang ay may tatlong anak si Madam at dalawa nito ay babae. Usap-usapan pa nga na ang panganay na lalaki ay anak niya sa pagkadalaga. Ang mga chismosa nga naman talaga! Tumayo na ako at kinuha na ito. Ngayon mag-iisip pa ako at maghihikayat kung anong gusto ng C.C.M na 'to? Kinuha ko na ang cellphone sa bag at tinawagan si Grasya. Kung may mas higit na nakakilala sa mga anak ni Madam ay siya ito. . "Candy! Oh, my God! I was about to call you!" taranta niya sa kabilang linya. "I've heard the school will have a new owner?" pagpapatuloy niya. Ang bruha, naunahan pa ako sa itatanong sa kanya. Mukhang walang bagong balita na hindi niya alam. "Yes, that's why I am calling you now." "Oh, great! May maitutulong ba ako mahal na senyorita?" pabirong tugon niya. "C.C.M? What is he like?" "Oh? Hindi mo kilala?" sabay tikhim niya. Kumunot na ang noo ko. "Hindi. Bakit? Kailangan ba talagang kilala ko? Kaya nga ako tumawag sa'yo para malaman ko!" sarkastikong tugon ko. "Oh my gosh, girl! Tsk, lumabas ka nga minsan at mag-party ka." "Party? Ang busy na nga ng buhay ko at magpaparty pa ako? Ano ako baliw!?" inis na sagot ko. "This is what I've told you, Candy. Tumatanda ka ng dalaga! OH EM GEE, I can not! Can't I?" arteng tugon niya at natawa na rin. Mas pinaikot ko na ang mga mata ko at naupo na. Tinitigan ang newsletter at binuklat ang school history portfolio. Hiniram ko pa 'to kay Professor Eric. Siya kasi ang family guidance adviser ni Madam. Mabilisang binisa ko ang unang may-ari hanggang sa pangatlo. Napangiti ako nang makita ang picture ni Madam sa pagkadalaga niya. Ang ganda nga naman niya. Isa-isang binasa ng isip ko ang pangalan ng mga anak niya habang nakikinig kay Grasya sa kabilang linya. What the! Nabitawan ko ang cellphone at bumaksag ito sa sahig nang mabasa ko ang panganay na pangalan ng anak ni Madam. C.C.M stands for Conrad Ciro Mondragon. Dang it! Kung malas ka nga naman sa buhay. Conrad Mondragon, ang taong pinakaiinisan ko. Siya ang tao na noon ay patay na patay ako, pero ngayon? Huh, heck! Siya na 'ata ang taong gusto kong mawala sa ibabaw ng mundo! . C.M. LOUDEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD